logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

The Red Tears

The Red Tears

Zhoushini


Prologue

Unti unti ng nawawala ang ingay sa paligid at halos kalahating oras na ding naglalakad ang lalaking nasa edad na tatlumpu't walo, ang kan'yang ama, na si Nikolai Leventis, suot ang isang mumurahing kasuotan na sapat na upang hindi maging kapansin pansin sa mga taong naroon.
Sandaling inihinto ng lalaki ang kan'yang dalang kariton matapos makita ang bagay na pinagkakaguluhan ng mga tao kanina.
hindi n'ya masilip ang mukha nito tanging likod lang ang nakikita n'ya at ang lubid na nakatali sa bewang nito na nagdudugtong sa karitong sinasakyan nila ng kan'yang kapatid.
Napasinghap si Eliana ng makita ang apat na ulong nakabalandra sa likod ng mga taong nagtitipon sa harapan nila, at halos maputol ang hininga n'ya ng makita ang ina n'ya na kasama sa mga iyon.
Naramdaman na n'ya ang paglingon ng kan'yang ama kaya mabilis n'yang binalik ang ang tuyong talahib na nakatakip sa kanila pagkapasok n'ya sa loob.
Nalipasan na s'ya ng ilang minuto sa nakita n'ya, bagsak at nakasubsob pa rin ang ulo n'ya sa kan'yang tuhod, pinipigilan n'ya ang hikbi upang hindi marinig ng kapatid n'yang nakahawak sa kan'ya.
"Ate?" Tawag sa kan'ya ni Karren, nasa pitong taong gulang na ito, at madungis din gaya n'ya, wala silang panyapak dahil hindi naman sila binibilhan ng kanilang papa sa kadahilanang ayaw silang palabasin nito.
kinapa n'ya lang ang mainit na kamay ni Karren saka iyon pinisil.
Muli s'yang sumilip sa labas, namumula pa ang kan'yang mata, muntik ng matamaan ang mata n'ya ng talahib dahil sa lakas ng hangin na humahampas dito.
nakaramdam s'ya ng ginhawa ng dumampi ang lamig nito sa kan'yang balat, tagaktak ang pawis ni Nikolai ng tingalain n'ya, mabigat sila kaya naiintindihan n'ya din kung bakit bigla nalang itong huminto.
Pakiramdam n'ya ay nabalatan ang puso n'ya ng sandaling sundan ang tinitignan nito, isang malalim na bangin ang bumungad sa kan'ya.
Muling bumalik sa ala-ala n'ya ang blangkong mata ni Nikolai na sa tuwing nakatingin sa kan'ya, naging ganito ang ama n'ya simula noong iniwan sila ng kan'yang ina, maliban doon kalat din sa lugar nila na isang mangkukulam ang kanilang ina, at pinaghahanap ito dahil sa pagpatay.
Patuloy lang na nanginig ang mga labi n'ya.
"Papa?" naibulalas ni Eliana buhat ng takot na bigla nalang dumaloy sa kan'yang katawan.
Sa sandaling ipagpatuloy ng kan'yang ama ang paghakbang, nakasisiguro s'yang kamatayan ang sasalubong sa kanila.
"Bakit?". Tawag ni Karren mula sa loob.
Alam n'yang kahit anong sabihin n'ya sa kan'yang ama ay hindi na ito makikinig.
"Ate?" Isang tawag pang muli ang humuli ng atensiyon n'ya mula sa labas.
Ah "Nagpahinga lang si papa". Tugon n'ya.
Ipinikit n'ya ang kan'yang mata at mahigpit na niyakap si Karren ng magsimulang gumalaw ang sinasakyan nila.
"Ate hindi ako makahinga". Tinutulak ni Karren ang kanyang katawan, sa halip na pakinggan ay niyakap n'ya lang ito ng mas mahigpit na halos Mamula na ito sa ginagawa n'ya.
"Hahanap ako ng matitirhan natin". Nabitawan ni Eliana si Karren matapos marinig ang boses ng ama mula sa labas.
Ng iangat n'yang muli ang talahib ay wala na sila sa lugar na kinaroroonan nila kanina lang.
"Karren pasensya na".
isinubsob n'ya ang sarili sa kan'yang kasuotan.
Kahit papano ay naniniwala pa rin s'yang hindi pa rin baliw ang papa n'ya para patayin sila, o dahil baka nadadala na din s'ya ng emosyong nararamdaman n'ya at naisip n'ya iyon, ngunit sa sitwasyon nila kanina hindi n'ya maiwasang isipin na ganoon nga ang balak ni Nikolai.
"Bakit ba tayo umalis? Pano si mama pag uwi n'ya?" Tanong ni Karren.
"Wag n'yo na s'yang hintayin". Nagulat silang dalawa sa pagsingit ni Nikolai.
"Tama si papa". Pagsang ayon ni Eliana.
____
Isang Lingo na ang lumipas matapos sila lumipat sa West Ziria mula sa Helvior.
Kanina pang nakaupo si Eliana  sa likod ng malaking puno na nilalaro ang kan'yang mga daliri na nakatanaw sa mga butil ng mais na hinagis n'ya kanina.
Nagkalat pa ang tatlong bangkay ng uwak na naroon.
Hindi pa rin nawawala ang paninitig n'ya sa uwak na kakadapo lang sa butil ng mais, payapa at tahimik lang itong nakatulala sa mga butil na naroon.
"Bilis na". Bulong niya at paulit ulit na tinatapik ang kan'yang binti.
Sa huling pagdampi ng palad n'ya ay tuluyang nawalan ng balanse ang ikaapat na uwak sa tuyong puno, kumalat ang balahibo nito at dugo sa mga dahon na nasa lapag.
Tumayo s'ya upang lumapit doon, nanlumo s'ya ng makita ang kabuuan ng paligid.
"Ikaw na muna ang bahala kay Karren, babalik ako".
San ka pumunta?
Malakas s'yang napabuga upang pigilan ang luhang nagbabadya ng lumabas sa kan'yang mata, lumapit s'ya sa isang walang buhay uwak at pinulot ito, nanginginig ang mga kamay n'ya, namumuo pa rin ang galit sa puso n'ya at hindi n'ya din maintindihan kung pano n'ya nagawa ang bagay na iyon.
Bago sa kan'ya na magawa n'ya iyon.
Ngunit ng mangyari iyon ay mas naramdaman n'ya ang kontrol n'ya sa paligid, at hindi n'ya maiwasang isipin na baka totoo nga ang bintang sa mama n'ya, dahil maski s'ya ay kayang gawin iyon.
"Mama" bulong niya sa kan'yang paghikbi, tumutulo pa ang malagkit na dugo ng uwak sa kan'yang kamay ngunit hindi na din n'ya iyon pinansin pa.
Unti-unti ay nagiging malansa na rin ang amoy ng paligid.
"Eliana". naihulog nalang n'ya ang kan'yang hawak ng marinig n'ya ang kan'yang ama mula sa likuran, at agad na tumayo dahil sa kabang nararamdaman, alam n'yang papaluin nanaman s'ya ng kan'yang ama lalo na kung makikita s'ya nito sa ganoong kalagayan.
"papa, wala akong alam, hindi ko alam kung bakit sila namatay". Nanatili lang na nakatitig si Nikolai sa kan'ya.
"Wala akong kasalanan". Tila wala sa sariling bigkas ni Eliana, paulit ulit n'ya lang na pinagtatanggol ang sarili.
"Eliana! Ginawa mo yan diba?".  Nanlaki ang mata n'ya sa tanong ni Nikolai sa kan'ya.
"Pasensya na papa". Sagot ni Eliana madilim ang mukha n'yang umiwas ng tingin kay Nikolai hindi na siguro n'ya madepensahan ang sarili, malinaw na din ang ginawa n'ya dahil sa hitsura n'ya ngayon.
"Ayoko ng makitang ginagawa mo yan, halimaw lang ang gumagawa ng ganyang bagay". Sagot ni Nikolai bakas na pagkadismaya sa mukha.
Tila bumakas sa dibdib n'ya ang sinabi nito, tuluyan ng tumulo ang kan'yang luha.
"Kung ganon, sinasabi mo rin na halimaw si mama, kaya ba kinukulong mo kami?". Malungkot na hinarap n'ya ang kan'yang ama.
"Hindi, hindi naman iyon ang gusto kong sabihin".
Hindi n'ya alam kung paano nalang haharapin ang kan'yang ama, palagi nalang itong galit at halos isang buwan na din n'ya iyong tinitiis bagaman hindi s'ya sanay sa inaakto nito.
"Papa, hindi mo naman kailangang magsinungaling, naiintindihan ko". Siguro totoo ang sinasabi nila.
"Bakit ka lumabas?" Seryosong tanong ng kanyang ama.
Nanginginig ang kamay na kumapit sya kay Nikolai, nasilip n'ya ang bote ng langis na hawak ng kan'yang ama, at ang pag pasada ng paningin nito sa mga nagkalat na balahibo at patay na uwak sa paligid.
"hindi naman po ako lumayo". Nahihiya s'ya sa ginawa n'ya, alam naman n'yang mali pa rin ang nagawa n'ya, ngunit hindi pa din naman n'ya maintindihan sa ngayon kung sa paanong paraan na nagawa n'ya iyon sa simpleng pagtitig n'ya lang sa mga ibon.
Pumulot si Nikolai ng kapiraso ng patpat bago muling lumingon kay Eliana.
"bantayan mo muna si Karren". Seryosong utos ng kan'yang ama.
Sandaling tumigil si Eliana upang tignan kung anong gagawin ni Nikolai.
inilahad n'ya ang kaniyang palad sa harap ng ama ngunit nanatili lang na nakatingin doon si Nikolai.
"Hindi ka matututo kung papaluin lang kita, mauna ka ng umuwi, natutulog si Karren".
Tumango nalang sya at naglakad palayo sa kanyang ama, sa kabila ng panlalamig nito sa kanila, ay nakikita n'ya pa rin ang pagiging ama nito kahit papano.
Sandali n'yang pinagmasdan ang kaniyang kapatid pagkauwi, tahimik lang na natutulog ng madatnan n'ya, yakap yakap ang isang manikang niregalo dito ng kan'yang ina.
nakasuot doon ang isang magandang ipit na yari sa Tanso na nauukitan ng bulaklak ng anemone.
Marahan n'yang niyakap ang kan'yang kapatid.
Saglit s'yang umupo at sumilip sa siwang ng nakasaradong bintana—mula sa malayo ay natatanaw pa rin n'ya ang akademya at ang palasyo sa lugar na kinaroroonan nila.
Pinilas n'ya ang papel na dinukot n'ya pa na nakadikit mula sa malabong salamin ng bintana, May mga nakasulat doon na hindi n'ya maintindihan.
Matagal na n'yang gustong mag-aral, ngunit hindi n'ya alam kung totoo ba ang pag sang ayon sa kan'ya ng kan'yang ina noon, ilang taon na rin ngunit kailan man ay hindi dumating ang araw na pinangako ni Sonel sa kan'ya.
Sinungaling ka mama.
___
"Ate, buksan mo ang ilaw natatakot talaga ako". Pakiusap sa kan'ya ni Karren ng lumapit ito para abutin ang kamay n'ya, malinaw ang mga mata n'ya sa dilim, ang liwanag nito ay parang hapon pa rin sa kan'ya, ngunit hindi s'ya sigurado sa kanyang kapatid dahil pareho sila ni Nikolai na nangangailangan pa ng gasera para lang makita ang paligid.
inalalayan nya ito patungo sa hapag-kainan.
"Saglit ko lang bubuksan ang lampara, baka pagalitan tayo ni papa." Bulong ni Eliana, magkakalayo ang bahay sa lugar nila ngunit hindi n'ya maintindihan kung anong ikinatatakot ng kan'yang ama.
"Hindi kita makita Ate".  Mas humigpit pa ang kapit ni Karren.
"Oo, sandali lang". 
Kinuha ni Eliana ang posporo malapit sa lamparang nasa gitna ng lamesa saka ito sinindihan.
"Saglit lang kasi dadating si papa,".  Ilang minuto din pagkatapos nilang kumain ay tumahimik ito, at tulalang nakatingin sa pag galaw ng apoy sa lampara.
"Pwede ko na bang patayin?" Umiling lang ito bilang sagot sa kan'ya, kanina n'ya  pa pinipilit na labanan ang antok.
Kailan ka ba matutulog?
____
malamig ang gabi at wala silang kumot na tanging ang yakap lang ng kan'yang kapatid ang nagpapainit sa kan'ya, nakaupo sila sa upuan at doon na rin sila nakatulog.
Binuhat ni Nikolai si Karren patungo ng kwarto ng madatnan ang posisyon nila ni Eliana.
"Bakit mo binuksan, binilinan kita diba?" Seryosong tanong ni Nikolai sa kan'ya, kaya't agad s'yang napabangon, galit nanaman ito ng umuwi.
"Pasensya na papa, pinagbigyan ko lang po si Karren". Inayos n'ya ang kanyang pagkakaupo matapos maalimpungatan.
Pinatay ni Nikolai ang lampara at tinalikuran s'ya ngunit mabilis n'ya lang na nahila ang laylayan ng kasuotan nito.
"Matulog ka na".  Sambit lang ni Nikolai.
"Papa..."
"Buhay pa si mama diba?".  
"San mo nakuha yang sinasabi mo?" Tanong ni Nikolai sa kan'ya.
"Puntahan natin s'ya papa". Muli ay pakiusap n'ya, ayaw n'yang maniwala sa nakita n'ya kanina, at hanggang ngayon ay hinihiling n'ya na hindi iyon ang kan'yang ina.
"Matulog ka na, makinig ka nalang, ". Malamig na sagot ni Nikolai.
"Papa...". Naiwan s'yang tulala.
tila isang tinik ang muling bumaon sa dibdib n'ya ng maalala n'ya ang kan'yang ina kanina.
___
Maliwanag na sinag ng araw ang nagmumula sa labas ng bintana patungo sa lumang kurtina ng humaharang sa salamin nito.
Hindi n'ya nararamdaman ang init ng araw sa kan'yang balat, kinapa n'ya ang kan'yang higaan at natanaw n'ya si Sonel na nakaupo sa tabi ng higaan n'ya.
Isang malamlam na ngiti ang bumungad sa kan'ya.
"Mama, buhay ka".
Hindi n'ya maiwasang umupo upang yakapin ito ngunit dilim na ang sumalubong sa kan'ya sa kan'yang pagbangon, ang lugar na kinauupuan n'ya ay ang bagong kwarto nila ni Karren.
Panaginip lang.
Dumungaw s'ya sa butas bintana upang siguruhin kung maliwanag na sa labas, ngunit tila ilang oras lang s'yang  nakaidlip, namumugto pa ang kan'yang mga mata.
Nananaginip lang ba ako ulit?
Malinaw sa mata n'ya pulang buhok ng babaeng nakatayo sa labas malayo sa kinaroroonan n'ya, pangalawang beses na n'ya itong nakita.
"Mama..." Bulong n'ya, kasabay ng pag agos ng luha n'ya.
Hindi pa patay si mama.
yun lang ang tanging iniisip n'ya sa sandaling iyon bago s'ya dalhin ng mga paa n'ya sa labas patungo sa kinaroroonan nito, maibabalik n'ya ba ang samahan nila ng kan'yang papa kung mapapatunayan n'yang buhay ito?
Siniguro n'yang huwag gumawa ng ingay, nagmadali s'yang lumabas upang masilayan lang ang mukha nito, at ang mata nitong natatakpan ng buhok, ang mga kamay nito na nakaangat na naglalabas ng isang berdeng enerhiya na nagpasindak sa kan'ya.
Natigil si Eliana sa kinatatayuan ng maramdaman ang pagpulupot ng kung anong maitim sa kan'yang leeg.
"Oh, malas". Bulong ng babaeng likod lang ang kan'yang natatanaw na nakaharap sa babaeng inaakala n'yang kan'yang ina.
"Tumigil ka na". Inis na tugon ng babaeng pula ang buhok, garalgal pa ang boses nito at para bang may hinanakit itong dala-dala.
"Sabihin mo kung bakit ko kailangang tumigil, kontento na kayo sa ganitong mundo?" 
Tumatawa ang babaeng kausap nito na nakasuot ng madilim na kasuotan.
Nakita ni Eliana ang pag ngisi ng babaeng naka-itim ng lumingon ito sa kan'ya.
Naramdaman n'ya ang pagtama ng kung ano sa leeg n'ya ng itutok ng babaeng May pulang buhok ang berdeng enerhiya sa kan'ya, tuluyan s'yang natumba sa kinatatayuan, at wala na s'yang nakita maliban sa dilim na tuluyang bumalot sa kan'yang paligid.
"Eliana" ilang beses iyong paulit ulit na binigkas ni Nikolai bago s'ya magising sa wakas.
Nasindak s'ya ng makita ang bangkay sa kan'yang tabi, tuyot na ang balat ng babae at May marka ng mga daliri sa leeg nito.
"Papa". 
"Eliana". Ani Nikolai.
"Papa anong nangyari sa kan'ya?". Tanong ni Eliana na puno pa rin ng takot, ngunit nanatiling nakatayo lang si Nikolai na nakatingin sa kan'ya.
Nanumbalik sa kan'ya ang nangyari kaninang madaling araw.
Totoo sila, ang mga nakita ko, si mama, alam kong buhay si mama.
"Papa...". Pagtawag pansin n'yang muli.
"Si mama, nakita ko si mama". 
"Tumigil ka na, hindi na babalik ang mama mo, nakita mo ng malinaw na patay na s'ya".
Tanging sambit lang ng kan'yang ama.
Nakita mo, pero bakit ganito pa rin, bakit mo ko tinatrato ng ganito? Bakit parang ayos lang sa'yo na nasasaktan ako?.
"hindi ko na nagugustuhan ang ginagawa mo, lumalala ka na, pangalawang beses na kitang nakitang natutulog dito".
Kung ganon ay hindi iyon panaginip, binuhat s'ya nito noong nakaraang napanaginipan n'ya rin ang babaeng iyon, naalala n'yang May mga nakadikit pang tuyong dahon sa bestida n'ya ng magising s'ya ng araw na iyon.
Hindi nalang s'ya sumagot, ngunit nais n'ya paring maniwala.
Papa, buhay si mama, mukha s'yang isang salamangkero kagabi, nakakamangha s'ya.
Nais n'ya sana iyong sabihin ngunit hindi din naman maniniwala ang ama n'ya .
Ng sandaling lingunin n'ya ang bangkay ay mabilis din na nagtaasan ang balahibo kan'yang balat.
"Kumain na tayo". Paanyaya nito sa kan'ya matutuwa na sana s'ya ngunit sa katotohanan na parang wala lang kay Nikolai ang bangkay na nakita ay nagbigay ng malaking dahilan para magtaka s'ya.
"Papa...". Muling pagtawag n'ya.
Hinawakan nalang n'ya ang kamay ng kaniyang ama saka mabilis na tumakbo patungo sa kubo.
Walang saysay kahit anong gawin ko, kahit anong sabihin ko.
Hinihingal pa rin s'ya ng maabutan n'ya ang kan'yang kapatid, nakabaluktot ito sa papag yakap ang manika at umiiyak nanaman.
___
"Eliana, binilhan kita ng libro, hindi ba't gusto mong mag aral? Pag natuto ka basahan mo si Karren" Agad na lumapit si Eliana kay Nikolai nasanay na s'ya na maging tahimik na lang sa harap ng kan'yang ama.
Kung wala din naman itong isasagot sa kan'ya ay aalamin n'ya nalang iyon ng mag isa.
"Salamat, papa". Tanging sambit nalang n'ya.
Napangiti s'ya ng mapait, ngayon n'ya lang muling naramdaman ang kan'yang ama, matapos ang dalawang buwan ng panlalamig nito sa kan'ya na para bang isang bato na hindi na n'ya alam kung pano pa kakausapin.
hindi na n'ya muli pang nakita ang babaeng iniisip n'ya pa rin na si Sonel hanggang ngayon.
Hindi n'ya maiwasang maluha ng maramdaman n'ya ang pagyakap ni Nikolai sa kan'ya, napakainit— ang yakap na nais n'yang muling maramdaman mula sa kan'yang ina.
"Papa".  Bumalik ka na sa dati.
"Pumatay ka nanaman ng hayop para bigyan sila ng daan".
naramdaman nalang n'ya ang mahinang tunog at ang pagkapit ng isang mainit na bakal sa kan'yang braso, nanlaki ang mata n'ya ng makita n'ya ang bagay na iyon, Napailing lang s'ya matapos n'yang bumitaw sa kan'yang ama, napasalampak s'ya at natulala dito, nanakit ang ulo n'ya matapos maramdaman ang init ng armlet na nakakapit sa braso n'ya.
Sapat na upang muling bumalik sa gunita n'ya ang mga ginawa n'ya.
"Hindi ka magugustuhan ng ina mo kung hindi ka marunong pumatay, patayin mo sila".
Sambit ng boses na iyon sa kan'yang isip, tanaw n'ya  ang  mga usa na malapit sa bahay na tinitirhan nila kahit malayo pa iyon.
tila sinasakal s'ya ng anino sa kanyang leeg sa tuwing pinipilit n'yang tanggihan ang sinasabi ng boses na iyon.
Muli s'yang bumalik sa katinuan ng hinaplos ni Nikolai ang pasa ng daliri sa kan'yang leeg, hindi n'ya maalala kung saan n'ya nakuha ang bagay na iyon.
napasigaw nalang s'ya at halos maiyak s'ya sa sakit na nararamdaman parang napapaso ang buo n'yang katawan.
Nakita n'ya ang pagdilim ng paningin ng kan'yang ama ng tumingala s'ya dito.
Anong gusto mo papa? 
"Papa". Tawag n'ya kay Nikolai bago pa tuluyang na maparalisa at matumba sa kanlungan ng kan'yang ama.
Anong ginawa mo sa'kin?
"Hindi ka mamamatay". May pag aalalang, pagpapakalma ni Nikolai sa kan'ya, sa pagkakataong ito nakita n'ya ang emosyong matagal na nagtago sa likod ng mata nito ngunit nawala din iyon.
Blangkong mata lang nito ang muling sumalubong sa kanyang paningin.
Luha lang n'ya ang may kakayahan sa kan'yang katawan kusang umagos iyon, dahil sa sakit na nararamdaman n'ya na para bang pinagtaksilan s'ya ng sariling ama.
"lumayo ka sa anak ko". Malamig na utos nito na tila ba May kausap.
Papa anong ginagawa mo? Naramdaman n'ya ang biglang pananakit ng kan'yang leeg ngunit nawala din iyon, mas maginhawa na ito.
Ngunit sa kabila no'n pakiramdam n'ya pa rin ay nanghihina s'ya, ni hindi n'ya naigalaw pang muli ang kan'yang katawan.
Gusto n'yang tanggalin ang bagay na nasa braso n'ya dahil napakasakit pa rin nito, ngunit hindi n'ya tinatanggi na pumatay s'ya ng mga usa, totoong nagawa n'ya iyon, parusa na siguro iyon sa bagay na nagawa n'ya.
"Sana noon ko pa to ginawa".
nasaktan s'ya ng makita ang pamumula ng mata ng kanyang ama, at ang panginginig ng labi nito habang sinasabi iyon, alam n'yang pinipigilan lang nito na huwag umiyak sa harap nila, at sa pagkakataong ito nailabas iyon ng kan'yang ama.
Iniwas n'ya ang kan'yang paningin upang hindi makita ang ama, ngayon n'ya lang nakitang umiyak ang kan'yang ama ng ganoon, na dapat ay noon pa.

Bình Luận Sách (7)

  • avatar
    GalichaRea

    excellent

    22/07

      0
  • avatar
    DumpMerry

    nice

    27/06

      0
  • avatar
    BoXiao

    This is a good story. Please continue 🥺💕🥺

    18/03

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất