logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Chương 2 RESCUE

Nawala ang ingay sa madilim na parte ng supermarket na parang narinig ang nagawa kong gulo at hinahanap kung saan iyong nanggaling.
Patuloy akong umatras. Maya-maya lang ay nakarinig ako ng mabibigat na yabag. Hinigpitan ko ang hawak sa balisong at itinutok iyon sa direksyon kung saan ko naririnig ang kaluskos. Habang tumatagal ay bumibilis rin ang hakbang noon na parang tumatakbo na kaya binilisan ko rin ang paglakad paatras. Malapit na ako sa pinto, lalabas na lang, pero kung sinusuwerte rin naman nga ako ay bigla na lamang lumitaw mula sa dilim ang isang duguang lalaki. Natatabunan ng dugo ang mukha at katawan nito, lalo na ang bibig nito na maitim na may umaagos na dugo na pinagsama ng laway.
Mabilis itong tumatakbo pero iika-ika. Parang tanga,
"Run fast, b*tch!" Ani ko sa sarili at kumaripas na ng takbo palabas. Pagkalagpas sa pinto ay dali-dali kong itinumba ang mga magkakapatong na cart sa tabi ng pinto para kahit papaano ay maharangan iyon. Mula sa siwang ng pinto ay napatili na lang ako nang kalampagin ng Hirudo ang glass door.
Wala na akong inhibisyon sa katawan habang tumatakas sa posibleng brutal na kamatayan. It's either memeryendahin niya ako o gagawin ring Hirudo katulad ng mga kauri niya. Habang tumatakbo ay nililingon ko kung nasundan ako, at oo, nasa likuran ko siya. Tumatakbo ng mabilis.
Nagpaliko-liko ako ng daan, time to time ay sinisilip ko kung nailigaw ko na ba. Pero t*ngina, mas lalo silang dumami!
Wala pa naman silang sampu pero sa bilang nilang 'yon ay kayang-kaya na nila akong pagpira-pirasuhin.
Ang mithiin kong makaligtas at makauwi ng buhay ay otomatikong naglaho nang makasalubong ang isang pack ng naglalakad na Hirudo.
Kaagad akong huminto sa pagtakbo at nagpalinga-linga sa paligid-- naghahanap ng maaaring malusutan pero dead end na. Isang diretsong eskinita ito na ang tanging meron ay mga nagkalat na bangkay at mga nakaparkeng sasakyan-- TAMA!
Hindi na ako pwedeng bumalik dahil makakasalubong ko naman ang mga humahabol sa akin. Pati iyong mga nasa kabilang dulo ng kalsada ay nakikihabol na. I'm stuck in between.
Wala na akong ibang choice kundi tumakbo patungo sa pinakamalapit na truck at umakyat sa bubong noon. Nahawakan pa ng isa ang paa ko kaya malakas akong tumili. Pinagtutulungan nilang hilahin ako pababa at wala na akong ibang nagawa kundi isakripisyo ang ipinunta ko dito.
"T*ngina niyo ha!" Bulyaw ko at hinubad ang bag saka ito ipinaghahampas sa mga humihila sa akin. Ilang hapmas rin ang ginawa ko sa mga iyon para bitiwan ako. Ang iba ay lukot na ang ulo dahil sa paghampas ko. Dahil na rin siguro sa de-latang laman nito.
Hindi naman sila mamamatay sa hampas kaya umakyat na lang ako sa tuktok ng truck at tumayo sa gitna. Pinanood ko sila habang sinusubukan akong abutin. Ang iba ay pilit na niyayakapan ang mga kasama para makarating sa akin.
Kahit nanginginig ang kamay sa takot ay pinilit ko pa ring iwasiwas ang hawak kong balisong. Kahit alam kong hindi naman sila tinatalaban ng takot.
Napaiyak na ako sa desperasyong mabuhay. Hindi ko akalain na dito magtatapos ang buhay ko. Sa ganito kabrutal na paraan. Pero wala naman akong kakayahan na takasan ang kamatayan, e. Narito nga't napakaraming naghahabol-- no, umaabot sa akin.
Tumingala na lang ako at naluluhang pumikit. If it's my end, I'm willing to face it. At least, makakasama ko na sina Mom kung nasaan man sila,
"Oh sh*t!" Napamura na lang ako dahil sa malakas na pagsabog na siyang ikinayanig ng paligid. Muntik pa akong mawalan ng balanse at mahulog kung hindi lang ako agad na nakakapit ng mahigpit sa metal grip.
Luminga ako sa paligid na napuno na ng usok. Ilang beses akong umubo habang pinapasingkit ang mga mata para makita ang nangyayari sa likod ng makapal na usok. Pero wala.
"Anong—" Napabulalas na lang ako nang mapuno ng magkakasunod na putok ng baril ang paligid kasunod ng mga bagay na nahuhulog sa lupa na parang mga katawan. Bigla akong nanlamig. Anong nangyayari?
Bigla akong natigilan at parang natulos sa kinatatayuan nang maramdaman ang malakas na hangin na nagmumula sa itaas ko. Dahan-dahan akong tumingala at napamaang nang makakita ng aircraft ilang metro ang taas mula sa akin.
Mayroong lalaking unipormado ng pang-militar na kasuotan na nakatungtong sa labas ng sasakyang panghimpapawid. May nakasukbit sa likod nito na isang mahaba at mukhang mapaminsalang baril. Bumababa ang aircraft palapit sa akin at inilahad naman ng lalaki sa gawi ko ang kanyang kamay na parang sinasabing abutin ko iyon at sumama sa kanya.
Nagbaba ako ng tingin at napaluha nang makita ang mga Hirudo na nakahandusay sa kalsada. Sabog ang mga ulo at nagkalat sa paligid ang mga parte ng bungo at utak.
Sa hindi kalayuan ay naroon ang isang tropa ng mga unipormado ring sundalo habang hawak ang mga baril na ginamit upang paslangin ang mga Hirudo. Naiyukom ko na lang ang kamao ko dahil sa pinaghalong takot at pagkamuhi.
Mga mamamatay tao!
Oo at infected ang mga Hirudo at wala sa sari-sariling diwa, pero hindi naman makatao na paslangin sila na parang mga insekto lang!
Virus lang ito, at lahat ng sakit may lunas! Hindi kamatayan ang sagot!
"Chief, may isang dalagita dito sa itaas ng truck. Mukhang hindi infected, dadalhin ba natin sa headquarters?"
Rinig kong saad ng isang sundalo sa kanyang radyo. Nakatingin ito sa akin habang ang iba ay nagmamasid sa paligid.
Gusto kong ipaghiganti ang mga magulang ko at lahat ng biktima ng gobyerno. Hindi ko alam kung paano. Pero kung makakalapit ako sa mismong sentro ng mga ito ay mas mapapadali ang kagustuhan kong bigyan ng katarungan ang lahat. Mas malapit sa target, mas mainam.
"Sigurado ka bang hindi infected 'yan?"
Rinig ko ang usapan ng mga sundalo na nasa unahan ko. Sinuotan nila ako ng handcuff, iyong makapal na umaabot hanggang sa kalahati ng palapusuhan ko.
Sakay kami sa military truck. Nasa walong sundalo ang kasama ko. Dalawa sa magkabila kong gilid at ang iba ay nasa unahan na,
"Malalaman 'yan pagdating sa Phyxon. Kung gumawa ng karahasan, barilin ninyo agad."
Utos ng isa pang sundalo na nasa tabi ng driver. Gumaya pa ang tingin nito sa rearview mirror at sinalubong ang tingin ko. Maagap kong iniyuko ang ulo ko at halos ay bumaon na sa palad ang aking kuko dahil sa pagkakayukom.

Bình Luận Sách (84)

  • avatar
    Kha Ia

    nice to ilike thisgame play this game

    4d

      0
  • avatar
    Jarell Distajo

    greatt

    13d

      0
  • avatar
    Rolando Padilla Jr.

    Gghgvvvh

    27d

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất