logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Chương 5 TEST OF COURAGE

I woke with a subtle breeze of zephyr gently caressing my cheek. Saglit ko munang tinitigan ang puting kisame bago ako bumangon na parang lantang pechay. I hop out of the bed and walk through the floor-to-ceiling draped window. May mumunting liwanag na tumatagos mula doon at bahagya pang umaalon dahil na rin sa saliw ng hangin.
Mapait akong ngumiti at hinawi ang kurtina,
"Day 58, this is Phyxon. The center of all evil."
Pinanood ko ang kalunos-lunos na nangyari sa mga mamamayan ng Hymneah. Lahat ng ligtas-- no, scratch that, lahat ng mapapakinabangan, nasa Phyxon. Lahat ng pinabayaan, sa labas ng boundary,
"Hindi sakit ang papatay kundi ang gobyerno mismo. Sino nga ba namang makapagsasabing demonyo pala ang kinoronahan ng mga tao?" Naiiling na saad ko at patuloy na nagmasid sa labas ng nagtataasang mga pader sa paligid ng Phyxon. Mataas ang gusali at kuwarto kung saan ako itinapon kaya malaya kong mapagmamasdan ang lahat.
Noong nasa Paxon pa ako, noong mga panahong nagkanda-letse-letse na ang lahat, sinusubukan kong pag-aralan kung paano lumaganap ng ganito kalala ang sakit na ito at kung paano ito naging mapaminsala.
Nakita ko noon mula sa journal ni Mom at ilang research paper na hindi simpleng sakit ang Hirudo virus commonly known as Hiruvirus. Direkta nitong sinisira ang central nervous system ng tao. Dahilan para hindi na sila fully functional katulad noong tao pa sila. The virus hinders the infected person to think rationally, talk, and limits their locomotive capability as well. It's as if the pathogens are slowly transforming humans into something more aggressive, unconscious, and carnivorous. Simply, animals.
Mom and Dad has a bunch of chemists, scientists, and medical-related colleagues. Kaya mayroon rin silang access sa confidential information galing sa mga ito. Aside to the fact na under sila ng gobyerno-- lahat naman, kaya may kakayahan silang makakalap ng mga ganoong kaalaman.
I overheard — or let's just say, eavesdropped, one time while they're on phone. The virus was said to came from a genetically mutated leech. Sa Russia daw ito nagmula. Pero palaisipan sa akin kung paanong sa kabila ng dagat-dagat na pagitan ay nakatawid sa Pilipinas ang sakit na 'yon. Also, how possible could a mere leech carry such lethal virus? It's either kagaya nang sinabi nilang, genetic mutation, or forced genetic mutation.
I mean, someone could have made an error-- or, they really had an intent to put that error along the experiment? It all began on the summit where all scientists and chemists worldwide were gathered to create new vaccine. But instead of curing, it made everything worst.
Lahat ng iyan ay hypothetical pa lang. Kailangan ko ng matibay na impormasyon para patotohanan ang nabubuo kong haka-haka.
I went off of my reverie, and fixed myself. Naligo ako at nagbihis ng matino. Mayroon pala sila ditong mga nakalagay na damit sa aparador at ilang mga etseburetseng pangpaganda at pangpabango na hindi ko naman kailangan. Isusuot ko sana ang jacket ni Dad kaso ay may bahid iyon ng dugo, mga palatandaan na kagagaling ko lang sa karahasan. Lumabas ako ng pinto at ikinandado iyon.
Natatandaan ko pa naman ang pasikot-sikot sa loob ng gusali dahil sa atribidang sundalo na 'yon kaya walang problema sa daan palabas. Lalakad na sana ako palayo sa kuwarto ko nang maalala ang mga tao na nasa kabila.
Umikot ako at wala sa sariling naglakad patungo sa tapat ng kanilang pinto. May peephole naman doon kaya doon sana ako sisilip pero laking gulat ko nang may letseng bigla na lang sumulpot sa tapat ng peephole at pinukulan ako ng masamang tingin.
Awkward na lang akong ngumiti at pumihit ng tayo para sana umalis na nang marinig ko ang pagbukas ng pinto,
"You're near to walk with your throat slit open, b*tch."
Natulos ako sa kinatatayuan nang marinig ang pagtataray ng nasa likuran.
Kinakabahan man ay umikot na rin ako para harapin sila,
"Anong meron--- oh." Gumawi ang tingin ko sa babaeng may mahaba at itimang buhok at nakasuot ng pink na sundress.
Ngumiti ito sa akin at bahagyang kumaway, "Hello!"
Hindi ko alam ang itutugon. Ngingiti. Kakaway. Maghe-hello. Nyeta! I hate social cues!
"'Wag ka ngang mag-hello diyan. Mamaya may virus 'yan, e!"
Singhal noong babaeng may maikli at gray na buhok. She's taller than the girl beside her at mukhang mas matanda rin,
"She doesn't look infected naman, e." The girl on pink dress pouts.
Umirap agad ang isa na masama pa rin ang tingin sa akin, "Malamang spy 'yan ng lisa na 'yon kaya virus na rin siya. And can you please stop bursting my bubble? Ihuhulog kita sa building, e."
Gusto kong matawa sa pagtatantrums niya pero pinigilan ko ang sarili ko,
"Ang aga-aga Bray, naghahasik ka na agad ng lagim."
Napatingin ako sa bagong labas na lalaki. Magulo pa ang buhok nito at mukhang bagong gising.
Gumawi ang tingin nito sa akin na humagod mula ulo hanggang paa. I suddenly feel conscious,
"Hi, Miss na taga-kabilang kuwarto na mukhang pinagkaitan ng happy pill, my name is Levander Reposado. But you can call me, baby."
Napangiwi ako sa tinuran nito. Kumindat pa si Levander at bahagyang humalakhak. Ang weird ng pangalan niya. Parang pinag-isipan talaga.
"Hoy, Reposado Jr.! Ang aga-aga napakalandi mo!" Anang babaeng may maikling buhok at kinurot sa tagiliran 'yong Levander,
"What the hell is going on?" May lumabas pang isang lalaki na nakasabit pa sa batok ang headphones. Kunot na kunot ang noo nito habang nakatingin sa tatlo at sa akin,
"Itanong mo sa ispiya ng kulto ni Lisa." Halukipkip noong babaeng mataray.
"Tanungin niyo kaya nang maayos." Sabat ng isang babae na may suot na salamin. Ang lamig magsalita,
"Ano bang pangalan mo?" Tanong noong Levander.
Saglit akong natigilan bago nakakuha ng isasagot, "Trinity."
Tumango-tango naman ito, "Saang district ka galing, Ate?"
Tanong naman noong naka-pink na bestida. Kumamot ako sa batok at sasagot na sana nang magsalita ang bagong dating na lalaki. Violet dyed ang buhok nito at matangkad rin,
"May announcement," Iginiya niya ang kanyang noo sa likod namin kaya wala sa sarili akong umikot at nakita ang isang bilugan at lumilipad na drone. Meron itong dalawang circular wing sa magkabilang gilid na pinalolooban ang elesi,
"Hambalusin ko na ba?" Rinig kong bulong ni Levander na agad namang sinaway ng mga kasamahan.
Maya-maya lang ay laking gulat ko nang bumukas ang gitna nito at biglang umilaw ng asul. Mula doon ay may mumunting dusts na nabuo at pumormang babae. Hologram.
Nakatingin ito sa amin at nasa likod ang magkahawak na kamay. Nakasuot ito ng puting suit at turtleneck insides,
"Good day, Phyxians. This is Lilliene Brook, Head of Phyxon Civilian Management System. We want you all to gather round on the Phyxon Central Auditorium due to some important announcements regarding the plague, and for the selection of factions for newcomers. That is all, and may you all have a wonderful day ahead. Keep safe, everyone."

Bình Luận Sách (84)

  • avatar
    Kha Ia

    nice to ilike thisgame play this game

    4d

      0
  • avatar
    Jarell Distajo

    greatt

    13d

      0
  • avatar
    Rolando Padilla Jr.

    Gghgvvvh

    27d

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất