logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

CHAPTER THREE

PANGALAWANG araw pa lamang ni Sunny sa trabaho niya bilang isang editor ngunit ramdam na ramdam na niya ang bigat ng trabaho niya. Why? That is simply because kahit na sabihin pa niyang may binabasa siyang kwento na nangangailangan ng maraming revisions ay hindi rin siya nakakaligtas sa mga utos ng mas nakakataas sa kanya, lalong-lalo na sa kanyang chief editor na si Juris. Hindi niya alam kung bakit mainit ang dugo nito sa kanya lalo na kapag kinakausap niya si Raine. Sinubukan pa niyang tanungin ang katabi niya pero tulad niya ay wala rin itong ideya sa nangyayari sa boss nila.
“Hayaan mo na lamang muna si Bossing at baka masama lang ang gising niya,” sambit ni Raine na tinawanan na lamang ni Sunny. “Worse, baka nasa red days siya ngayon.”
Hindi naman nakaligtas sa pandinig ni Juris ang sinabi ni Raine kaya hindi na nagulat pa ang nasabing binata nang naramdaman na lamang niya ang biglaang pagtayo ni Juris sa kinauupuan nito upang mabigyan lamang ng isang malakas na batok. Ang hindi nga lang niya inaasahan ay ang pagtatanggol na gagawin sa kanya ni Sunny. Hindi niya alam kung bakit parang wala itong takot sa aura ng boss nila.
“Wala ka bang ibang alam gawin kundi ang idaan na lamang sa dahas ang pakikipag-usap mo sa mga subordinates mo?” ang inis na tanong ni Sunny kay Juris nang sandaling iyon. “Hindi mo ba alam ang salitang diplomasya?”
“Hindi ko babatukan si Raine kung ginagawa na niya ang trabaho niya,” sagot naman ni Juris. “At ikaw, kung may kailangan kang itanong, sa akin ka dapat magtatanong para tama ang ginagawa mo.”
“Aba’t -”
Hindi na nagawa pang makapambara ni Sunny nang sandaling iyon dahil ibinigay kaagad ni Juris sa kanya ang isang bungkos ng papel sa kanya. Hindi na niya magawa pang tingnan kung ano ang ibinigay sa kanya ng binata dahil isang utos kaagad ang sinabi nito sa kanya.
“I need one hundred copies of each page,” sambit ni Juris kay Sunny. “Ipasa mo sa akin nang nakaayos na dahil kung hindi mo magagawa iyan ay uulitin mo iyan.”
“What?!”
“Ano? Magrereklamo ka na naman ba?!” tanong kaagad ni Juris in an annoyed tone. “Kung wala ka nang mairereklamo pa ay iphotocopy mo na iyan dahil kailangan ko iyan.”
Kahit na sabihin pang matalas ang dila ni Sunny ay nagtimpi na lamang siya nang inis niya nang sandaling iyon. Hindi siya matatransfer sa ibang department kung kakalabanin niya ang boss niya.
“Two weeks, damn two weeks,” ang pabulong na sabi ni Sunny sa kanyang sarili.
“May sinasabi ka ba? Nagmumura ka na naman ba?!” ang inis na tanong ni Juris sa dalaga.
Imbes na sumagot ay isang irap na lamang ang ibinigay ni Sunny sa binata nang sandaling iyon. Gagawin na lamang niya ang ipinag-uutos nito para mabilis siyang makatapos. Kailangan pa rin naman niyang tapusin ang pagbabasa ng isa sa mga manuscript na kasalukuyan na niyang ginagawa bago pa man siya napaaway. Dahil sa inis sa binata ay hindi na niya napansin na napanguso na lamang siya habang nagmamartsa siya papunta sa xerox machine. Hindi na rin niya napansin pa ang pagbabago ng reaksyon ni Juris nang nakita nito ang pout niya.
“Hindi ko alam pero sigurado akong pamilyar sa akin ang pout na iyon,” ang naguguluhang sambit ni Juris sa kanyang sarili. “Na para bang nakita ko na iyon noon pa man.”
NAKAPAGDESISYON na si Juris na obserbahan ang dalagang bagong pasok sa department nila. He is taking note of the mannerisms na alam niyang nakita na niya noon, hindi nga lang niya sigurado kung kanino niya iyon nakita. His own instincts tell him na nakilala na niya noon si Sunny, hindi nga lang niya sigurado kung kailan. Hindi na lamang niya ipinahalatang distracted siya nang sandaling iyon lalo na at sigurado siyang hindi niya makokorner si Sunny kung gagawin niya ang bagay na iyon. Hindi na lamang niya ipinahalatang nagulat siya nang ibinagsak ng nasabing dalaga ang mga papel na ipinagawa niya.
“Done already?” ang nang-iinis na tanong ni Juris kay Sunny. “Sigurado ka bang tama ang ginawa mo?”
“Kung hindi ka naman tinatamad ay pwede mo na rin sigurong icheck kung tama ang ipinagawa mo sa akin,” sagot naman ni Sunny in a sarcastic tone.
Bago pa man makapagsalita si Juris ay sinabihan na siya ng dalaga na kung wala na siyang ipag-uutos pa ay babalik na ito sa ginagawa nito. He only dismisses her with a wave of his hand lalo na at alam naman niyang mahalaga rin ang ginagawa ni Sunny. Siya rin naman ang mahihirapan kung sakaling pahihirapan niya ito. Isusuot muna niya ang mask of professionalism niya for now. Marami-rami naman siyang oras mamaya after ng office hours nila para makastigo si Sunny.
“Buti naman at hindi mo naexperience ang buga ng hininga niya bilang isang dragon,” ang pabulong na sabi ni Raine nang nakabalik na si Sunny sa desk niya. “Kinabahan talaga kami sa iyo.”
“Kayo? Sinong kayo?”
Ngumiti na lamang si Raine at itinuro na lamang niya ang mga kasama nilang amazed na rin sa bagong pasok na dalaga nang sandaling iyon. Gumuhit kaagad ang mga imaginary black lines sa mukha niya nang nakita niya ang relieved expressions sa mga mukha nila.
“Seriously, ngayon lamang kami ng isang co-worker na kayang kumalaban kay Boss,” sambit ni Raine sa dalaga. “Nang hindi man lang nagagalusan.”
“Ano ang ibig mong sabihin? Lagi ba talaga siya nananakit physically?” ang sunod-sunod na tanong ni Sunny sa binata.
“Hindi naman sa ganoon, medyo sasakit lang talaga lagi ang tenga mo kapag sinesermunan ka na niya dahil kahit na gusto mo nang magfocus sa trabaho mo ay hindi ka pa rin niya titigilan sa mga talak niya,” sagot naman ni Raine.
“Ah, parang baliw lang,” ang wala sa sariling sagot ni Sunny.
“Naku, Sunny, please lang, huwag mo nang galitin pa si Boss at baka mawala pa sa utak niya na babae ka,” sambit ni Raine in a worried tone.
Walang kamalay-malay si Raine na nakakaabot na naman sa matalas na pandinig ni Juris ang mga bagay na sinasabi nito kay Sunny. Napapailing na lamang siya dahil alam naman niyang OA kung magkuwento si Raine sa mga naging experience na nito sa trabaho. Hindi tuloy niya malaman kung concerned ba talaga ang nasabing binata sa katabi nito o sadyang trip lamang nitong manakot. Iyon nga lang, alam naman niyang hindi rin tama na siya ang gagamitin nitong panakot dahil hindi naman niya kasalanan kung napapagalitan niya ang subordinates niya. He wants some quality work, wala naman sigurong masama kung hihingin niya iyon sa kanila. Hindi na rin niya napigilan ang pagtikhim niya nang sandaling iyon nang naririnig niyang hindi pa rin tapos si Raine sa mga sinasabi nito laban sa kanya. Isang lihim na ngiti na lamang ang sumilay sa labi niya nang narinig niya ang boses ni Sunny na pinagsabihan na rin ang binata nang oras na iyon.
“Sabi ko naman kasi sa iyong tumahimik ka na eh,” saway ni Sunny sa binata. “Wala na akong kinalaman diyan kapag nakagalitan ka na naman.”
MABILIS na lumipas ang mga oras at ramdam na ramdam ni Sunny ang pagod ng katawan niya nang natapos na ang trabaho niya. Dahil sa hindi pa naman niya tapos ang manuscript na binabasa niya ay napagpasiyahan na lamang niyang isama na sa mga iuuwi niyang gamit ang gawain niya. Sa bahay na lamang niya ipagpapatuloy ang pagbabasa niya. Iyon nga lang, bago pa man siya makaalis sa desk niya ay narinig na lamang niya ang boses ng lalaking kinaiinisan niya.
“Huwag ka munang umalis, hintayin mo na ako,” sambit ni Juris sa isang tonong nag-uutos sa kanya. “Sabay na tayong uuwi.”
“Excuse me?! Ano ang sinasabi mong sabay na tayong uuwi?!” ang sunod-sunod na tanong ni Sunny sa binata.
“Magkapitbahay lang tayong dalawa kaya responsibilidad na kita,” sagot naman ni Juris. “Babae ka pa rin at hindi proper para sa isang babaeng tulad mo na umuwi mag-isa.”
“Kung nag-aalala ka sa safety ko ay huwag mo na iyong intindihin pa,” ang mabilis na sabi ni Sunny. “Capable naman ako at kaya kong ipagtanggol ang sarili ko.”
“I do not give a fuck kung alam mo kung paano mo dedepensahan ang sarili mo,” sagot naman ni Juris in a firm tone. “Sabay pa rin tayong uuwi, tapos na ang usapan.”
“Aba’t -”
“Pumunta ka muna sa canteen at bumili ka ng kahit na anong maiinom,” sambit ni Juris. “Kakailanganin mo iyon para hindi ka makatulog habang nasa biyahe tayo.”
Tulad nang nauna na niyang reaksyon nang inutusan siya ng binata, isang pout na naman ang pinasilay ni Sunny nang oras na iyon. Hindi talaga niya mapigilan ang pout na iyon lalo na at nakasanayan na niya iyon kapag naiinis siya sa isang tao. Iyon nga lang, dahil sa nakikita naman ni Juris ang pout niya ay tempted na itong halikan siya nang wala sa oras. Hindi nga lang niya iyon nahalata sa binata dahil madali namang nagawan ni Juris ng paraan upang maitago ang temptation na nararamdaman nito nang sandaling iyon.
“Pouting will not take you anywhere,” sambit ni Juris sa dalaga. “Ngumuso ka man nang ngumuso riyan ay hindi pa rin magbabago ang isipan ko sa sinabi ko na isasabay na kita pauwi. Pumunta ka na sa canteen at bilhin ang mga pinabibili ko.”
Nagulat na lamang si Juris nang biglang inilahad ni Sunny ang kamay nito sa harapan niya, “Kung uutusan mo rin ako sa canteen ay siguraduhin mo naman sanang may padala kang pera dahil wala akong balak na ilibre ka.”
Napailing na lamang si Juris nang sandaling iyon bago pa man siya dumukot ng pera sa wallet niya, “Keep the change. Sobra na iyan para sa dalawang drinks.”
“Hindi mo na ako kailangang ilibre pa at kaya ko namang suportahan ang sarili ko,” sagot naman ni Sunny.
Isang malalim na hininga na lamang ang pinakawalan ni Juris nang sandaling iyon. Hindi siya sigurado pero malakas ang hinala niyang nakita na niya noon si Sunny. Kailangan lang siguro niyang magbalik sa panahon kung kailan isa pa lang siyang high school student para malaman niya kung tama ang hinala niya. Kokornerin na lamang niya si Sunny kapag sigurado na siyang nakilala na niya ito noon.

Bình Luận Sách (19)

  • avatar
    Mark Jhon Serapion

    Yeah nice

    16/10

      0
  • avatar
    RagasaKevin

    ganda ng story

    18/07/2023

      1
  • avatar
    ritzie

    nice story po 🥰🥰🥰🥰

    23/11/2022

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất