logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Chương 5 POSSIBILITIES

"Since your works are commendable these past years and now your surpassing your Mommy Sylvi's legacy..."
Halos mapatakip si Rana ng bibig sa sobrang antisipasyon sa pinakahihintay na sasabihin ng Manager niya.
Naroon sila sa bahay niya, particularly sa kaniyang terasa upang mag-usap ng masinsinan. 8 o' clock ng tawagan siya ni Manager Tiangco upang pag-usapan ang tungkol sa hinihingi niyang bakasyon. Matagal na niya iyong sinasabi sa Manager pero dahil sa sobrang hectic ng schedule niya ay hindi kinakaya kaya naman nagkaroon sila ng agreement na kapag malampasan niya ang ratings ng ina niya bilang modelo then Manager Tiangco will approve her proposition.
"I'm happy to announce that you can take your vacation. At maghahanap muna kami ng papalit sa'yo for the mean time."
Iyon na siguro ang tila napakagandang salitang nanulas sa bibig ng Manager ni Rana. Umalis na kaagad ito pero bago iyon ay nagkaroon pa sila ng konting pagkukwentuhan sa modelling world at fashion industry.
Dahil sa successful launching ng summer collection ng in-endorso niyang damit ay naging hectic ang schedule ng dalaga dala ng napakaraming mga local at international endorsements na dumating sa kaniya. Tiniis niya ang apat na linggo na walang permanenting tulog at pahinga. At ngayon nga'y nagbunga ang pinaghirapan niyang makuha.
Dali-dali niyang di-nial ang pamilyar na numero ng kaniyang matalik na kaibigan.
"Free as a bird  already?"tatawa-tawang tanong ni Echo sa kabilang linya.
Echo and Rana are inseparable. Kababata niya ang babae at classmates sila nang pre-school hanggang High School. Naghiwalay lang sila ng landas nang ipadala si Echo sa ibang bansa upang mas ma-train ito sa kursong kinuha nito. Noon pa man ay alam na niyang tigasin ito pero ni sa hinagap ay hindi niya naisip na totohanin nitong magpulis. One thing is for sure, tiyak niyang may mas malalim na rason sa pagpupulis nito.
"Ah-huh. Nangangati na pati ang paa ko para maglakwatsa!"
Naipadyak pa niya ang paa na totoong nangangati na sa bakasyon. Nakikinita na niya ang ngingisi-ngising mukha ng kaibigan sa kabilang linya. Busy ito sa trabaho bilang pulis pero tinatawagan pa rin siya nito kapag may oras.
"I want to join your celebration today..."bahagyang nawala ang tigas sa boses nito.
Huminga ito ng malalim bago ipinagpatuloy ang nabiting salita kanina,
"but I think you need to hear this first."
Nawala ang ngiti niya dahil sa bahagyang pagseryoso ng boses ni Echo. Kapag ganitong bigla na lamang nitong binabawi ang energetic vibes na palagi nitong dala-dala, isa lang ang ibig sabihin niyon. May dala itong importanteng balita.
"Can we meet today?"anito na ang ibig ipakahulugan ay kung gaano ka-importante ng balitang isisiwalat nito kung kaya hindi ito pwedeng sa telepono lang sabihin.
"Yes. I know a place,"tugon niya sa kausap.
Bumuntong-hininga ito sa kabilang linya.
"Be careful. Don't you dare drive recklessly,"paalala ng kaibigan na hindi na niya magawang intindihin.
Ibinaba niya ang tawag at nagbihis ng damit.
Binigyan niya ng last look ang sarili sa salamin bago napagpasyahang pumasok sa kotse.
Hindi na tinawag ni Rana ang driver upang ipagmaneho siya dahil namaalam ang lalaki sa kaniya noong nakaraang linggo pa na kailangan daw nito munang bantayan ang nagkasakit na anak.
Labag man sa loob ay pinayagan niya ang driver dahil karapatan din naman nitong mas unahin ang pamilya nito kaysa sa kaniya. Matigas man ang puso niya at ayaw man niyang magmukhang softhearted sa ibang tao ay hindi niya mapigilang mag-abot ng kaonting pera dito. Konting pera lang iyon pero daig pa ng driver niya ang nanalo sa lotto dahil sa naging paulit-ulit na pasasalamat.
**
Nang makapasok sa kaniyang Volkswagen ay pinaandar niya agad ito. Parang nakikipagkarerahan siya sa bilis ng pagpapatakbo.
Nagme-menor lamang siya kapag may mga traffic enforcer na nasa daan. Pabilis nang pabilis ang takbo ng kaniyang sasakyan kasabay din nito ang matulin na pagtibok ng kaniyang puso. Tapos na ang naging usapan nila ng kaibigan pero habang nasa byahe ay hindi niya parin nakakalimutan ang sinabi nito. Ang isiniwalat na balita ay parang sirang plaka na nagpa-ulit-ulit sa utak niya.
Sa La Trinidad Hotel nila napiling magkita. La Trinidad Hotel is not just an ordinary hotel dahil ang halos lahat ng pumupunta roon ay mga bigating tao. Business tycoons, politicians, international models and etc.
Naroon sila sa malaking dining hall ng hotel, sipping an expensive tea for a serious conversation.
"Remember about your mom's accident?"ani Echo at bahagyang huminto sa sinasabi.
Tuluyang nakuha ng kaibigan ang buong atensyon niya.
"What about it?"she ask, almost impatient.
"There's big chance that she's still alive!"Echo blurted out, na muntikan nang magpabuga sa kaiinom niya lang na tsaa.
Inabutan naman siya nito ng tissue at ipinunas niya iyon sa bibig bago muling nagtanong kay Echo.
"What do you mean?"
"Do you remember the earrings your mom wore the day of the accident?"anito habang tila ipinoposisyon kung gaano kaliit ang bagay na tinutukoy.
"Some folks around the area yesterday has explain that they've seen a woman wearing the same earrings on a wheelchair!"pagtutuloy pa nito.
"How can that be possible when we already buried her body?"aniya na halos hindi parin makapaniwala.
Echo took one sip of the tea before looking straight at her eyes.
"Did the body undergone a test before getting buried?"
Napailing-iling siya hanggang sa may nareyalisa.
"No. We actually didn't do anything. Nag-assume na rin ang lahat, pati ako na si Mommy nga 'yun because she has the same body and height just like mom. Hindi rin kasi ma-determine since sunog na ang buong katawan."
Napakumpas si Echo sa ere.
"Then, my hunch is right! It's possible that Tita is not really dead and probably she's just been kept safe somewhere."
Tumitig sa kaniya ang kaibigan na tila may gusto pang itanong.
"By any chance, may alam ka bang tao na galit sa Mommy mo o sa pamilya niyo?"
Hindi siya makasagot sa tanong na iyon ni Echo. She wasn't sure about that. Dahil sa tinagal-tagal na paninirahan nila sa exclusive subdivision na iyon ay hindi kailanman siya nagkaroon ng isipin na baka may mga taong nais sumira sa kanila o sa ina niya.
Until that accident happen. When her mother encounter an accident, she knew something was wrong. Nasunog ang ina niya habang nakaligtas naman ang driver nito.
Come to think of it, dapat mas naunang hiningan ng tulong ng driver ang amo nito pero mas inuna nito ang sarili.
Nahulog siya sa malalim na pag-iisip. Hanggang sa magpaalam na sa kaibigan ay tila wala na siya sa sarili. Sumakay siya sa kotse ngunit lumilipad parin ang utak niya.
Dahil sa maraming naiisip ay hindi na niya masyadong naaninag ang daan. Muntikan pa siyang mahagip ng isang papadaang malaking ten-wheeler kung hindi lamang niya nakabig ang break pakaliwa. 
The familiar scenery left her heart and mind in shock.
Nahihintakutang napatitig siya sa mga naglalarong bata sa gilid ng kalsada. Kung hindi niya nakabig muli ang silenyador ay malamang nakasagasa na siya ng mga inosenteng bata. Marahas na pinukpok niya ng paulit-ulit ang steering wheel sa labis na kaba.
Kahit naman gaano siya kamalas ngayong araw ay nagpapasalamat parin siyang hindi nadamay ang mga bata. Dahil siya kapag may nangyaring masama sa kaniya, walang sinumang maghahanap sapagkat wala na siyang pamilya. Pero ang mga batang ito. May mga magulang pa sila at bukod doon may mga magaganda pang mga bagay ang maaaring mangyari sa buhay nila.
She smiled bitterly.

Bình Luận Sách (82)

  • avatar
    Jay M Pineda

    nice

    24/08

      0
  • avatar
    Jecker Lama

    ganda

    21/08

      0
  • avatar
    Kevin Sibucao

    JUSTIN

    13/08

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất