logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Chapter 2

Chapter 2: Sa Pagdating ni Ligaya
"B-Bayan ng Ivalon?" Kunot-noong tanong ko. "Pinaglololoko mo ba ako?"
Nginisian niya ako at hinila ang isa kong kamay. "Tara na, pupunta pa tayo sa pamilihan."
"Excuse me?" Sarkastiko akong tumawa. "Naiwan ko 'yung kotse ko roon sa... ano... basta! Kailangan ko nang umalis dito dahil hinihintay na ako ng Mommy at Daddy ko sa Bicol! At malalagot talaga ako kapag hindi ako nakasunod sakanila. So now, ituro mo sa akin ang daan paalis ng freaking forest na 'to and I'll give you everything that you need! Magkano ba ang kailangan mong pera? I have my atm here—" Napakapa ako sa aking bulsa pero wala akong naramdamang wallet doon dahil nakabistida ako at wala iyong bulsa. "What the hell..."
"Tapos ka na bang dumada riyan? Hinihintay na ako ni Elias sa pamilihan kaya halika na!" Dagdag pa ng babae at muli akong hinila sa paraang halos matanggal na niya ang buto ko.
Nadaanan namin ang ilang mga kabahayan. At sobrang weird, creepy at yuck! Mga kubo, palayan, mga farm, at kung ano-ano pang makikita sa probinsya. Really? The last time I remember, nasa Manila ako for pete's sake! And now, I'm here? Oh, come on. What the fuck is going on?!
"Bakal na, bakal na kayo! Barato ini! Daing kaparehas ini! Ola, ola, ola!"
Sa pagpasok namin sa pamilihan, tanging pag-ngiwi na lang ang nagagawa ko. Ang baho! Ang lansa! Ang ingay! Argh!
At hindi ko pa maintindihan ang mga sinasabi nila like, hello? I'm from Manila! Can you all speak in tagalog? Aish!
"So, what now? Ano nang gagawin mo sa akin dito? Aabandonahin mo ako o peperahan? Just tell me, para makaalis na ako! Hoy Miss!" I shouted as she pulled me again. Nasa tapat na kami ng isang stall.
Nakatingin lang ako sa babae nang yumuko sakaniya ang nagtitinda. Saka siya kumuha ng mga telang kaparehas ng suot niya. And the rest... Hindi ko na alam pa ang mga iyon.
"Magkano na ang lahat ng nakuha ko?" Tanong nito at hindi pa rin ako pinapansin.
Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang paglalabas niya ng pouch at kinuha roon ang limang piraso ng mga kumikinang na pilak! What the fucking fish of fond! Where did she get those? Alam niya bang bibihira nalang ang mga pilak na ganiyan ngayon? At saka, bakit sila gumagamit ng ganiyan? Wala ba silang cash?
"Tara na," Nagsalubong na talaga ang kilay ko nang hilain na naman niya ako papaalis ng tindahan na iyon.
"Babae! Can you stop pulling me? Nahihirapan ako maglakad!" Pag-iinarte ko pa.
"Naya," aniya sa akin. "Hada Naya ang tawag sa akin."
Naubo ko at kalaunay humagalpak sa tawa. "Hada Naya? Ano ka? Sanggre? Encantadia? Anak ni Minea? You're funny!"
Huminga siya ng malalim na para bang malapit nang maubusan ng pasensya sa akin. Pero kinakalma niya lang pala ang sarili dahil ngumiti na naman siya.
"Manahimik ka na lamang, pwede ba? Hinahanap na ako sa Palasyo," Dagdag pa nito. Nagpadagdag din sa dahilan ko para tumawa ng mas malakas kesa sa kanina.
"Grabe! Ang tindi mo, Naya! I can't stop laughing! Ano pa, ano pa? May hirit ka pa?" Pumalakpak ako.
Pero mahinang batok lang ang natanggap ko mula sakanya. Shit! Binatukan niya ako?! Gosh! This is my first time na mabatukan! Omg, gano'n pala ang pakiramdam...
"Pinagtitinginan na tayo ng mga tao." Bulong niya sabay tulak sa akin.
Para akong batang kusa nalang na sumunod sakaniya. Wala akong laban! Hindi ko siya kilala at mas lalong hindi ko alam kung nasaan ako!
Naglakad ulit kami papaalis. Marami pa kaming nakasalubong na yumuyuko kay Naya. Taka pa silang sumusulyap sa akin pero pinag-iirap ko lang ang mga ito. Hanggang sa makita ko na ang maputik na kalsada. Sinalubong kami ng matangkad na lalaki.
"Mahal kong Hada, oh aking sintang Naya!" Makabagbag-damdaming bungad nito.
"Tumigil ka nga, Elias." Ani Naya. Oh, eto pala ang tinutukoy niya.
"Napakaganda mo talaga," Dagdag pa ni Elias at umakmang hahawakan ang pisngi ni Naya.
Nalaglag ang panga ko sa kinilos niya at halos tanggalin na ni Naya ang tainga nito sa pingot. Kayumanggi ang balat, mahaba ang buhok niya at medyo gwapo! Pero, hindi ko siya type. At ang pangalan na Elias? What an ew name.
"Oh, sino 'yang kasama mo?" Tanong ng lalaki sabay nguso sa akin.
Humigpit ang pagkakahawak ni Naya sa kamay ko. Hindi siya tumitingin sa akin pero alam kong nag-iisip din siya ng isasagot sa kaharap.
"S-Siya ay... isa sa mga kamag-anak ko. Pamangkin ko." Mabilis na sagot ni Naya.
"Excuse me!" Singit ko, "Ako si Mar—"
"Marami nang mga tao, kailangan na nating bumalik sa palasyo." Pagpuputol ni Naya sa dapat sanay pagpapakilala ko. Mahina niyang kinurot ang aking braso at nakipag-eye contact, nag-death glare. Huh!
Sumakay kami sa kalesa. Damn! Takot ako sa kabayo!
Pero pinilit ako ni Naya kaya wala akong choice. Nakakamatay ang mga titig niya, 'yung tipong kusa nalang din akong mapapasunod. What the hell?
"Eto, isuot mo ang tela na ito." Iniabot sa akin ni Naya ang mga pinamili niya kanina kasabay ng pag-andar ng sinasakyan namin.
"Huh? Anong gagawin ko rito?"
Hinawakan niya ang aking kamay at diretsong tumingin sa mga mata ko.
"Kailangan mong mabuhay rito. Kailangan mong sundin ang mga utos ko kung gusto mo pang makabalik sa inyo. Naiintindihan mo?" Mariin niyang wika. "Ngayon, isuot mo na ang mga iyan. Hindi ka pwedeng magsabi ng kahit na ano tungkol sayo. Ako na ang bahala, basta't makinig ka lamang sa mga sasabihin ko."
Saglit akong napatitig kay Naya. Seryoso siya at mukhang hindi niya naman ako ginugood-time.
At siguro nga, tama siya. Hindi ko rin naman alam kung nasaan ako ngayon. Ayoko pang mamatay rito. At sa oras talaga na malaman ko ang totoong nangyayari sa akin, aalis na ako agad! Sana nga rin ay nananaginip lang ako. Dahil hindi nakakatuwa 'to.
"A-Ahm," Nakagat ko ang pang-ibabang labi at dahan-dahang tumango. "Okay."
Ilang minuto pa ang nakalipas bago ko naramdaman ang tuluyang paghinto ng sinasakyan namin. Shit!
Hindi ko narinig ang sinasabi ni Elias mula sa labas pero isa lang naman ang ibig nitong iparating. Nandito na kami sa palasyo.
"Oh my god..." Wala sa sariling usal ko.
Ang ganda! Parang... Parang ganito 'yung mga nakikita ko sa Disney world! Pero, bakit parang familiar... Parang nakita ko na 'to sa mga libro. I mean, basta! Parang nakita ko na ito sa history books.
Inunahan ko si Naya sa pag-labas. Pinigilan niya ako ngunit naging mabilis ang mga sunod kong galaw. Napakaraming sundalo! Amazing!
Tuloy-tuloy lang ako sa pagtakbo. Hanggang sa namalayan ko nalang na nasa tapat na pala ako ng tarangkahan.
Pero sa hindi inaasahan ay bigla akong natapilok. At natumba.
Naging mabilis ang pangyayari. Dahil sa isang iglap lang ay ang lahat na ng mga sundalo ay nakapalibot na sa akin habang nakatutok pa ang mga palaso nila! What the...
"Sino ka?" Anang malalim na boses mula sa aking likuran.
Napalunok-lunok ako. Damn it, Marga! Hindi ka nag-iingat! Omg, help me Lord! Ayoko pa pong mamatay rito...
"Sino ka?" Pag-uulit nito.
"Don Rajan!"
Namuo ang pag-asa sa puso ko nang marinig ang matinis na boses ni Naya na tumatakbo papalapit sa amin. Bakas ang takot sakaniyang mga mata ng makaharap na kami.
"Sino ang babaeng ito?"
"Siya po..." Huminga ng malalim si Naya sabay tingin sa akin. "Si Ligaya, ang pamangkin ko galing Masbate."
Tinignan ko rin si Naya sa sinabi niya. What? Ligaya? Masbate?
Nasa Bicol na ba ako?

Bình Luận Sách (149)

  • avatar
    Jellian Espirida

    Not bad

    02/08

      0
  • avatar
    Alhasan Pandaog

    hahahw

    24/07

      0
  • avatar
    Aian Chris Uban

    oklang

    23/07

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất