logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

The Witness

The Witness

SilverAce24


PROLOGUE

Astria pov
Malamig ang simoy ng hangin at madalim ang kalangitan may mga pag kulog at pag kidlat din, papasok ako ngayon sa isang gusali ngunit hindi ko naman alam kung paano ako nakarating dito
Sinundan ko ang isang naka itim na kapote ngunit hindi ko alam kung bakit ko siya sinusundan hindi ko din alam kung lalaki ba siya o babae , pumasok siya sa gusali at dagli din akong pumasok ngunit bigla siyang nawala ,
Isang kulog na may kidlat ang umagaw sa atensyon ko tumingin ako sa bintana at nag simula na palang bumuhos ang ulan , nag simula na'kong mag lakad kahit hindi ko naman talaga alam kung saan ako pupunta
Isang sigaw ang umalingawngaw sa buong gusali kaya dagli akong tumakbo para hanapin kung saan nanggaling ang sigaw napahinto ako sa isang silid na naka bukas ang pinto tiningnan ko ang paligid naka patay ang ilaw nito naka bukas din ang bintana at hinahangin pa ang kurtina tumingin ako sa bandang kanan at meron akong nakitang isang tao na naka tayo siya yung kanina ko pang sinusundan na naka itim na kapote bigla namang kumidlat na may kasamang kulog kasabay ng pag tingin ko sa tinitingnan ng naka kapote , nakakita ako ng isang babae na nakahandusay puno ng dugo ang kaniyang damit na puti , tinakpan ko ang bibig ko upang hindi makagawa ng ingay para bang naririnig ko ang pag patak ng mga dugo ng babae sa sahig mula sa kutsilyong hawak ng naka kapote,

Nakatitig lamang ako sa babae hindi pa siya patay may kakaunti pa siyang malay dahan dahan siyang tumingin sa'kin at kasabay no'n ang pag kasawi niya, isang malakas na kulog at kidlat ang kumawala at kasabay no'n ang dahan dahang pag baling ng atensyon ng naka kapote sa'kin umatras ako ng isang hakbang nais kong tumakbo ngunit ayaw ng mga paa ko nakatitig lamang ako sa naka itim na kapote na naka tayo sa harapan ko habang dahan dahan siyang lumilingon sa dako ko papalakas ng papalakas ang mga kulog at kidlat hindi ko alam ang gagawin ko nang biglang......
"Astria!" Isang pamilyar na boses ang narinig ko.
Habol hininga 'kong iniangat ang aking ulo naka tulog pala ako , hinawakan ko ang aking mukha upang mahimasmasan at ibinaling ang tingin sa tumawag sa'kin.

"Nash...Bakit?" Tanong ko, habang naka tingin sa kaniya.
"Ayos kalang ba? Nananaginip kananaman ba?" Sunod-sunod niyang tanong.
"Okay lang ako," sambit ko, "Bakit nga pala?" Dagdag ko.
"Gusto ko sanang mag kape kasama ka para na din mag karo'n tayo ng break sa hinahawakan nating kaso ngayon okay lang ba sa'yo?" Tanong niya, tumango lamang ako sa kaniya at bahagyang ngumiti.
"Sige kung gano'n ay hihintayin na lamang kita sa coffee shop malapit dito sa station." Kinuha niya ang mga gamit niya na nasa kabilang table.
Inayos ko muna ang mga gamit ko bago ako lumabas pati narin ang mga files na naka kalat sa table ko ay inilagay ko muna sa drawer saka kinuha ang phone at wallet ko at sumabay na kay Nash palabas ng station.

Nang makarating na kami sa coffee shop ay nag-order na si Nash at ang inupuan kong table ay yung kita ang labas ilang minuto pa’y umupo na sa harapan ko si Nash.

"Yon nanaman ba ang napanaginipan mo?" Tanong niya sa'kin, huminga lamang ako ng malalim at tumingin sa kaniya .
"Ewan ko ba para bang totoo siya," saad ko, tiningnan ko si Nash.
Matapos kasi ang aksidente ko 10 years ago ay meron na akong mga napapanaginipang mga pangyayari na para bang totoo na, para bang nangyari talaga yung pang yayari na 'yon ngunit hindi ko lang maalala .
10 years ago na sangkot kasi ako sa isang car accident kung saan natamaan ang aking ulo at napasama ito na nag dulot nang pag kawala ng aking memorya wala akong ibang natatandaan maski yung aksidente ang mga natatandaan ko lamang ay ang mga pangyayari matapos na ang aksidente , kaya naman kahit alalaala ng nakaraan ,kabataan ay hindi ko alam dahil sa pag kawala ng aking memorya .
"Gano'n at gano'n parin ba?"Tanong niya, tumango lang ako.
"Hindi ko alam pero nitong mga nakaraang Buwan paulit ulit lang ang napapanaginipan ko nag lalakad daw ako at may sinusundan ngunit hindi ko naman alam kung sino yung sinusundan kong 'yon,” paliwanag ko.

"Hindi ko alam pero parang totoo siya , nararamdaman kong parang nando'n talaga ako sa pang yayari," dagdag ko pa.
"H'wag mo ng isipin 'yon siguro dala lang yan ng pagod mo ganyan din ako minsan kapag pagod kung ano-ano na lang ang nagagawa ng isip ko." Comfort niya sa 'kin at ngumiti ng bahagya, "maganda siguro kong mag pahinga ka muna, mag bakasyon ba." Nakangiti niyang sabi.
"Sa tingin mo? Ngunit hindi pa tayo puwedeng mag bakasyon dahil meron tayong iniimbistigahan na kaso, nga pala kamusta na yung mga na analyze mong data?" Tanong ko sa kaniya ,ngumiti naman siya .
"Nasa opisina yung mga files hindi ko nadala," sagot niya.
"Eh... Yung mga alibi ng mga witness?"Tanong ko, biglang namang nag bago ang facial expression niya.

"Matibay ang mga alibi nila kaya mahihirapan tayong tukuyin kung sino ang criminal.” Bumuntong hininga siya.
*ting*
1 new message
"Sino yan?" Tanong niya, ibinaling niya ang tingin niya sa phone na hawak ko.
"Si Chief tinatanong kung nasan tayo pumunta daw tayo sa opisina niya," sagot ko, nag katinginan kaming dalawa at dali dali naming kinuha ang mga gamit namin para bumalik sa opisina .
Nang makarating na kami sa station ay nag madali na kaming pumunta sa opisina ni Chief , kumatok muna kami bago kami pumasok nadatnan namin si Chief na naka upo sa table niya habang may hawak-hawak na mga folders sumaludo kami at nag salita .
"Chief".
Lumingon siya sa'min at sumaludo din tumayo siya sa pag kakaupo niya at kinuha yung mga folders at sinenyasan kaming sundan namin siya papunta sa meeting room .
Nang makarating na kami sa meeting room ay inilock na ni Chief ang pintuan tinted ang salamin ng meeting room soundproof din ito upang hindi makalabas ang mga pinag uusapan sa loob nito .
Naguguluhan kaming nag ka tinginan ni Nash dahil hindi namin alam ang gagawin .
"Ipinatawag ko kayo sa dalawang dahilan," panimula ni Chief.
"Unang dahilan nais kong bitawan niyo na ang kasong iniimbistigahan ni’yo ngayon," may awtoridad niyang sabi.
"Po? ngunit bakit po?"Naguguluhan kong tanong , nag katinginan naman kaming dalawa ni Nash.
"Iaatas ko na lang 'yan sa iba , meron kayong isang under cover assignment nais kong kayo ang humawak ng kaso na 'to dahil alam kong kayo lamang ang makakalutas nito," paliwanag niya.
"Under cover? ibig pong sabihin mag papanggap kami?" Tanong ni Nash, kitang kita naman sa kaniyang mga mata ang kinang ng marinig niya ang word na ‘ Under cover’.
"Oo!, Nais kong imbistagahan ninyo ang nangyari 10 years ago sa St. Francis University," sambit niya, nag tataka naman kaming tumingin ni Nash sa isa’t isa.
"St. Francis University isang kilalang paaralan ng mga matatalino, may mga sabi sabing mayayaman lamang ang nakakapasok dito sa tingin ko nama'y kilala niyo ang school na tinutukoy ko," paliwanag niya, limupat na ang projector sa isa pang slide.

"10 years na ang nakakalipas ng mag karo'n ng isang malaking sunog sa paaralan na 'yon wala namang nasabing nasugatan sa pangyayari dahil napalikas naman ng maagap ang mga students and teachers that time,” patuloy niya .
"Ngunit bakit hindi po nabalita ang tungkol sa sunog na 'yan?" Nag tataka kong tanong, ngayon ko lamang nalaman na nag karo'n pala ng isang malaking sunog sa paaralan na 'yon.
"Dahil ayaw ng school na pag usapan pa 'to kaya nag labas sila ng malaking halaga upang bayaran ang mga nakakalam sa nangyari at nag karo'n sila ng contrata na kahit kailan ay hindi nila maaring ipag sabi ang nangyari sa paaralan kaya ang mga nakakaalam lamang no'n ay ang mga students no'n , pulis na nando'n ng araw na 'yon at ang mga bumbero na nag apula ng sunog pati na din ang mga detective na nag imbistiga sa pang yayari, lahat yan ay binayaran ng school upang tumahimik," paliwanag niya, kumunot naman ang noo naming dalawa.
"Ngunit kong wala namang nasaktan sa insidente bakit pinili pa ng school na pag takpan 'yon?" Tanong naman ni Nash.
"Dahil kasabay ng sunog ay sunod sunod na insidente ng pag patay ang nangyari mayro'n ding mga students ang professors na nawala ng mga panahon na 'yon," sagot ni Cheif.

"Pitong (7) students ang nasabing nawawala, dalawang (2) students naman ang natagpuang patay isa sa science lab at isa naman sa likod ng school , tatlong (3) prof naman ang nawawala at hanggang ngayon ay hindi parin nakikita ang bangkay nila, narito sa mga documents na ‘to ang mga profile ng mga kasangkot sa insidente.” Inabot niya sa ‘min ang folder na nasa lamesa.
"Ngunit bakit pinili ng school na ipag sawalang bahala na lamang ang ganitong mga bagay? Hindi ba dapat ipinaimbistigahan nila 'to?" Tanong ni Nash.
"Naimbistigahan namin 'to kahit papaano ngunit ng malaman naming isang serial killer ang gumagawa ng mga kababalaghan sa school ay do'n na naisipan ng school na itigil na ang pag iimbistiga," sagot naman ni Chief.
"Serial killer? Ibig sabihin merong nakapasok na serial killer sa loob ng school? Kaya siguro ipinatigil ng paaralan ang imbistigasyon ay dahil nong mga panahon na 'yon ay nasa kasagsagan ng kasikatan ang St. Francis kaya naman makakasira sa kanilang repotasyon kapag nalaman ng mga mamamayan na merong nakapasok na serial killer sa school nila kaya pala simula no'n ay nagging mahigpit na ang St. Francis University once na pumasok kana sa school nila hindi ka na maaring mag labas pasok ng basta basta," paliwanag ko.
"Kung serial killer nga ang may gawa nito sigurado meron siyang pattern sa mga biktima niya,” singit naman ni Nash.
"Meron nga habang iniimbistigahan namin 'to ay napag alaman naming iisa lamang ang pattern niya sa pag hanap ng kaniyang bibiktimahin," sabi ni Chief .
"Ano po 'yon?," tanong ko.
"Nasa iisang section lamang ang mga binibiktima niya habang nag kakalap kami ng mga identities ng mga biktima no'n ay napansin naming walang pag kakapareho ang mga biktima bukod sa iba't iba ang mga edad nila, hindi rin alam kung sino ang pupontiryahin niya dahil kahit lalaki ay nagiging biktima niya, ngunit merong isa silang lahat na pag kakapareho 'yon ang ang kanilang section, lahat ng mga biktima ay nasa iisang section ang mga prof na kasangkot ay ang mga major teacher sa section na 'yon, bukod pa don ay wala na kaming nakalap na information tungkol sa mga biktima dahil nga pinatigil na ng school ang pag iimbistiga," paliwanag ni Chief.
"Nakakatiyak akong marami pang ebidensya at inpormasyon ang nasa loob ng school kaya naman nais kong imbistigahan niyo 'tong dalawa, nariyan na sa folder ang kailangan ninyong dalawa mga info's na sa tingin ko ay makakatulong ," dagdag pa niya, pinatay naman na din niya ang projector.
"Tandaan ninyo na isa 'tong secret investigation kaya naman habang pinag aaralan ninyo ang mga documents ay siguraduhin ninyong walang makakaalam na kahit sino sa mga pinag usapan natin dito sa susunod na linggo ay mag memeeting ulit tayo upang pag usapan ang mga nakalap ni’yong impormasyon tungkol sa kaso." Inayos niya ang mga gamit niya at tumayo , tumayo na rin kaming dalawa saka sumaludo bago siya umalis.
"Inaasahan ko kayong dalawa sa kasong 'to nawa'y mabigyan ni’yo ng hustisya ang mga biktima,"Sambit niya, bago siya umalis at sumaludo din sa'min.
"Hayss!... Isa nanamang masakit sa ulong kaso," reklamo ni Nash, sabay na kaming lumabas sa meeting room.
Dumiretsyo na kami sa table namin at nag simula nang pag aralan nag documents buniksan ko ang folder at meron itong naka sulat na ‘CONFIDENTIAL’ sa unang pahina nito.

Bình Luận Sách (31)

  • avatar
    Ericha Smith

    I like it

    08/07

      0
  • avatar
    RubioArianne

    woww

    12/06

      0
  • avatar
    Mj Imperial Payas

    happy birthday

    29/04

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất