logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Chapter 5: Missing

Aly
Kita sa mga mata nila ang kaba sa nawawala nilang kaibigan.
"Wala ang mga gamit niya sa kwarto, " nag-aalalang sabi ni Ara.
"Aba, baka naman iniwan niya na tayo. Wala namang may gusto pumunta dito eh, no choice lang naman tayong lahat. Baka nagkaroon ng pagkakataong makatakas, " inis na sabi ni Asa.
"Hindi niya ako iiwan! " bulyaw ni Ara sa kaibigan.
"Ano sa tingin mo ang nangyari? " bulong ni Austin sa likuran ko.
"Malay ko, baka umalis nga. Wala daw gamit eh. Halata namang ayaw niya dito, ako nga na nagvolunteer gusto na umalis, siya pa kayang napilitan lang, " sabi ko.
"Kung sa bagay, kung nagawa niyang umalis pwede pala tayong makaalis dito, " nakangising sabi niya.
"Pwede nga pero paano? "
"Hindi ko rin alam, malayo kasi ito sa kabihasnan. Kung pwede lang mag grab, kaya lang walang signal, " sagot naman niya.
"Paano siya makakalayo? " tanong ko pa.
"Ewan maraming paraan, baka nasa tabi-tabi lang siya nakahanap chicks, " nakangising sabi niya.
"Kung sabagay, may nakita akong inn eh, baka andun lang, " sabi ko na lang.
Sobrang pag-aalala ng mga kaibigan ni Lance, sa totoo lang wala naman akong maramdaman na pag-aalala. Oo nga at magkakasama kami pero di ko naman sila kinakausap. Kung may nararamdaman ako siguro...inggit, I mean kung nakaalis nga siya sa weird na lugar na ito, talagang maiinggit ako. Lakas ng loob niya eh. Gusto ko din magkaroon ng ganoon lakas ng loob at para makaalis na dito.
Hindi nagtagal ay pinapunta sila ni Ms.Ana sa opisina, hindi kami kasama dahil hindi naman namin sila close, mabuti naman.
Natigil ang trabaho ng lahat dahil dito, naisipan ko na lang na magpatuloy dahil baka madagdagan ang araw na nandito ako at ayaw ko iyong mangyari.
"Tulungan mo ako dito, " sabi ko kay Austin.
"Sipag mo talaga, " nakangising sabi nito at saka ako tinulungan.
"Baka pagnagsipag ako, maaga nila ako pauwiin. Ikaw bahala ka dito ka magstay, " sabi ko na lang.
"Ayoko nga, gusto ko kasama kita, " sabi naman niya.
"Okay. Sabi mo eh, "
"Bakit ka nga ba nagvolunteer dito? " nabigla ako sa tanong niya.
"Huh? "
"Gusto lang kita makilala kahit papaano, " seryosong sabi niya.
"Ayoko lang sa school, " tipid kong sagot.
"Talaga?! Akala ko naman ikaw iyong tipo na mahilig pumasok sa eskwelahan, " hindi makapaniwalang sabi ni Austin, ngumiti lang ako.
"Hindi kita masisisi, mas masaya nga dito kaysa sa school. Sa totoo nga, mas naenjoy ko dito, " sabi naman niya.
"Kahit weird sa lugar na ito? " tanong ko, tumango naman ako.
"Bakit ka nagvolunteer dito? " tanong ko.
"May malaking rason ako, " tipid na sagot niya.
"Maliban sa iwasan si Sydney o Axel o ang mga babaeng nagkakandarapa sa iyo o ang mga chismosang schoolmate natin? " tanong ko, natawa naman siya.
"Oo, maliban sa kanila, " sagot niya.
"Oo, maliban sa kanila, " sagot niya.
"Pumasok muna kayo, tama na muna iyan, " nagulat ako sa biglaang pagsalita ni Ms. Lanie. Tumango na lang kami at itinigil ang ginagawa.
"Nakakagulat naman siya, " bulong ko kay Austin.
"Sinabi mo pa, "
-------------
"Hi, " masayang bati ni Beverly kay Austin.
Nasa isang kwarto kami, may kalakihan ito at wala masyadong laman. Ito yata ang nagsisilbing auditorium. Dahil walang mga upuan ay nakasalampak kami sa sahig, naghihintay ng kung ano mang sasabihin  nila.
Hindi ko maiwasang mainis, masyadong maingay ang dalawa kong katabi. Dapat humanap na lang sila ng kwarto.
At isa pa hindi ba't nawawala ang kaibigan niya, bakit mas may panahon pa siyang lumandi kesa mag-alala. Okay, medyo judgemental ako, pero kasi hindi ko maiwasang maging uncomfortable sa sitwasyon. At medyo nakakaramdan ako ng inis...konti lang naman.
"Ayos ka lang? " tanong ni Austin.
"Bakit ka mo ba kinakausap? Doon ka na nga sa kanya, " sabi ko naman. Natigilan ako, bakit ganoon ba ang sinabi ko?
Tumingin ako sa kanya at kitang-kita ko ang mukha niya na tila nagpipigil ng tawa.
"Nagseselos ka ba? " tanong niya.
"Ha? Bakit naman ako magseselos? " naiilang kong sabi.
"Huwag kang mag-alala, ikaw lang ang nasa puso ko noon pa, " nakangising sabi ni Austin.
"Huwag ka nga, doon ka na nga, " sabi ko.
"Bakit ka ba naiinis? " nakangusong sabi niya.
"Ang gulo mo kasi eh, " sabi ko, tsaka tumayo.
Gusto ko ng umalis dito sa kwartong ito, lalabas na sana ako ng pinto nang bigla itong magbukas. Naramdaman ko pa si Austin na sumunod sa akin at maging siya ay natigilan din.
"Bumalik na kayo sa kinalalagyan niyo, " nakangiting sabi ni Ms. Ana.
Tumango lang kami at sabay na bumalik sa aming pwesto.
"Ano pong meron? " tanong ni Asa.
"Ano ba iyong announcement? " tanong pa ni Ara.
"May bago kayong mga kasama, " nakangiting sabi ni Ms. Ana sa aming lahat.
Kumunot-naman ang noo ko sa sinabi niya. Akala ko ba kami-kami lang dapat ang nandito?
"Ha? Bakit po? " tanong naman ni Beverly.
"Ayaw niyo ba? Para mas masaya, " nakangiting sabi ni Ms. Ana.
"Eh parang nasa totoong retreat na tayo nito eh, " inis na sabi ni Coby.
"Huwag na kayo magreklamo, " seryosong sabi ni Ms. Lanie.
"Magkakaroon ba kami ng roommate? " tanong naman ni Ara. Oo nga pala, kapag dumami ang mga tao dito, baka magkaroon kami ng roommate, at ayokong mangyari iyon.
"Huwag kayong mag-alala, solo niyo pa rin ang mga kwarto niyo, " sabi naman niya, nakahinga ang lahat ng maluwag. Mukang naeenjoy ng lahat ang kwarto nila, kasama na ako doon.
"Kailan po sila darating? " tanong naman ni Austin.
"Maya-maya lang, " tipid na sagot ni Ms. Lanie at saka ito umalis.
"Palagi atang galit iyong isa, " narinig kong bulong ng isa sa kanila, hindi ko alam kung sino nagsalita.
"Hay, dami namang ganap sa lugar na ito, " sabi naman ni Austin.
"Ano gusto mo na bang umalis dito? " tanong ko.
"Basta kasama kita, " nakangising sagot niya.
Napailing na ako at tumayo, wala akong mapapala sa lugar na ito.
"Saan ka pupunta? " tanong naman ni Austin na sinundan pala ako.
"Ipagpapatuloy ang ginagawa ko kanina, " inis na sabi ko.
"Galit ka ba? " tanong niya, kita ko ang lungkot sa mga mata niya. Na-guilty ako.
"Hindi no, " pilit akong ngumiti.
"Alam mo wala naman akong pakialam sa kahit na sinong babae dito, ikaw lang ang palagi ang pipiliin ko, "nakangiting sabi niya.
"Ano ang ibig mong sabihin? " tanong ko. Hindi ko maintindihan ang gusto niyang sabihin.
"Wala. Kung saan ka, doon din ako, " hindi na ako nakapagsalita pa dahil inunahan na ako nito sa paglalakad.
Sa totoo lang ibang-iba siya sa Austin na kilala ng lahat sa eskwelahan. Pakiramdam ko mas nakilala ko ang totoong Austin sa lugar na ito. Iyon lang yata ang magandang nangyari sa akin dito.
END OF CHAPTER 5

Bình Luận Sách (104)

  • avatar
    Neca Joy Gorre

    Djht

    6d

      0
  • avatar
    Sian Lee

    maganda

    6d

      0
  • avatar
    Seung Yeon Mhicay

    Amazing

    28d

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất