logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

KABANATA 4

LUMIPAS ang labing-anim na taon. Ang sanggol na nasa mundo ng mga tao ay lumaking may takot sa Diyos. Magalang, masipag, matalino, mabait at halos na yata ng positibong katangian ay tinataglay nito. Katamtaman ang sikat ng araw nang mga oras na iyon. Nasa baybayin ng dagat ang may maaamong mukha na si Vince.
"Hey, Vince." Kumakaway sa kanya si Eleine mula sa malayo, isa sa kanyang mga kababata.
"Nandirito lang pala ang guwapo nating kaibigan." Nakangiti ring lumalapit si Toby.
"Kanina ka pa namin hinahanap, Vince. Ayaw mo bang maglaro ng Volleyball sa bayan? Isa ka sa magaling na member ng ating team. Ano ba 'yang ginagawa mo?" tanong ni Aj nang makitang may hawak itong malaking lambat.
"Ginagamit ito ni Itay sa pangingisda. Kailangan kong tanggalin ang mga nakakapit na dumi upang magamit ulit mamaya. Anong oras ba magsisimula?" tanong naman ng binata sa kalmadong tinig.
"Mga tatlong oras mula ngayon. Ano? Makakahabol ka ba?" paninigurado ni Van.
Nag-iisip ang binata. "Susubukan ko pero hindi ko maipapangako." Nakangiti niyang tugon.
"Mangako ka talaga dahil ikaw lang naman ang magpapanalo sa team natin. Ang lakas mo kayang mag-spike at lahat ng pasok ng bola mula sa kalaban ay hindi nakakalusot sa 'yo." Napatawa ng mahina si Toby ngunit totoo naman ang kanyang sinasabi.
"Bahala ka, manonood pa naman si Zen. Iniidolo ka na rin nun." Itinaas-baba pa ni Eleine ang dalawang kilay.
"Talaga?" makikita ang kislap sa mga mata ng binata at sandaling napahinto sa ginagawa.
Si Zen kasi ang crush niya mula noong tumuntong sila ng High School. Ngayong nasa 4rth year na sila, mas lalong nadagdagan ang paghanga nito sa dalaga. Halos kasi ang mga katangian nila ay hindi nagkakalayo. Gusto niya ang pagiging mahinhin ng dalaga at may napakagandang ngiti tulad niya.
Sa paglalaro naman ng Volleyball, hindi talaga siya binibitawan ng kanyang team dahil kakaiba siya maglaro. Lahat ng spike mula sa kabila ay nasasalo niya, mahina man o malakas. Hindi pa man lubos nauunawaan ni Vince, tila may kakaiba sa kanya lalo na ang kanyang paningin. Masyadong malawak at mabilis pati na ang takbo ng kanyang isip. Walang kahit kaunting salita ang nakakalusot sa kanyang mga tainga at lahat ay natatandaan niya basta't narinig niya na. Sa dami nga ng librong binasa niya, lahat ay natandaan nito at itinuturo pa sa iba ang mga nalalaman. Walang may makapantay sa kanyang katalinuhang tinataglay kahit pa ang isang guro.
Mahirap man ang buhay ng pamilyang kinagisnan, bilib naman ang mga taong nakakakilala sa kanya lalo na ang ama at ina. Bukod sa mga iyan, napakarami pang mga bagay at pangyayari ang labis niyang ipinagtataka.
"Sumama ka na kasi. Maraming nag-aabang at gustong manood sa atin. Ay, sa iyo pala." Nagtawanan ang apat.
"O, sige. Pupunta ako. Tatapusin ko lang talaga 'tong ginagawa ko." Ngiti niyang tugon.
"Yes! Mananalo na talaga ulit tayo!" naisigaw iyon ni Aj.
"Tandaan, Vince. Napakalaki ng premyong makukuha natin. Makakatulong ka ulit sa mga magulang mo kahit sa maliit na bagay." Kumindat pa si Van.
Mas lalong nakita ang matamis na ngiti sa labi ng binata. Tumango ito at nagsimula ng magsi-alisan ang mga matalik na kaibigan at kababata.
"Kita tayo mamaya sa covered court." Pasigaw pa ni Eleine bago unti-unting nawawala sa paningin nito.
-----
NAGMAMASID ang mga taga-Zifornum sa ginagawa ng kanilang hari at prinsipe sa hinaharap. Si Vince, gamit ang mahika ng matandang mangkukulam.
"Tunay ngang malaki na ang anak ni Zion. Pagmasdan ninyong mabuti, nakuha nito ang mga mata ng kanyang ama." Labis ang sayang makikita kay Reyna Darlyn.
"Tama. Ang mapula-pula naman nitong labi ay mula sa kanyang napakagandang ina. Malaki ang magiging pasasalamat natin sa mga ordinaryong nilalang na nagpalaki sa kanya." Nakangiting wika ni Razelle.
"Ina, siya na ba ang aming pinsan? Ang sinasabi ninyong itinakda?" tanong ng isang kambal na si Airam.
"Oo, mahal kong anak. Anak siya ng aking kapatid na namatay sa panganganak dito." Malungkot na tugon ni Razelle.
"Po? Namatay sa panganganak?" hindi maunawaan nila Aira at Airam.
"Isang napakahabang kuwento, mga mahal kong anak. Kasabay din iyon ng pagkawala ng inyong ama. Isasalaysay ko lamang ang lahat kapag sumapit na ang tamang panahon." Tumango na lang ang kambal.
"Malapit na ang paglabas ng kanyang kapangyarihan. Ang dugo na nagmumula sa ating mga taga-Zifornum at dugo ng kanyang ama mula sa taga-Zenerus. Isama pa ang kapangyarihan ng mga apat na tagapagbantay na ipinamana sa kanya. Unti-unti ng gumagapang ang dugo ng mahika at mandirigma. Kailangan niya iyong matuklasan sa nalalapit ng panahon pagsapit ng kanyang ika-18 na taon. Sa ngayon, ipaparamdam muna natin ang kanyang tunay na pinagmulan." Itinaas ng matandang mangkukulam ang mahiwagang baston at mas lumakas ang puting liwanag.
-----
MULA sa Zenerus, ipinakita rin ang kasalukuyang nagaganap at ginagawa ng kanilang hinihintay na tagapagtanggol. Hindi mawari ang kakaibang mga ngiti habang pinagmamasdan nila ang napakasipag na hari at prinsipe.
"Nais ko ng mahaplos ang kanyang mga pisngi. Nais ko ng makaharap ang mabait kong pamangkin." Tila maluluha sa saya si Reyna Eureka.
"Tunay ngang karapat-dapat siyang magbalik dito sa Zenerus at iba pang daigdig. Sa kanyang mga positibong katangian, hindi maikakailang dapat siyang maging isang pinuno ng kalawakan." Seryosong saad ni Haring Ronel.
Nakangiti lamang na nanonood ang tatlong prinsipe na mga pinsan ni Vince. Mula sa kambal na sina Airam at Aira, ka-edad lang din halos ng itinakda sina James, Paul at Daniel.
"Mga Kuya, gusto ko siyang makasama sa pakikidigma at pakikipaglaban sa itim na mundo na siyang palaging sinasabi sa atin ng Haring ama." Salaysay ng bunsong si Daniel habang hawak ang espada.
"Darating din iyon, bunso." Tanging tugon ni James at patuloy pa rin sa pinagmamasdan.
"Tayo naman sa takdang panahon ang magtuturo sa kanya ng tamang paggamit ng espada." Mataas ang tinig ni Paul at seryoso sa mga salitang binanggit.
-----
NAKARAMDAM ng kakaibang init sa katawan ang binatang si Vince. Napahawak siya sa nananakit na kaliwang dibdib. Hindi siya makatiis sa kakaibang init kaya't mabilis niyang hinubad ang damit sa itaas.
"Huh?" nagulat nang makitang nagliliwanag ang marka sa kanyang kaliwang dibdib. Ang markang tila letrang 'H' at may simbolo ng espada sa gitna.
Hindi na maipinta ang kanyang mukha mula sa sakit at hapdi na nagmumula roon.
"Tama na. Tama na..." mahaba niyang sigaw at unti-unti siyang napapaluhod.
Ngunit tila naman walang nakakarinig sa kanyang mga pagsigaw.
"Inay! Itay! T-tulungan ninyo ako. Hah!" napapayuko na siya.
Sa ilang sandali, nagliwanag ang kanyang mga mata sa iba't iba ring kulay. Hindi niya na maramdaman ang sarili at tinig. Nandidilim ang kanyang paningin at unti-unting nawawala sa kasalukuyang kamalayan.
"Zion. Zion, mahal naming prinsipe." Napakalamig na tinig ang tumatawag kaya't napamulat siya ng mga mata.
"Huh? Nasaan ako?" inilibot niya ang paningin.
Napakaganda ng kanyang kinalalagyan. Nakahiga siya sa kakaiba at napakalambot na kama. Nababalot iyon ng malinis at napakaputing tela. May mga mababangong bulaklak sa paligid. May mga bagay na tila antik na ang disenyo. Ibinaling niya ang tingin sa itaas. Napagmasdan niya ang nagliliparang mga bagay. Hindi niya mawari kung mga insekto o kung ano. Nagliliwanag ang mga iyon sa iba't ibang kulay.
"Zion." Muling pagtawag at ibinaling naman ang tingin sa may bandang pintuan.
"Sino ka po? At nasaan ako?" napabangon ng tuluyan ang binata at tinanggal ang malambot na kumot na nakapatong sa kanyang katawan.
"Nasa Zifornum ka, isa sa iyong kaharian at daigdig. Maligayang pagdating dito, mahal na prinsipe Zion." Yumuko ito bilang pagbibigay-pugay.
"Ano po? Prinsipe Zion?" nagtatakang pinagmasdan ito ng binatang litong-lito at naguguluhan.
IPAGPAPATULOY...

Bình Luận Sách (22)

  • avatar
    Reychel Rodriguez Sobreviga

    hello po

    6d

      0
  • avatar
    AmpuanAlinhor

    hyy

    25d

      0
  • avatar
    Len Sinadjan

    good

    08/08

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất