logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Kabanata 1

Ipinikit mo man ang iyong mata, di pa rin naman mag-iiba
Nabalutan ng poot ang puso mo
Tila malimit kang ngumiti ngayon, di ka rin naman ganyan noon
Naubusan ng tibok ang puso mo
“It’s over Eliza, let’s break up” Nag-unahang dumaloy ang mga luha sa aking pisngi nang marinig ko ang mga katagang yun mula sa kanya. Ngunit alam ko sa sarili ko na tama ito, tama lang dahil hindi ko na kaya pang tiisin ang pagpapanggap ko. Hindi ko na kayang magpa ka-martyr.
“I know, I’m also breaking up with you. Talagang tapos na tayo” Saad ko habang pilit pinapakalma ang sarili. I hate him! I hate them! So damn much…
“Whoa, e di quits lang pala tayo, bakit? May nahanap ka na bang ipapalit sa akin?” Nakangisi niyang sabi na talaga namang nagpakulo ng dugo ko. Lumipad ang palad ko patungo sa pisngi niya, I slapped him.
“Wag mo akong igaya sayo, manloloko! I’m breaking up with you not because of another guy! I’m breaking up with you kase ikaw ang may ibang nilalandi! Xyliene huh? Sa lahat ng babaeng pwede mong ipalit sa akin, bestfriend ko pa? How stomach-turning!” I shouted at him resentfully.
Halata sa hitsura niya na nagulat siya, hindi niya siguro inakala na malalaman ko ang totoo, malalaman ko kung anong kababuyan ang ginagawa nila ng bestfriend ko behind my back…
That moment…I made a concrete decision…
I walked away from him and promised myself that I would never look-back, I’ll continue walking away from him, from theme and never come back. I will never come back as the Eliza they once knew.
Kulang na ba ang mga ulap sa langit at buwan
Di ka na babalik sa lilim ng ulan
Sa bawat saglit handang masaktan kahit di mo alam
Subukang muli at pagbigyan ang ating nakaraan
Kahit di mo na alam
“Babe, nasaan ka?” Nakatapat ang cellphone ko sa aking tainga habang kausap siya sa kabilang linya.
[May tour kami ni Dad sa company building]
He answered but I know na nagsisinungaling lang siya. Nandoon ako, kitang-kita ko kung paano siya makipaglampungan sa bestfriend ko. They are deceiving me pero wala akong magawa kundi ang panoorin lang sila habang dumadausdos ang mga butil ng luha sa aking pisngi. Paano nila nasisikmurang gawin ito sa akin? Three years…
Yung three years na relasyon namin ni Carl ay nagawa niyang kalimutan dahil lang sa halik at yakap ng bestfriend ko. How disgusting! Nandidiri ako sa kanila.
Ipikit mo na ang iyong mata, ang nakaraa’y limutin na
Umaasang di ka na mawawala
Sadyang mahirap lang ngumiti ngayon
Minahal kita mula noon
Ibalik na ang tibok ng puso mo
“Bessy, I have a new boyfriend!” Masayang balita sa akin ni Xyliene. Hindi ako kumibo, sinusubukan kong magtimpi kahit ang totoo ay gustong-gusto ko na siya sampalin at sabunutan. She betrayed me, nakuha niya ang title bilang bestfriend ko pero siya pala ang ahas na tutuklaw sa akin habang nakatalikod ako.
“Really huh? Sino naman?” I’m now a big fake. Isa na akong fake dahil sa kagaguhan nila ng boyfriend ko. I smiled at her pero ngiti iyon ng kaplastikan, sinusuklian ko lang naman ang pagiging plastic niya sa akin.
“Secret….Hindi ko pwedeng sabihin” Ewan ko ba pero bigla na lang akong natawa kaya naman napatingin siya sa akin ng may halong pagtataka, pati na rin ang mga tao sa paligid…Ang hirap pala maging martyr, lalo na kapag kaharap mo na yung karibal mong kabit lang naman. “Bakit ka tumatawa?” Tinignan ko siya ng masama, bakit nga ba kailangan kong magpadaig e ako naman ang mas may karapatan sa boyfriend ko? “Hey Eliza, why are you looking at me like that?” Tanong niya.
Nag-umpisa na ang pagbubulong-bulungan ng mga tao sa paligid. Inaakala siguro nila na nababaliw na ako pero kung alam lang nila ang dahilan ko ay siguradong mas papanigan nila ako.
“Bestfriend mo naman ako di ba? Bakit ayaw mong sabihin sa akin?” Tila nagulat siya sa tanong kong iyon. Tama naman ako di ba? What’s the use of having a bestfriend kung kayo-kayo din lang ang magtataguan ng sikreto sa isa’t-isa?
“Uh kasi…It’s---” Hindi ko na siya pinatapos pa.
“Why Xyliene? Bakit nagawa mo akong lokohin? Alam mo na boyfriend ko si Carl pero pati siya…! Inahas mo! Anong klaseng bestfriend ka?!” Nabakas ang pagkagulat sa mukha niya. Nag-react na rin pati ang mga taong nakarinig sa sinabi ko. I’m just returning the favor to this snake-like creature na tinuring ko pa namang parang tunay kong kapatid...
Tumulo ang luha niya…I’m not gonna fall for that…Hindi siya ang bestfriend ko, wala akong bestfriend na ahas. “E-eliza, m-mali ang iniisip mo…Wala kaming relasyon ni Carl…” Natawa ako ng bahagya.
“Oh come on Xyliene…Stop deceiving me, will you? Kitang-kita ko kayo, nandoon ako nung time na nagpapakasaya kayo habang ginagago niyo ako. Pinagmukha niyo akong tanga e” Reklamo ko, namumuo na din ang luha sa mga mata ko.
“Eliza…I’m sorry…I’m really sorry…Hindi ko sinasadya---” Sinubukan niyang hawakan ang kamay ko pero mabilis ko yung iniwas. I slapped her face, hard…Para naman matauhan siya at maunawaan niya na napakawalang kwenta niyang kaibigan.
“No! Sinadya mo yun! Sinadya niyong gawin lahat ng yun! And sorry? Hindi ko yan matatanggap! Isaksak mo sa baga mo yang sorry mo! You don’t deserve my trust, and even a little bit of my respect! Ahas ka! Back-stabber! Sinungaling! Mang-aagaw!” Sa bawat masasakit na salitang ibinato ko sa kanya ay may katiting na kirot din akong nararamdaman sa puso ko. Bestfriend ko siya e, tinuring ko siyang parang tunay na kapatid tapos eto lang ang igaganti niya sa akin? Hindi ko lang matanggap na sa lahat-lahat ng tao sa mundo, siya pa ang manloloko sa akin. I hate her!
Kulang na ba ang mga ulap sa langit at buwan
Di ka na babalik sa lilim ng ulan
Sa bawat saglit handang masaktan kahit di mo alam
Subukang muli at pagbigyan ang ating nakaraan
Kahit di mo na alam
“Hey!” I shouted when someone stopped the music from playing. It was Lanie, my cousin.
“Anong hey ka diyan? Eliza naman, can you stop being such an emo? Ang sabi mo, nagbabakasyon ka dito sa bahay namin para magmove-on but look at yourself. Isang linggo ka na dito sa probinsya namin pero wala kang ibang ginawa kundi ang magmukmok dito sa kwarto at makinig sa mga heartbreaking songs churvahs” Napailing na lang ako saka ipinatong ang mukha ko sa aking tuhod.
“Hindi ko alam Lanie, ang sakit pa kasi…Hindi ko pa kaya. Three years yun e, three fucking years at hindi ko malaman kung nagawa niya man lang ba akong mahalin ng totoo” Pumatak na naman ang luha ko. Ugh! I hate this! I hate this tears na nagpapakita kung gaano ako kahina, kung gaano ako katanga!
“Cous’ naman kasi, kung gusto mo talaga makalimot sa kanya, wag mo na isipin yung mga ganyang bagay. Huwag ka na magbato ng mga ganyang tanong sa isip mo, just…enjoy. Lumabas ka dito sa madilim na kwartong ito at magpakasaya ka sa labas. Have fun cous’!” Hindi ako kumibo. Paano ako magpapakasaya kung sa bawat paggalaw ko, bawat pagmulat ng mata ko ay ala-ala kasama si Carl ang pumapasok sa isipan ko---Darn it!
“I don’t know” Tanging nasabi ko na lang.
“Hayst ikaw rin. Pero by the way, may pupuntahan kami nila Dad ngayon, wanna come with us?” Tanong niya. Iniangat ko ang mukha ko saka siya tinignan, nakabihis nga siya ng pang-alis. Tss, baka gumana lang ang pagka-emo ko dun at masira pa ang araw nila. Umiling ako ng bahagya kaya naman napasimangot siya.
“No thanks” Sagot ko.
“Fineee, pero kung gusto mo mamasyal sa labas, libutin mo na lang ang buong hacienda” Tumango na lang ako kahit pa wala naman talaga akong balak na lumabas dito sa kwarto. I just want to sleep and rest my mind…and my heart too.
“Bye! Make sure to get some fresh air, okay?” Paalala niya pa saka siya tatalon-talon na lumabas sa kwarto ko. Childish.
Tumayo ako saka naglakad patungo sa nakasaradong bintana. Itinaas ko ng kaunti ang kurtina upang makita ko ang labas pero muntik na yata akong mabulag dahil sa nakakasilaw na liwanag. Gosh! Para akong bampirang napaso nang tamaan ng sinag ng araw ang balat ko.
Nang medyo masanay ang mata ko sa liwanag ay dumungaw na ako sa labas ng bintana. Na-amaze naman ako sa nakita ko, ang ganda ng tanawin, ang sarap din langhapin ng sariwang hangin.
Ngayon ko lang napagmasdan ng maayos ang labas dahil ngayon lang ako nagkaroon ng gana na tumayo at sumilip sa bintana, tulog rin naman ako sa buong biyahe papunta dito kaya hindi ko rin nagawang makita noon. Hacienda type kasi etong lugar nila Lanie, may taniman sila ng mga pinya, mais, coconuts at kape. Malawak ang lupain na nasasakupan nila, marami din ang mga manggagawang nagtatrabaho para sa kanilang hacienda. Wow! Para tuloy akong bumalik sa sinaunang panahon hehe---Weyt! Did I just said ‘hehe’? I’m not supposed to say that, naka-emo mode kaya ako ngayon hmp!
At dahil napukaw ng magandang tanawin ang interes ko, napagdesisyunan kong lumabas ng silid ko. Pagbaba ko pa lamang ng hagdan patungo sa Sala ay si Lanie pa rin ang sumalubong sa akin. Hindi pa nga pala sila nakakaalis psh.
“Ow? Sino itong magandang dalaga na lumabas mula sa kanyang pinagtataguang kweba?” Nang-aasar niyang sabi saka ngiting-ngiti akong tinignan.
“Ano Mahal na Prinsesa, nais mo bang sumama sa amin sa pamamasyal?” Gosh! Hindi bagay sa kanya na magsalita using pure Filipino language, ang cheap.
“Nah-uh, maglalakad-lakad lang ako sa labas” Alam kong nadisappoint siya dahil sa sinabi ko na hindi ako sasama pero nanatili ang ngiti sa kanyang labi.
“Hayst okay, kung yan ang gusto mo…Pero dito ka lang sa loob ng hacienda pwedeng mamasyal ah?” Napakunot ang kilay ko.
“Why? Bakit bawal sa labas?” Na-curious lang ako bigla.
“Kasi palayan na yung labas…Sure maganda dun pero wag ka na lang din pumunta, lalo na dun sa may puno ng Narra sa tuktok ng burol” Mas lalo akong na-curious, bakit naman niya ako pagbabawalan kung maganda naman pala dun?
“And why is that so?” She sighed.
“Maalamat ang lugar na yun at pinaniniwalaan ding pinaninirahan ng mga hindi pangkaraniwang nilalang. Yun bang mga magical creatures” I rolled my eyes. Psh! Magical creatures, oh come on, sinong version ni Lola Basyang ang nagkwento nun sa kanya? Hindi totoo ang mga magical creatures. Okay Fine, they exist, pero sa mga fairy tale books at kwento-kwento lang ng mga matatanda. Hindi nag-eexist ang mga tulad nun sa real world.
“Lanie! We have to go!---Oh Eliza hija! Mabuti naman at naisipan mo na lumabas dun sa kwarto mo” Nakangiting saad ni Tita Verone at nakipag-beso pa sa akin.
“Mamamasyal po sana ako sa labas ” Paalam ko sa kanya.
“Oh really, that’s good news” Sabay-sabay kaming napatingin sa labas nang marinig namin ang malakas na busina ng kotse ni Tito Felix.
“Kailangan na naming umalis hija, I hope na makapagkwentuhan na tayo pagdating namin mamaya” Dagdag niya pa bago siya naunang magtungo palabas ng mansion.
“Oy Eliza ah, yung bilin ko sayo” Paalala sa akin ni Lanie. Gosh! How absurd naman ng mga pinagsasabi niya sa akin.
“K. Fine. Whatever” Saad ko na lang saka siya sinabayan maglakad palabas ng bahay.
“Ingat kayo!” Sigaw ko habang kumakaway sa sasakyan nilang umaandar na papalayo.
Nang hindi ko na matanaw ang sinasakyan nila ay nagsimula na akong maglakad-lakad habang taimtim na pinagmamasdan ang paligid.
“Magandang umaga po Ma’am” Nakangiting bati sa akin ng mga nakakasalubong kong manggagawa. Binabati ko sila pabalik ngunit hindi ko magawang suklian ang mga ngiti nilang iyon sa akin. Nagpatuloy na lamang ako sa paglalakad hanggang sa marating ko ang gate ng Hacienda.
Tanaw ko mula rito ang sinasabi ni Lanie na palayan, mukha namang payapa ang paligid kaya nakapagtataka kung paano nila nasabi na may mahihiwagang nilalang na kinatatakutan nila ang nakatira dito. Tss, absurd.
“Manong!” Tawag ko dun sa guard na namamahala dito sa gate. Agad naman siyang tumalima at lumapit sa gawi ko.
“Sino po kayo at paano ka nakapasok dito sa Hacienda ng mga Villaruel?” Taka niyang tanong. Ah, hindi niya pa pala ako kilala. So maybe I should introduce myself fisrt, beat it.
“I’m Cybelle Eliza Marticiao, ako po yung pamangkin nila Mrs. Villaruel na dumating dito noong nakaraang Linggo” Pakilala ko, bigla namang nanlaki ang mata niya. OA naman neto.
“Ah Ma’am Eliza, kayo po pala? Pasensya na po, ngayon ko lang po kase kayo nakita” Eww! What’s with the unli use of po? Halata namang mas bata ako tignan kumpara sa kanya tsk. Sensya na, ma-attitude din kase ako minsan.
“Okay lang po yun. Uh pwede po bang pakibuksan etong gate? Gusto ko lang mamasyal sa labas” Utos ko sa kanya. Bigla namang nanlaki ang mata niya, seriously? Kanina niya pa ako nilalakihan ng mata ha, may lahi ba siyang tarsier?
“Ma’am, hindi po pupwede…baka kung mapaano po kayo diyan e ako ang malalagot sa amo ko”
“Kuya, akong bahala…Hindi naman ako bata para ikulong niyo dito sa Hacienda, kaya nga ako umuwi dito sa probinsya ay para makapamasyal ako at makapag-enjoy” Napakamot naman siya sa kanyang ulo.
“Basta Ma’am, hindi ko kasalanan ah” Parang baliw tu, sure na sure pa yatang mapapahamak ako e.
“Oo na, akong bahala, hindi ka malalagot. Promise.” Ngumiti naman siya saka tumango-tango, naabno na yata eto si Manong. Bumalik na siya sa post niya saka binuksan ang gate, ginagamitan naman ng technology etong gate kaya hindi na kailangang hilahin o itulak pa, kusa itong nagbubukas kapag pinindot na yung open button---Teka! Bat ko ba ineexplain pati yun?
“Ingat Ma’am!” Kumaway pa sa akin si Manong bago niya isinara ang gate.
Nag-umpisa na ako sa paghakbang ng aking mga paa patungo sa malawak na palayan. Tahimik ang buong paligid, tanging huni lamang ng mga ibon at ang marahang pagsipol ng hangin ang maririnig.
Malamlam ang sikat ng araw kaya hindi ako gaanong nasisilaw at hindi rin gaanong nakakapaso ng balat ang init na dulot nito. Natanaw ko ang mababang burol na hindi naman kalayuan mula sa kinatatayuan ko. Sa tuktok nito ay matatagpuan ang isang malaking puno, yun ba yung sinasabi ni Lanie? Tss, hindi naman nakakatakot ah, parang ang ganda pa nga yatang tumambay dun e.
Binilisan ko ang lakad ko hanggang sa marating ko ang burol, agad akong pumwesto sa ng lilim ng punong Narra. Mula doon ay pinagmasdan ko ang paligid, noon ko lamang napagtanto na gitnang-gitna pala ng palayaan ang kinaroroonan nitong burol. Amazing.

Bình Luận Sách (33)

  • avatar
    Chelle Desphy

    good

    26/07

      0
  • avatar
    Hydhn Rb

    ayus

    18/07

      0
  • avatar
    BolanoJonel

    Ang ganda ng kuwento nakakatakot

    29/06

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất