logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Chapter 3

"Love those who appreciate you, and appreciate those who love you."
TRAIN.
***
"Scalpel,"
Natahimik ang buong paligid at tanging nakatuon lamang ang mga atensyon ng nanonood sa surgeon na nag-oopera sa ibaba.
Hanggang ngayon ay hindi pa din ako makapaniwala sa sinabi ni ate Alisha na ang gagawin nila ay ang SAVER. Sobrang high risk ng ganoong surgery dahil wala pa I mean, na sa 20% pa lang ang nakakagawa ng ganoon. At kung papalarin na magawa 'yon ng anak ng sikat na Cardiothoracic Surgeon ay hindi na talaga nakakapanibago kung ganon. Sabihin na nating kapag nagawa at naging successful ang operasyon niya sa SAVER ay siya na talaga ang susunod sa yapak ng kaniyang ama. He must be proud to his son if ever.
Nasa kalagitnaan ng panonood ng lahat ng nandito ng biglang bumukas ang pintong pinasukan namin kanina.
Agad akong napatingin doon at nakitang pumasok ang mga bigating tao sa Hospital na ito.
Unang pumasok ang Chairwoman ng Hospital na si Dra. Damon. Asawa siya ni Dr. Luther Damon at anak niya ang nagpeperform ng surgery ngayon. Hindi na nakakapagtakang nandito din siya. Ang alam ko nga ay noong nakaraang apat na taon lang siya hinirang na Chairwoman ng SHMH dahil ang sabi-sabi ay medyo naging busy ito sa kaniyang asawa na si Dr. Damon. Madami din'g hindi makapaniwala na siya ang anak ng mag-asawang Hernaez. Dahil ang alam ng lahat ay patay na ang nag iisang anak ng mag-asawang Hernaez. Ayon sa kinwento sa akin ni Nani. Kung paano nalaman ni nani ang mga ganoong kwento? ay siyang hindi ko din alam.
Sunod na pumasok ay ang dating chairman ng SHMH na si Chairman Hernaez na nakasuot ng formal. Katabi nito ay ang kaniyang asawa na nakasuot ng simpleng dress na siyang nagpalabas sa natatanging kagandahan nito.
Nakakapagtaka lang na sa edad nilang 'yan ay makikisig at magaganda pa din ang pangangatawan nila. Hindi mo mapapansin na isa silang mga lolo at lola na. Lalo na si Dra. Damon, makikita mong parang isang teenager pa lamang ito. Well na sa genes na ata nila 'yon, kaya sana all na lang.
Bukod sa kanilang tatlo ay wala ng sumunod pang pumasok. Mukhang hindi dadating ang asawa ni Dra. Damon, alam naman din ng lahat na busy talagang doctor si Dr. Luther.
Tumayo kaming lahat at magalang na nag-bow.
Ngumiti naman ang tatlo at biglang tumigil ng matapat na sila sa kinatatayuan ko.
I suddenly amaze by Dra. Damon's beauty. Sobrang ganda niya lang sa malapitan. Lalo na ang mga Amber niyang mata na namana ng kaniyang anak. No doubt at gwapo ang anak nilang lalaki.
Wait, did I say that Tred is handsome? Th.
"Good morning Doctora," magalang na bati ko dito.
Ngumiti naman siya at sumagot. "Good morning din. Btw, we need to talk later Miss Groswell."
Nagtataka man ay sumagot pa din ako.
"Sige po,"
Nakangiting tumango siya sa akin at umupo na sa tabi ko ganon din ang kaniyang mga magulang.
Pagkaupo nila ay mabilis na humarap ako kay ate Alisha na may pagtatanong sa mga mata. Ngunit nginitian niya lang ako at tinuon na lang ulit ang atensyon sa ibaba.
Nagbuntong-hininga lang ako at tumingin na lang din sa ibaba.
Buong atensyon ko ay na kay Tred na expertong hiniwa ang dibdib ng pasyenteng inooperahan niya.
Ganon na lamang ang pagka-hanga ko ng hiwain niya ito at wala man lang lumabas na dugo. He's really a talented and professional surgeon!
Buong oras ay sa kaniya lang ang atensyon ko. The way he moves, sobrang bilis talaga. Hindi na ako magtataka na isa siyang anak ng isang Damon. Being a Damon is so much gifted. Talented, looks and attitude. Nasa kanila na ata ang lahat. I mean, not all, dahil wala namang perpekto sa mundo.
In thirty minutes, he's finally done. Kung titignan at pagsusumahin ay sobrang bilis niyang natapos ang surgery lalo pa't isang napaka hirap na surgery ang pinerform niya. Mabilis ang bawat galaw niya, pero s'yempre hindi din naman niya matatapos ng ganoon kabilis ang operasyon without the help of other doctors. Magaling din naman ang scrub, first assistant, at anesthesiologist nila. Habang 'yung iba pang doctor na nasa loob ng OR. Sadyang bihasa na din talaga silang lahat.
Well what can you expect at SHMH doctors right? Nandito na din ang best doctors bukod sa best technology and equipments nila.
Tumayo ang lahat ng nandito sa taas at sabay-sabay na pumalakpak ng tumingin dito sa itaas si Tred at nagbow.
Dinig ko ang iba't-ibang komento ng bawat doctor na nandito. Lahat ay masaya at hindi makapaniwala.
"Ang galing niya talaga."
"Sinabi mo pa. Gustong-gusto ko na talaga magpalipat sa department nila, hays."
"Ako nga din e, imagine having Dr. Damon in your team? Ah! That's my dream."
"Nakakainggit tuloy yung ibang interns at ibang nakakasama ni Dr. Damon."
"Sinabi mo pa!"
Naiiling na lang ako sa mga naririnig sa iba't-ibang doctor na malapit sa akin.
Sobrang sikat pala talaga ng anak ni Dr. Damon dito. Though, hindi na nakakapagtaka.
Nakita kong tumayo si Dra. Damon at lumapit sa may parang mic sa harapan at pinindot ang button sa ibaba nito.
"Congrats, son."
Napatigil naman sa pag-aalis ng gloves si Tred at tumingala para tignan ang ina niyang nakangiti sa kaniya ngayon.
Tumango siya at mabilis din'g binalik ang atensyon sa pagtatanggal ng gloves at mask niya.
Kahit sa magulang niya ang cold niya din?
Naiiling na lang ako at tumuwid ng tayo sabay tingin kay ate Alisha.
"Where are we going now?" tanong ko dito.
"We should wait for Dra. Damon. You need to talk to her." tumango naman ako sa kaniya at nagbaling ulit ng tingin kay Dra. Damon.
In-off na niya ang mic at naiiling na nakangiting nakatingin sa kaniyang anak sa ibaba.
Napangiti naman ako.
I hope mom is here too.
Siguro kung nandito lang din si mommy ay susuportahan niya ako sa pagiging doctor at hindi sundin ang kagustuhan ng aking ama. If she only here.
Bahagyang iniling ko ang ulo. Maybe I should stop thinking about her right now. Better not to think about her than to bring the memories from the past. Ayoko ng maalala pa ang insidenteng iyon.
"Addane iha?"
Napakurap-kurap naman ako ng dalawang beses ng marinig ang boses na 'yon.
"Is there something wrong? Why are you crying?"
Agad namang umangat ang dalawang kamay ko at napahawak sa magkabilang pisngi ko. Umiiyak ako?
Mabilis kong pinahid ito at tumingin kay Dra. Damon na nasa unahan ko.
"Ah-eh, napuwing lang po ako." sabay ngiti ng pilit.
Tumango naman siya at hindi na sumagot pa. Pero the way she looks at me ay hindi siya naniniwala sa sinabi ko.
"Ano nga po pa lang pag-uusapan natin?" pagkaraa'y tanong ko.
Napangiti naman siya sa'kin.
"Sa office natin pag-usapan." tumingin naman ako kay ate Alisha at tumango ito sa akin. Kaya naman nagbaling ulit ako kay Dra.
"Sige po," ngiting sagot ko.
Naglakad na kami papalabas at ngayon ko lang pala napansin na wala ng mga doctor na kasama kami. Tanging ako, si ate Alisha at Dra. Damon na lang ang nandito habang kasama namin ang tatlong bodyguards.
Umalis na din si Chairman Hernaez at ang asawa nito na hindi ko din napansin.
Ganon na ba ako ka-pre occupied para hindi mapansing kami na lang na sa loob non?
Dire-diretsong naglakad lang kami hanggang sa makapasok na kami sa elevator. Pinindot naman ni Dra. Damon kung saang floor kami pupunta.
Napatingin siya sa tatlong guards na kasabay naming pumasok sa elevator at saka nagbaling sa amin ni ate.
"Bodyguards niyo ba ang tatlong 'to?" tumango naman ako kay Doctora.
Mahinang natawa naman ito.
"Ang protective pa din talaga ng ama mo." nakangiting sambit niya.
Magkakilala sila ni Daddy?
"I don't think so, Dra."
Ngumiti naman ito sa akin. "Don't be so formal iha, you can call me Tita Dawn or just Tita."
Nahihiyang ngumiti naman ako sa kaniya at ramdam ko ang pag-iinit ng pisngi ko.
"Hmm sige po, T-tita."
Ngumiti naman siya ulit sa akin. Hindi ba siya napapagod ngumiti?
Bakit ba hindi na lang namana ng anak niya ang pagiging pala-ngiti niya?
Maya-maya pa ay bumukas na ang elevator at saktong pag-angat ko ng tingin ang siyang pagtingin ko sa isang taong na sa labas ng elevator.
He's wearing black blazer na may nakapaloob na blue longsleeve with black neck tie at black pants. Nakasuot din siya ng lab gown na nakalagay ang pangalan niya sa kanang bahagi ng lab gown.
Sa hindi malamang dahilan ay natulos ako sa kinatatayuan ko at tanging ang atensyon ay na sa lalaking nakatayo sa unahan namin.
Mula sa kinatatayuan ko ay amoy na amoy ko ang natural na amoy nito. Very manly.
"Son!" dinig kong tawag ni Tita Dawn sa lalaking na sa unahan namin.
Mabilis na lumabas si tita at niyakap ang lalaki.
"Mom,"
Tila nagtayuan ang mga balahibo ko ng marinig kung gaano kalamig ang boses nito. Good god.
Agad na bumaklas ng yakap si Tita Dawn.
Naglakad naman kami palabas ng elevator ni ate Alisha.
Habang papunta sa kinatatayuan nila ay tila nag slow motion lahat sa paligid ko.
Habang naglalakad ay ang tingin ko ay na kay Tred lang na ngayon ay nakatingin din sa akin.
May kung ano sa mga mata niya na kapag tinitigan mo ay parang hahatakin ka nito papalapit sa kaniya. Or I'm just imagining? Gosh.
Nang makalapit na dito ay hindi pa din naaalis ang tingin ko sa lalaking na sa harapan ko.
His amber eyes na ang sarap titigan.
"Addane, meet my son, Tred Lazarus Damon."
Tila napabalik naman ako sa wisyo ng magsalita si Tita Dawn.
"Ah-eh, A--Addane Groswell." sabay lahad ng kamay sa kaniya.
Tumingin naman siya sa kamay ko ng matagal at ng medyo tinamaan na ako ng hiya ay akmang ibababa ko na ito ng bigla niyang kunin ito.
Nabigla naman ako, lalo na sa temperatura ng kamay niya. It's cold.
Napaangat ang tingin ko at halos kapusin ako ng hininga ng nakatitig ito sa akin gamit ang seryosong mukha niya.
Sa hindi malamang dahilan ay tila nakaramdam ako ng libo-libong kuryente sa mga kamay namin.
What's that? What's the meaning of this? Hindi naman siguro siya nagpo-produce ng kuryente hindi ba?
Mabilis na napabitaw ako sa kamay niya at tumingin kay Tita Dawn na may mga ngiti sa labi nito. Ngiting may ibig sabihin.
"Mabuti pa at pumunta na tayo sa Office ko." tumango naman kami ni ate Alisha sa sinabi nito.
Nag-umpisa na kaming maglakad. Nasa harapan kaming dalawa ni Tita Dawn at Ate Alisha habang na sa likod namin ang guards at si Tred.
Napahawak naman ako sa dibdib ko ng maging abnormal na naman ang bilis ng tibok ng puso ko.
Napabuntong-hininga ako.
Hindi ako tanga para hindi malaman kung anong ibig sabihin ng pakiramdam na ito.
Kahit papaano naman ay may alam ako sa ganito.
Kagat-kagat ang ibabang labi na tumigil ako sa paglalakad at ganon din sila sa isang tapat ng pinto na may nakalagay na 'Chairman's Office'.
"Dito na lang kami sa labas, Dane."
Tumingin ako kay ate Alisha at nginitian lang ako nito. Tumango na lang ako at sabay ng pumasok sa loob kasama si Tita Dawn at ang anak niyang si Tred.
"Take a sit, iha, son."
Tulad ng sinabi nito ay umupo kami ni Tred sa tapat na dalawang upuan. Habang siya ay umupo sa swivel chair.
"Your dad is asking me a favor."
Napakunot naman ang noo ko sa sinabi ni Tita. Si daddy? Humingi ng pabor sa kaniya? Bakit? At saka dad never do that to anyone. Tulad ng sabi ko sobrang lamig ng ama ko na sa tipong kahit thank you at sorry nga ay hindi niya magawang sambitin. Ang paghingi pa kaya ng pabor?
"What do you mean tita?"
Ngumiti ito sa akin. Habang kita ko naman sa peripheral view ko na tahimik lang na nakikinig sa amin si Tred.
"Your dad told me na, itrain ka dito sa Hospital."
Nagulat naman ako sa sinabi nito. Is she joking?
Si dad sasabihin 'yon?
Napailing naman ako ng sunod-sunod kay tita Dawn. I know dad, he will never do that.
Alalang-alala ko pa noon kung gaano niya kaayaw na maging isang doctor ako at ipilit na kunin ang course na may kinalaman sa business. Kaya alam kong hindi sasabihin 'yon ni dad kay Tita Dawn. And ang malala pa ay pabor niya 'yong sinabi kay Tita.
Ngumiti si tita sa akin at nagsalita ulit na siyang ikinagulat ko pa lalo.
"Believe it or not your dad told me that. In fact, ang magte-train sa'yo ay ang anak ko."
***

Bình Luận Sách (72)

  • avatar
    Arnel Jhay Baronda

    nice

    8d

      0
  • avatar
    Salve Dejesus

    maganda po cia, tnk you

    23d

      0
  • avatar
    shisha

    Super bbb!

    25d

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất