logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

KABANATA 6: THE MEET UP

(ASHIANNA RAILEY POINT OF VIEW)
Tumawag sa akin si mama dahil may sasabihin siya sa akin. Nakapagpaalam na rin ako sa mga teacher ko sa faculty room. "Mag-iingat ka sa pag-uwi mo. Balitaan mo ako kapag nakauwi ka na. Mukhang importante ang sasabihin ng magulang mo," sabi sa akin ni Penelope habang nilalagay ko ang aking mga notebook at libro sa aking bag.
Siya naman ay nag-aabang sa pagtatapos ko ng pag-aayos ko sa aking gamit. "Oo na, huwag kang mag-aalala dahil matapang at palaban ako. Mag-iingat ka rin and magkita na lang tayo bukas. Okay?" paalala ko sa kanya at sinout ang black bagpack ko na maliit.
Naalala ko na sa ukay-ukay ko pa ito binili dahil mura lang pero matibay. "Sige, bye na. Pakopyahin na lang kita bukas sa mga notes," sabi niya kaya bigla akong napangiti.
Ito ang gusto ko sa kanya na lagi siya nandyan sa tabi ko. "Salamat," pasasalamat ko sa kanya pero ngumiti siya sa akin.
"Sus, para mapag-aralan mo and pakokopyahin mo ako sa mga answer. May ka-chat pa naman ako na gwapo,"
Napapailing na lang ako sa sinabi niya. Nakalimutan ko na ganito pala siya lagi. "Gagi, akala ko concern ka sa akin. Talandi mo talaga," asar ko sa kanya at bahagya siyang inirapan.
Napansin naman niya ang pag-irap ko kaya napasimangot siya. "Joke lang, hindi naman ito mabiro. Sige, alis na," sabi niya habang nakasimangot kaya napatawa ako.
"Okay, bye,"
Pagkasabi ko 'yon ay lumabas na ako sa classroom namin at naglakad pauwi. Maaga pa naman kaya hindi na ako sasakay sa jeep. Ang mga schoolmates ko ay panay laro at bonding kaya hinayaan ko na sila. Hindi ko namalayan na sa gate na pala ako.
Binigay ko ang aking pass slip sa kanya na galing sa adviser ko. Kinuha ito ng guard at pinalabas ako. Pagkalabas ko ay napatingin ako sa ibang direksyon hanggang nakita ko si Klea kasama ang isang lalaki na nakaitim lahat. Nakaharap si Klea sa direksyon ko habang nakatalikod sa akin ang lalaki kaya hindi ko nakita ang mukha niya.
Masaya silang nag-uusap dahil tumatawa at nakangiti si Klea kaya baka boyfriend niya ito. Kaklase ko si Klea at kilala siya bilang bitch at sikat sa school dahil sa kanyang ganda. Hindi ko na lang pinansin at nagsimula na maglakad pauwi sa kabilang direksyon.
Binilisan ko ang paglalakad dahil nakaramdam ako ng gutom. Hindi kasi ako kumain noong breaktime at lunchbreak dahil wala akong gana kanina. May mga dumadaan sa aking gilid na nasa kalsada na nagbebenta ng isda, gulay, prutas at tinapay. May ilan din na naglalako tulad ng taho, mangga at iba pa.
Tumakbo na ako dahil malapit na ako sa bahay. Pagdating ko sa bahay ay binuksan ko ang gate at pumasok sa loob hanggang sa pintuan. Pero, napansin ko na may naka-park na dalawang kotse sa labas ng gate namin. Black bmw ito na mukhang bago pa dahil kumikintab.
May bisita ba sina mama? Pero sino naman? Binuksan ko ang pinto at tumambad sa akin 'yong mag-asawa na pumunta na rito noong isang araw.
Magkaharap sila nina mama. Ito ba ang dahilan kaya pinauwi nila ako? "Ma, anong meron?" tanong ko kina mama at papa.
"You need to marry my son. He is the Vampire Prince," diretsang sabi ng lalaki na walang preno.
Parang wala lang sa kanya ang sinabi niya habang nanlaki ang dalawa kong mata. Tiningnan ko ang reaksyon nina mama pero wala lang ito sa kanila na parang alam na nila.
"Vampire Prince? Vampire is just a fiction and they are not existing," sagot ko sa kanila dahil ayaw ko maniwala.
"It's up to you wether you believe it or not. But, you need to marry my son or else see your parents in jail. I am helping them but they can't returned my favor," sabi rin ng babae na walang emosyon.
Tumakbo ako sa aking kwarto dahil hindi ko na kayang makinig pa sa sinasabi nila. Pagdating ko sa aking kwarto ay nilapag ko ang aking bag at naramdaman ko na pumasok si mama sa aking kwarto.
"Anak, wala na ibang paraan kundi ito lang. Kailangan mo tanggapin ang alok nila,"
Naiiyak ako dahil sa sinabi ng pamilya ko sa akin. Ang gusto ko lang naman ay simple ang pamumuhay namin. Ginagawa ko rin ang lahat ng aking makakaya para makatulong sa kanila but hindi pa rin sapat. Bakit kailangan mangyari sa akin ito?
Do I have to feel this way? Do I have to sacrifice everything?
"Ma, gagawin ko ang lahat para mabayaran ang utang natin lahat. Huwag lang sa ganitong paraan. Parang awa niyo na. Hindi ko gusto ang ganito," pagmamakaawa ko sa kanila habang patuloy na umiiyak.
Humarap ako sa kanya at napansin ko ang pagtitig niya sa akin.
"Anak, wala na tayong magagawa. Pumayag na ako sa kontrata at kapalit nito ay babayaran nila ang lahat ng utang natin. Anak, para rin naman ito sa iyo," sabi ni mama na parang hindi man lang nila inaalala ang nararamdaman ko.
Para sa akin? Ikakabuti ko 'to?
"Para sa akin o para sa inyo? Sarili niyo lang ang iniisip niyo at mawalan kayo ng problema pero kahit kailan hindi niyo naisip ang nararamdaman ko. Sa tingin niyo ba magugustuhan ko ito? I do everything para lang hindi pumayag dito," final kong sabi at ayaw ko na baguhin ang aking desisyon.
Pumunta ako sa balkonahe ng aking kwarto at nilanghap ang sariwang hangin na dumadaan. "Anak, wala ka nang magagawa kundi pumayag. Our decision is final dahil pumayag na kami. Signed the contract or else mapipilitan kami na pilitin ka. Please, help us on this. This is the only way para mawala ang problema natin sa financial," she said while begging me to agree in that contract.
"Leave me alone. I need to think," tanging nasabi ko na lang dahil nalilito na ako.
Narinig ko ang pagbukas at pagsara ng pinto na tanda na lumabas na siya sa kwarto. Why would I am the one who will suffer on their problem? I help them before in solving their problem in financial but ito lang igaganti nila sa akin?
Narinig ko ang pagbukas ng pinto kaya napahawak ang kamay ko sa railings ng veranda. Talaga bang pipilitin nila ako? Nakagat ko ang aking labi sa sobrang galit.
"Do I have to repeat what I have said? Kahit kailan hindi ako papayag sa contract na 'yan! I'm not going to marry their son! Not in million years!" malakas kong sigaw na halos umalingawngaw sa boung bahay.
I don't care if malaman ng iba. Mas mabuti nga 'yon para tantanan nila ako.
"Hn, do you think that you can escape on marrying me? No, are you ready to see your family in jail? Remember you are the only one who can help them through marrying me," tanong ng isang boses na husky at malalim ang datingan.
Napalunok ako sa sobrang kaba dahil ramdam ko na malapit siya sa kinatatayuan ko. "Remember, you will marry me whether you like it or not. I'm not forcing you but you don't have a choice. You will marry me soon and I can't wait on that day," dagdag niyang sabi na kinalingon ko.
Mabilis kong nahanap kung nasaan siya. Nakatayo siya ng hindi kalayuan sa akin while wearing his unusual look. His playful smirk and blank face. Do I have to marry him? And I know him.
"Do whatever you want and I don't care," mataray kong sabi but he just chuckled.
"Feisty but I don't really care on your opinion. I will make sure that you will going to marry me. I will not going to let you go," he said and just blinked of my eyes he's gone.
Do I have to marry that Vampire Prince? Paano siya naging Vampire Prince? And bakit ko papakasalan 'yong taong kinatatakutan sa RBA.
Why does I have to marry Theodore Zaiver Valeir? The leader of Versity 4.

Bình Luận Sách (3)

  • avatar
    Syrljynxs

    next na fless

    08/11

      0
  • avatar
    Lopez felicianoAngelica

    nice

    18/07/2023

      0
  • avatar
    AlcalaHannah Kimberly

    Very interesting

    05/08/2022

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất