logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

CHAPTER TWO

HINDI na malaman pa ni Sunny kung paano siya nakauwi sa condominium unit niya nang natapos na ang unang araw niya sa trabaho. Ang alam lang niya ay naging zombie na kaagad siya pagkatapos pa lamang ng unang araw niya. Kung hindi pa niya naramdaman ang pagvibrate ng phone niya ay hindi niya maaalala ang tungkol sa sinabi niya sa kanyang mama na tatawagan niya ito nang araw na iyon. Nawala ang pagod niya nang nakita niyang nakatambak na pala ang missed calls ng mga magulang niya. Isang malalim na hininga na lamang ang pinakawalan niya bago pa man siya nagpasyang tawagan si Wendy.
“Buti naman at tumawag ka na,” sambit ni Wendy. “Kung hindi ka pa tumawag sa akin ay siguradong nagpabook na kami ng papa mo ng ticket pauwi riyan sa Pilipinas.”
Isang mahinang chuckle na lamang ang pinakawalan ni Sunny sa sinabing iyon ng kanyang Mama Wendy, “Ma, hindi ninyo naman po kailangang umuwi pa rito sa Pilipinas para lang po icheck ang kalagayan at trabaho ko. I am fine.”
“Sigurado ka ba? Para kasing tunog zombie ka na eh,” sagot naman ni Wendy. “Matagal ka ring nanirahan dito sa London kasama namin. Intindihin mo na lang ang pag-aalala namin ng papa mo lalo na at hindi ka naman dumiretso sa bahay ng Lolo Qian mo.”
“Mama, wala naman pong problema kung sasanayin ko na po ang sarili ko sa pagiging independent,” ang mabilis na sabi ni Sunny sa mama niya. “Hindi naman po pwedeng sa lahat ng oras ay baby girl ninyo po ako.”
Napangiti na lamang si Sunny nang narinig niya ang mahinang tawa ng mama niya, “Oo na, panalo ka na sa pangangatwiran. So, kumusta ang unang araw mo? May nakasundo ka na ba? Ah, mali ang tanong, may nakaaway ka na ba?”
Isang malalim na hininga na lamang ang pinakawalan ni Sunny nang oras na iyon. Hindi niya pwedeng sabihin ang katotohanang may humalik kaagad sa labi niya sa unang araw pa lamang niya sa trabaho. Malaking gulo ang magaganap kapag nalaman pa nito ang nangyari dahil siguradong uuwi sa Pilipinas ang mag-asawa para lang kastiguhin ang lalaking humalik sa kanya na nagkataong boss din niya.
“Mama naman,” depensa agad ni Sunny. “Hindi po ako mahilig mang-away ng kasama ko sa trabaho. Okay lang po talaga ako sa trabaho ko ngayon. Medyo weird nga lang po.”
“Ano naman ang weird? Sa pagkakaalam ko ay maganda naman ang Lion Heart Publishing Company ah,” sambit ni Wendy. “Baka naman -”
“Sabihin na lang po nating ako lang po ang nag-iisang babae sa team namin,” ang naiiling na sabi ni Sunny sa kanyang ina.
“Ahh! So ang ibig sabihin ba niyan ay puro binata pa ang mga kasama mo sa trabaho?” ang excited na tanong ni Wendy. “Sign na ba iyan na magkakaroon ka na ng boyfriend?”
”Para naman pong posible ang bagay na iyon,” ang mabilis na sagot ni Sunny. “Ni hindi ko nga po alam kung single pa po ba sila o mukha lang po silang single eh.”
“I see, well, hindi ko na isusuggest pa na kilalanin mo kaagad sila dahil hindi pa naman kami naghahanap ng apo sa iyo,” sambit ni Wendy. “Ang maipapayo ko na lamang sa iyo ay maging bukas ka sana sa salitang pag-ibig dahil hindi sa lahat nang oras ay kasama mo kaming pamilya mo. At saka, dumalaw ka rin sa Lolo Qian mo palagi para may nakagabay pa rin sa iyo kahit na hindi mo kami nakikita ng papa mo, okay?”
Isang mahinang ‘mn’ na lamang ang isinagot ni Sunny sa mama niya nang sandaling iyon. Hindi man niya nakikita si Wendy ay tumango pa rin siya. Well, mas mabuti na ring may magpapaalala sa mga batas ng Lopez family sa utak niya para hindi siya makagawa ng mga maling desisyon sa buhay.
“Sige na, Anak,” sabi ni Wendy sa kanya. “Magpahinga ka na at alam kong may pasok ka pa. Ayaw mo naman sigurong malate sa trabaho mo. Good night na sa iyo.”
“Thank you po, Ma,” ang mabilis na sabi ni Wendy. “Ikumusta mo na lang po ako kay Papa, bye na po.”
Isang malalim na hininga na lamang ang pinakawalan ni Sunny nang natapos na ang tawag na iyon. Damn, miss na niya ang mga magulang niya. Hindi pa siya sanay na wala sa tabi niya ang dalawa kahit na sabihin pa niya sa kanyang sarili na kailangan na niyang maging independent. Nahiga na lamang siya at itinakip na niya ang isa niyang braso sa kanyang mga mata para mapabilis ang pagdalaw muli ng antok sa kanya.
“MR. PRESIDENT, nagsisinungaling ka lang naman, hindi ba?” ang hindi komportableng tanong ni Sunny sa binatilyong nasa harapan niya. “Ang sabi mo ay gusto mo rin akong maging kaibigan.”
Napalunok na lamang si Sunny nang nakita niya ang matalim na tinging ibinibigay sa kanya ni Mr. President bago pa man ito nagsalita, “Nakakairita ka. Ayaw kitang maging kaibigan.”
Muntik nang mapanganga si Sunny sa sinabi ng binatilyo sa kanya. Isang pilit na ngiti na lamang ang pinasilay niya nang sandaling iyon.
“Sa tingin mo ba ay magugustuhan ko ang isang tulad mo?” puno ng lason ang tono ni Mr. President nang sandaling iyon na sinamahan pa nito ng isang nakakairitang ngisi. “You just caught my attention dahil lagi kang nakasunod sa akin. Sinubukan ko lang na kilalanin ka, kaso nga lang masyado kang boring para sa akin. Hindi ikaw ang type ko. Sinasayang ko lang ang oras mo.”
Tumingala na lamang si Sunny nang sandaling iyon dahil ayaw niyang ipakita sa binatilyo na nasasaktan siya sa mga sinabi nito. Para sa kanya ay lalaki lang ang ulo nito kapag nakita nito ang mga luha niya. Isa siyang Lopez kaya hindi niya kailangang ipahiya ang sarili niya sa isang lalaking hindi naman siya kinikilala nang matino. Nang nasiguro niyang hindi na babagsak ang luha niya ay isang ngiti ang pinasilay niya sa kanyang labi.
“Ganoon ba? Pasensiya na at naistorbo ko pa ang oras mo,” ang nakangiting sabi ni Sunny kahit na alam niyang labag sa batas ng mga Lopez ang ginagawa niyang pagsisinungaling. “Huwag kang mag-alala, hindi rin ako interesado sa iyo, Mr. President.”
Bago pa man makapagsalita ang binatilyong nasa harapan niya ay kinuha na niya ang gamit niya nang sandaling iyon at magalang pang nagpaalam sa lalaking kalilimutan na niya. Kailangan na niyang makaalis sa harapan nito at alam niyang at any moment ay babagsak na ang mga luhang pinipigilan niya. Sinubukan pang tawagin ng nasabing binatilyo ang atensyon niya ngunit dire-diretso na siyang lumabas sa meeting place nila, ang school library.
“Jerk,” iyon ang salitang nabitawan ni Sunny bago pa man bumagsak ang mga luha niya.
“Jerk,” at iyon din ang salitang namutawi sa labi niya nang siya ay nagising mula sa isang bangungot.
Napakamot na lamang ng ulo si Sunny nang sandaling iyon. Naiirita na naman siya dahil muling nagpakita sa kanyang panaginip ang isang lalaking minsan nang nanakit sa damdamin niya.
“Ilang araw pa lang ako rito sa Pilipinas pero nagpapakita na naman sa panaginip ko ang hinayupak na iyon,” ang inis na sabi ni Sunny sa kanyang sarili.”Kainis!”
Mas lumala pa ang iritasyon niya nang nakita niya ang oras sa kanyang cellphone. Malalate na siya sa trabaho niya kapag hindi pa siya kumilos. At dahil sa pagmamadali niya ay hindi na niya nagawa pang ayusin ang higaan niya. Patakbo na siyang nagpunta sa banyo upang maligo nang umagang iyon.
NAGULAT na lamang si Sunny dahil paglabas niya sa kanyang condominium unit ay sumalubong kaagad sa kanya ang mukha ng lalaking kumuha ng kanyang first kiss, si Sir Juris. Hindi niya alam kung ano na naman ang kailangan ng binata sa kanya nang umagang iyon. Ang alam lang niya ay naiinis siya lalo na at amused na amused si Juris sa nakikita nito sa kanya.
“Hindi man lang ba ako babatiin ng subordinate kong kapitbahay ko rin pala?” tanong ni Juris sa moody na dalaga.
“Fuck off!” ang inis na sagot ni Sunny. “Walang maganda sa umaga!”
Bago pa man makalayo si Sunny ay narinig na naman niya ang boses ng binata, “Kung naiirita ka sa ginawa ko sa iyo kahapon ay wala na akong magagawa roon. Ginawa ko lang ang trabaho ko bilang isang editor.”
“Pero hindi kasama roon ang paghalik sa co-worker mo nang walang dahilan,” sambit naman ni Sunny.
Napangiti na lamang si Juris nang sandaling iyon. Hindi niya alam kung ano ang nangyayari sa kanya nang oras na iyon at napagdiskitahan na naman niya ang subordinate niya. Mas naging amused pa siya nang minura siya nito imbes na batiin ng good morning.
“Alam mo, hindi mo naman kailangang magsungit kaagad dahil mas lalong masisira ang araw mo,” sambit ni Juris nang nakasakay na silang dalawa ni Sunny sa elevator. “Kapag sinabihan ka ng superior mo ng isang greeting ay hindi mura ang isasagot mo.”
“Wala akong problema sa pagbati sa mga tao kung matino ang kalagayan ng pag-iisip nila,” sagot naman ni Sunny. “Pero kung katulad mo naman ang babatiin ko ay mas gugustuhin ko pa ngang murahin ka na lang sa umaga.”
Natawa na lamang si Juris. Feisty ang babaeng katabi lang niya sa elevator. Pero kahit rough pa ang attitude na ipinapakita nito sa kanya ay wala naman siyang pakialam. Why? That is simply because nararamdaman niyang may koneksyon silang dalawa. Hindi nga lang niya alam kung bakit ganoon ang feeling niya.
“Sigurado ka bang hindi pa tayo nagkikita noon?” tanong ni Juris in a smooth tone. “Ang pakiramdam ko kasi ay nakita na kita noon. Hindi ko nga lang matandaan kung saan, pero namumukhaan talaga kita.”
“Kung nakapunta ka na sa London noon ay siguradong doon mo ako makikita,” sagot naman ni Sunny. “Who knows, nakasalubong na pala natin noon ang isa’t isa nang hindi natin namamalayan.”

Bình Luận Sách (19)

  • avatar
    Mark Jhon Serapion

    Yeah nice

    16/10

      0
  • avatar
    RagasaKevin

    ganda ng story

    18/07/2023

      1
  • avatar
    ritzie

    nice story po 🥰🥰🥰🥰

    23/11/2022

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất