logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Chapter 4

Chapter 4 || Bliss
"Ang kapal mo talaga, Kise! Hindi ka manlang nag sorry kay Cara!" singhal ko sa kanya at padabog na nilapag sa couch niya ang bag ko.
Dire-diretso na akong pumasok at pumunta dito sa may couch niya, total medyo pamilyar naman ako dito. Hindi naman niya ako pinagsasabihan at hinahayaan lang.
Nagkibit balikat ito, "I don't like her." Sabay ibinaba din ang bag na nakasabit sa kanyang isang balikat. He also unbuttoned the first three ones of his polo habang nakatingin sakin. Mabilis kong inilihis ang aking atensyon at kinagat ang pang-ibabang labi.
"Di mo naman need magustuhan yung tao, gusto lang niya makipagkilala at sumama. Ikaw kasi, napaka-walang modo mo." Sabi ko.
Cara's not that pleasing, okay. But I don't think it's fine that she's always treated by Kise and his team like she doesn't exist or somewhat her existence is irrelevant.
"Pwede namang makipag-kilala nalang, ba't pa sasama sa condo ko? My condo's not some kind of a 'pasyalan at tamabayan', Shennaia. So feel privileged. " napataas ang kilay ko. The arrogance is his voice is really annoying, kaya hindi na talaga ako magugulat if any moment mag bangayan kaming dalawa ulit eh.
"Ah talaga ba? Edi thank you for the privilege. Upo na dyan nang matapos na 'to." inis kong sambit. His lips twisted at imbes na umupo sa couch ay humihilig ito sa backrest habang pinagmamasdan ako.
"Ilang tanong nga ulit?" Tanong nito habang ako naman ay hinahalungkat ang laman ng bag para hanapin na itong notebook ko at ballpen. Naka ready na din yung cellphone ko para e record yung mga sasabihin niya.
"Lima lang. Upo na. Nang matapos na'to." pero parang hindi nito narinig ang sinabi ko dahil nakahilig pa din ito.
Ignoring his presence, I continued to prepare all the things that I'll be needing for the moment. Mabuti nga't matapos na to at makapagpasa na ako sa EIC namin, ayoko nang ma delay.
"So ito ulit yung tanong—"
"May gusto kang kainin?" I shook my head. I was about to utter the question again, nang magsalita sya ulit. Paulit-ulit nalang akong sinsabayan nang lalaking to magsalita kaya laging hindi natatapos.
"Seryoso nga. Maaga pa naman tsaka libre ko ulit." My eyes narrowed, parang may binabalak na naman tong hindi maganda.
Why do I feel like he's making oh so stupid excuses just to prolong this matter. God, nakakapikon.
I would've understood if the scene isn't as identical to yesterday's, it's shady when he keeps on doing the same thing.
"Ayoko." diretsa kong sagot. Inayos ko na ang notebook at ballpen ko nang matapos na to.
"Libre ko nga. May 24/7 store dyan, bilhan kita ng snacks." sabi niya "Ang payat mo kasi, anong kinakain mo letra?" Pakutya nitong tanong na pilit kong hindi pansinin dahil alam kong sasabog na naman ang inis ko nito.
Mukhang wala ngang balak tumigil ay akma pa nito kukunin saakin ang notebook ko. I rolled my eyes. "Jusko naman, Kise! You're making this hard for the both of us. Just... Let's just get this over with." napapikit ako ng maramdaman ko ang pag huni ng aking tiyan. Senyales na gutom na ako kahit anong deny ko.
Funny how the circumstances seemed to always be on his side, kung saan naman gusto kong umayaw at kumawala sa offer niya ay doon pa ako nakaramdam ng gutom.
Buntong hininga nalang ang pinakawalan ko at bahagyang sumandal na sa back rest ng sofa na ito. The beast just smiled widely, ni hindi manlang nag sugar coat sa mga balak niya. Walang hiya talaga kahit kailan itong lalaking to.
I mentally shook my head in disbelief. "Pero, siopao sana... Kung meron?" mahina kong sambit, I'm not sure if narinig niya yun pero ako rinig na rinig ko kung paano lumalim ang kanyang paghinga kaya't tiningala ko ito. "Pero tapusin muna natin yung interview."
"No, papakainin muna kita." mariin nitong sambit habang matalim ang titig saakin, then he swiftly stormed out of the room leaving me here with nothing but mentally hearing cricket sounds.
Napatingala ako at bumuntong hininga ulit at nilapag muna sa sofa ang mga gamit ko. Inayos ko ang salamin sa aking mga mata bago tumayo. I wonder kung ilang babae na ba ang nadala niya dito.
Kise's condo is really neat, parang hindi lugar ng lalaki sa sobrang linis. I wonder if may maid siya or siya lang bala talaga, though I doubt if it's the latter. I somehow perceived him as someone na kung saan saan lang napag-iiwanan ang mga gamit.
Tahimik lang akong nagi-ikot-ikot dito sa condo ni Kise kaya't hindi ko na namalayang nakatitig na pala ako sa mga picture frames na nasa pader ng kanyang condo.
Even the frames were either in color gold or white. The sophistication is still maintained even in the slightest detail.
One of those frames, caught my attention, somehow. It was a group photo, all of them were holding certificates and the date that was etched in the photo was May 2017. I was 4th year highschool that time. I wonder what event this was.
4th year was like the high time of my life and the peak of my journalism career, some memories are still vivid and sometimes I can't help but do some minor reminiscing.
I scanned every faces in the photo, napa 'huh' ako the moment I saw something familiar. I closed my eyes to imagine translucent details from my memory. Parang nasa dulo na nang dila at hindi ko lang matantya kung ano. Bigla rin akong napadilat at napasinghap ng narinig kong bumukas ang pinto. Kise's back yet my eyes are still glued to that one particular face in that photo.
Sure, I could be wrong but I always trust my intuitions. Ngayon lang ako na confused, that was way too beyond from impossible, I took a step back and fixed thoughts.
She was there. In that group photo. How?
"Oh eto na yung siopao mo, ang demanding." napataas ang kilay ko sa sinambit nito.
After that very confusing occurrence, I almost forgot to ran back to the couch and pretend that I didn't explored his unit. Buti nalang nagising ang aking diwa at mabilis akong nakabalik sa may sala kanina.
"Wow ha?!" pagalit kong sigaw.
"Oh, galit ka na naman. Ba't ba pagdating sakin parang walang natitirang kabutihan dyan sa mga ugat mo."
"Pake mo? Tsaka may tanong—"
"Parang sumasakit tiyan ko, cr muna ako." napanguso ako. He's making excuses again. Ugh, nakakainis na talaga. Iba naman yong itatanong ko eh.
See? He's really stalling. For some reasons parang ayaw talaga niyang magpa-interview.
"Tanga, Kise. Ibang tanong to. Hindi bagay sa'yong mag inarte." tumaas ang kilay nito at umupo sa tabi ko. Pinasadahan ng kanyang kamay ang kanyang buhok.
"Hindi ako sasagot kapag tungkol yan sa interview, mamaya ako sasagot." Nakakainis, parang bata.
"Oo nga. Itatanong ko sana if kilala mo yung letseng babae na pinagha-hampas ako ng bulaklak?" tanong ko at kumagat sa siopao ko.
I wiped my lips using the back of my palm before leering back my attention towards him.
"That was Lily. She's somewhat the... uh... President of my fans club?" He sounded so torn at halos hindi ko na mapigilang matawa sa mukha niya.
"Nice one, Romano!" bahagya akong tumawa at tinampal ang balikat niya. "Dami mong naloko!" ngumiwi ito at sumandal.
"Normal lang 'yon, kasi gwapo ako." nakangiti nitong tugon. Nag make-face nalang ako at kumagat muli sa siopao ko.
"Alam mo tanga lang maniniwala—" hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang biglang nagdilim ang paligid. Literal na dumilim teh, brownout.
Pareho kaming natahimik at nalibadbaran sa biglang pagdilim ng paligid, halos ilang minuto din kaming walang kibo at walang galaw na ginawa.
Kalaunan ay naramdaman ko ang pag usog ni Kise papalapit sakin. Kinapa ko ang phone ko sa ng sofa nang mukhang legs yata ito ni Kise ang nakapa ko.
Both of us stilled as though we were suddenly got frozen in term. Napasinghap ako at ganoon din naman siya.
"Jusko naman, She. Namali ka ng kapa." nanlaki ang mata ko. Shit. It's like my nakapa nga ako na mali. Legs lang naman yon diba?
"Hoy, ang OA. Legs lang yun, uy!" At mabilis ko din inilayo ang kamay at sarili ko sa kanya.
"Tanga! Tigil ka na dyan sa kaka-kapa mo. Parang aatakihin ako sa puso sayo!" pilit na singhal nito sakin at bigla nalang akong hinila gamit ang aking pala-pulsuhan.
Madilim, alright. Pero hila-hila parin ako ni Kise heading to God knows where. Narinig ko nalang ang pagbukas ng isang pinto at pumasok kami don. Naramdaman ko ang edge ng kama.
I pursed my lips, nasa kwarto niya yata kami?
"Stay here, hahanap ako ng flashlight." dahan-dahan niyang binitawan ang palapulsuhan ko.
"Tanga. Pwede namang yung cellphone ko nalang." mahina kong bulong. Bumuntong hininga nalang ako at humiga sa kama.
My phone's not with me and Kise left me in the dark! Mabuti nalang ay hindi ako takot sa dilim.
Tinanggal ko muna ang salamin ko at nilagay yon sa gilid ng ulo ko tsaka kinuha ko ang isang unan at niyakap iyon. Kise's scent is all over his beddings. Ang fresh pero nakakabwesit pa din kapag pumapasok si Kise sa isipan ko.
Out of the blue, I found my face buried into one of Kise's pillow inhaling he's undeniable manly scent. I almost let my cheeks get heated.
"Hoy, tanga! Maawa ka sa unan ko!" agad na umangat ang ulo ko at bumukas ang mata dahil sa nakakasilaw na liwanag na tumama rito at dahil na rin sa malakas na sigaw.
"Tanga ka rin! Ansakit sa mata ng flashlight!" inilihis nga nito ang flashlight at umupo na din sa kama. Ako naman ay humiga ulit at tinabunan ng unan ang mukha.
"Brownout parin sa labas, She. Tsaka sira yata ang generator nitong towers ng condo." mahina niyang sabi. "Baka bukas ka pa makaka-uwi, hindi gumagana yung elevator." parang nag aalinlangan niyang sambit.
Why does he sound so hesitant? And what should I do? Hell, should I be panicking? Or should I call Kuya? Now what?!
Bumuntong hininga nalang ako at mas lalo pang niyakap ang unan niya. Ramdam ko rin ang paghiga niya sa kabilang side ng kama dahil na rin sa bahagyang paglubog ng kutson. Ngayon ay unan nalang ang pagitan namin.
I'm sure Q's worried right now. Bahala na.
"Matagal pa ba?" I said softly through the pillow.
"Hmmm?" He hummed.
Halos manindig ang balahibo ko nang marinig ang boses niya. God, I'm starting to hate this.
"Sabi ko matagal pa ba?" Ramdam ko ang pagyakap niya rin sa unan na nasa pagitan namin. His hand slowly snaked around the pillow that separates us, I bet he's trying not to touch even a bit of my skin.
"Hmmmm. Siguro." Damn that bedroom voice. It's sending chills directly down my spine.
"Stupid, ang creepy pakinggan ng boses mo." I said in such a hushed tone.
Nanlaki ang mata ko nang kinuha nito ang unan na nasa pagitan namin. Shit.
"Shennaia?" huminga ito ng malalim. Nanatili ang kanyang titig saaking mga mata at dahan-dahang bumababa sa aking labi.
Halos di ko maaninag ang kanyang mukha pero mukhang namumungay ang kanyang mata habang dahan-dahang inilapit saakin ang mukha nito.
I was about to also move my head backwards when I felt something soft landed before my lips.
We kissed.

Bình Luận Sách (18)

  • avatar
    Erick Jayson Mateo

    bhb

    02/08

      0
  • avatar
    Nio Jay Bade

    thank you for the gift

    11/07

      0
  • avatar
    Hael Jenelyn

    okccbdvfdh

    11/07

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất