logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Chapter 3

Chapter 3
***
Clara POV:
KANINA ko pang napapansin na inuubo si Attorney Marco, mukang may sakit siya. Papunta kami ngayon sa tabing dagat, niyaya niya ako doon para makapag gala. Bukas na ang final exam ko, sabi pa niya wag akong maging stress ngayong araw kaya niya ako niyaya dito.
"Do you want buko juice?" He asked. Tumingin ako sa kaniya bago tumungo. "Okay, stay here and i will buy."
Inikot ko ang tingin ko, madami ding tao dito sa Lagardia Island. Pero mapapansin naman talaga na madaming tao dito dahil malaki ang isla na ito.
This Island was connected into the City. Maganda din doon sa City lalo na at may malalaki at matatas na building. Dati na din kaming nanirahan dito sa tabing dagat nung buhay pa ang magulang namin ni Kuya, pero lumipat na din kami sa City, simula noon ay si Tita Lia na ang kumupkop sa amin at nag alaga.
Bumalik na si Attorney na may dalang Buko Juice, inabot niya iyon sa akin at magalang ko namang kinuha saka nag pasalamat.
"Attorney, tara doon tayo." Sabi ko sabay turo sa may isang kahoy na maari naming upuan. Hindi siya sumagot at nauna na ako sa kaniya, alam ko naman na susunod siya sa akin.
"Tomorrow na ang exam niyo." Saad niya bago umupo sa tabi ko. Ininom ko muna ang buko juice bago siya sagutin.
"Yes, hindi ko alam kung masasagutan ko lahat ang mga katanungan doon. Pero pipilitin kong isipin lahat ng tinuro mo sa akin, I guess nasa utak ko na lahat yung mga formula at solution na tinuro mo sa akin." Ani ko.
Napangiti siya. Ngayon lang siya ngumiti ng ganoon, kadalasan niya kasing ginagawa ay pag ngisi. Pero napawi agad ang ngiti niya ng bigla siyang ubuhin, kita ko din sa mga mata niya na parang iba ito, yung hindi ba kagaya ng sa ibang tao o yung kagaya pag normal lang siya.
Agapan kong inilapat ang kaliwang kamay ko sa leeg niya pati sa noo, tinitingnan ko lang ang temperatura niya. Nagtataka siya sa akin kaya napilitan ako na itigil ang ginagawa ko.
"Mainit ka, Attorney. Bakit hindi ka mag patingin sa doctor?" Umiling lang siya, muli siyang uminom ng buko juice at iniwas ang tingin sa akin. "Umuwi na tayo... Masama ang pakiramdam mo." I said.
"Hmm?"
"Anong HMM ka d'yan, Attorney? May sakit ka kaya kailangan mong magpahinga, may pa HMM ka pang nalalaman."
Muli lang siyang ngumiti, tatayo na sana ako kaso pinigilan niya ako gamit ang pag hawak sa aking braso. Binabaan ko siya ng tingin. "Bakit? Uuwi na tayo, Attorney."
"Hindi na muna, gusto ko din makalanghap ng sariwang hangin." Sagot niya. Umupo lang ulit ako sa tabi niya at saka ininom ang buko juice, kakaunti na ito kaya nilagok ko na ng sunod-sunod.
Tumingin ako kay Attorney, nasa gawing dagat ang tingin niya. Ni hindi niya din napansin ang pag titig ko sa kaniya. Mas nakaka-attract lalo sa kaniya ang pag side view niya, bakat na bakat ang panga pati ang chick bone, maganda din ang suot niya eye glasses.
"Matanong ko lang Attorney, madali bang mag aral ng law?" Tanong ko sa kaniya, bigla nalang kaseng pumasok sa utak ko ang Law.
"I cannot say, but if you try... malalaman mo." Sagot niya kahit hindi nakatingin a akin.
Tumango-tango ako at napa isip ng malalim. Umihip naman ang malamig na hangin na dumampi sa aking balat, pinapawid din ang buhok ko kaya tinalian ko iyon, pero nahihirapan ako dahil patuloy pa din ang pag hangin.
"Let me do that." Napangiti ako sa sinabi ni Attorney. Di ko lang in-expect na maalam din pala siyang mag tali ng buhok, ni minsan lang ako makakita ng attorney na mag tali ng buhok, si Kuya kase ay maarte kahit pag dampi ng buhok ko sa balat niya ay pabiro akong sinasabunutan.
"O-Okay."
Inabot ko sa kaniya ang pamuyod, at bahagya niyang hinablot ng dahan-dahan ang buhok ko.
Sa kabila ng lahat... Tumayo na siya, 'di ko alam kung saan ang tungo pero naglakad lang siya hanggang marating ng paa niya ang tubig ng dagat.
Nakangiti lang ako habang pinapanuod siya, nare-realize ko na unti-unti na siyang nag babago. Pero paminsan-minsan ay galit siya at nagiging cold or baka lang naman strikto, gano'n?
"h~h~hmm~h~h~hmm~ h~hmm~" Paghuhuni ko habang nakapikit, wala kaseng magawa. Tamang dinadama ko lang ang malamig nahangin at pinapakinggan ang pag hampas ng mga alon.
"What are you doing?" Napamulat ako at napahawak sa dibdib dahil sa gulat. Nasa harapan ko na pala ulit si Attorney at naka taas pa ang isang kilay habang naka pamewang.
"Humuhuni..." Sagot ko.
"But, you are not a bird?"
"Tse! HAHAHA!"
He laughed too. Gusto ko lang humuni pero epal niya lang, may pa sabi pa na hindi ako ibon.
"Ano ang hinuhuni mo?" Tanong niya muli, umupo sya sa tabi ko at tumitig sa akin.
"Hurts so good... By Astrid." Formal kong sagot.
I like that song, kahit pang broken hearted. Lagi ko lang siyang napapakinig minsan, pero nakasanayan ko na kantahin iyon sa sarili kong boses.
"Kaya mong kumanta?" Nagdududa niyang tanong. Sa muka ko bang ito, hindi ako maalam kumanta? Tumango lang ako kahit ayaw niya akong paniwalaan. "Try to sing that song."
"Okay, yung chorus lang. HAHAHA!"
"Sure."
"When it hurts, but it hurts so good. Do you take it, do you break it. Of when it hurts, but it hurt so good. Can you say it, can you say it~" Pag kanta ko.
Tumigil ako at mabilis kong inilipat ang tingin sa kaniya. Manghang-mangha naman siya. Ayaw pa niyang maniwala nung una huh.
"That was so nice!" He greet, ngumiti lang ako bago tumayo. "Saan ang tungo mo?"
"Uuwi na, kailangan mo ng mag pahinga. At ako din..." I said. Wala na siyang magagawa kaya tumayo nalang din siya, he hold my hand immediately at napatingin ako doon.
Well nasanay na din ako sa pag hawak niya sa kamay ko.
---

Bình Luận Sách (7)

  • avatar

    ❤️❤️❤️❤️

    24/06

      0
  • avatar
    Rola Kate

    I love the story

    23/01

      0
  • avatar
    Gina Lapiceros Vero

    i like it

    17/11

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất