logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Chapter 2

Astria pov
Dahan- dahan kong iminulat ang mga mata ko hindi ko maramdaman ang katawan ko , iginala ko ang mga mata ko maraming naka palibot sa’king mga tao .
Tumingin ako sa gilid ko at may nakita akong van na puit na may plaka na ‘WHO 2235’ nakatutok din ang headlight nito sa’kin gusto kong mag salita ngunit hindi ko maibuka ang aking mga labi , maraming tao ang nag bubulungan na naka palibot sa’kin.
Ngunit sa hindi kalayuan ay nakita ko ang isang tao na naka itim naka tungo siya kaya hindi ko maaninag ang kaniyang mukha Malaki ang pangangatawan niya kaya sigurado na akong lalaki siya , hindi ko alam kung bakit niya ako hinahabol at anong nagging kasalanan ko sa kaniya .
Isang wangwang naman ng ambulansya ang narinig ko sa hindi kalayuan, ngunit naka titig parin ako sa lalaking naka kapote at dahan dahan siyang tumalikod at nag lakad papalayo nais ko sana siyang pigilan pero hindi ko na nagawa dahil natabunan na ng mga tao ang daan papunta sa kaniya……
Isang malakas na tunog galing sa alarm clock ko ang gumising sa ‘kin , ito na pala yung araw na pupunta kami sa St. Francis University , kagabi pa naka impake ang gamit ko kaya naman tumayo na ‘ko at kinuha ko na ang towel na nakasampay.
Mag isa nalang ako dito sa bahay wala din akong kapatid , ang papa ko naman namatay siya habang iniimbestigahan ang isang kaso , ang nanay ko? Hindi ko na alam kung nasa’n siya dahil nga sa accident 10 years ago ay dumi-depende nalamang ako sa mga ala-alang sinasabi sa ‘kin ni papa ngunit wala naman siyang nabanggit na kahit ano tungkol sa mama ko.
Nang matapos na ‘kong maligo ay agad na din akong nag bihis usapan kasi namin ni Nash na sabay na kaming pupunta sa university.
Simple lang ang suot ko naka t-shirt lang ako na white at naka denim na pantalon , sumakay na’ko sa kotse at nag drive na papunta sa station.
***
Dumiretsyo na ‘ko sa department namin at nakita ko do’n si Nash na kinakausap si Chief , tinuro niya ko ng makapasok na ‘ko sa loob.
“Buti naman at nakarating kana, iwanan mo nalamang nag kotse mo dito at ihahatid kayo ng isa nating agent sa tapat ng university,” paliwanag ni Chief. Nag ka tinginan naman kami ni Nash at sabay na tumango.
Lumabas na kami dala ang mga gamit namin at dumiretsyo na sa parking lot ng station , inilagay na ni Nash sa tank ng van ang mga gamit namin at sumakay na kaming dalawa.
Habang nasa biyahe ay hindi ko mapigilan mag isip kung ano bang klaseng kaso ang kakaharapin namin dahil ngayon lang ako nakaramdam ng bigat sa puso ko para bang unti-unti nito akong hinahatak papalapit sa kasong ‘to at mayro’ng part sa puso ko na gusto niyang makawala dahil kapag hindi kumawala ay unti-unti siyang lalamunin nito.
“Ayos kalang? Ang lamig ng mga kamay mo,” puna ni Nash , hinawakan niya ang kamay ko at tumingin sa ‘kin.
“Ayos lang ako,” sagot ko, tumingin ako sa kaniya at bahagyang ngumiti.
***
Nang makarating na kami sa tapat ng university ay bigla kaming nag taka, meron ‘tong malaking pader na paikot at malaking gate din na kuonti nalamang ay kapantay na ng pader.
“Mukhang tinaasan ng university ang bakod nila ah!,” sambit ni Nash at nag lakad na papalapit sa gate.
Lumapit na kami sa gate ngunit wala kaming anumang nakitang doorbell.
“Paano kaya tayo makakapasok nito, walang doorbell manlang or anything,” saad ko.
Umikot kami sa likod upang tingnan kung may iba pang puwedeng pasukan ngunit wala kaming nakitang kahit ano kundi malaking pader lamang , kaya no choice kami kundi bumalik ulit sa harapan.
“Paano kaya tayo makakapasok?” Tanong ni Nash , sabay tingin sa ‘kin .
“Baka naman may ibang paraan.” Nag masaid kami sa paligid upang tingnan kung may iba pang mga button para mabuksan ang gate ngunit wala kaming nakita .
Sumuko na kami ni Nash sa pag hahanap dahil kanina pa kami nag hahanap buti nalamang ay hindi masyadong mainit dito sa kinatatayuan namin dahil may malaking puno na naka harang sa sikat ng araw.
Napag-desisyonan nalamang namin ni Nash na mag hintay baka may dumaan at pumasok sa loob ay makikisabay nalamang kami ,umupo kami sa isang malaking bato na nasa gilid ng gate.
Habang naka upo kami ay pinag masdan ko ang gate isa itong malaking itim na gate na sa pinaka tuktok ay parang arko ng korona mayro’n din ‘tong sulat na ‘WELCOME TO ST. FRANCIS UNIVERSITY’ sa pinaka taas nito at sa baba naman no’n ang ang katagang ‘BE CAREFUL WHO YOU TRUST, EVEN THE DEVIL WAS ONCE AN ANGEL’ .
Kinilabutan ako nang binasa ko ‘yon , ilang sandali pa ay tinapik ako ni Nash at napalingon ako sa kaniya.
“May paparating,” bulong niya, tumayo kaming dalawa.
Tumingin naman ako sa lalaking papalapit sa’min, maganda ang pangapngatawan niya , matangkad din siya at moreno , may katangusan ang kaniyang ilong may kapulahan din ang kaniyang labi , mayro’n din siyang mapupungay na mga mata at mahahabang pilik mata.
Huminto siya sa harapan namin at tinitigan kami na para bang nag tataka siya kung bakit hindi kami pumapasok , maganda din ang kaniyang tindig.
“Ahm.. excuse me!... I’m Astria papasok ka rin ba sa loob?” Tanong ko, tiningnan niya lang ako at nag katinginan lang din kami ni Nash.
“Student din kami dito kaso hindi kami makapasok sa loob,” singit naman ni Nash , tumingin naman siya kay Nash at itinuro ang isang sign na natatakpan ng mga dahoon hinawi ko ‘yon at lumabas ang isang sign na ‘Please show your ID in the camera’.
“Ahh! Ganon pala, kailangan ipakita daw yung ID natin sa camera,” sambit ko na may konting kahihiyan , kanina pa kami nag hihintay dito pero hindi namin nakita yang sign na ‘yan jusme!.
Inilabas namin ni Nash yung ID namin at sabay sabay naming ipinakita sa cctv camera sa taas at dahan-dahang bumukas ang gate .
Gano’n pala ‘yon para makapasok kailangan mong ipakita ang ID mo , nang makapasok na kami ay sinalubong kami ng isa nanamang lalaki na naka uniform puti na may pula sa mga mangas at kuwelyo ang kulay ng kaniyang pang taas meron ding tatak ng logo ng university sa bandang kaliwa na pocket , kulay itim naman na pants ang kulay ng pang baba Samahan mo na ng itim din na sapatos.
“Oh! Zach bakit ngayon kalang hindi ba dapat kahapon kapa nandito?” Tanong ng lalaki sa lalaking nasa harap namin.
“May mga inasikaso kasi ko sa labas saka nag email naman na din ako sa admin,” sagot naman ni Zach sa lalaki, tumango lamang ang lalaki at ibinaling na ang tingin sa ‘min.
“Teka kayo ba yung mga transferee?” Tanong nito sa’min , napalingon naman si Zach sa’ming dalawa.
“Oo! Kami nga,” sagot ni Nash, lumapit naman sa ‘min yung lalaki at tumabi kay Nash.
“Chris nga pala isa ako sa mga student ng university at ibinilin kayo sa’kin ng admin.” Nakangiti niyang sabi, “nga pala siya si Zach isa sa mga top student ng university/ varsity din ng university,” pakilala niya pa kay Zach.
“Halina kayo at ipapakita ko na sainyo ang mga dorm niyo,” sambit niya , nag lakad kami papunta sa isang golf car may kalakihan ito kaya kasiya nag apat na tao dalawa sa likod at dalawa din sa unahan.
Parang isang maliit na subdivision ang university na ‘to nasa loob narin nito ang mga dorm at matataas din ang mga gusali at bawat kanto ng gusali ay may mga cctv mukhang mahihirapan kami ni Nash mag ikot dito ah! , tiningnan ko si Nash at tumitingin din siya sa paligid na para ang pinag aaralan niya ang bawat kanto ng university.
Ilang sandali pa ay tumigil kami sa isang puting building na may karatula na ‘GIRLS DORM’ .
“Astria right?” Tanong sa’kin ni Chris, tumango lang ako at bahagyang ngumiti.
“Ito yung magiging dorm mo, pag pasok mo jan hanapin mo lang yung pangalan mo sa bulletin board at makikita mo na kung anong room at floor mo,” paliwanag niya, nag katinginan kami ni Nash.
“Bakit hindi nalang natin siya samahan papunta sa dorm niya?” Nag tatakang tanong ni Nash, napatingin naman si Chris kay Zach na ngayon ay nag babasa.
“Isa sa mga rules ng university bawal pumasok ang mga lalaki sa dorm building ng mga babae.” matipid na sabi ni Zach habang naka baling parin nag tingin niya sa binabasa niya.
Bumaba nako ng sasakyan at kinuha ‘yong mga gamit ko at sinabing, “Gano’n ba? Sige maraming salamat sa pag hatid, ikinagagalak ko kayong makilala Chris, Zach.” Ngunit naman si Chirs sa’kin habang si Zach ay hindi manlang ako nilingon.
Kumaway ako sa kanila bago sila tuluyang umalis at nang maka-alis na sila ay pumasok nako sa loob.
Hinanap ko yung bulletin board at nakita ko ‘to sa bandang kanan malapit sa hagdanan .
Hinanap ko ang pangalan ko para makita kung anong floor ako at hindi nag tagal ay nahanap ko din , nasa 6th floor ang kwarto ko at room 150 ako kinuha ko din ang nag iisang susi na nakasabit sa number na 150 ngunit bago ako tumaas ay pinag masdan ko muna nag paligid .
May dalawang cctv sa ground floor at may nakapaskil ding mga rules ‘1st rule hindi maaring pumunta dito kapag may klase, 2nd rule bawal mag papasok ng mga kalalakihan sa loob, 3rd kailangan nasa loob na ng mga kaniya kaniyang room ang mga students sa bago ang curfew time, 4th and the last rule bawal lumabas ng dorm kapag oras pa ng curfew’.
Nakalagay din sa baba ang curfew time, 6:00pm ang start ng curfew at matatapos ‘to ng 5:00 am.
Pumasok nako sa elevator at may nakita pakong isang cctv camera nang makarating na’ko sa floor ko ay dumiretsyo nako sa room ko at pag bukas ko ng pinto ay may nadatnan akong dalawang babae na nag aayos rin ng gamit nila na para bang kakarating lang rin nila.

Bình Luận Sách (31)

  • avatar
    Ericha Smith

    I like it

    08/07

      0
  • avatar
    RubioArianne

    woww

    12/06

      0
  • avatar
    Mj Imperial Payas

    happy birthday

    29/04

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất