logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Mr. Engkanto and I

Mr. Engkanto and I

CM Chausser


Prologo

Two years ago I meet a creature na hindi ko inasahang nag-eexist pala sa totoong buhay.
I thought na nag-iimagine lang ako noong una, I thought nade-depress lang ako kasi noong mga panahon na yun ay kagagaling ko lang sa isang heartbreak. I was in the middle of moving-on from a painful past.
But gosh! Hindi pala…Kase nahawakan ko siya, naramdaman kong totoo siya.
At ang pinaka-hindi ko inasahan sa lahat…Ang mainlove ako sa isang tulad niya. Siya ang naging dahilan ng mabilis na pagmo-move on ko. Akala ko noong una, madali lang ang magiging takbo ng mga bagay. Akala ko, pwede…pwede ko siyang mahalin, na pwede akong maging masaya sa piling niya.
Pero nagkamali ako, kase hindi kami hinayaang maging masaya ng tadhana…
And now, pakiramdam ko ay kulang na kulang ang buong pagkatao ko, I felt so empty dahil wala na siya. Wala na ang lalaking hinahangad kong makasama hanggang sa dulo ng paglalakbay. Ipinagkait na naman sa akin ang masayang kapalaran…
Ni hindi ko man lang nasabi sa kanya ang salitang gusto kong sabihin bagkus ay nasaktan ko pa siya. Ipinagtabuyan ko siya paalis…pero para sa kanya naman yun e, para sa ikabubuti niya ang ginawa ko.
At ngayon, hanggang bulong na lang sa hangin, hanggang sa isipan ko na lamang masasabi sa kanya ang salitang magpapaliwanag ng buong katotohanan, ang katotohanan na mahal ko siya at handa akong masaktan para sa kanya…
‘Conde Ivtre Isagani’
“Ma’am, nandito na po tayo” Narinig kong saad ng driver ko.
“Salamat manong, mauna na po kayong tumuloy sa loob ng hacienda, maglalakad na lang po ako mamaya papasok” Turan ko saka lumabas na ng kotse.
Sariwang hangin agad ang sumalubong sa akin, para akong niyayakap. Ang sarap sa pakiramdam na mabalikan ang lugar na naging saksi ng mga pinagdaanan ko, ng iba’t-ibang emosyong naranasan ko dahil sa pagmamahal. Inilibot ko ang aking paningin , luntiang kulay ng mga dahon at halaman sa paligid, mga paru-paru, ibon at tutubi na malayang lumilipad sa malawak na lupain.
Inihakbang ko ang mga paa ko patungo sa pamilyar na daang hilig kong tahakin noon patungo sa kanya. Tirik ang araw pero hindi naman gaanong nakakapaso ang init nito lalo na at marahan ding sumisipol ang hangin sa buong kapaligiran.
Napangiti ako nang muling masilayan ang lugar kung saan nag-umpisa ang lahat, kung saan una kaming nagkita. Ang puno ng Narra na matatagpuan sa tuktok ng mababang burol sa gitna ng palayan. Sumilong ako sa lilim nito, saka ko muling tinanaw ang malawak na palayan na nababalutan ng luntiang kulay.
Isang malalim na hininga ang pinakawalan ko. Paminsan-minsan na lang kung makadalaw ako sa lugar na ito dahil may trabaho akong inaasikaso sa Maynila, ako na ang nagmamanage ng kompanyang pag-aari ng pamilya namin. Hayst, ewan ko nga kung bakit ginagawa ko pa rin ito…I already made my choice pero bakit parang sumasalungat naman ako ngayon. I don’t know…I’m starting to hate this contradicting thoughts of mine…
Naupo na lamang ako sa damuhan saka isinandal ang aking likuran sa katawan ng Narra.
I closed my eyes and started to reminisce the memories I had with him…
The memories I had with the man who taught me how great life could be…
The man who showed me the rainbow after the heavy storm…
The man who brought back the smile that I almost lost…
The man who picked up the broken pieces of my heart and put it all back together…
Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ng mga makakarinig sa kwento namin. Pero para sa akin, ang bawat sandali na nakasama ko siya, ang lahat ng ala-ala na nabuo namin ng magkasama ay ang pinakamagandang regalo na ibinigay sa akin ng Panginoon. Those memories are the greatest treasures of my life that I will continue to keep…
Until God gives me another chance…
Until he comes back…
Until its ‘My Mr. Engkanto and I’…
SOMEONE'S POV
Noong unang panahon, isang binibini mula sa malayong nayon ang kilala dahil sa taglay niyang kagandahan. Siya ay nag-ngangalang Verona. Maraming kalalakihan ang nahuhumaling sa kanya subalit lingid sa kaalaman ng lahat, ang babaeng ito ay hindi kailan man magagawang tumingin sa wangis ng sino mang lalaki. Iyon ay dahil siya ay isinumpa. Isinumpa niya ang kanyang sarili.
Ang sumpang iyon... Ay alay niya para sa yumaong kasintahan. Isinumpa niyang magiging permanente ang nararamdaman niya para sa kanyang kasintahan, ang kanyang pagmamahal dito... Maski pa dalhin sila sa magkaibang daigdig ay hinding hindi niya magagawang bitawan ang pangako niya para sa lalaking sinisinta.
"Conde Ivtre, aking mahal."

Bình Luận Sách (33)

  • avatar
    Chelle Desphy

    good

    26/07

      0
  • avatar
    Hydhn Rb

    ayus

    18/07

      0
  • avatar
    BolanoJonel

    Ang ganda ng kuwento nakakatakot

    29/06

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất