logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Chapter 7: Dead body

Aly
"Lance! " iyak ng mga kasama niya.
Gusto ko mang ialis ang mga titig ko sa bangkay niya ay hindi ko magawa, naramdaman kong hinawakan ni Austin ang kamay ko.
"Austin, " tawag ko sa pangalan niya. Mashinigpitan lang niya ang hawak sa kamay ko.
"Pumasok na tayo sa loob, " bulong naman ni Austin. Gusto kong bumalik sa loob pero hindi ko magawa, hindi makakilos ang buong katawan ko. At isa pa parang may bumubulong sa akin na pagmasdan ko lang ang bangkay.
"Akala ko ba umalis na siya sa lugar na ito? " tanong ng isa sa mga kasama niya.
"Hindi ko alam, sinasabi ko na nga ba eh. Hindi niya tayo iiwan! " sigaw ni Ara.
Ilang sandali pa ay dumating na din ang mga nakakatanda, napansin ko ang mga reaksyon nila. Walang gulat, walang takot. Para bang sanay na sila sa ganitong sitwasyon.
Agad kaming pinapasok sa loob ng mga ito, lahat kami ay nasa loob ng isang kwarto kung saan kanina nag-announce ang mga nakakatanda.
Bigla ko namang hinanap ang mga bagong dating pero halata namang wala sila dito sa loob. Nasaan naman sila nagpunta? Alam na kaya nila ang nangyari? Narinig kaya nila ang sigaw?
Bakit siya namatay? Papaano? Sino ang gumawa sa kanya noon?
"We need to go home, " bulong sa akin ni Austin, tumango naman ako. Sinasabi ko na nga ba, may mali sa lugar na ito.
"Are we allowed to go home? " tanong ko sa kanya.
"Hindi. Sa ngayon, hindi kayo pwedeng umuwi, " nagulat naman kami dahil sa pagsagot ni Ms. Lanie, hindi ko namalayan na nakikinig pala siya sa amin.
"Anong ibig niyong sabihin? Dito lang kami?! " may inis sa tono ng pananalita ni Asa.
"Delikado sa labas, huwag na kayo magreklamo, " sabi naman ni Ms. Sanya.
"Kaya nga dapat umalis na kami sa lugar na ito, " sabi naman ni Beverly.
Tama sila. Mas mabuti siguro kung aalis na kami sa lugar na ito, pakiramdam mo ito pa lang ang umpisa ng mga pangyayaring hindi namin magugustuhan.
"Isa pa papaano si Lance? Iyong bangkay niya? " tanong ni Ara, wala pa rin itong tigil sa pag-iyak. Siguro siya ang pinaka malapit dito, siguro may relasyon sila? Hindi ko alam, pero kakaiba ang kinikilos niya....mali, mas kakaiba ang kinikilos ng mga kasama niya. Akala ko magkakaibigan sila?
"Kami na ang bahala, " tipid na sagot mi Ms. Lanie.
"Anong kayo, hindi ba kayo tatawag ng police o kung sino man ang dapat tawagin?! " bulyaw sa kanila ni Ara.
"Tumahimik ka muma Ara! " sabat naman ni Asa.
"Hindi natin alam kung ano ang nangyari sa kanya, " sabi pa ni Ara.
"Kung may pumatay sa kanya, ibig sabihin nandito lang siya sa may tabi-tabi, " sabi naman ni Beverly.
"Bumalik na lang kayo sa kwarto niyo, " utos ni Ms. Lanie.
Wala naman kaming nagawa, isa pa ayoko namang mag-stay sa kwartong ito. Ang bilis parin ng tibok ng puso ko, alam ko na lahat kami ay nakakaramdam ng takot.
------------
Nakahiga lang ako sa aking kama, kahit anong pilit kong matulog ay hindi ko magawa dahil sa tuwing pumipikit ako ay bangkay ni Lance ang nakikita ko.
Halos mapatalon ako sa gulat nang may kumatok sa pinto, binuksan ko ito at nakita ko si Austin. May dala itong bag, nakatingin lang ito sa akin na halatang may pag-aalala.
"Anong ginagawa mo dito? " tanong ko.
"We should stick together, dito na lang ako matutulog. Huwag kang mag-alala sa upuan o kaya sa sahig na lang ako matutulog, " seryosong sabi nito.
"Ano sa tingin mo ang nangyari? " tanong ko sa kanya.
"Hindi ako sigurado, pero dapat siguro tayo mag-ingat. Huwag kang lalayo ah, parati ka lang sa tabi ko. "
"Wala naman akong mapupuntahan kung hindi sa tabi mo, " biro ko.
"Buti naman, " nakangising sabi niya.
"Hindi ka rin ba makatulog? " pag-iiba ko ng usapan, umiling ito.
"Ako rin, kahit pilitin ko ang sarili ko na matulog ay hindi ko magawa. Nakakagulat lang talaga ang mga nangyari ngayon, isa pa akala ng lahat na tumakas lang siya. Nagkamali tayo, " napabuntong-hininga ako, hindi ko talaga mapigilan ang sarili ko na pag-usapan ito.
"Sa totoo lang, wala naman talagang nag-expect na ganito ang mangyayari. Paano naman parang imposible na may mamamatay sa grupo, parang sa tv lang nangyayari ang mag iyon. Pero nangyari sa atin, at kitang-kita natin na totoo ito, kitang-kita natin ang katawan niya na wala ng buhay, " seryosong sabi ni Austin, nakatingin lang ito sa kawalan at tila iniisip ang mga susunod na sasabihin.
"Hindi kaya siya iyong lalaking sumigaw? " tanong ko, bigla kong naalala ang sigaw na narinig namin noon.
"Sino? " nagtatakang tanong ni Austin.
"Austin, iyong boses nung nakaraan. Iyong narinig nating sumigaw. Naaalala mo ba? Hindi kaya siya iyon, " sabi ko naman. Paaano kung siya nga? Ibig sabihin, dito siya pinatay.
Paano kung dito nga siya pinatay, ibig ba ding sabihin kami na ang sususunod?
"Hindi tayo sigurado doon, huwag kang masyadong matakot, " sabi naman ni Austin. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko, pilit niya akong pinakakalma. Alam ko, parehas kami ng iniisip.
"Pero may posibilidad, " mahina kong sabi.
"Ako ang bahala sa iyo, hindi ko hahayaang saktan ka ng kung sino man."
Aaminin kong medyo gumaan ang loob ko sa sinabi niya, pero hindi ko rin maiwasang magtaka. Bakit sinasabi niya ang mga ito sa akin?
"Bakit ang bait mo sa akin? " tanong ko, nagulat naman siya dito.
"Mabait naman talaga ako, hindi mo lang ako nakikilala, " nakatingin ito sa aking mga mata, nailang naman ako kaya umiwas ako ng tingin.
"Magpahinga ka na, babantayan kita, " dagdag pa nito.
"Hindi nga ako makatulog, " sabi ko naman dito.
"Ipikit mo lang ang mga mata mo, " natatawang sabi niya.
Wala naman ako nagawa kung hindi humiga at ipikit ang aking mga mata, kahit na medyo palabiro si Austin, malaki pa rin ang tiwala ko sa kanya. Hindi ko rin alam kung bakit, siguro kasi alam ko na sa sitwasyon namin ngayon ay siya lang ang kaya kong pagkatiwalaan.
END OF CHAPTER 7

Bình Luận Sách (104)

  • avatar
    Neca Joy Gorre

    Djht

    5d

      0
  • avatar
    Sian Lee

    maganda

    6d

      0
  • avatar
    Seung Yeon Mhicay

    Amazing

    28d

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất