logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Chapter 6

Chapter 6
Pinaglaban
"Ang galing mo, Grant!" Papuri ni Kelly.
"Ako? Ba't hindi mo ako sinasabihan na magaling? Sumagot din naman ako ah!" si Kyle.
"Sumagot? Sagot mo puro mali! Kung sayo kami nakikinig, malamang tayo pa unang matatanggal!"
"Tama na nga 'yan!" Irita akong napasigaw. "Bakit ba sa tuwing kumakain tayo ay nag-aaway kayo? Hindi ba tayo pwedeng kumain ng mapayapa?!"
Bigla silang napahinto matapos kong magsalita. Saka ko lang narealize na nakatingin na pala sa akin ang lahat ng tao rito sa loob ng cafeteria. Argh! Kainis talaga!
Kanina pa hindi makapaniwala si Kelly na kami nga ang nakakuha ng pinakamataas na grade sa Science. At kanina pa rin pikon na pikon si Kyle dahil hindi man lang daw namin siya pinasalamatan sa pagsasagot niya kanina. Alam naman niyang puro mali ang sagot niya tapos ganiyan pa siya umarte. At eto namang si Kelly, paepal din! Alam nang nagpapansin lang si Kyle sakaniya, patol pa nang patol.
Kelly laughed, "Wow! Ikaw ba 'yan? Sa tagal nating magkakasama, ngayon ka lang nagreklamo!"
Sinamahan pa ni Kyle ang pagtawa ni Kelly na siyang dahilan para mas lalo akong mainis sakanila.
Kasalukuyan kaming nasa cafeteria ngayon, kumakain. Wala kaming klase sa Math dahil nasa meeting si Ma'am Lara. At siyempre... kasama namin si Grant. Sinabi ni Kelly na manlilibre raw siya at kailangan kasama si Grant. Siya naman kasi ang nagpanalo sa amin. Kung hindi namin kagrupo si Grant, sigurado talagang kami na naman ang may pinakamababang grade.
"Simula ngayon Grant, lagi ka nang sumama sa amin. Para naman hindi lang ako ang lalaki!" Ungot ni Kyle. "Ako laging nakakawawa nitong dalawang 'to e!"
"Sure." Grant smiled too.
Pinanlakihan ko ng mga mata si Kyle pero tanging ngiti lang din ang isinagot niya sa akin. Ibinalin ko naman kay Grant ang atensyon ko at mukhang sang-ayon siya sa nais mangyari ni Kyle.
Pero... Aish! Okay, okay!
Bago pa lang si Grant dito at naiintindihan ko kung bakit siya pumayag. Ayos lang naman sa akin na sumama siya sa amin pero... mahihirapan ako! Hindi ko alam kung makakakilos pa ba ako ng normal, simula nang dumating si Grant ay pakiramdam ko... kailangan ko nang mag-behave. T__T
"Excuse me, Kelly and Kyle."
Sabay-sabay kaming napatingin sa pinanggagalingan ng boses, ang tumawag kina Kelly at Kyle. Si Florence...
Siya 'yung babae sa section 2! Ayon sa mga naririnig ko ay may gusto siya kay Kyle. Ewan ko lang ngayon, hindi kasi siya type ni Kyle kaya hindi niya ito pinapansin. Mukhang masungit si Florence, bossy siya sa section nila. Dati namin siyang kaklase pero natanggal siya section one.
"Pinapatawag kayong dalawa ni Ma'am Tracy." Aniya sabay irap at agad na ring nilisan ang harapan namin.
Nagkatinginan kaming tatlo. Tumawa ng malakas si Kyle habang si Kelly naman ngayon ang nakabusangot.
"Hehe, pinapatawag tayo ni Ma'am Tracy. Tara na!" Kyle grabbed Kelly's hand and then they left.
Naiwan na naman kami ni Grant. Argh!
Pinagmasdan ko nalang ulit ang plato ni Grant dahil naiilang ako sa tuwing tumitingin ako sakaniya ng diretso. Naroon pa rin ang ilang mga gulay at prutas. At hindi na ata mawawala ang paborito niyang empanada.
Nagpatuloy ako sa pag-uubos ng pagkain sa plato ko habang palihim na sinisilip ang ginagawa niya. Kanina pa siya may hawak na sketchpad, hindi ko alam kung anong ginuguhit niya.
Hindi ako mapakali! Sobrang tahimik! Kausapin ko kaya siya? Baka isipin niya... hindi ko siya kinakausap kasi ayaw ko siyang kasama. No!
"A-Ahm, m-magaling ka palang mag-drawing..." pag-uumpisa ko.
Sa pagsasalita ko ay umangat ang tingin niya sa akin. Isinara niya ang sketchpad sabay ngiti. O__O
"I guess," he smiled again. "What's your eye color?"
Huh?
Nagtaka ako sa bigla niyang sinabi. Bakit niya naman natanong? At saka... malapit na akong ma-nosebleed!
"B-Brown."
Tumango siya ng dalawang beses at pinanatili sa akin ang mga mata. Hindi ko tuloy alam kung saan tingin dahil sa ginagawa niyang pagtitig sa akin. Naiilang ako...
"Do you feel uncomfortable? You can just ask me to leave, I don't mind." he continued.
Hindi ako nakapagsalita sa sinabi niya kaya umiling nalang ako bilang pagsagot. I didn't expect him to talk to me like that! Akala ko ay ako pa 'tong mauunang magsalita ulit pero hindi ko alam na siya pa ang kakausap sa akin.
At saka, bakit ngayon lang siya nagsasalita? Kaninang apat pa kami, panay tango at iling lang siya pero ngayong kaming dalawa nalang, mukhang mas prefer na niyang dumaldal. Uhm, ayos naman sa akin 'yon. Nahihiya rin naman kasi akong magsalita pa sa harap niya.
Oo nga pala, hindi ko pa nagtatanong 'yung tungkol sa una naming pagkikita. Hindi ko rin alam kung ayos lang ba na sabihin ko kina Kelly na matagal ko nang kilala si Grant, baka mas lalo lang isipin nung dalawang 'yon na may relasyon kami. At saka... ayos lang ba kaya kay Grant kung magtanong ako?
"U-Uhm, Grant. Pwede ba akong magtanong?" Napahinga ako nang malalim, agad naman siyang tumango sa akin. "N-Naaalala mo pa ba 'yung... ahm, aish! Nahihiya ako..."
"Bakit ka nahihiya?" Grant chuckled.
Mabilis akong napatakip sa bibig ko at agad na pinagsisihan ang sinabi. Kainis! Hindi talaga marunong mag-ingat 'tong pesteng bibig na 'to!
"A-Ano kasi, diba una tayong nagkita noong sa may ano... sa The Vinci, tapos... ahm..." kinagat ko ang pang-ibabang labi ko dahil sa hiya. "B-Bumalik ako."
"Binalikan mo ako?"
"H-Hindi!" Agad kong depensa. Mas lalo siyang natawa. "M-May naiwan lang ako sa loob ng gallery kaya ano, ayun... bumalik ako."
"Sa loob ng gallery? Pero nandoon ka sa lugar ko, sa likod. Kung nasaan ako noong una mo akong nakita." Ngumisi siya nang mas matindi habang pilit akong kino-corner sa matatamis niyang salita. Argh!
Baka naiwan ko 'yung puso ko? sayo?
Fuck!
"T-That's not what I am talking about kase! Ang gusto kong tanungin is... bakit mo tinanong kung saan ako nag-aaral?" Pagdidiretso ko na.
Umayos siya ng upo niya at tinignan ako nang diretso sa mata. Nakita ko rin na nagdekwatro siya at feel na feel ang pag-iinterview ko sakaniya.
"I'm dying," he laughed. "Kakauwi ko lang galing Taiwan. I need to continue my studies, before I leave again. That's why I asked you, so that I can find a school near my place."
Anong ibig niyang sabihin? Mag-aaral lang siya saglit dito tas aalis siya agad? Ano 'yun, commercial lang? At saka, anong 'I'm dying'? Baliw ba siya?
"A-Ang weird mo." Mahinang sabi ko dahilan para mapangiti siya nang kaunti.
Lumipas ang lima pang minuto at nanatili na kaming tahimik. Nakafocus lang siya sa sketchpad niya habang ako ay kung saan-saan inihaharap ang hawak kong camera. May mga kakilala akong dumadaan sa harap ko at nagpapapicture sila. Maging ang ibang mga teacher na malapit sa akin ay nagpapapicture rin.
Hindi ko naman maiwasang mapasilip sa ginagawa ni Grant. Ahm... hindi niya naman siguro mahahalata kapag kinukuhanan ko siya ng litrato, diba?
Click!
Kabadong-kabado ako matapos gawin ang isang click kay Grant. Agad kong iniiwas ang camera ko at nagpanggap na may kinukuhanan sa 'di kalayuan. Ibinalik ko sa camera ang tingin ko at pinagmasdan doon ang litrato ni Grant. He's... perfect.
Sabi nila, mas lalong nakikita ang kagwapuhan ng isang lalaki kapag nasa kalagitnaan siya ng trabaho niya. O kaya kapag nagiging busy. At kay Grant, totoong-totoo iyon. Kahit pa hindi naman siya busy e. Gwapo na siya.
"Patrina! Patrina!"
Nagulat ang halos lahat nang tao sa loob ng cafeteria matapos marinig ang malalakas na sigaw mula sa isang lalaki. Oh, it was Von. 'Yung tropa ni Kyle.
"Trina! Si Kyle nasa field! Bugbog-sarado!"
"Ha?!" Malakas kong sigaw.
Hindi ko sinasadyang naibalibag ang upuan ko sa flooring dahil sa sigaw ni Von. Mabilis kaming nagkatinginan ni Grant at mukhang ang pagtayo niya ang naging go-signal para dali-dali na kaming tumakbo papalabas ng cafeteria.
Puta naman! Ano na naman bang ginawa nung dalawang 'yon?! At anong bugbog-sarado? Peste!
Pagkarating namin sa field, nakumpirma kong totoo nga ang sinabi ni Von. Nagkukumpulan ang mga estudyante sa field at nasa gitna nilang lahat si Kyle na sisiga-siga pang nakatayo kahit punong-puno na ng dugo ang noo niya. Nasa tabi niya si Kelly na mas buhol pa sa walis-tambo ang buhok. Tsk! Eto na nga ba ang sinasabi ko e!
"Ano? Ano? Ano? Lapit ka pang tarantado ka! Ano?!" Sigaw ni Kyle. "Putok 'yang kaliwang mata mo sa'kin! Gago ka, kapal ng mukha mo! Ipaglaban mo pa 'yang nililigawan mong mukhang galunggong!"
"Oo nga!" si Kelly.
"Hoy! Kyle! Kelly!" Awat ko sakanilang dalawa. Pagkalapit ko ay agad kong pinatikim ng super ultra mega'ng pingot si Kyle habang kinurot ko naman sa tagiliran si Kelly. "Ano ba 'to?!"
"Wow, nagtawag ng uod ang duwag!" Sigaw naman nung lalaking basag ang kanang mata.
"Aba, sinong tinawag mong uod? Ako? Talaga? Uod ako?" Sarkastiko akong tumawa habang nakaturo pa sa sarili. "Kung uod ako, ikaw mukha kang libag!"
"Huh! Pare, mukha raw akong libag?" Pagtawa pa nito. "Bobo, anong connect no'n?"
"W-Wala!" Umamba pa akong sasapak. "Walang connect 'yon! Ibig sabihin, wala rin akong pake!"
"Hello?"
Napatingin kaming lahat kay Grant nang bigla siyang nagsalita. Pati ang mga nanonood sa amin ay nasa kaniya na rin ang atensyon. Nasa tenga niya ang hawak niyang phone at mukhang may kinakausap siya.
"Yes, this is the police, right? Yes, I think I should report this scene right now because it's getting more serious between the both parties. Yes, physical abuse. Yes, students. Oh, you need the address? We are currently here at the school---oh, you're now on your way? That's good, please come here as soon as possible." aniya at saka tumingin sa mga lalaking nakabugbugan ni Kyle. "Paparating na ang mga pulis."
"A-Ano?!"
Nagulat kaming lahat nang biglang nagsitakbuhan ang mga estudyanteng nanonood sa amin papalayo. Maging ang grupo ng mga bumugbog kay Kyle ay naglaho na rin na parang bula.
"Hahaha! Mga bobo, sige takbo! Takbo! Takbo! Hahaha!"
"Hahahaha! Motherfuckers!"
Pinagkukurot ko sa tagiliran sina Kyle at Kelly na tawa pa nang tawa kahit mukha na silang mga isdang nilalangaw. Saka ako bumalin kay Grant na pinipigilan ding matawa. Huh! What's the meaning of this?!
"Ikaw, ikaw! Anong eksena naman 'yon?" Taas-kilay kong tanong.
Napakamot siya sa leeg niya habang pinipigilang kumawala ang mga ngiti sa labi niya.
"Pwede na ba ako mag-artista?"
Sumali sa tawanan nung dalawa si Grant at iniwan akong umuusok na sa galit. Argh! At nakuha pa talaga nilang tumawa?!
Nagsimula na kaming maglakad pabalik ng classroom. Ngayon, kay Sir Glenn nalang muna kami hihingi ng tulong. May first aid kit naman siya sa classroom niya at kapag sa ibang teacher naman kasi kami tumakbo ay baka ireport lang kami sa guidance.
"Anong nakakatawa, anong nakakatawa?!" Gigil kong pinagpapalo ang pwet nilang dalawa. Pinitik ko ang noo ni Kyle. "Tara, kailangan nating gamutin 'yang sugat mo! Ang yabang-yabang mo! Tubuan ka sana ng dede sa noo." Saka ko hinila si Kelly. "At ikaw naman, kababae mong tao, nakikipagsapakan ka rin! Ano ba kasing nangyari?!"
Hinila ni Kelly ang ponytail sa wrist ko at ginamit iyon para itali ang buhok niya. Si Kyle naman ay tatawa-tawa lang na nakaakbay kay Grant. May pinag-uusapan silang hindi namin naririnig.
"Hoy! Ano!"
"Teka lang! Nagkwekwentuhan pa kami!" Hagikgik ni Kyle sabay nguso kay Kelly. "Si Kelly ang nag-umpisa, hindi ako ah! 'Yang babaeng 'yan, sinampal si Florence. Ayon! Sasapakin sana nung lalaking kasama ni Florence itong si Kelly pero mabuti nalang nasalag ko! Tangina, sakit sa panga no'n! Kelly, kailangan mo akong ilibre mamaya. Pinaglaban kita kaya dapat maging mabait ka sa akin."
"Okay." Kelly shrugged. "Gaga kasi 'yong Florence na 'yon. Sabi niya tawag kami ni Ma'am Tracy tapos pagdating namin ipapabugbog lang pala kami sa manliligaw niya. So, yeah, I slapped her oily face. What a cheap monkey."
Napahilot ako sa noo ko habang pinagmamasdan silang dalawa. Nakarating na kami sa classroom ni Sir Glenn at agad naman niya kaming pinapasok. Nagpacute pa si Kelly kay Sir pero hindi nalang siya nito pinansin.
Kasalukuyan nang nilalagyan ni Kelly ng betadine ang noo ni Grant. Bwiset talaga sana tubuan siya ng dede riyan.
"Kayo talagang mga bata kayo, paano kapag nahuli kayo ng mga teachers? At sa field pa kayo mismo nagsuntukan." Pangaral sa amin ni Sir Glenn.
"Ayos lang, Sir. Wala namang nakakita." Halakhak ni Kyle dahilan para batuhin ko siya ng tissue.
"Sige, tawa ka pa. Kala mo nakakatawa?"
"Oo na, hindi na!"
Pinanood ko lang silang maggamot ng mga sugat na natamo nila kanina. Pagkatapos ay agad kaming nagpasalamat kay Sir Glenn. Mabuti nalang at nandiyan siya dahil kung wala ay baka na impeksyon na ang sugat ni Kyle.
Kailangan na naming bumalik sa cafeteria ngayon dahil naiwan doon ang mga gamit namin. Sana lang ay hindi kami manakawan.
"Tinatamad na akong pumasok. Kelly, 'wag na tayong pumasok." Pag-aaya ni Kyle.
"Sige."
"Ano? Anong sabi mo?" Tinignan ko nang may babala si Kyle at inirapan silang dalawa. "Papasok tayo sa next class kaya---"
"Oh my god!" Sigaw ni Kelly.
Nagulat din ako nang sumigaw siya kaya tinignan ko agad ang dahilan niyon.
"W-What the..."
Umangat ang tingin ko kay Grant. May hawak siyang empty cup at mukhang nabuhos ang laman ng cup na 'yon. At nakatingin silang lahat sa pinagbagsakan ng tubig, sa... Camera ko.
"W-What the hell?"
Hindi ako nakagalaw. Hindi kaagad nag-sink-in sa utak ko ang nangyari.
Pero... 'yung camera ko... basang-basa.
"N-No... This can't be!"
Pinunasan ko ang luhang tumulo sa pisngi ko at agad na tumakbo papalabas. I don't know... I don't know what to say. Wala na akong ibang masabi. Walang pumapasok sa isip ko. Hindi ko na alam... galit nalang ang nararamdaman ko ngayon.

Bình Luận Sách (57)

  • avatar
    Jhepot Biay

    ang ganda po

    18d

      0
  • avatar
    Princess Zafra Prado

    I want this story🥰

    10/08

      0
  • avatar
    Anna Javan

    𝙨𝙪𝙥𝙚𝙧 𝙜𝙖𝙣𝙙𝙖 𝙗𝙖𝙨𝙝𝙞𝙣

    03/06

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất