logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Chương 3 PHYXON

Parang tinakasan na sila ng pagkatao.
I stared at the blue sky. Iniwas ko ang tingin sa mga bangkay na nadadaan namin. Kung gaano kapayapa at kaasul ang langit ay s'yang kinasalungat ng nasa ilalim nito, red and disastrous. I realized more how this pandemic created great havoc in each one's life.
Higit dalawampung minuto narin kaming nagbabiyahe. Sa pagkakaalam ko'y limang oras ang biyahe patungong Phyxon galing sa kinaroroonan ko.
Biglang bumabagal ang sinasakyan naming military truck kaya napadapo ang tingin ko sa tinitignan ng mga sundalo. Isang batang lalaki na nasa sampung metro nalang ang layo sa sinasakyan namin,
"Bata umalis ka diyan masasagasaan ka."
One of the soldiers voiced out inside the military truck
Hindi ba nila ito tutulungan?
Anger arises deep within me as I analysed the situation. Porke't ba madungis at mukhang gusgusin ito kaya hindi na nila tutulungan? Napakuyom ang mga kamao ko sa hindi makatarungan nilang desisyon. Noon pa man ay hindi na pantay at patas ang pakikitungo nila sa mga tao.
Nakita kong pa ika-ika sa paglakad ang bata. Nasaan ang mga magulang niya? Humugot ako ng isang buntong hinga sa iniisip. Tingin ko'y isa narin ang mga ito sa kanila. Kay bata pa niya upang maging ulila. He looks like 10 years old.
Gamit ang na ipon kong tapang ay nagsalita ako,
"Please help him."
Ngunit nakatanggap lamang ako ng isang nakakairitang halakhak galing sa kanila. How dare them? Napaka walang puso nila. They are supposed to protect all human kind ngunit ano ang ginagawa nilang ito?
Ang kawawang batang paika-ika ay agad na natumba. Ngunit bago paman ito tuluyang natumba ay nag abot ang mata namin. His eyes with tears and full of sorrow seems like asking for help,
"Boss sagasaan mo nalang nagmamadali tayo."
Nanuyo ang aking lalamunan dahil sa narinig. Napakawalang kuwenta talaga nila. Ang kaninang nagbabaga pa lamang na galit ay ngayo'y pakiramdam ko'y umaapoy na,
"Napakasama niyo! Napakawalang kuwenta!"
I want to shed a tear pero alam ko na masasayang lamang ito dahil sa mga demonyong ito.
The driver was about to execute the plan when I suddenly made my way to the edge of the truck and jump.
I heard the soldiers uttered a curse.
Dahil sa nakaposas ang dalawa kong kamay kaya nawalan ako ng balanse. Sumalubong sa akin ang magaspang at matigas na semento. Nahulog ako patagilid at naitukod ko ang gilid ng aking balikat at braso.
Tumama din bahagya ang kaliwa kong pisngi. Namilipit ako sa sakit na nararamdaman sa tingin ko'y nabalian ako ng buto. Makikita rin ang pagkagasgas ng aking balat. Ngunit hindi ito ang panahon para unahin ko ito. The child needs my help the most. Kaya kahit nasasaktan ay pinilit ko na tumayo.
Paika-ika akong naglakad papalapit sa bata nang hawakan ng isa sa mga sundalo ang balikat ko.
"Stop right there."
Gusto ko mang manlaban ay hindi kakayanin ng katawan ko.
"Buhatin mo na yang batang yan at iligay sa gilid, para maka alis na tayo."
Agad namang sinunod ng isa pang sundalo ang utos ng kasamahan niya.
"Hoy bata!"
Ngunit hindi ito umimik. Sana ay hindi pa ito patay.
Akmang bubuhatin na ito ng sundalo ay agad itong nanginig. Nakita kung namumutla ang mukha nito at tumitirik ang mata. Veins started getting visible by every minute on its face. At may kung anong puting likidong tumutulo sa bibig nito. It's infected.
Buong lakas na binuhat ng sundalo ang bata at agad tinapon sa gilid. Napatikom na lamang ang bibig ko habang nangingisay sa nasaksihan. Yet I stood still.
"Isakay niyo na ang babaeng yan."
Hindi na ako nanlaban at sumunod sa utos nila. Hindi pa man ako tuluyang nakaka-akyat ay narinig ko ang sigaw ng sundalong bumuhat kanina. Ang batang lalaki na kakina lamang ay hindi na halos makatayo ay naging masigla habang nakatarak ang ngipin sa braso ng sundalo.
I muttered a curse pati narin ang mga kasamahan nitong mga sundalo. Ang sundalong kaninang nakahawak sa aking balikat ay agad akong inangat ng buong lakas upang maka-akyat ako ng madali. Tsaka siya sumunod sa pag-akyat na inalalayan naman ng kasamahan niya. Pagka akyat ay agad agad pinatakbo ng nagmamaneho ang military truck.
Siguro ay namumutla na ako ngayon sa aking nasaksihan. Hinahabol ang aking hininga habang hawak-hawak ang aking dibdib.
"The next time you meddle with our business, we will surely left you kasama ng mga infected na iyon. Do you understand?"
Ani ng sundalo na tumulong sa'kin na may diin at galit. Habang tagaktak ang pawis,
"Yes." Nanginginig na sabi ko.
I pressed my lips together. I felt guilty for the soldier's death. Kasalanan ko talaga iyon. Kung hindi ako nagpumilit na bumaba maaring kasama pa namin ito. Ninais ko lang naman tulungan ang bata. Malinis ang intensyon ko. I didn't know that his body was already invaded by the virus.
Ngunit hindi ito ang tamang oras upang sisihin ko ang aking sarili. Sa ganitong epidemya dapat ay lakasan ko ang loob ko dahil anumang oras ay maaring malagay ako sa panganib. The virus invaded the place right before my eyes. Wala akong ibang magagawa kundi umiwas sa kapahamakan at iligtas ang aking sarili.
Nanatili akong tahimik buong biyahe habang namasid sa mga bangkay na nadadaanan namin. The gore things that I used to see in movies are right in front of me. Halos di ako makapaniwala sa nasasaksihan ko. I can't even call them corpses because of their situation, they are undead!
Halos di na makilala ang iilan dahil mayroong pinunit na ang mukha. Hindi ko naiwasang malanghap ang nakakasulasok na amoy mula sa mga inaagnas na katawan. Nanuot sa ilong ko ang amoy. Halos masuka ako sa amoy ngunit pinipigilan ko na lamang ang aking sarili.
Natigil ang pagmumuni-muni ko ng biglang tumigil ang sinasakyan naming truck. Nakita kong bumaba ang mga sundalo mula sa aming sinasakyan. May isang lumapit sa akin kaya't agad ko itong tinanong,
"S-Saan tayo pupunta?" I muttered.
He gave me an assuring smile and held one of my hands.
"Pupunta tayo sa scanning room para masiguradong wala ni isa sa atin ang naapektuhan ng virus."
Tinulungan niya akong bumaba at sinamahan papunta sa scanning room. While we head towards the scanning room I heard multiple groans. Alam kong narinig din iyon ng mga kasama ko. I frozed for a second before turning my head. Hindi nga ako nagkakamali mga zombies sila at iyon ang sundalo at bata.
Maaring nasundan nila kami habang papunta kami rito. Paika-ika silang lumapit sa'kin. I gulped while stepping backwards. Hindi sila ganoon kalayo sa akin at anumang oras ay maari nila akong kagatin.
Halos maestatwa ako sa kinatatayuan sa kinatatayuan ko. I thought it was the end of me until I heard two thundering gunshots. Biglang humadusay ang kanilang katawan sa harapan ko.
I covered my mouth because of shock. Nangingisay silang dalawa sa lupa dahil sa mga tamang tinamo nila. I can still hear their groans but it is not as loud as before. I feel like they are still clinging to life yet they're no longer alive.
"We are still not sure if they are permanently dead. May posibilidad na mabuhay muli sila kaya tara na,bago pa nila tayo makain."

Bình Luận Sách (84)

  • avatar
    Kha Ia

    nice to ilike thisgame play this game

    4d

      0
  • avatar
    Jarell Distajo

    greatt

    13d

      0
  • avatar
    Rolando Padilla Jr.

    Gghgvvvh

    27d

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất