logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Chapter Three

Chapter Three
APRIL 4TH OF 2017
"Kung pwede ka lang sabunutan ngayon Andrew, kalbo ka na siguro." pambabanta ko sa magaling kong kaibigan.
Andrew called right before my alarm rang kaya nagising ako nang mas maaga. Tumawa lang siya sa sinabi ko.
"Alam mo Klara, may benefit din yon. At least nakatakbo ka, nagalaw galaw din yang taba taba mo dyan." pang-aasar niya na nagpaupo sa akin sa kama.
"Ah ganon. Pagkatapos kitang saluhin ginaganyan mo ko?"
Ano pa bang aasahan ko sa lalaking 'to? Magaling lang humingi ng pabor pero pag okay na nakakalimot na. I really wonder how he is my best friend.
"Oh, joke lang. Triggered agad HAHAHAHAHAH. Pero anong tingin mo kay pareng Kolas?"
Napakunot noo ako sa sinabi niya. He calls Nikolas pareng Kolas? What a weird name to call him.
"You mean, Nikolas?"
"Oo, sino pa ba? Ang gwapo 'no?"
Napailing ako sa walang kwenta niyang tanong. I found myself pondering about what happened three days ago when I met that guy. My mind flashes back scenes of him running with me, dozing off on the bus, and smiling to me.
And I am lying if I say he's not handsome. Because, he is certainly attractive. Or at least that's what I think of him.
"Hmm, sakto lang." matipid kong sagot. Kilala ko 'tong si Andrew, paniguradong aasirin ako nito.
"Sus, medyo daw. Aminin mo na Klara, ang gwapo 'no?" bakas na bakas na sa boses niya ang panunukso.
Minsan napapaisip din ako kung lalaki ba 'tong kaibigan ko? Kase sa lahat ng mga lalaking inaasar niya sa akin ay mas kinikilig pa siya kesa sa akin. Pero buti nalang nandyan si Lilian, kaya alam kong diretso 'tong kaibigan ko.
"Bagay kayo, Klara! Bakit hindi kayo mag-"
"Ibaba ko na! Kung ano ano nanaman mga pinagsasabi mo dyan!" bulyaw ko sa kanya.
Hindi ko na mabilang ilang lalaki ang inasar niya sa akin especially during high school days. But he knows I have no time for that. Hanga naman ako sa kanila ng nobya niya dahil ilang taon na sila kahit long distance.
Naiinggit ba ko?
Siguro nung time lang na ginawa ni Lilian yung thesis ni Andrew. Sana all.
"Teka, teka, teka. Magme-meet ulit kayo mamaya ah. Ite-text ko nalang yung location. "
"Andrew, umamin ka nga sa akin! Baka naman sineset up mo lang ako dito ha, talagang masasakal kita."
Ngayon palang ay nanggigil na ko sa kanya. He knows I have better things to do than to see someone.
"Sira, hindi! Talagang kailangan nya lang nang makakasama sa mga sightseeing places dyan. Pero kung ide-date mo bakit hindi? Single naman-"
Binaba ko na ang tawag. Hindi ko na maatim ang mga lumalabas sa bunganga niya. Napahiga ako ulit dahil sa stress na dinadala sa akin ni Andrew.
A best friend should be the source of comfort not a stressor.
My phone chimed and I assume it's Andrew again teasing me, but when I opened my messages it's an unregistered number.
I hope Andrew already informed you about today. See you at 4 pm. And oh btw, good morning. ☕
Although the number is quite unfamiliar, it took me no time to figure out it's Nikolas. Hindi ko pa pala nasa-save sa contacts ko ang number niya.
Kaya cinopy ko ang number niya at pumunta sa contacts para i-save ito. I planned on saving his full name to make it formal, but I realized I have no idea what's his last name. So I went on and typed 'Nikolas', but for an unknown reason I stared at it for quite a moment.
Sa huli ay sinave ko ang contact niya as 'Niko'. I think it suits him well.
I also hope hindi ka na maligaw.
I replied to him pero hindi ko na inantay ang respond niya. Bumuntong hininga ako at tumayo na ng kama. 10 am pa lang naman kaya marami pa kong oras.
I remember how messy my apartment was when I got home that night. Kalat kalat sa sahig at kama ang mga sapatos na nahulog mula sa taas ng closet. My bed was unmade. My dresser was so unorganized. Pero hindi na yon mauulit ngayon dahil may oras na ko para mag-ayos.
After I made my bed, I went to the kitchen to prepare myself some breakfast.
Matapos ang anim na oras ay nakabihis at nakaayos na ako. I decided to wear a baby blue high waist trousers that I partnered up with a plain white shirt. Pinaikli ko 'to sa pamamagitan ng belt para bumagay sa pambaba ko. I settled with a white rubber shoes in case we have some running to do which I wish won't be necessary anymore.
Yesterday, I bought another foundation and I swore to never let it slip off my hands again.
I was ready to go when someone knocked on my door. Maliit na awang lang ang binukas ko sa pinto sapat upang masilip kung sino ang kumatok.
Pero nabuksan ko ito nang buo nang makita kung sino ang nasa labas.
"Dad."
Tinignan nya lang ako at tumuloy na siya sa loob kaya sinara ko na ang pinto.
"Dad, bakit hindi ka man lang nagsabi na pupunta ka?" gulat kong tanong. This is the first time he visited since I moved here.
Hindi siya sumagot agad at pinagmamasdan ang kabuuan ng maliit kong apartment.
"I gave you enough money to get yourself a decent room, Klara."
Napayuko ako sa sinabi niya. I knew he wouldn't like it here.
"This is the only apartment that is closer to the school, Dad." sagot ko.
"I came to visit to at ito lang ang madadatnan ko? " he uttered disappointingly.
Yumuko lang ako at walan gnaisagot sa kanya.
He handed me an envelope kaya tinanggap ko ito. Nang silipin ko kung anong laman ito'y pera.
"May allowance pa naman po ako hanggang next week."
He ignored what I said.
"How's the college application I've told you to work on?" tanong niya.
Napayuko ako dahil alam kong hindi niya magugustuhan ang sagot ko. Lying is not an option because he always knows when I lie.
"Hindi ko pa nasisimulan."
"At ano pang inaantay mo? I already told you that you need to apply immediately. That school has only few slots left and if you missed that, it would be hard to find another school like that. Naiintindihan mo ba ko,Klara?"
Hindi, Dad. Hindi ko pa naiintindihan kung bakit magpa-hanggang ngayon ay kailangan mo pa din akong kontrolin sa mga bagay na dapat ako na ang pumipili para sa sarili ko.
Pero alam kong kung ito ang sasabihin ko ay magkakagulo lang.
"Yes, Dad." sagot ko.
We went outside to eat lunch because he said he hasn't eaten yet. I couldn't say no. Kaya kahit alas-kwatro na at paniguradong inaantay na ko ni Niko ay hindi pa ko makaalis. He also keeps calling but I can't answer it. My dad hate phones during meals.
"Mag-iingat kayo." saad ko habang papasok na si Dad sa sasakyan. Tapos na kaming kumain at pauwi na siya. Hindi na siya sumagot at sumara na ang pinto nito. Tinanguan lang ako ng driver at tsaka nagsimulang umalis ang kotse.
Nang makalayo na ito ay agad kong binuksan ang cellphone ko at naka limang missed calls na si Niko. I called him back but his phone is unreachable.
Nasaan nanaman kaya ang lalaking 'to? Sana naman hindi nanaman siya naliligaw.
It's almost 4 pm at mag iisang oras na kong late sa usapan namin. I read the message he sent.
Did something came up today? I guess we have to postpone. Pero habang nag-aantay ako, I took some great pictures of this procession. Kung susundan ko 'to makakarating ako sa simbahan, right?
3:33 PM
With the message, he attached some photos. Mukhang nakita niya ang prusisyon na nagsisimula na ngayon. Napatingin ako sa kalsada dahil maraming tao na ang lumalakad sunod sunod sa kanya-kanya nilang mga karo na naglalaman ng imahe ni Hesus at ni Mary.
Napansin kong tila ito na ang dulo ng mahabang mga taong naglalakad. Niko sent me a message 17 minutes ago. Kakasimula lang ng prusisyon kaya sigurado ako na kung hahanapin ko siya sa mga tao dito ay makikita ko siya.
Kaya nagsimula na kong tumakbo sa unahan at maingat na hinahanap siya sa gitna ng napakaraming mga tao. Lumipas ang halos dalawampung minuto pero hindi ko siya mahanap. Masyadong mahaba ang linya at marami ang tao.
Kaya sa pagod ay tumigil muna ko sa sidewalk at hinabol ang aking hininga. Sinubukan ko siyang tawagan ulit pero hindi pa din reachable ang numero niya.
"Where are-"
Hindi ko na natuloy ang tanong ko sa sarili ko. Dahil pagtingin ko sa unahan ng sidewalk ay nakita ko na siya. His clothes are more casual than mine. That made me hesitate a bit to approach him.
He's holding a camera and he seems focused on recording the whole scene. He's smiling the whole time. What is there to smile for?
Hindi ko siya agad nilapitan dahil mukhang nag eenjoy siya sa ginagawa niya. So, for a couple of minutes I low-key followed him hanggang sa makarating na kami sa simbahan.
Pero bago siya makapasok ay may naatrasan siyang nagtitinda ng mga prutas. He was so focused that he barely noticed the vendor behind him. Agad nagsilaglagan ang mga prutas at gumulong na ito papunta sa nilalakaran ng mga taong nasa prusisyon.
Mula sa pwesto ko ay rinig ko kung gaano kalakas ang sigaw ng tindera habang pinapagalitan niya si Niko. While he looks down and remained calm. He numerously bow and apologize pero sadyang ayaw siyang tigilan ng tindera. They are starting to cause a scene.
Kaya lumapit na ako.
"Ale, pabili nga po nitong ponkan. Magkano po?" tanong ko sa tindera habang kunwareng namimili sa mga natirang ponkan sa lagayan niya.
Natigilan naman siya kakasigaw at agad agad akong inasikaso. When Niko saw me, his eyes widened but I pretended not to know him.
"Bilhin ko nalang po pala lahat, ale. Para po makauwi na kayo." ngiti kong saad sa tindera na nagpa-kislap naman ng mata niya.
"Nako, talaga ba iha? Hulog ka ng langit dahil itong batang 'to sinagi ang paninda ko at ang daming natapon. Jusko! Hindi kase nag-iingat!" muli niyang sigaw na nagpayuko nanaman kay Niko.
"Pasensya na po talaga." he apologized.
"Hayaan nyo nalang po siyang bayaran yung nahulog niya. Para po makauwi na kayo. May pambayad ka naman diba?" saad ko sa ale at biglang lipat kay Niko.
"Ha? Ah, oo naman. Babayaran ko nalang po. Pasensya na po talaga." saad ni Niko.
Pagkaabot sa akin ng tindera ng mga ponkan na nakasupot ay umalis na ko at nauna nang pumasok sa gate ng simbahan. Magkakatabi nang nakahinto ang mga karo dito at pumapasok na sa loob ng simbahan ang mga tao.
Umupo lang ako sa bench na nandito sa labas at maya maya ay nakita ko na si Niko na pumasok. Mukhang hindi niya ko nakita dahil nandito ako sa gilid kaya dumiretso siyang pumasok sa loob ng simbahan na papuno na sa dami ng tao.
I dialed his number and after a few rings he finally answered it.
"Klara? Nasaan ka?" he asked sounding confused. Rinig ko din sa linya ang boses ng mga tao na nasa loob.
"Lumabas ka dyan." sagot ko.
Agad ko din siyang nakitang lumabas.
"Nandito ako sa gilid." muli kong saad at tinaas ang cellphone ko.
I didn't know why he has to smile the moment he saw me. Naiintindihan ko pa kung bakit ganon siya makangiti kanina habang nagrerecord siya. Maybe he really loves what he was doing.
But, I don't understand why he has to smile at me the same way he smiled for something he enjoys doing.
Second time of meeting this guy, but he already made questions on my mind.
***

Bình Luận Sách (74)

  • avatar
    Lindsayopfaya

    It's the first time I got hooked with all the stories I passed by. My standards are kinda high and the thing that you got my attention is impressive. Keep on writing and have a good day. You did great!

    30/03/2022

      0
  • avatar
    Ashley

    This novel is the best ever book i've read. I loved how the author constructed the story and i also loved how the story end even though (not going to spoil). This novel needs a recognition.The typings is like a professional and the words author used is not a jejewords its like a telanovela. I'm surely going to reread this over and over again. Routing for more works author!!!❤️❤️❤️I gonna recommend this to my friends

    29/03/2022

      0
  • avatar
    Jhonesa Cordero

    love this 💕

    2d

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất