logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Runaway

Runaway

frinsesaaa


Chapter 1

"Loving you feels right and it feels like I was put on this earth to love you this much, but I also know that we could never be and It's dangling in front of me, just out of my reach and I can't grab it."
I MISS YOU.
***
"Dane!"
Napalingon ako sa boses na pinanggalingan non. Tumingin ako sa likod ko and there I saw my bestfriend, standing six meters away from me.
Nakita kong tinaas nito ang dalawang kamay at sabay na iwinagayway. Natatawang tinignan ko naman ito.
Hinila ko na ang malaking maleta ko at inayos ang suot kong blazer na nakatakip sa sando'ng suot. Nagsimula na akong maglakad papunta sa kinatatayuan ng bestfriend ko.
"I miss you, gurl!"
Mahinang natawa ako ng bigla niya akong yakapin ng mahigpit pagkarating ko sa kinaroroonan niya.
"Seriously, Lili? We've been video call before," sambit ko at pabirong hinampas ang braso nito. Liliene Mascotte, my half filipino and half british besfriend.
Kumalas naman siya sa pagkakayakap at hinarap ako ng nakanguso. Gosh! I miss this girl so much.
"E' kahit na! hmmp tara na nga." sabay hila nito sa akin. Hindi naman na ako nag-protesta sa kaniya.
Naglakad kami hanggang sa makarating na kami sa labas ng airport.
Agad tumambad sa akin ang napaka-init na nagmumula sa araw. Buti na lang ay naka-blazer ako dahil kung hindi ay mamumula na naman ang maputi kong balat.
Nilibot ko ang paningin sa buong paligid. Walang pinagbago, mainit, mausok at maingay pa din na nagmumula sa bawat sasakyan.
"Hey,"
Napatingin naman ako sa harapan ko, and there, I saw my boy bestfriend-- Trevor Cloven, nakasandal ito sa black 6 Series GT BMW niya. He's wearing a black pants, black white v-neck shirt na talagang kumapit ito sa kaniyang katawan dahil sadyang matipuno talaga ang kaniyang katawan at his age of nineteen years old. He's two years older than me and Lili. Pero kahit pa mas matanda ito sa amin ng dalawang taon ay nakakasabay pa din naman siya sa amin.
Lumapit ako sa kaniya at tinanggal naman niya ang Luxuriator Canary Diamond shades niya.
"Trev! I miss you!" nakangiti kong sabi habang yumakap agad dito.
Narinig ko namang bahagyang natawa ito habang napapalatak naman si Lili kaya napakalas ako ng yakap kay Trevor at tumingin kay Lili na nakanguso na naman. Gosh, bakit ba ako mayroong childish na kaibigan?
"Bakit si Trevor namiss mo? bakit ako hindi?" wala sa sariling napairap ako sa sinabi nito. Narinig ko namang mas natawa si Trevor sa sinabi ni Lili.
"Ofcourse I miss you too, but Lili, nakapag-video call tayo before I went here. Si Trevor ay ngayon ko lang nakita at nakausap ulit. Alam mo namang busy lagi itong kaibigan nating 'to," sambit ko habang tinaasan ko pa ng kaliwang kilay si Lili.
"Tse!" sabay walk out nito at nauna ng pumasok sa loob ng kotse.
Nagkatinginan naman kami ni Trevor at sabay na natawa.
Well, Liliene is Liliene. Sanay na kaming nagwo-walk out ito lagi kapag alam niyang talo siya.
"Tara na at baka magtampo na naman 'yon," nakangiting sambit ni Trevor. Tumango naman ako sa kaniya at nginitian siya ng pagbuksan niya ako ng pinto. Pumasok na ako sa loob ng kotse niya at nakita kong binuhat niya ng walang kahirap-hirap ang maleta ko papasok sa may likod ng sasakyan.
Umupo ako sa passenger seat at lumingon naman ako sa likuran. Nakita kong nagse-cellphone si Lili at nakangiti pa ang bruha. Mukhang may nabiktima na naman ang isang 'to.
Napatingin naman ako sa pinto ng driver seat ng bumukas ito. Pumasok na din si Trevor at nakangiting binaling ako bago ii-start ang engine ng sasakyan.
"So how are you, Ms. Groswell?" napairap naman ako sa tinawag sa akin ni Trevor. Here we go again. Tinatawag niya lang ako sa last name ko everytime seryoso na siya. Ewan ko ba kung anong trip nito e' ang ganda-ganda ng pangalan ko pero mas tinatawag niya ako sa apilyedo ko.
"Fine," maikling sagot ko.
"O' come on, Dane. What I mean is kumusta ang L.A?" natatawa niyang tanong.
"Ayos lang naman ang L.A, Malamig pa din at hindi ganoon ka-usok hindi katulad dito."
"Tsk, don't be so sarcastic Addane," sambit niya at binalingan ako ngunit umiwas lang ako ng tingin sa kaniya.
Tumingin na lang ako sa labas ng bintana at napansin'g kumu-kulimlim na naman ang langit. Nagbabadya na naman ang ulan.
Rain. Ang pinaka-ayaw ko sa lahat.
"Addane,"
Tumingin ako kay Trevor at agad kong nabasa ang pag-aalala sa mga mata niya.
"Are you okay?"
Nag-iwas muli ako ng tingin sa kaniya at napabaling sa bintana ng biglang may sunod-sunod na pumapatak na tubig mula sa langit. Rain.
"Of course I am," sambit ko habang pinipilit kong h'wag mautal sa pagsasalita.
May kung anong emosyon ang unti-unting umuusbong sa aking dibdib na tila ba naninikip ito at hindi ako makahinga ng maayos.
Nagpakawala ako ng malalim na buntong-hininga ngunit hindi pa din nababawasan ang emosyong nabuo sa aking dibdib.
I hate this. I hate this feeling.
I thought, I've already moved on. Akala ko lang pala.
Iniangat ko ang kamay sa bintana at wala sa sariling tinrace ang mga tubig ulan na buma-bagsak sa bintana. Napangiti naman ako ng mapait.
Hanggang kailan ko ba dadamdamin ito? hanggang kailan ko ba mararamdaman ito? hanggang kailan ko ba aalalahanin ang nakaraan? Hindi ba pu-pwedeng kahit sandali ay mamahinga naman ako?
Pumunta akong L.A at nagpakalayo-layo para makalimot. Para ibsan ang sakit na dulot ng nakaraan. Habang na sa L.A ako masaya naman ako, unti-unti ko na din'g nakakalimutan ang pangyayaring iyon. Ngunit bakit ngayon ay unti-unti na namang bumabalik ang ala-alang 'yon? bakit nakakaramdam na naman ako ng ganito?
Ibinaba ko ang kamay ko at tinuon na lang ang atensyon sa unahan. Napabuntong-hininga naman ulit ako. Come on Addane, free yourself from the past.
"Where's dad?" tanong ko gamit ang flat na boses.
"Nasa trabaho, hindi ka daw niya masusundo kaya kami na lang ang pinapunta niya since wala namang pasok ngayon." tumango naman ako sa sinabi ni Trevor habang ang atensyon ay na sa harapan pa din.
'Seriously Addane? Itatanong mo pa 'yan kung una pa lang ay alam mo na ang sagot?'
Napakagat ako sa ibabang labi at pinipigilan ang pag-usbong ng kung anong emosyon sa aking dibdib.
Nararamdaman ko na naman ang emosyong dati ko lang nararamdaman. Ang emosyong siyang nagpatibay sa akin kaya hanggang ngayon ay kinakaya ko pa din. Ang emosyong pilit ko ng winawaglit at binabaon kasama ng memorya nang nakaraan.
"Kumusta naman ang pag-stay mo sa L.A, bessy?" nabalik ako sa ulirat ng marinig ko ang tanong na 'yon ni Lili kaya naman saglit akong napatingin sa kaniya sa likod at binaling ulit ang tingin sa unahan.
"Ayos lang naman, sa una ay medyo nangangapa pa ulit ako sa pamamaraan nila pero nung nagtagal ay ayos naman na at nakakasabay na din ako," sambit ko habang ang paningin ay na sa harapan pa din sa kalsada.
"How's your study?" tanong naman ni Trevor.
"It's fine, honor student ako nung end of school year," sabi ko na tila ba parang wala na lang sa akin 'yon.
It's true, wala na lang sa akin kung mataas ba ang nakukuha kong grades sa bawat subjects as long as may natutunan ako at naipapakita ko ang natutunan ko ay ayos na sa akin 'yon, 'yun nga lang ay hindi naman ako ganito dati. Lagi din akong nakakakuha ng matataas ng grado simula grade school, kung tutuusin nga ay ako lagi ang highest honor student at laging dean lister. Hanggang ngayon naman ay ganon pa din. Ang kaibahan lang talaga ay dati masaya pa ako sa nakukuha kong achivements and medals pero ngayon ay hindi na. Lahat ng 'yon ay nagbago na. Nawalan na ako ng gana. Ayos na lang sa akin lahat ng nakukuha ko. Okay na lang din sa akin kung may mga medals ako lagi. Iisang dahilan lang naman kung bakit ako nag-kaganito at kung bakit nawalan na ako ng gana sa lahat. Iisang bagay lang at ang bagay na 'yon ay ang nakaraan ko.
Ang nakaraan na siyang nagpabago sa pagkatao ko. Ang nakaraan na ayaw na ayaw ko ng balikan at hinihiling ko na lang na sana ay isa na lang masilimuot na panaginip.
Napabuntong-hininga na lang ako para iwaglit ang kung anong na sa isipan ko. Bumalik ako dito para ipakita sa lahat na nakayanan ko. Bumalik ako dito para ipakita sa lahat na nalagpasan ko ang masilimuot na panaginip na 'yon.
Napatingin ako kay Trevor ng buksan niya ang fm radio ng sasakyan.
"Buksan ko lang, masyadong tahimik e'," sambit niya na nginitian ko lang naman siya at nagbaling na lang sa labas ng bintana.
'It's been a long day without you, my friend
And I'll tell you all about it when I see you again
We've come a long way from where we began
Oh I'll tell you all about it when I see you again
When I see you again'
Napakagat ako sa ibabang labi ko at pinagsiklop ang dalawang kamay ng palihim pagkarinig ko sa kantang nag-play sa radio.
Sa dami ng kanta, 'yan pa talaga?seryoso?
'Damn, who knew all the planes we flew
Good things we've been through
That I'll be standing right here
Talking to you about another path I
Know we loved to hit the road and laugh
But something told me that it wouldn't last
Had to switch up look at things different see the bigger picture
Those were the days hard work forever pays now I see you in a better place'
"Addane, are you okay?" sunod-sunod na napalunok ako sa tanong 'yon ni Trevor.
Ramdam ko na ang panggigilid ng luha ko at feeling ko anytime ay babagsak na ang luhang nanggigilid sa mga mata ko.
'Oh come on Addane, you are strong okay? naka-move on ka na at dapat hindi ka na naaapektuhan ng dahil sa isang kanta. Pull yourself together Addane Groswell this is not you!'
Nagpakawala ako ng malalim na buntong-hininga bago lingunin at sagutin si Trevor.
"Oo naman," nakangiting sambit ko.
Tinignan naman ako nito at sinisimpatya kung totoo nga ba ang sinasabi ko. Narinig ko namang napabuntong hininga ito.
"I think you should turn off the radio, Trevs." dinig kong sabat ni Lili sa likuran ko. Tumango naman si Trevor dito at agad na pinatay ang radio.
Napatingin naman ako sa likuran ko at nakita kong nakatingin din pala sa akin si Lili and I mouthed her 'Thank you' na sinuklian naman niya ng 'You're welcome'. She's such my bestfriend, alam na alam niya talaga kung anong mararamdaman ko at kung anong tumatakbo sa isipan ko.
Buong byahe ay naging tahimik na lang sa amin habang ako ay tinitignan na lang ang mga estrakturang nadadaanan namin. Madami na ngang nagbago. Parang isang taong at mahigit dalawang buwan lang ako nawala dito ay parang ang dami ng nagbago.
'Madaming nagbago at pati ako ay nagbago.'
Napangiti na lang ako ng mapakla sa naisip na 'yon. Hindi ko maipagkakailang malaki nga ang nagbago sa akin simula ng mahigit isang taon kong pamamalagi sa L.A. Ang dating kilala ni lang, masiyahin, mahinhin at pala-tawa na Addane ay nagbago na. I've been changed a lot. Nang tumira ako sa L.A kung saan nandoon nakatira si Lolo na siyang daddy ni mommy. Kami na lang ni daddy ang nandito sa Pilipinas dahil ang parents ni mommy ay nagmigrate na sa L.A. Habang ang pamilya ni daddy? I don't know. Wala akong alam sa pamilya ni daddy dahil sobrang pribado nito na kahit akong sariling anak niya ay walang kaalam-alam sa family history niya.
"We're here."
Napatingin ako sa labas ng huminto na ang sasakyan ni Trevor sa isang bahay. No scratch that---mansion.
Nasa tapat kami ng isang napakalaking bahay na mayroong tatlong palapag at napakaraming kwarto sa loob. Tumingin naman ako sa kulay gintong gate. Malaking gate ito kung saan natatabunan nito ang napakalaking bahay namin. 
Yes, sa amin ito. 
Pagak akong natawa sa isipan ko. 
Napakalaki ngang bahay ngunit dadalawang tao lang naman ang nakatira dito at puro maids and guards na.
"Ipasok mo na muna ang sasakyan, Trevs. Dito na muna kayo kumain ng lunch," sambit ko at tumango naman si Trevor habang sinang-ayunan naman ako ni Lili.
Bumusina si Trevor at napansin kong gumalaw ay dalawang camera sa taas papunta sa kinaroroonan ng sasakyan ni Trevs. Bigla namang umilaw ito at agad na bumukas ang malaking gate.
Ipinasok na ni Trevor ang sasakyan niya at agad na bumungad sa akin ang malawak na parking lot namin at ang malaking fountain sa gitna. Inikutan ito ni Trevor at huminto sa tapat ng main door namin. 
Paghinto ay agad akong lumabas ng sasakyan and thanks god ay tumila na ang ulan kanina pa.
Paglabas ko ay ang siyang sunod-sunod na paglabas ng mga maids sa main door ng mansion. Humilera silang lahat at ang huling lumabas ay ang mayordoma--si Nanay Felice o sa madaling salita ay Nani kung tawagin ko dahil siya ang nagpalaki sa akin simula pagkabata.
Pumunta sa akin si Nani at agad ko naman siyang niyakap ng napaka higpit.
"I miss you, Nani."
"Nako namiss din kitang bata ka," nakangiting tugon ni Nani.
Agad naman akong napakalas ng yakap kay Nani at tumingin kay Lili at Trevor na lumabas na din ng sasakyan.
"Hi nani!" sabay nilang bati at nagmano kay nani. Nani na din ang tawag nila dito dahil lagi naman sila ang kasama kong pumupunta dito sa mansion.
"Dito na sila muna magla-lunch nani, since Lunch time na din naman po," sambit ko.
"Ay mabuti naman kung ganoon, madami akong pinalutong pagkain at syempre hindi mawawala ang paborito mong adobo," napangiti naman ako sa sinabi ni Nani. She already know what's my favorite foods.
"Really?! gosh I miss your adobo made, nani." Masayang sabi ko at niyakap siyang mahigpit.
Narinig ko namang natatawa ito at hinaplos ang buhok ko. I miss this feeling. Yung feeling na kahit sa paghaplos lang niya ay ramdam ko ang sinseridad at alam kong safe ako. I really damn miss my nani.
"Oh siya, halina kayo sa dining at ng makapag-tanghalian na kayo," nakangiting sambit ni nani at kumalas na din sa akin.
Tumingin naman ako ng may tatlong maids na tinawag si nani para kunin ang mga gamit kong na sa sasakyan ni Trevor at para ilagay na ito sa kwarto.
Kumilos naman agad ang tatlong maids at pumasok na kaming apat sa loob ng mansyon.
Walang pinagbago, ganon pa din ang laki at mga kagamitan sa loob ng bahay namin. 'Yun nga lang ay naiba ang ibang ayos. Napalibot naman ako sa unang tumambad sa amin--ang living room. It's a small living room kung saan tumutuloy ang mga bisita pero kung para sa iba ay malaki na ito pero para sa akin ay maliit pa lang ito dahil may mas malaki pa kaming living room, 'yun ang nakalagay sa kabilang bahagi ng bahay namin sa first floor din. Apat ang living rooms namin, dalawa sa first floor at tig-isa sa second and third floor.
Naglakad kami at nadaanan na namin ang second living room. Nilibot ko ang paningin ko at napansin'g sobrang linis pa din dito na miski alikabok ay mahihiyang dumapo sa bawat kagamitan.
"Dapat pala naghubad ako ng heels," napatingin naman kaming dalawa ni Trevor sa sinabi ni Lili.
"Bakit?"
"E' nakakahiyang tumapak dito sa tiles na sahig niyo oh sobrang puti at hindi makikitaan ng dumi. Nakakahiyang tapakan."
Natawa naman kaming dalawa ni Trevor sa sinabi niya at ganon din si Nani.
"Hindi ka pa din ba nasasanay Lili iha?" natatawang sabi naman ni Nani.
"E' 'yun na nga nani e', kada pupunta kami dito laging sobrang linis. Nakakahiya tumapak baka madumihan," napairap naman ako sa sinabi niya.
"May hiya ka pala?" nagkatinginan kami ni Trevor ng magkasabay kaming sabihin 'yon. Napasimangot namang tumingin sa amin si Lili habang mas natawa pa si nani.
"Sige, pagtulungan niyo na naman ako. Tse!" humagalpak kami ng tawa ni Trevor ng magwalk out na naman ito at nauna ng pumunta sa dining. Kahit kailan talaga napaka-pikon non.
Nakangiting naiiling na lang sa amin si nanay at dumiretso na kaming tatlo sa dining area. Baka lalo pang magtampo 'yon.
Pagdating sa dining ay agad akong umupo sa usual na inuupuan ko dati pa lang. Sa kanang upuan mula sa kabisera. Nasa harapan ko naman si Trevor habang katabi ko si Lili na nakabusangot pa din pero napawi 'yon ng makita ang mga pagkaing nakahanda. Madami nga talagang niluto sila Nani.
Nakangiting kumuha ako ng paborito kong ulam na adobo at tinikman ito. Wala pa din'g kupas, masarap pa din ang timpla ni Nani. Ngunit napawi ang ngiti ko ng mapatingin ako sa kabisera. Which is kung saan laging nakaupo si daddy kapag kumakain kami noon.
"Ehem."
Napatingin ako kay Trevor na nasa harapan ko at hindi na nagulat ng lagyan ako nito ng pagkain sa pinggan. He's being sweet again. Pero wala ng kaso sa akin ito dahil tanging matalik na magkaibigan lang naman ang turingan namin sa isa't-isa.
The lunch time went smooth. Nagkwentuhan lang kami buong lunch time kasama si Nani dahil pinasabay na namin ito kumain sa amin na hindi din naman niya tinanggihan.
"So, paano una na kami? kita-kita na lang tayo ulit sa pasukan ah?" tumango naman ako kay Lili.
Lumapit naman sa akin si Trevor at niyakap ako.
"Mauuna na kami," sambit niya at kumalas na din agad sa pagkakayakap sa akin.
Nginitian ko lang sila at sinamahan hanggang sa labas. Nang makaalis sila ay pumasok na ako sa loob ng mansyon at nagpaalam kay nani na aakyat muna ako sa kwarto ko para makapagpahinga.
Pag-akyat ko sa kwarto ko ay agad kong binuksan ang ilaw. Agad na tumambad sa akin ang kulay berde kong kwarto. Light and neon green ang kulay ng kwarto ko. Nilibot ko ang paningin at nakitang na sa gilid ng kama ang maleta ko at ibang gamit.
Tumungo ako sa kama ko at wala sa sariling napatingin sa labas ng veranda. Ang tahimik. Sa bagay sanay naman na akong ganito. Laging tahimik ang buong bahay. Ano pa nga bang bago?
Napabuntong-hininga ako at napatingin sa study table ko, ngunit napakunot noo ako ng may makita akong isang bagay---bulaklak. Tumayo ako at lumapit dito. It's a white rose, kinuha ko ito at inamoy. Mabango, natural lang ang amoy ngunit mabango na ito para sa akin. Ngunit ang tanong kanino nanggaling ito?
Napatingin naman ako ng may kasama pa palang note ito. Kinuha ko ito at binasa ang laman ng note.
'I miss you'
***

Bình Luận Sách (72)

  • avatar
    Arnel Jhay Baronda

    nice

    8d

      0
  • avatar
    Salve Dejesus

    maganda po cia, tnk you

    23d

      0
  • avatar
    shisha

    Super bbb!

    25d

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất