logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Chapter 3

Third Person's POV
"Beautiful," may ngiting bigkas ng binata na kasalukuyang nakatingin sa bagong sikat na araw, sabay pikit mata nitong dinama ang hangin na dumadampi sa kaniyang mukha.
"Bakit ba kailangang dito pa talaga tayo sa rooftop mag-usap?" Tinig ng isang babae mula sa'di kalayuan sa kinatatayuan ang narinig ng binata, dahilan upang mapamulat agad siya ng kaniyang mga mata. Dali-daling nagtago sa pinakamalapit na p'wedeng pagtaguan ang lalaki, pero sapat na ang distansya ng binata upang marinig pa rin ang mga pinag-uusapan nila.
"Stop this bullshit, Nikko Himenez! At 'wag na 'wag mo 'kong ma tawag-tawag na Kelly, that's all in the past! At kung ano man ang meron tayo noon, puwes noon 'yon. And please, matagal ko nang binaon 'yon lahat sa limot, Nikko!" malakas na sigaw ng isang babae habang ang binata naman ay nakikinig lamang sa pinag-uusapan ng mga ito sa isang tabi.
Nagtaka na lamang ang binata ng biglang natahimik ang mga ito kaya kahit labag sa kalooban niya ay dahan-dahan niyang hinawi ang pinagtataguan niyang karton upang makita kung ano na ang ginagawa ng mga ito at baka may milagro nang nangyayari, ngunit bigla na lang nanlaki ang mga mata ng binata dahil sa kaniyang nasaksihan.
"What the fuck is he doing?" hindi makapaniwalang saad ng binata sa kaniyang sarili, habang nakamasid pa rin sa dalawa.
Nakikita ng binata kung paano kinaladkad ng lalaki 'yong babae habang ang babae naman ay iyak lang ng iyak at pilit na nag pupumiglas mula sa hawak ng lalaki. Dinala ng lalaki ang babae sa edge nitong rooftop, kasabay din naman no'n ang pagkuyom ng kamao ng binata na nakamasid lamang sa kanila.
"Fuck this, sh*t!" Naiinis na saad ng binata sa kaniyang sarili, hindi na nag dalawang isip ang binata at kinuha na nito agad ang pinaka malapit na kahoy na nasa kaniyang likuran. Sabay punta niya agad sa likuran ng lalaki at malakas na ipinalo niya sa ulo nito ang napulot niyang kahoy. Mabuti na lang at hindi ito gaano katigas kaya sigurado ang binata na buhay pa ito.
"You're a fucking guy, but you're treating a woman like she's just a dust, huh?" puno ng sarkasmong saad ng binata sabay talikod agad niya sa direksyon ng dalaga. Natatakot siyang may maka kita sa kaniyang mukha. Ayaw na ayaw niya 'yon. Akmang aalis na sana ang binata ng bigla na lang magsalita ang dalaga.
"H-Help me...p-please," utal-utal na saad nito sa kanya at bigla na lang itong natumba at nawalan na nga ng malay, dahilan upang saluhin agad ng binata ang katawan nito. Ginulo niya ang kaniyang sariling buhok dahil sa iritasyon. "Fuck. Bakit ko pa kasi naisipang makialam?" Naiinis na tanong ng binata sa kaniyang sarili sabay pangko nito sa dalaga at dumaan sa pribadong daanan nito.
Koal's POV
Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata at nagtaka agad ako dahil bakit puro puti lamang ang mga nakikita ko? Hindi kaya patay na ako? Ito na ba ang sinasabi nilang afterlife?
Patay na ba talaga ako? tanong ko sa'king isipan at agad agad na bumangon dahilan upang mapadaing agad ako at mapabaling ng tingin sa aking palapulsuan.
"Kailan pa ako nagkapasa rito?" tanong ko sa aking sarili't nilibot ang buong paningin sa kabuuan ng kuwartong ito. "Para ka talagang tanga Koal, nasa hospital ka lang pala," saad ko sa aking sarili sabay tampal ko sa aking noo.
"Lesson learned Koal, na kahit kilala mo pa 'yong tao...'wag na 'wag kang magtitiwala ng basta-basta," may diing paalala ko sa 'king sarili.
"Mabuti naman at gising ka na, Miss."
"Ay takteng palaka na may kalabaw sa ibabaw-ano ba!"inis na saad ko, sabay baling sa aking tagiliran ng tingin para hanapin kung sino ang nagmamay-ari ng baritnonog boses na 'yon.
Ngunit bakit nakatalikod siya sa 'kin? At naka-hood pa, kulto yarn?
"Ikaw ba ang... nagdala rito sa 'kin sa hospital, kuya?" tanong ko sa kanya, gusto kong malaman kung siya ba talaga 'yon. Hindi ko nakakalimutan kung ano ang binitawan kong pangako sa rooftop kanina.
"Isn't it obvious?" sarkastiko nitong sabi sa 'kin habang naka talikod pa rin ito sa aking direksyon. Shuta, napahiya ako ro'n ah?
"O-Oo nga 'no?" Parang timang kong sabi pabalik sa kanya sabay kamot ko sa aking batok upang maibsan naman ang aking pagkapahiya. Pero bakit ba naka-hood siya? Ang init kaya ng panahon ngayon. Hindi ko tuloy makita pagmumukha niya, sigurado akong may hitsura siya, sa tindig pa lang kasi.
"S-salamat pala sa pagligtas mo sa akin sa rooftop, at saka... puwede bang pakitanggal naman 'yang hood mo? Para mapasalamatan naman kita nang harap-harapan?" Ang sabihin mo Koal, gusto mo lang talaga makita pagmumukha niya!
Hindi ko alam, pero no'ng sinabi ko 'yon ay pumunta agad siya sa pintuan at i-ni-lock ito. Dahilan upang manginig agad ang kalamnan ko dahil ro'n.
"A-Anong-" Hindi ko na natapos 'yong gusto kong sabihin ng bigla na lang niya itong pinutol.
"Relax...I don't have any plans on doing that to you," seryosong saad ng lalaking sumagip sa 'kin dahilan upang mapaangat agad ako ng aking ulo.
Bakit parang...
Ligtas ako 'pag andiyan siya?
"You want to see my face, right?" tanong niya sa 'kin. "Oo?" Hindi ko rin siguradong sagot pabalik sa kanya. Bakit ba kailangan pang i-lock 'yong pint-Oh. My. God. Nanlumo naman agad ako dahil sa aking nakita.
"Are you happy now?" puno ng sarkasmong tanong niya sa 'kin sabay suot niya ulit ng kaniyang hoodie jacket at maskara, upang matakpan niya ang pilat niya sa kaniyang mukha. Hindi ako makagalaw, walang mga katagang kumakawala sa 'king mga bibig.
"Okay ka lang ba? H-Hindi ba siya masakit?" nag-aalalang tanong ko sa kanya. 'Yon lang talaga ang unang pumasok sa aking utak pagkatapos kong makita ang pilat niya sa kaliwang mata. Parang nagulat naman agad siya dahil sa aking tanong.
Bakit? May mali ba sa tanong ko? Mahirap sigurong dalhin 'yan... ang tapang niya dahil hindi niya naisipang iparetoke ito. Pero ang nakaagaw talaga ng atensyon ko ay ang napakaguwapong pagmumukha niya. Dumagdag pa ang kaniyang pilat sa mukha na mas lalong nagpapalakas ng dating niya.
May sayad na nga talaga siguro ako sa utak, piping saad ko sa'king sarili at binalingan ulit siya ng tingin, habang nakaupo na pala siya sa sala. Bumalik na lang ako sa reyalidad nang napukaw ako sa mga katagang pinagsasabi niya.
"I know I look like a monster Miss, no need to slap it at my face."
Huh? Anong pinagsasabi niya? Hindi kaya...may nakikita siyang halimaw na hindi ko nakikita? O, multo?
"May third eye ka ba? Oh my god. Asan na 'yong halimaw? Nasaan!" Naghy-hysterical na ako kaya naman wala na akong choice at tumakbo agad ako sa gawi niya at itinago ang ulo ko sa loob ng kaniyang leather jacket. Sabihan niyo na akong tsansing, pero takot talaga ako sa multo, letche!
"N-Nasaan na? May nakikita ka ba talagang hindi ko n-nakikita? Please, sabihin mo na kasi!" saad ko habang nakasubsob pa rin ang mukha ko sa loob ng jacket niya. Kaya nga hindi ko gustong umuwi ng masyadong late na eh, dahil natatakot ako.
Hmm, ang bango niya... parang wala sa wisyo kong saad sa 'king isipan.
"Aren't you afraid of me, Miss?" Napaangat agad ako ng tingin sa kanya dahil sa tanong niya at binigyan siya ng nagtatakang tingin.
"Ano ba'ng pinagsasabi mo? Ay hala, shuta," wika ko sabay layo nang kaunti sa kanya. "Naka-kapit pa pala ako, sorry," nahihiya kong dagdag.
"What I mean is...I am the monster myself. Figuratively, not literally." May diin ang mga salita niya sa akin kaya napakunot naman agad ako ng aking noo.
"Bakit mo ba sinasabi na halimaw ka? Tao ka naman ah, at saka yung kinikilala kong mga halimaw, ay 'yong mga walang puso. Pero sa tingin ko...hindi ka naman ganoon, hindi ba? Niligtas mo pa nga ako," mahabang litanya ko sa kanya sabay baling ng tingin sa peklat niya sa mukha.
Sayang, hindi ko na makita. Nakamaskara na kasi siya.
Ewan ko ba, pero the more I see it, the more I like to touch those scars of him. Jusko Koal, maghunos dili ka. Kagagaling mo nga lang sa isang toxic relationship, malapit ka na ngang ma gahasa hindi ba? Kaya umayos-ayo ka riyan. Kastigo ko sa aking sarili.
"Didn't you see my scars? I'm a mess!" Nagulat naman agad ako dahil sa pagtaas niya ng kaniyang boses sa 'kin at ano raw? 'Di ko nakikita? Shunga ata 'tong lalaking 'to, eh!
"Siyempre nakikita ko, ano ako bulag, ha? Eh ano ngayon kung may pilat ka? Hindi ibig sabihin no'n na ituturing na kitang halimaw at kukutyain na kita! Wala akong karapatang gawin 'yon, dahil tao ka rin na dapat igalang! Nakadepende 'yon sa pag-trato mo sa 'kin. At hindi nakabase sa panlabas na anyo mo, kundi sa kabutihang nakapaloob dito." Itinuro ko ang kaniyang puso.
"Ibahin mo ako sa mga mapanghusgang tao! Wala akong pake, kung anong tingin ng ibang tao sa 'yo! Ang guwapo mo nga, eh!" pagalit na sigaw ko sa kanya at doon ko na lamang na pagtanto ang huling mga katagang lumabas sa bibig ko, dahilan upang mapahawak agad ako sa sarili kong bunganga.
Nakakahiya! Kainin mo na ako lupa, now na! Letche!
"A-Anong sabi mo?" Parang 'di makapaniwalang tanong niya sa 'kin,
"H-huh? May sinabi ba ako? W-wala naman ah." pagmamaang-maangan ko pa sabay talikod na sa gawi niya at inilibot ang aking tingin sa kuwarto at sumipol na lang upang mawala ang aking hiya.
Ayoko nang mabuhay sa mundo! Buwiset!

Bình Luận Sách (135)

  • avatar
    Kyle Jen Abay

    verygood

    6d

      0
  • avatar
    Neth Ranario

    Nindot

    7d

      0
  • avatar
    Princess Rhianne Berden

    this is so good to read

    11d

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất