logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

CHAPTER 2

YASHAN's POV
KASALUKUYAN ako ngayong papunta sa Lithan Academy kasama ang iba pang mga estudyante na galing rin sa iba't-ibang paaralan na mula rin sa iba't-ibang kaharian.
Galing ako sa isang maliit na bayan na nasa dulo ng Eranos Kingdom. Ang bayan ng Sintle, may katamtaman lamang na pamumuhay ang mga naninirahan doon. Hindi mayaman at hindi rin naman mahirap.
Kahapon ay bigla na lamang nag-bigay ng anuns'yo ang headmistress ng L.A at sinabi na maaaring pumasok ang mga piling mag-aaral mula sa iba't-ibang paaralan.
Ang mga mag-aaral na ipapadala sa L.A ay dapat may mga ibubuga.
Walang limitasyon ang bilang ng estudyante na maaaring ipadala ng bawat paaralan subalit dapat ay karapat-dapat ang mga ito.
Inilibot ko ang paningin sa paligid at hindi na nagulat pa ng makitang marami kami.
Aabot sa daan ang aming bilang.
Maraming magkakakilala at masasabi kong ako lamang ang walang katabi o kasama na galing rin sa Sintle High.
Ako lang kasi ang masasabing malakas sa paaralan na pinanggalingan ko. Dahil kagaya nga ng sinabi ko kanina, isang maliit na bayan lamang ang lugar namin kung saan bilang lang rin ang mga naninirahan.
Walang propesyunal na guro na siyang maaaring makapag-hasa ng mabuti sa aming mga Vi. Ayan ang isa sa dahilan kung bakit walang panama ang mga estudyante ng Sintle High sa ibang mga estudyante na galing sa paaralan na nakatayo sa lungsod at mas malalaking bayan.
Isa pang problema ay ang mga Vi na mayroon ang mga Lithians sa Sintle High. Mas'yadong simple at normal ang karamihan sa taglay nilang Vi na hindi kailangan pagtuunan ng pansin para paunlarin dahil wala rin namang maitutulong sa pakikipag-digma.
Maaari naman na mag-aral ang mga lithians mula sa bayan namin sa ibang paaralan subalit nasa dulo na kami ng Eranos Kingdom kaya naman magiging pahirapan ang pag-pasok sa ibang eskwelahan.
Malayo rin kasi ang bawat bayan sa isa't-isa lalo naman ang lungsod kaya mas pinili ng mga naninirahan sa bayan namin na manatili nalang sa paaralan na mayro'n kami.
“Aru!” Kinunutan ko siya ng noo matapos niyang ikiskis ang ulo sa pisnge ko
Si Aru ay isang kwago.
Kasama ko na siya bata palang ako.
Nakita namin siya no'n ni ama sa gubat at may tama ng palaso ang kan'yang kanang pakpak kaya naman ini-uwi namin siya sa bahay at inalagaan.
Sinubukan ko siyang palayain but he kept on coming back kaya naman kinupkop ko na siya.
I groaned ng lawayan niya ako.
Damn this playful owl!
Bumabawi ba siya dahil sa ginawa ko kaninang pagpapatakbo ng mabilis sa kalesa kahit natatakot siya? Tss!
I was about to grab him pero bigla nalang siyang lumipad at nawala.
That bastard owl is not ordinary, he can turn himself into an invisible owl.
I sighed at itinuon nalang ang tingin sa labas ng tren.
Kung hindi ko lang kailangan ang kwago na iyon para makapag-padala ng mensahe kay Gineva kahit kailan ko gusto ay hindi ko siya isasama.
Napailing nalang ako matapos maalala ang magulang ko.
Si Geniva ay matalik na kaibigan ng mga magulang ko subalit sa kasamaang palad ay namatay ang mga ito matapos sumulpot ng mga Daralo na higit sa limampu ang bilang sa aming bayan sampung taon na ang nakakalipas.
Sa lahat ng naninirahan sa Bayan ng Sintle ay ang magulang ko lamang at si Gineva ang lithians na may kakayahan na talunin ang mga ito that's why they fought them.
Walang dumating na tulong mula sa ibang bayan maging sa palasyo ng Eranos Kingdom kaya naman nag-sakripisyo ang mga magulang ko para mailigtas ang mga lithians sa bayan namin.
But in the end, hindi nila kinaya dahil bukod sa marami ang mga ito ay malalakas na uri rin ng mga daralo ang karamihan sa dumating.
They died from saving the people in our place.
They leave me for the sake of those people na hindi man lang sinubukan na tulungan sila.
Ikinuyom ko ang kamao tsaka mariin na pumikit.
Back then, I still don't have any power. Hindi pa lumalabas ang kapangyarihan ko na normal lang naman mangyari sa mga lithians kaya hindi rin ako nakatulong masyado but everyone knows that I tried.
My father taught me how to used swords kaya naman kahit papaano ay nakapatay ako ng daralo. Pero s'yempre, hindi iyon naging sapat lalo pa't hindi gano'n kadaling patayin ang mga Daralo lalo na ang lapitan ang mga ito.
Ilang beses akong tumilapon no'n at nabalian ng buto bago ko tuluyang na patay ang isa lamang na Daralo.
My parents didn't noticed me back then fighting with the daralo too dahil akala nila ay sumama ako sa mga kababayan namin upang mag-tago but they are wrong.
I don't want to hide and do nothing.
That's how I managed to witnessed the cruel death of my parents.
I saw it...
I saw everything that happened.
I saw how they died brutally.
I saw it with my own two eyes how my parents got killed by those monsters.
They pulled out their hearts and ate them while looking at me as if they are mocking me.
When Geniva was about to get killed too my power's awaken.
Unbelievable right? Kung kailan wala na ang mga magulang ko ay tsaka pa lumabas ang kapangyarihan ko.
Tila ba pinaglalaruan ako ni Hariya.
But well, atleast kahit papaano ay nagawa kong iligtas kahit man lang si Geniva.
I can't remember what exactly happened that day because I lost control with my power pero ng magising ako ay wala na ang mga daralo.
Geniva whom survived told me that I killed the Daralo but she didn't tell me how I exactly killed them.
May dumating na tulong sa bayan namin na mula sa palasyo makalipas ang isang araw kaya naman na ayos pa ulit ito.
Nalaman rin namin na lahat pala ng bayan sa Eranos Kingdom ay inatake ng mga daralo at dahil nasa dulo na kami ng kaharian ay kami ang huling nabigyan ng tulong.
Hindi rin nakatulong sa Eranos Kingdom ang ibang kaharian dahil inatake rin sila.
Hindi ko alam kung dapat ko ba silang unawain o dapat ko silang sisihin.
I sighed.
I don't really know what to feel towards them.
But everyone knew that it was planned by Vlador. The fvcking king of Dalcila. The bastard leader of Dalthians.
He had no intention of taking down the four kingdoms that day. He's known as a lunatic who enjoyed lithians sufferings at paniguradong nais niya lang makita na naghihirap ang lithians no'ng araw na iyon.
Kahit gusto ng apat na kaharian na gumanti ay mas pinili nilang palagpasin ang nangyari dahil alam nilang mas malakas si Vlador kaysa sa kanilang puwersa.
Bukod kasi sa mga Daralo ay may mga Dalthians rin na alagad si Vlador at hindi man nila gustong aminin pero malalakas ang mga ito.
Matapos nang insidente na iyon ay hindi na iyon naulit pa dahil mas dinoble ang barrier sa bawat kaharian. Nilagyan rin ng mas matibay at makapangyarihan na barrier ang Lupain ng Lithia.
Nakapasok kasi noon ang mga Daralo dahil humina na ang barrier sa Lithia. Matagal kasi silang nanahimik kaya naman nakampante ang mga lithians at iyon naman ang sinamantala ni Vlador upang mag-hasik ng lagim.
Nangyari ang insidente na 'yan sampung taon na ang nakararaan at pitong taong gulang palang ako no'n pero hanggang ngayon ay nasa isip ko pa rin ito at mukhang malabo na iyon na mag-laho.
“Excited na talaga ako!”
Napailing nalang ako sa kumento ng mga estudyante na kasama ko sa tren.
Lahat sila ay nag-uusap at nagtatawanan. Halatang excited talaga sila na makarating sa L.A at makapag-aral.
Hindi kagaya ko na wala namang pakialam sa nangyayari. I actually had no plan to study in L.A but Geniva kept on annoying me.
Ang sabi niya ay pumasok daw ako rito dahil iyon ang gusto ng mga magulang ko no'ng nabubuhay pa ang mga ito.
I wasn't sway by those words but the fact that she'll not stop from annoying me hanggang sa pumayag ako leave me no choice but to agreed with her idea.
Isa pa, naisip kong hindi na rin masama ang pumasok sa L.A. Base kasi sa pagkakaalam ko ay maraming estudyante roon na may mga kamangha-manghang Vi.
I want to see it with my own two eyes.
“Nasaan na kaya si Aru?” Tatayo na dapat ako para hanapin ang kwagong 'yon pero bigla na lamang gumewang ang tren dahilan para muli akong mapaupo
“Listen everyone! Prepare yourselves for a fight because there's a Daralo that attacking us!” Said by the speaker at ang owner ng boses ay mukhang mula sa unahan ng tren
Maybe it's the train operator.
“I repeated. Prepare yourselves for a fight!”
The last words we heard from the speaker bago magkaroon ng pag-sabog sa unahan ng tren.
Most of the students panicked at may kanya-kanyang kumento sa nangyayari dahil ngayon lang ulit sila makaka-encounter ng Daralo matapos sumugod ng mga ito 10 years ago pero marami rin naman ang nanatiling kalmado at mukhang excited pa nga na lumaban kahit alam nilang hindi nila ito inaasahan.
Hindi nila akalain na may makakaharap silang Daralo ngayon gayo'ng hindi pa nila ito nagawang labanan kahit minsan sa buong buhay nila.
And in just a blink of an eye, 30 percent of the students in the train decided to fight against the Daralo while the remaining students choose to stay inside.
Shall I stay here or join the fight?
Hmm...
I smirked before deciding to stood up.
Nag-unat-unat ako tsaka binuksan ang bintana at umapak rito para makaakyat sa ibabaw ng tren.
I indian sit and watched how the students infront of me fought the daralo who looks like a giant ogre.
Mabilis kumilos ang daralo sa kabila ng laki nito kaya naman hindi siya magawang lapitan ng mga kasama kong Lithians.
May tumalsik na estudyante sa tabi ko kaya napangisi ako lalo. Tatayo dapat ito pero hinampas ko ito sa batok dahilan para tuluyan itong mawalan ng malay.
Inayos ko ang salamin sa mata na suot tsaka nag-desisyon na damputin ang nabitawan na bakal ng lalaki.
Tumayo ako tsaka pinasadahan ng tingin ang daralo na kung saan-saan umaatake.
“Let me test this Vi,” Sambit ko bago mabilis na takbuhin ang pagitan namin ng daralo
Tumalon ako sa ere tsaka maliksi na pumatong sa balikat nito.
Ipinulupot ko ang kaliwang braso sa leeg nito tsaka ko inangat ang hawak na bakal, “Die.” Bulong ko bago marahas na ibinaon ang bakal sa kan'yang ulo.
I jumped backward at iniwasan ang kan'yang kamay ng subukan niya akong abutin.
Tss!
So, getting stabbed at the head do not work on this monster huh?
Mabilis kong itinabingi ang katawan ng muntik na ako nitong mahampas ng kan'yang matinik na buntot.
Tiningnan ko ang mga estudyante na wala ring magawa laban sa halimaw.
Tatakbo na sana ako para muli itong atakihin pero na tigilan ako ng bigla na lamang itong sumabog.
Nilingon ko ang pinang-galingan ng wind shuriken na sunod-sunod itong inatake dahilan para sumabog ito at agad ko namang nakita ang dalawang tao.
“Professors from L.A.” Sambit ko matapos makita ang suot nilang kapa na may logo ng L.A sa kanang bahagi ng dibdib.
Maging ang ibang mga estudyante na kasama ko ay napalingon rin sa kanila at bumakas sa mukha ng mga ito ang saya matapos silang makita.
Akmang mag-sasalita ang mga ito at lalapitan sila pero biglang inangat ng babaeng professor ang kan'yang dalawang kamay kasabay ng pag-bigkas nito sa isang hindi maintindihan na salita.
She's chanting a spell, I guess.
Kumunot ang noo ko matapos makita na nakatulala lang ang mga estudyante matapos mag-chant no'ng babaeng Professor kaya naman nilingon ko ito.
Sinenyasan nito ang ilang babae na ngayon ko lang napansin na kasama pala nila. Base sa puting outfit na suot ng mga ito ay paniguradong healer sila.
Nilapitan naman ng mga ito ang mga sugatan na estudyante tsaka sinimulan na gamutin.
“Aru,” Sambit ko ng maramdaman ang pag-patong ni Aru sa balikat ko
Agad kong ginaya ang mga nakatulala lang na estudyante matapos lumingon ng lalaking Professor sa direks'yon ko.
Nang alisin nito ang tingin sa akin ay napabuntong hininga ako.
Muntik na iyon.
“Saan ka galing?” Baling ko kay Aru at itinuro naman nito ang taas ng tren
So, he just watched from there?
Nang matapos sa pang-gagamot ang mga healer ay muling nag-chant 'yong babaeng Professor.
Lahat ng estudyante na nasa labas ay tila robot na lumakad pabalik sa loob ng tren kaya naman ginaya ko nalang rin sila.
Tss. Mukha ako nitong tanga.
Nakatingin na naman kasi sa akin 'yong lalaking Professor.
It will be troublesome kapag nalaman nilang hindi ako tinablan ng vi ng isa sa kanila.
Nang makapasok sa tren ay napansin kong tulala rin ang mga estudyante roon.
Maging pati sila ay kontrolado rin ngayon ng babaeng Professor.
Naupo ako sa aking pwesto tsaka pinanood ang mga estudyante na bumalik na sa katinuan matapos umaandar ng tren.
Masaya na ulit silang nag-uusap na tila ba walang nangyari kanina. It was as if their memory of what happened earlier was deleted.
Nilingon ko ang kinatatayuan kanina ng dalawang Professor at sakto naman na nakita ko silang nag-laho kasama 'yong mga healer
Teleportation.
Paniguradong bumalik na sila sa L.A.
“Bakit ang sakit ng katawan ko?”
Rinig kong reklamo ng ilan sa mga estudyante na kasama ko kaya napangisi nalang ako.
Interesante pala ang mga lithians sa L.A. Hindi na nakakapagtaka kung bakit sikat na sikat ito.
Professors that are capable of killing daralo in just a blink of an eye. Hindi na ako magugulat kung malalakas ang mga estudyante sa L.A.
Iyong lalaki na Professor ay may dalawang Vi. Wind at Teleportation samantalang sigurado naman akong memory manipulation ang Vi ng babaeng Professor.
She's kinda powerful too.
Manipulating the memories of hundred students in just a minutes, Amazing.
Na-e-excite tuloy akong makakita ng mas marami pang Lithians na malalakas rin kagaya nila.
“Get ready everyone, we'll arrive in L.A in a minutes.”
Anuns'yo ng speaker kaya mas lalong umingay ang mga estudyante na bakas na bakas sa mukha ang excitement.
“Get up,” Sambit ko kay Aru na ayaw pang umalis mula sa pagkakaupo sa hita ko
“Hoo?”
“Jeez! Get off and fly.” Asik ko at nang titigan lang ako nito ay binuhat ko nalang siya bago ako bumaba sa tren na ako nalang ang laman dahil kanina pa nakalabas ang mga estudyante na nag-unahan pa nga sa pag-labas.
Nang makalabas sa tren ay agad rin itong umalis kaya naman itinuon ko nalang ang atens'yon sa harapan kung saan bumungad sa akin ang isang mataas na gate na kailangan ko pang tingalain upang mapag-masdan ang kabuuhan.
So, this is the famous academy for lithians huh?
“LITHAN ACADEMY.”
WAKAS NG KABANATA 2

Bình Luận Sách (303)

  • avatar
    Azumihusky

    Interesting story author. Highly recommended. 💞💞💖💖

    15/08/2022

      0
  • avatar
    minaphrodite

    This is a nice story!! Blurb pa lang, maganda na. :> Keep on writing 💗

    17/04/2022

      0
  • avatar
    Rose Galamiton

    love this story ms.a nahanap korin to sa wakas 😍😍😍😍😍

    06/04/2022

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất