logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Chapter 4

"Deep down, I think everybody wants to be 'the one' to someone. I don't know if I've ever been that person to anyone else – but I do know you are that person to me. You are the one. The only one. And you always will be."
WHO?
***
NANG-HIHINANG napasandal ako sa sandalan ng kotse ko at pinikit ang mata sabay inalala ang naging usapan sa office ni Tita Dawn kanina.
"Everyday is your training. After your class, Tred will fetch you at sabay na kayong pupunta dito sa Hospital. Siya ang mag-t-training sa'yo at the same time ang maghahatid-sundo sa'yo. That's your father's favor."
Every time pumapasok sa isipan ko ang mga katagang binitawan ni Tita Dawn kanina ay tila hindi pa din ako makapaniwala.
I mean, that's not my dad! He will never do that. He will never asked a favor to anyone else. Mas gugustuhin niyang siya mismo ang mag-solve sa isang bagay kaysa humingi siya ng pabor sa ibang tao. Sobrang taas ng pride niya.
Kaya hanggang ngayon ay hindi pa din ako makapaniwala.
Napabuntong-hininga ako at dinilat ang mata.
In-start ko na ang engine ng sasakyan ko at pinasidad na ang daan papuntang bahay.
I think it's already lunch time but I don't care. All I want to do right now is to sleep. This is so tiring. I mean, para sa iba walang gaanong ganap pero para sa akin napakadami ng nangyari ngayong umaga.
Siguro pagkadating ko sa bahay ay tatanungin ko na lang si dad regarding sa favor na hiningi niya kay Tita Dawn.
Sana lang talaga ay nasa bahay pa siya.
Napabuntong-hininga ulit ako habang ang atensyon ay na sa daan.
Maya-maya pa ay nakadating na ako sa Village namin at agad din naman akong pinapasok ng guard. Tipid na nginitian ko lang sila at tinahak na ulit ang daan papunta sa bahay namin.
Mabilis na nakarating ako sa bahay namin at pinark ang sasakyan ko. Siguro ten minutes lang simula sa SHMH hanggang dito sa amin. Wala naman kasing traffic kanina. Well that's good dahil gustong-gusto ko na umuwi.
Pinatay ko ang engine ng sasakyan at nilagay sa bulsa ang susi. Kinuha ko na din ang cellphone kong na sa ibabaw ng headboard.
Binuksan ko na ang pinto ng sasakyan at lumabas na dito.
Malalaking hakbang ang lakad na papunta sa main door. At ng na sa harap na ako ng pinto ay agad akong napahinto sa tapat nito dahil sa mga boses na naririnig ko mula sa loob.
What he's doing here? Hindi ba ay na sa SHMH pa siya?
Hindi na ako nakatiis at pumasok na sa loob. At tama nga ang nasa isip ko.
Tred is here.
"Tred?" kunot-noong tanong ko.
Mabilis na napaharap sa akin ito at si daddy na kausap niya.
Siguro kung katulad pa ako noon na mabilis magulatin at kabahan ay kinabahan na ako sa way ng pagtingin nilang dalawa. Sabay kasi silang humarap sa akin na may "cold aura" if you know what I mean.
"I'm going,"
Tulad kanina ng marinig ko ang boses niya ay nagtayuan ang mga balahibo ko sa lamig ng boses niya isama mo pa ang way ng pagtingin niya sa akin na walang emosyon at sobrang lamig.
Feeling ko once na magtabi sila ng matagal ni daddy ay parehong maninigas sa lamig ang makakakita sa kanila dahil sa lamig ng aura nila.
"Okay."
Tumango naman si Tred sa sinabi ni Dad at nagsimula ng maglakad papunta sa kinatatayuan ko.
Bahagya itong huminto ng magkatapat na kami ng tayo.
Wala sa sariling napasinghap at napalunok ako ng malanghap ko ang natural na amoy nito. Very manly.
"See you tomorrow." mabilis na napatango ako sa sinabi nito at ramdam na ramdam ko pa ang lamig ng hininga nitong tumama sa pisngi ko.
His breath, temperature and Expression. All of them are cold like an ice.
Mabilis na nagpakawala ako ng hininga ng lumabas na ito ng tuluyan.
Ngayon ko lang napansin na kanina pa pala ako nagpipigil ng paghinga.
"Addane."
Mabilis na nag-angat ako ng tingin at napansing nakatingin na pala sa akin si Daddy na nakakunot-noo na.
Nakita niya kaya ang inakto ko sa harapan ni Tred? Oh c'mon sana naman hindi.
'Malamang sa malamang Addane oo, e' kanina pa na sa harapan mo ang daddy mo.' lihim na napa-face palm ako. Oo nga naman.
"Yes dad?"
Gusto kong palakpakan ang sarili ko for not stuttering.
"Dawn tell you everything right?" tumango naman ako sa sinabi niya. Tumango-tango naman siya pero hindi mo pa din makikitaan ng kahit anong emosyon ang ekspresyon nito. "You're going to Cloven University tomorrow."
Mabilis na napakunot ang noo ko. Bukas na din ba ang pagpasok ko sa school? Saka wait---Cloven University. As in Cloven? Pag-aari nila Trevor?
Nasagot ang mga katanungan sa isipan ko ng magsalitang muli si daddy.
"Tomorrow is your first day, don't be late. Trevor will fetch you tomorrow morning." matapos niyang sabihin 'yon ay umalis na siya sa harapan ko at lumabas na ng mansion.
Napabuntong-hininga naman ako. Kakauwi ko lang kahapon pero napaka-dami na agad ganap.
Naiiling na umakyat na ako sa itaas at pumasok sa kwarto ko.
Ni-lock ko na lang ang pinto ng kwarto ko dahil ayoko munang magpa-istorbo ngayon. I want to rest. Feeling ko ngayon ko pa lang naramdaman lahat ng pagod. Simula sa jetlag kahapon hanggang sa mga sinabi nila ngayon.
Gusto ko muna i-absorb ang lahat.
Umupo ako sa kama ko at sa hindi malamang dahilan ay napatingin ako sa study table ko at nakita ang payong.
Tumayo ako at kinuha ito kasama ang note na nakalagay dito.
'It will rain.' napailing naman ako sa nabasa ko.
Siguro nga nantitrip lang ang nagbigay nito dahil hindi naman umulan ngayon.
Ngunit ganon na lamang ang pagkagulat ko ng biglang kumulog kaya naman mabilis na tumingin ako sa veranda.
Sobrang dilim ng kalangitan at sunod-sunod ang pagkulog at kidlat na may kasabay na malalakas na patak ng ulan. What the heck? Sobrang tirik pa ng araw kanina sa pagkakaalam ko.
Naiiling na binaba ko ang payong sa study table.
Kinuha ko naman ang cellphone sa may bulsa ko at naglakad patungo sa tapat ng kama ko kung saan nakalagay ang flat screen TV at speaker sa magkabilaan. Kinuha ko ang connector at sinaksak dito ang cellphone habang ang dulo ng isa pang saksakan ay sa speaker.
In-open ko ang cp ko at clinick ang play music na kasabay ng pagtugtog ng isang pamilyar na kanta ni Frankie Sinatra na Fly me to the moon but the slower and female version one.
Umalingangaw ang buong kanta sa buong kwarto. Napangiti naman ako at nilapag na ang cellphone sa ibabaw ng speaker.
Nagtungo ako sa kama at humiga dito.
This is so damn relaxing.
Akmang pipikit na ako ng biglang may sunod-sunod na katok akong narinig. Damn.
Napabuntong-hininga ako at tumayo sa kama patungo sa pintuan.
Binuksan ko ang pinto at tumambad sa akin si Nani na may hawak na brown envelope kaya naman napakunot-noo ako dito.
"Nani?" nag-angat ito ng tingin sa akin at ngumiti na kasabay ng pag-abot niya sa'kin ng brown envelope.
"Sabi ng daddy mo ay iabot ko na lang daw ito sa'yo dahil nakalimutan niya kanina. Schedule daw ito para bukas sa papasukan mong paaralan."
Napatango naman ako at kinuha na ito sa kaniya. So naka-enrolled na din pala ako? I wonder kung anong course ang kinuha ni Daddy sa'kin.
Well I'm not expecting anymore. Isa lang naman pwede niyang kuning kurso ko. Kung hindi ang may kinalaman sa business niya.
"Kumain ka na din pala sa baba iha, tanghalian na at alam kong hindi ka pa nagtatanghalian."
Nginitian ko naman si nani at sumagot. "Wala po akong gana kumain ngayon nani, gusto ko na lang muna magpahinga. Kung may dumating man na bisita sa akin, pakisabi na lang po na ayokong magpa-istorbo."
Napatango naman siya. "Osige kung 'yan ang gusto mo." aniya sabay ngiti at nagpaalam ng bababa.
Sinara ko na lang ulit ang pinto ko at dala-dala ang envelope na umupo sa kama.
Binuksan ko ang envelope at kinuha ang mga papel na nasa loob.
Binasa ko ang unang papel at ganoon na lamang ang panlalaki ng dalawang mata ko sa nabasa. What the actual fck.
Name: Addane Z. Groswell
Age: 19 years old
Course: MBBS
Schedules and Subjects: (First Semester)
• Biochemistry - 8:00 - 9:30
9:30 - 10:00 (Break Time)
• Physiology - 10:00 - 12:00
12:00 - 1:00 (Lunch Time)
• Gross Anatomy - 1:00 - 2:00
• Histology - 2:00 - 3:00
3:00 - 3:30 (Break Time)
• Primary Health Care - 3:30 - 4:30
• Neuroscience 1 - 4:30 - 5:30
Paulit-ulit kong binasa kung tama nga ba ang nakalagay na course and subjects ang na sa papel. Siguro ten times kong binasa hanggang sa--
"Shit! Shit! Kyaaah!"
Am I dreaming? Kung oo sana 'wag na akong gisingin pa.
This is my freaking dream for goddamn'sake!
Mabuti na lang ay malakas ang ulan at ang tugtog na nagmumula sa labas at kwarto ko. Dahil kung hindi ay paniguradong mabilis na kumakatok na agad si nani dahil sa sigaw ko.
I'm so freaking happy and shock. I mean, si daddy? Si daddy pumayag na mag-aral ako sa course na gusto ko? That's new!
Pero sabi nga nila, may bagay at rason kung bakit ginagawa ng isang tao ang mga bagay na makakapagpasaya sa'yo. At kung ano mang rason ni daddy 'yon ay hindi ko alam.
Dahil ang tanging alam ko lang sa ngayon ay sobrang saya ko.
Kung sasabihin ko ito kila Lili at Trevs ay paniguradong magiging masaya din sila. Alam kasi nilang gustong-gusto ko maging isang doctor o surgeon at maging isa sa mga magagaling na surgeons sa SHMH.
Nangingiting napahiga ako sa kama ko habang hawak ang papel ng schedules ko.
Sobrang saya ko talaga ngayon and like I said before, kahapon lang ako dumating galing L.A pero napakadami na agad ang naganap ngayon. Paano pa kaya sa susunod na mga araw?
I hope it will more exciting.
Nga pala, hindi lang pala isang papel ang na sa envelope and how about my schedule for tomorrow training?
Mabilis na umupo ulit ako sa kama at tinignan ang pangalawang papel.
Isa itong kulay Red and black paper. Isang letter na galing sa SHMH mismo. Napansin ko din'g may nakalettering sa itaas ng papel na nakalagay ay 'St. Hernaez Medical Hospital' na kulay ginto.
Agad na bumaba ang tingin ko sa letter at binasa ito.
To: Ms. Addane Groswell
It's pleasure to meet the most beautiful heiress of Groswell Corporation. I'm happy that I'm the one who will train you.
Truly yours,
TLD
Habang binabasa ko ang letter, hindi sa malamang dahilan ay bumibilis ang tibok ng puso ko hanggang sa natapos ko itong basahin at kung kanino ito galing. Initial lang ang nakalagay ngunit alam na alam ko na kung kanino ito galing.
Napahawak ako sa dibdib ko ng mas bumilis at lumakas pa ang tibok nito. Ni-hindi ko na nga marinig pa ang lagaslas ng tubig ulan at ang tugtog na nagmumula sa speaker ko dahil ang tanging naririnig ko lang ay ang traydor kong puso.
What the hell is happening to me?
Bakit ko ito nararamdaman sa kaniya? Sa kaniya na ngayon ko lang nakilala? Ang tanong---
Ngayon nga lang ba?
Napabuntong-hininga ako at pinasok na lang ang mga papel sa loob ng envelope at nilagay na ito sa study table ko.
Nang-hihinang humiga ako sa kama ko at wala sa sariling nakatitig sa kisame.
Nababaliw na ata ako.
Nababaliw na ang puso ko.
Sa kaniya.
Hays, what did you do to me Tred? The last time I know you are just a stranger, then the son of Famous Cardiothoracic Surgeon. But other than that? Nevermind.
Napabuntong hininga ako at pinikit na ang mata.
Maybe I need a long-long rest.
*****
*BANG!*
*cough*cough*
"Mom!"
Mabilis akong tumakbo patungo kay mommy na ngayon ay nakahiga na sa sahig habang naliligo sa sarili niyang dugo.
"M-mom..."
Lumuhod ako dito at tuloy-tuloy na naglandas ang mga luha galing sa aking mata.
Iniangat niya ang kanang kamay at hinaplos ang pisngi ko.
Ngumiti siya sa akin at pilit na nagsalita.
"D-dane s..sweetie, T-take care okay? A-always remember that mommy's always love you..."
Sunod-sunod akong umiling ng akma nitong ipipikit ang dalawang mata. No!
"M-mom? No! P-please don't close your eyes mom, p-please. You love me right? Please wake up, m-mom...w-wake up."
Sunod-sunod na dumaloy ang mga luha ko at tila hindi ito nauubos sa dami ng paglabas nito.
Hinawakan ko ng mahigpit ang kamay ni mommy ng bumagsak na ito sa sahig.
Tulala at umiiyak na nakatingin lang ako sa mommy ko na ngayon ay nakapikit na ang dalawang matang nakahiga sa sahig habang naliligo sa sarili niyang dugo. Tila hindi na siya makilala dahil sa mga dugong nagkalat sa kaniyang katawan at mukha.
"Aley!"
Mabilis akong tumilapon sa kung saan dahil sa lakas ng paghampas sa akin. Ngunit kahit sa pagtilapon kong iyon ay wala akong maramdaman.
Sobrang manhid na ng buong katawan ko. Kahit anong sakit ay hindi ko maramdaman basta ang tanging alam ko na lang sa mga oras na ito ay sunod-sunod ang pagbuhos ng mga luha ko habang nakatingin kay mommy na ngayon ay yakap-yakap ni daddy habang umiiyak na din ito.
Mas lalong bumuhos ang mga luha ko at napahawak sa bibig ko para hindi makagawa ng ingay. Ngunit may nahawakan ako sa aking labi na malapot kaya agad akong tumingin sa kamay ko. Bloods.
Dumudugo ang bibig ko at ganoon din ang noo at ilong ko. Ngunit---ngunit wala akong maramdamang sakit.
Tumingin akong muli kila mommy at daddy. Kumalas si daddy sa pagkakayakap kay mommy at inihiga ito sa sahig.
Tila nanigas ako sa aking kinauupuan ng tumingin sa akin si daddy na nanlilisik ang mga mata.
Sa isang iglap ay bigla itong napunta sa harapan ko at kitang-kita ng dalawang mata ko ang pagpula ng dalawang mata nito.
"You killed her!"
Sunod-sunod akong napailing at hindi na makahinga dahil hawak-hawak nitong mahigpit ang leeg ko.
No! I didn't killed her!
Gusto ko iyong isigaw ngunit walang boses na lumalabas sa aking bibig.
Nanlalabo na ang aking paningin at feeling ko anytime ay mahihimatay na lang ako dahil sa kakapusan ng hangin.
"You killed your mother!"
No! I didn't!
Umiiyak na sunod-sunod akong umiling kay daddy dahil wala ng boses ang nakakalabas sa aking bibig.
"I will kill you!"
Nagmamakaawang tumingin ako kay daddy dahil sa sinabi nito. Naramdaman ko ang libo-libong karayom na tumutusok sa aking dibdib. Sobrang sakit. Nararamdaman ko na ang sakit.
Unti-unti ko ng nararamdaman.
Ngunit bakit ako ang sinisisi niya?
I didn't killed mom.
Or I did?
Bago pa makapag-isip pang muling ay agad na naman akong tumilapon but this time ay ramdam na ramdam ko na ang sakit ng buong katawan ko.
Gusto ko na lang pumikit at magpahinga para matapos na ang lahat ng ito.
I want to end up this pain.
But I can't.
Pilit akong bumabangon ngunit ayaw na ng katawan ko. Suko na ang katawan ko.
Kaya nanghihinang napahiga ako ulit at pinikit na ang mata.
Ngunit akmang mawawalan na ako ng malay ng makarinig ako ng isang boses.
Malamig na boses.
Walang emosyon.
At higit sa lahat isang napaka-pamilyar na boses.
"Kill her, then you'll die."
***
"Addane iha?"
Unti-unti kong binuksan ang mata at muling napapikit ulit ng sumalubong sa akin ang liwanag na nagmumula sa ilaw.
"Nani?"
"Ako nga iha, kanina pa kita ginigising pero hindi kita magising. Basang-basa na nga ang pisngi mo dahil umiiyak ka ng tulog. Ayos ka lang ba iha? Gabi na din kaya ginigising na kita. Kumain ka na muna sa ibaba dahil hindi ka na nagtanghalian kanina."
Napatango naman ako kay nani at pilit na umupo. Nakapikit na sinandal ko ang kalahating katawan sa head board ng kama at dinilat ang mga mata.
"Bababa na po ako nani," sabi ko at pilit na ngumiti.
Tumango naman siya at nagpaalam ng bababa.
Pagkasara niya ng pinto ng kwarto ay agad akong napatingin sa labas ng veranda.
Gabi na nga. Tumila na din ang ulan. At patay na din ang speaker kong tumutugtog kanina.
Napabuntong-hininga ako at inabot ang bottle of water na nakalagay sa tabi ng kama ko.
Uminom lang ako at binalik na ito ulit doon. Hinilot ko naman ang ulo ko at bumalik ang alaala ng panaginip ko kanina.
Napangiti naman ako ng mapait.
Bakit hanggang ngayon ay hina-hunting pa din ako ng nakaraan?
Hindi niya na ba talaga ako patatahimikin?
Hindi ba pwedeng kahit isang linggo lang na walang iniisip na nakaraan. Kahit isang linggong katahimikan lang.
Napabuntong-hininga ulit ako.
Hanggang ngayon ay misteryoso pa din ang lalaking na sa panaginip ko. Ang boses ng lalaking iyon.
Napaka-pamilyar ng boses niya.
And I wonder if kanino nga ba 'yon?
Dati ko na din kaya siyang kilala?
***

Bình Luận Sách (72)

  • avatar
    Arnel Jhay Baronda

    nice

    8d

      0
  • avatar
    Salve Dejesus

    maganda po cia, tnk you

    23d

      0
  • avatar
    shisha

    Super bbb!

    25d

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất