logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

CHAPTER FOUR

ANG makasabay palagi sa pagpasok at pag-uwi mula sa opisina ang sarili niyang boss na siguro ang isa sa mga bagay na kinaayawan ni Sunny. Naiilang siya sa binata lalo na at madalas siyang binibigyan nito ng isang kakaibang tingin na para bang pilit nitong inaalam kung ano ang koneksyon nila sa nakalipas. Hindi rin nakatulong sa kanya ang sinasabi nitong ‘familiar na sila sa isa’t isa noon pa man’. Ilang beses na niyang sinubukang pagsabihan ang binata na hindi siya komportable sa mga sinasabi nito ngunit hindi pa rin tumitigil si Juris sa mga sinasabi nito sa kanya. At dahil na rin sa pangungulit ng binata sa kanya ay nararamdaman na ni Sunny ang pananakit ng ulo niya. Para sa kanya, isang malaking distraction ang binata sa buhay niya.
“Sunny, binisita mo nga ako pero sa iba naman nakafocus ang utak mo,” sambit ni Qian sa dalagang apo. “Ganyan na ba tratuhin ng apo ang lolo niya?”
“Sorry po, Lolo,” sagot naman ni Sunny in an apologetic tone. “Medyo distracted lang talaga po ako ngayon.”
“Halata ngang distracted kang bata ka,” sagot naman ni Qian. “Let me guess, overworked ka na kaagad sa trabaho mo.”
Isang mabilis na iling ang pinakawalan ni Sunny nang sandaling iyon, “Hindi po!” pagsisinungaling niya kaagad sa matanda.
Napalunok na lamang si Sunny nang nakita niya ang pagsilay ng isang kakaibang ngisi sa labi ni Qian Lopez. That smirk will always speak an unspeakable trouble sa kahit na sinong miyembro ng pamilya Lopez. May kinalaman ang ngising iyon sa mga batas na umiiral sa loob ng kanilang pamilya. Napapikit na lamang si Sunny nang narinig na niya ang most hated question niya mula sa kanyang lolo.
“What is rule number thirty-five?” tanong ni Qian sa kanyang apo.
Isang malalim na hininga na lamang ang pinakawalan ni Sunny bago pa man siya sumagot, “Kung hindi maiiwasan ang pagsisinungaling ay kailangang mapanindigan ang kasinungalingang sinabi dahil isang parusa ang naghihintay sa taong nagsisinungaling.”
“So tell me, hindi ka ba overworked sa trabahong mayroon ka?” tanong ulit ni Qian sa kanyang apo.
Napailing na lamang si Sunny nang sandaling iyon. Kailangan na niyang mapanindigan ang kasinungalingan niya dahil siguradong torture na ang aabutin niya sa kanyang lolo kapag hindi pa niya iyon napanindigan. Nagulat na lamang siya nang biglang tumawag ng isang kasambahay.
“Elena, maghanda ka ng isang bilaong asin at munggo,” sambit ni Qian sa kasambahay. “May parurusahan lang ako ngayon.”
“Opo, Sir.”
Napalunok na lamang si Sunny nang sandaling iyon. Hindi niya inakalang mapapasama pa ang ginawa niyang pag-iling. Kung alam lang sana niyang mapaparusahan siya ni Qian ay hindi sana siya nagpasyang dalawin ang nasabing matanda. Isang knowing look na lamang ang ibinigay sa kanya ng kanyang lolo nang dumating na ang ipinakuha nito. Hindi naman siya maaaring sumuway dahil mas lalo lang dadagdagan ni Qian ang parusang ipapataw nito sa kanya. Isang malalim na hininga na lamang ang pinakawalan ni Sunny bago pa man siya nagpasyang tumayo mula sa kinauupuan niya para lang tanggapin ang parusang nakalaan sa kanya.
“No need, hindi mo na kailangang gawin pa ang sinabi kong parusa sa iyo,” awat agad ni Qian nang nakita niyang tatanggapin na ni Sunny ang parusang ibinigay niya sa dalaga.
“Lolo?”
“Do you really think na ganoon na ako ka-heartless pagdating sa una kong apo, hmm?” ang nakangiting tanong ni Qian sa dalaga. “I was only teasing you.”
Sunny gives her own grandfather a dumbfounded look. Hindi na panunukso ang ginawa nito sa kanya dahil talagang natakot siya sa parusang ibibigay ng lolo niya. Seseryosohin nga niya ang parusa niya lalo na at talaga namang may gumugulo sa utak niya. Pinalapit na lamang siya ng lolo niya.
“Kung stressed ka na sa trabaho mo ay magresign ka na,” sambit ni Qian sa kanyang apo. “Bukas ang Don Giovanni para tanggapin ka ano mang oras mo gustuhin.”
“Lolo, stressed man po ako sa trabaho ko ay hindi ko po magagawa ang sinasabi ninyo,” sagot naman ni Sunny. “Enjoy naman po ako eh. Hindi naman po boring ang pagbabasa.”
KALAT na ang dilim sa kalangitan nang nagpasya si Qian na pauwiin na si Sunny sa nirerentahan niyang condominium unit. Hindi siya nagpapigil sa lolo niya kahit na sinabihan pa siya nitong ipahahanda niya kay Elena ang kuwartong madalas nitong gamitin noon. Ikinatuwiran na lamang niya na may manuscipt pa siyang tatapusing basahin.
“Sayang at wrong timing kang bata ka,” naiiling na sabi ni Qian sa dalaga. “Kung hindi lang sana weekend ka nagpunta ay siguradong makakasama mo ngayon ang pinsan mong si Lerie.”
“Okay lang po, hindi naman po kasi ako nagpasabing pupunta po ako ngayon,” sagot naman ni Sunny. “Sabihin ninyo na lang po kay Lerie na matutulog po ako rito next weekend.”
“Sige, kung hindi ka na rin naman magpapapigil pa sa akin ay ipahahatid na kita sa driver,” sabi ni Qian sa dalaga. “Mahirap na ang pauwiin ka nang nag-iisa lalo na at babae ka.”
Isang matamis na ngiti na lamang ang pinakawalan ni Sunny bago pa man siya nagpaalam sa kanyang lolo. Well, labag man sa loob niya ang pagpapahatid sa kanya ng matanda ay hindi naman niya magawang tanggihan ang kanyang Lolo Qian. Isa pa, hindi na rin naman niya sigurado kung may masasakyan pa ba siya kung magpapasya man siyang magcommute nang gabing iyon. Mas mabuti na ring sundin ang kagustuhan ng lolo niya para lang maging panatag ang loob nito sa pag-uwi niya.
Nagulat na nga lang siya nang nakita niya si Juris sa tapat lamang ng unit niya. Nangunot pa ang noo niya nang nakita niyang nakatulog na ito. Hindi naman niya alam kung ano ang dahilan ng binata sa paghihintay nito sa kanya.
“Buti naman at nagpasya ka pang umuwi,” sambit ni Juris in an annoyed tone nang ginising siya ni Sunny. “Saan ka ba galing?”
Naningkit na lamang agad ang mata ni Sunny nang narinig niya ang mga sinabi ni Juris. Sa pagkakaalam niya ay hindi naman niya kailangang magpaalam sa boss niya dahil hindi naman sakop ng office hours nila ang weekends nila.
“I am waiting,” sabi ni Juris in a stern tone.
Isang malalim na hininga na lamang ang pinakawalan ni Sunny bago pa man siya nagsalita nang sandaling iyon, “Hindi mo na kailangang alamin pa kung saan ako nagpunta dahil sa pagkakaalam ko ay magkapitbahay lang tayo sa mga oras na ito.”
“Hanggang ngayon ay hindi ka pa rin nagbabago, Sunny,” sambit ni Juris.
Isang irap na lamang ang pinakawalan ni Sunny nang sandaling iyon, “Iyan ka na naman sa litanya mong familiar tayo sa isa’t isa. Ilang beses ko bang sasabihin sa iyo na -”
Hindi na nagawa pang tapusin ni Sunny ang sinasabi niya dahil hinatak na siya ni Juris palapit sa katawan nito. Hindi pa nasiyahan ang binata dahil nagawa pa nitong pagpalitin ang mga pwesto nila. She is now trapped between the wall and Juris. Sinubukan pa niyang magpumiglas ngunit mas isinandal lamang siya ng binata sa pader. Hindi na niya nagawa pang makalaban dahil binigyan na siya nito ng isang mariing halik. It is not like the first kiss na ibinigay nito sa kanya dahil mas may pwersa na ang halik na kasalukuyan nitong ibinibigay nito sa kanya.
Napangiti na lamang si Juris nang nakita niyang pulang-pula ang mukha ni Sunny nang naghiwalay na ang labi nilang dalawa. Hindi niya nagawang kontrolin ang sarili niya lalo na nang nakita niya ang tenga ng dalaga. Something tells him na kailangan niyang kagatin ang tenga ni Sunny, to mark her as his.
“Ikaw ang unang nagconfess sa ating dalawa noon,” sambit ni Juris nang natapos na siyang kagatin ang tenga ni Sunny. “Natatandaan mo na ba kung sino ako?”
Nanlaki na lamang ang mata ni Sunny nang naalala niya ang isang bagay na matagal na niyang tinakbuhan noon, “Imposible ang sinasabi mo dahil -”
“Dahil mas pinili mong kalimutan ako,” sagot naman agad ni Juris. “Huwag kang mag-alala, hindi naman talaga nasayang ang confession mo sa akin noon dahil may gusto na rin naman ako sa iyo.”
“Ano ang -”
“Hindi ako titigil hangga’t hindi ko naririnig mula sa labi mo ang katagang iyon,” sambit ni Juris. “Mamahalin mo rin ako muli.”
NAPATULALA na lamang si Sunny nang narinig niya ang huling sinabi ni Juris sa kanya. Hindi pa masyado nagpoprocess sa utak niya ang sinabi nito sa kanya. Nagawa na lamang niyang pagkonektahin ang lahat nang ipinaalala sa kanya ni Juris ang isang pangalang tinatawag niya dati sa kanyang first love.
“Mr. President,” nakangiting sabi ni Juris sa dalaga. “I am your Mr. President.”
Napaupo na lamang si Sunny nang nalaman niyang ang boss niyang si Juris ay si Mr. President na naglaro sa feelings niya noon. Hindi niya inakalang muli na naman silang pagtatagpuin ni tadhana sa isang kakaibang pagkakataon.
“Kaya pala, kaya pala malakas ang loob niya na halikan na lamang niya ako,” namumulang sabi ni Sunny sa kanyang sarili. “Siya na pala si Mr. President.”
Wala na si Sunny sa kanyang sarili nang nakapasok na siya sa kanyang unit. Pakiramdam niya ay mabigat na masyado ang ulo niya nang sandaling iyon na para bang sasabog ang puso niya sa hindi niya malamang dahilan.
“Nangangahulugan na ba iyon na pwede ko na siyang mahalin ulit?” tanong ni Sunny sa kanyang sarili bago pa man niya hinayaang tumulo ang liha niya nang sandaling iyon. “Natatakot ako. Hindi ko alam kung pwede ko pa ba siyang mahalin.”
Hindi mapigilan ni Juris ang pagngiti niya habang iniisip niya si Sunny. After ten years of waiting and searching, muli na ngang nagbalik ang dalaga sa buhay niya. Nagbalik na ang first love niya. Iyon nga lang, kahit na sabihin pang nasa paligid na si Sunny ay hindi pa rin niya masasabing kanya na ang dalaga lalo na at wala naman silang relasyon. Nagawa na nga niyang halikan si Sunny pero puro pwersado iyon, malayo sa naiisip niyang halik na ibibigay niya kapag nagkita na silang muli.
“Siguro nga, matatagalan pa si Sunny sa pag-amin ng nararamdaman niya,” sambit ni Juris sa kanyang sarili. “Ako naman kasi ang sumira sa puso niya noon.”

Bình Luận Sách (19)

  • avatar
    Mark Jhon Serapion

    Yeah nice

    16/10

      0
  • avatar
    RagasaKevin

    ganda ng story

    18/07/2023

      1
  • avatar
    ritzie

    nice story po 🥰🥰🥰🥰

    23/11/2022

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất