logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Chapter 5

Koal’s POV
Hanggang ngayon, hindi pa rin talaga ako makapaniwala sa lahat na nangyari noong nakaraang linggo. Hindi ko pa rin makalimutan na ang mismong boss ko ang nagligtas sa akin sa rooftop. So…ang ibig sabihin, siya ‘yong napangakuan ko.
Paano kung high-standard siya pagdating sa babae? Patay ako riyan.
Tapos ‘yong tungkol naman sa CCTV footage, unti-unti nang humuhupa ang issue patungkol doon. Hanggang ngayon pinaghahanap pa rin ng batas si Nikko.
Kung hindi lang sana niya naisipan na gawin ‘yon sa akin… siguro naging magkaibigan pa kami ngayon at napatawad ko na rin sana siya. Pero hindi, eh.
“Hay…I wonder how? I wonder why—ay shuta. Kumakanta na pala ako.”  Pero sino kaya ‘yong nagpakalat no’ng footage? Jusko, masyadong halata na si Nikko na naman gumawa no’n, parang loka-loka kong saad sa aking sarili, habang nag ta-type ng mga documents dito sa harap ng computer.
Bumalik na lang ako sa reyalidad nang bigla na lang may bumatok sa ‘kin, aba't!
“Ano ba? Masakit—ay hala Boss, i-ikaw pala,” gulat na sabi ko sabay yuko.
Nakalimutan ko palang na move na ’yong desk ko, sa loob ng opisina ni Boss. Para raw kapag may iuutos siya ay madali lang niya akong mautusan at para na rin walang makakita sa kaniyang ibang empleyado.
Asus pakipot pa, may telepono naman na available kung may kailangan siya, pakunwari pa.
Wew. Kailangan mong tatagan ang loob mo Koal. Remember, maganda tayo! Teka? Parang ang layo naman ata no’n? Napangiti na lang ako nang wala sa oras dahil sa mga pinag-iisip ko.
“Stop smiling, or I will stop that with my own mouth? Choose, “ biglang turan ni boss.
Magrereklamo pa sana ako, pero siyempre tumahimik na ako ‘no? Baka totohanin niya talaga eh, pero seryoso, okay lang talaga. Walang problema.
“So going back to the topic Miss. K,” saad niya ulit sa akin sabay bigay niya sa akin ng mga papeles at kung ano-ano pa. Ano ba naman ‘to, gan’to ba katamad ‘tong si boss? Hindi man lang ma-i-pronounce ‘yong name ko nang maayos.
“Boss, excuse me lang ha, pero it's Koal not K.” Iniisa-isa ko pa talaga ‘yong Koal na part. Baka kasi hindi talaga siya marunong mag-spelling, kawawa naman.
Pero imbes na sumagot siya sa sinabi ko ay malamig lamang na titig ang aking natanggap mula sa kanya. Amputek talaga. Pinaglihi ba ‘to sa sama ng loob?
Lutang na lutang talaga ang utak ko at kahit ni isa ay wala man lang akong naiintindihan sa mga pinapagawa niya at pinagsasasabi niya, ang dami. Hindi rin ako makapag-focus. Paano ba naman, ang guwapo kasi ng kaharap ko.
Pero siguro ako lang ‘yong nakaka appreciate since hindi niya ‘yon makita sa mismong sarili niya. Mga tao nga naman, sabay iling-iling ko.
“Salamat, na tapos rin sa wakas, anong oras na ba? Ay, hala! Alas-otso na! Wala na akong masasakyan nito sa terminal, naman oh!” saad ko at nagmamadaling lumabas ng building. Hindi na ako nakapagpaalam kay Boss, nag-walk out na naman kasi kanina, eh.
Lakad. Takbo. Dapa. Takbo. Takbo. Dapa.
Buwiset, makapagpatayo nga nang sariling kalsada ng makadaan naman ako nang matiwasay. “Salamat nakarating na rin ako—buwiset. Seryoso? Nakailang dapa ako, tapos wala man lang akong maaabutan na sasakyan? Shuta, bumalik kayo rito! Pag ako naging presidente ng bansa, magsisisi kayo!” hinihingal kong maktol sa gilid ng terminal ng bus, sabay suntok ko sa aking kamao sa ere.
Sige, tingin lang kayo diyan basta ako wala nang masasakyan. Paano na ako ngayon? Puwede naman akong sumakay ng taxi eh, kaso ang gold nung bayad.
Masakit sa bulsa, nag-iipon pa ako para sa operasyon ni Papa. May babayaran pa akong renta sa bahay na tinutuluyan ko ngayon.
Pero in the end, pumara na lang ako ng taxi. Lord, patnubayan nawa ang aking bulsa at sana hindi buraot na manong ang masakyan ko. Akmang sasakay na sana ako ng may biglang humintong sasakyan sa harapan ko, kaya napaatras kaagad ako ng kaunti.
Naloloka na ba ‘tong driver na ‘to? Malapit na niya akong masagasaan! May parking lot naman do’n oh? Bulag ba siya?
Lumapit ako sa bintana ng kotse at kumatok doon. “Kuya, pakiusog naman po ‘yang kotse mo. Ayun oh, kita mo ‘yong malaking space doon? ‘Yon ang parking lot, hindi dito,” may ngiting saad ko sabay turo ko sa kanya nung parking lot.
Nakangiti lang talaga ako pero gusto ko na talagang lamunin si Kuya nang buhay.
Napairap na lang ako sa kawalan nang hindi man lang ito nakinig sa ‘kin. “Kuya—”
“Just shut your mouth, and get in!” naiinis na saad niya sa akin. Aba…ang kapal naman ng mukha nito! Eh ikaw nga riyan ‘yong nakaka-abala! At ano raw? Get in? Nak-nang-teteng! May pa maskara-maskara pa sa mukha—wait, sinabi ko ba’ng naka maskara siya?
Marahas na naptingin agad ako sa loob ng kotse ni Kuya at mas ipinasok ko pa sa bintana ang aking ulo upang makita kung tama nga ba, talaga ang hinala ko. Tumingin naman agad siya sa gawi ko dahilan upang mataranta ako’t mahagip ng aking ulo ang bubungan ng kotse.
“Aray!” malakas na daing ko sabay labas ko ng aking ulo sa bintana at nagpa-libot-libot sa gilid ng kalsada habang nakahawak sa sarili kong ulo. Buwiset, ang sakit. Dumudugo na yata. Nagulat na lang ako nang bigla na lang may pumangko sa akin dahilan upang mapakapit agad ako sa leeg nito.
“Boss!” gulat na turan ko. Kasabay nito ang padabog niyang pag-lagay sa akin sa passenger seat dahilan upang mabunggo na naman ang ulo ko sa head board nitong sasakyan. “Aray!” daing ko na naman ulit at nagpa gulong-gulong na naman sa loob dahil sa sakit.
Magkakaroon na yata ako ng amnesia pagkatapos nito!
Kanina pa kami tahimik na dal’wa dito sa loob ng sasakyan. Malayo-layo rin kasi ang bahay ko sa Kompanya. Hanggang ngayon hindi pa rin talaga ako makapaniwala na ‘andito siya at hinahatid ako pauwi. Boss ko kasi siya at ako alikabok lang sa mundo, jusko. Hindi na talaga ako nakatiis at ako na mismo ang bumasag sa katahimikan.
“B-Boss? Matanong ko lang, ano ba’ng ginagawa niyo doon sa terminal? At saka… paki baba na lang ako riyan sa kanto.
"Puwede naman akong mag taxi na lang nakakahiya naman sa ‘yo.” Saad ko sa kanya sabay tingin ko sa labas ng bintana nitong sasakyan.
“Pero kung mapilit ka talaga—” Hindi ko na natapos ang gusto kong sabihin nang bigla na lang niyang itinigil ang sasakyan, kaya napaabante na lang ako at naumpog na naman ang ulo ko sa head board nitong upuan. Buwiset, bakit ba ang malas ko ngayong araw?
“I’m willing to drop you here, if you want.” walang emosyon pa ring saad nito habang nasa kalsada pa rin ang atensyon niya at naghihintay ng magiging sagot ko.
Napatingin naman agad ako sa labas ng bintana at biglang tumindig ang aking mga balahibo sa katawan ng makita kong walang ka ilaw-ilaw sa parteng ito ng kalsada. Lumunok ko sa aking sariling laway.
“M-mapag-uusapan naman natin ‘to Boss ‘di ba? Joke lang ‘yong kanina, okay na ako. Puwedeng-puwede mo na akong ihatid,” natatakot kong turan kay boss sabay upo ko sa kabilang dulo. Walang pasabing pinaandar naman agad niya ang kaniyang kotse at hinayaan ko na lamang siya.
Sinabi ko na rin naman sa kanya kanina kung saan ‘yong bahay ko. Hindi ako basta-basta nagtitiwala sa mga lalaki eh. Pero siguro dahil na rin sa iniligtas niya ako kaya komportable ako sa kanya.
“Ahm!” pambabasag ko ulit sa katahimikan. Paano ba? Ano ba’ng dapat i-topic? Ang tahimik naman kasi, kahit ultimo langaw siguro mahihiyang mag-ingay eh.
“We’re here,” rinig ko na banggit niya sabay upo ko agad nang tuwid dahil sa kahihiyan. Jusko, bakit ba ako nakatulog? Nakakahiya. “Salamat po sa paghatid,” magalang na turan ko sabay bukas ko na nang pintuan ng kotse.
Tumango lamang siya at walang kahit anumang salita ang lumabas sa bibig niya.
Paminsan, ang sarap din baliin ng leeg nitong boss ko eh, pinapasalamatan na nga, pakipot pa rin. Letche.
Habang papasok na ako ng bahay ay may bigla na lang sumagi sa isipan kong ideya.”Paano kaya kung ibahin ko naman ang takbo ng panahon?” Parang tanga kong wika sa ‘king sarili, sabay tango-tango ko sa sarili kong suhestiyon.
I’ve been really curious about this lately.
Pero tama nga ba ‘tong gagawin ko? Hindi naman ako gan’to pinalaki nila Mama, pero gusto ko lang talaga subukan . Lumingon ako ulit sa direksyon ni boss, kung saan hanggang ngayon hindi pa rin umaandar ang kotse nito.
Wait. Wala pa ba siyang balak umuwi? Parang hindi naman niya inaasahang lilingon pa ako sa gawi niya dahilan upang manlaki ang mata niya at dali-daling pumasok sa kotse nito.
“Sandali!” pigil ko pa sa kanya sabay takbo ko pabalik sa kotse sabay dungaw ko sa bintana.
“What now?” Naiiritang saad nito sabay kamot niya ng kaniyang sariling batok at para bang pinagsakluban na nang langit at lupa ang kaniyang pagmumukha.
Umikot muna ako sa kabilang bintana kung nasaan naroon ang driver seat, sabay ngiti ko kay boss nang pagkalawak-lawak.
Ewan ko kung saan ako dadalhin ng katangahan kung ‘to pero…I badly want to try it. With him. Hindi ko rin gustong pakuin ang sarili kong pangako sa rooftop. Baka…ito rin lang ‘yong daan upang matanggap niya ang sarili niya.
Huminga muna ako nang malalim bago tumingin sa pilat nito at tumingin sa mga mata niya. Kinuha niya pala ang maskara niya, habang nag-d-drive siya kanina. Hindi ko napansin,
“Payagan mo akong ligawan ka.” seryosong turan ko dahilan upang manlaki ang mata niya sa gulat.
“W-What!?” gulat na saad niya at nabilaukan pa siya sa sarili niyang laway.
Haha, ang cute.
A/N: #Saanmakakahanap
      -Nang babae na kagaya ni Koal.

Bình Luận Sách (135)

  • avatar
    Kyle Jen Abay

    verygood

    6d

      0
  • avatar
    Neth Ranario

    Nindot

    7d

      0
  • avatar
    Princess Rhianne Berden

    this is so good to read

    11d

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất