logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Chapter 5

Nandito kami ngayon sa rooftop ng holy cross academy. Paglabas namin ng orientation hall dito na agad kami pinapunta. There are over 10 helicopters in here and this will be our transportation to the examination venue.
Fifty nalang kami ang natira sa over one hundred examinees. Hindi pa kasi nagsisimula sumuko na ang iba.
Bawat isa sa aming examinees ay may dalang mga bag. Isang linggo kasi kaming mananatili sa isla na pagmamay-ari ng head exorcist. Dinala ko lang ang mga kakailanganin ko. Konting damit, mga bottled water, pagkain, sacred paper, ink at daggers. Iyong espada ko naman na ibinilin ni Mr. Smith ay nakasabit lang sa beywang ko.
"See you soon sa Isla Vee! Hahanapin ka namin doon." Sabi ni Giyu habang nakangiti. katabi ko siya at katabi nya rin si Eljay sa kabila. Oo nga pala, magkaiba kami ng helicopter na sasakyan at ang sabi pa ni Mr. Gray magkakaibang parte ng Isla mag-lalanding ang bawat helicopter.
Mayroon din silang dalang mga bag pero hindi ko pa nakikita ang sacred weapon ng dalawang to.
"See you when you survive,"Saad ko habang nakangisi. Napahawak naman si Giyu sa dibdib niya na akala mo nasaktan.
"Ouch! Wala kang tiwala sa amin!? Sakit non! Parang di tayo magkaibigan ah!" Madramang sabi nito.
"Hindi ko naman kayo kaibigan, kakilala lang." Sabi ko pa at yung tukmol mas nagdrama pa.
"Sige, ganyan ka na pala ngayon. Magkalimutan na tayo!" Nagtatampong akto nito at unti-unting naglakad paalis patalikod sa akin. Natatawa naman na umiling si Eljay na naiwan sa tabi ko.
Bumalik naman kaagad sa gawi namin si Giyu na nakasimangot.
"Ah Basta! Pagkalapag namin doon sa Isla, hahanapin ka namin! Kaya dapat hintayin mo kami at mag-survive ka." Sabi ni Giyu. Tumango nalang ako.
Nakangiti naman silang kumaway sakin at pumunta na sa sasakyan nila. Tinawag na rin ako kaya lumapit na ako sa helicopter na sasakyan ko.
Naalala ko pa ang huling sinabi ni Mr. Gray bago niya kami pinapunta ng rooftop. "In this examination, there are no rules. You can create groups, you can cheat, you can do what you want to do in that island. The only thing that you need to remember is to survive. Just survive the 7 days and 7 nights in that island and you'll pass the examination. On day eight a yatch will come to bring you back in here so make sure that you are at the beach on the eight day or you will be left behind and considered dead."
Sabi niya pwede kaming gumawa ng grupo. Iyon siguro ang dahilan kung bakit hahanapin nila akong dalawa sa Isla.
Apat lang kaming mga examinees ang sakay ng isang helicopter. Tahimik lang akong naka-upo dito samantalang nag-uusap 'yong tatlo. Mukhang bubuo sila ng isang grupo. Sinubukan akong kausapin nang Isa upang isali pero tinanggihan ko. Hindi pa nga ako sigurado kung sasali ako or gagawa ng group. Gusto ko kasi magsolo.
Buong byahe papunta sa examination venue ay nakatanaw lamang ako sa malawak na karagatan samantalang nagpaplano na ang mga katabi ko. Inabot nang limang oras bago kami nakarating sa Isla. Malapit nang magtakip silim nang bumaba kami sa helicopter. Napakalawak ng Isla pero sa gitna talaga kami ibinaba.
Pag-alis ng helicopter, binuksan ko agad ang bag na dala at kinuha ang mga daggers at talisman ko. Inilagay ko ang talisman sa bulsa nang shorts na suot ko at pinaglalaruan ko naman ang dalawang daggers ko sa kamay.
Kailangan kong mag handa at ipreserve ang energy ko. Hindi ako dapat mapagod dahil baka bigla nalang akong mawalan ng malay sa gitna ng laban. Hangga't maari ay hindi ko gagamitin ang espada ko kung hindi naman kinakailangan.
Napansin kong nagpapahinga pa ang tatlo at kung umasta akala mo field trip nila. Kumakain pa kasi 'yong isa. Hindi siguro nila alam na sa ganitong oras lumalabas na ang mga halimaw na 'yon.
Nagmanman naman ako sa paligid. Kailangan kong maging alerto sa lahat ng oras. Hindi rin nagtagal ay nakarinig na kami ng mga sigaw mula sa iba't ibang parte ng Isla. Mukhang nagsisimula na.
Tumayo na ang tatlong kasama ko dito at kagaya ko ay nakahanda na rin silang lumaban.
Habang tumatagal mas lumalapit ang mga naririnig naming sigaw mula sa ibang examinees.
"Mukhang nagsisimula na silang sumalakay! Sundan niyo lang ang plano natin at makaka-survive tayo dito," Sabi ng babaeng mukhang leader ng grupo nila. Sila iyong mga kasama ko sa helicopter.
Nataranta sila sa gagawin nilang tatlo nang biglang may lumabas na tatlong demons at handa na silang atakehin. Nakatayo naman ako sa gilid at nanonood lang sa kanila. Gusto kong makita kung hanggang saan ang teamwork nila.
Bawat isa sa kanila ay meron nang hawak na talisman. Iniwasan ng leader nila ang atake ng Isa sa mga demons at agad inilagay sa noo nito ang hawak na talisman.
"Purify," usal nito at mabilis na nilukob ng apoy ang buong katawan ng halimaw.
Sumisigaw naman habang umiiyak sa takot ang dalawa nitong kasama na magkatalikod sa bawat Isa. Mukhang hindi sila marunong gumamit ng talisman. Sinubukan niyang iligtas ang mga kasama niya ngunit sa sitwasyong ito kailangan niyang pumili ng Isa.
Naaliw naman akong panonood sa kanila. Sa ganitong klaseng sitwasyon kasi, hindi maiiwasan ang mga traydor. Iyon bang klase ng mga tao na uunahin ang sariling kaligtasan kahit kailangan pa nilang isakripisyo ang sarili nilang kasamahan. Sila ang klase ng mga taong pinakaayaw ko sa lahat!
At mukhang hindi nga ako nagkamali dahil merong kinuhang patalim mula sa kanyang bulsa ang isa nilang kasama at sinugatan ang babaeng katabi nito.
"Engrid anong ginawa mo!" Sigaw nang leader nila habang tumatakbo palapit.
Napunta naman ang atensyon ng dalawang halimaw sa braso ng babaeng kasama nila na patuloy na dumudugo ang iniinda nitong sugat habang matalim ang tingin kay Engrid.
"Hindi ako pwedeng mamatay dito! Marami pa akong kailangang gawin! Kailangan ko pang maka-uwi!" Sabi ni Engrid habang umiiyak.
Sa sobrang kadramahan nila hindi na nila napapansin na masyado nang malapit ang dalawang halimaw sa kinatatayuan ni Engrid at sa kasama nilang sugatan.
Handa na sanang sakmalin ng dalawang halimaw ang kasama nila nang mabilis kong inihagis ang pinaglalaruan kong daggers sa dalawang halimaw. Sapul naman ang mga ito sa noo. Umungol pa ito nang nakakabingi bago tinupok ng apoy.
I walk straight to the demons ash and collect my daggers. I have to reserve them. Baka kasi maubusan ako habang nakikipaglaban, mahirap na.
Nilapitan ko ang tatlong babaeng nakatulala habang nakatingin sakin. Una kong tinignan iyong Engrid.
"You're the worst." I said bluntly at her. Guilty naman siyang yumuko. Nilampasan ko siya at nilapitan ko naman ang leader nila na siyang nag-aya sakin na sumama sa grupo nila.
"Ngayon, sa tingin ko'y alam mo na kung bakit kita tinanggihan kanina sa alok mo. However I might say, you can be a good leader if... you can find good companions in this battlefield." that's the last words I said before I tap her shoulder and left them.
Hindi na ako magsasayang ng oras ngayon. Ito ang Isa sa mga bagay na gusto ko.
This island is full of demons and one of my hobby is to kill demons. Napupuno na ng antisipasyon ang buo kong katawan habang naglalakad ng mag-isa sa gitna ng kagubatan at hinahanap ang mga halimaw na papatayin ko. Pero mukhang hindi ko na sila kailangang hanapin pa dahil sila na mismo ang lumalapit.
Sinugod ako ng limang halimaw nang sabay kaya't sabay ko ring pinatama sa kanilang mga noo ang mga daggers na hawak ko. I was still staring at the ashes of the demons that I had killed as the shouting and cries of the people in this island is slowly fading.
The whole island was embraced by darkness for a short time until the moon rises. I smirk, "ITS HUNTING TIME!"

Bình Luận Sách (6)

  • avatar
    BuctuanLiezel

    more chapter pa please...nakakabitin basahin. sobrang intense..sana completed na soon

    24/07/2023

      0
  • avatar
    RedLancaster

    the story is exciting

    22/12/2022

      0
  • avatar
    AMBANDOL

    Nice. keep writing!

    30/06/2022

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất