logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

CHAPTER 2

SIA'S POV
Makalipas ang ilang oras ay iaanunsyo na ang nagwaging prince and princess of the night na paniguradong kami ni Scarlette ang magiging magkalaban at ang ka-partner niyang si William.
"Handa ka na bang matalo?" Lumingon ako sa nagsalita. Bago ako magsalita ay binuksan ko ang maliit kong bag at kinuha yung small mirror ko at pagkatapos ay inabot sa kaniya.
"Here," Tinignan niya yung hawak ko.
"Ano'ng gagawin ko diyan?"
"Mukhang kailangan mo ng loser na kausap kaya ayan binigyan kita ng salamin." Namula siya sa inis, sasagot pa sana siya kaso nagsalita na yung emcee sa gabing ito.
"Before we end this night, we would like to introduce to all of you the star of this night. The prince and the princess of this night are Raziel Jace Acosta and Reine Alessia Mendez. We chose them as the prince and princess because we were touched by their dance under the moonlight," sabi ng host sa lahat ng students sa campus namin.
Inilabas nila yung small tiara na siyang ipinuputong taon-taon sa mga nagiging princess of the night.
Tinignan ko si Jace at nagtaka ako dahil iba ang pagkakatingin niya sa akin na para siyang may iniisip.
"Jace, huy, Jace," tawag ko sa kaniya.
"Ha ano?" lutang na sagot niya sa akin.
"Sabi ko, tawag tayo sa stage."
Umabrisiete ako sa kaniya at naglakad na kami sa gitna ng karamihan patungong entablado. Nakita ko ang galit sa mga mata ni Scarlette at pati ang sa mga kaibigan niya.
"As we announced the king and the queen of this prom night, Raziel Jace and Reine Alessia will be the muse and escort of our BCC or Business Course Campus until your graduation," dugtong pa ng emcee at matapos iyon ay inabot sa akin ang microphone.
"May I?" tanong ng nagwaging princess of the night last school year. Ang tinutukoy niya siguro ay ang pagsusuot ng korona sa akin. Hindi pa ako nakakasagot ay umeksena na ang mahadera.
"Sandali, this is so unfair. Bakit siya ang nanalo? Samantalang mas maganda ako at mas bongga pa ang gown ko." Pag-extra ni Scarlette.
"Ija, calm down, hindi naman namin pinipili ang mananalo dito sa ganda ng gown."
Lumapit ako sa emcee at sinabing ako na ang bahala. Kinuha ko yung tiara at pagkatapos ay lumapit sa kaniya.
"Dear, if you're that desperate for this, I'll just hand it over to you because I already have one that's even better. Besides, I don't need a crown to be labeled as a princess because I'm already royalty." Pagkasabi ko non ay nagpalakpakan ang mga students.
Bago ko ayain bumaba si Jace ay nagsalita ako microphone.
"We're happy to have been picked, and we're ecstatic to have the pleasure of being the prince and princess of the night; we're delighted to express that we value such an honor." Matapos kong sabihin ang mga katagang iyon ay bumaba na kami ng stage at nagpaalam na ako kay Jace.
"Jace, see you next time, lalabas na ako baka nandoon na ang Mommy ko," sabi ko sa kaniya.
"Samahan na kita."
"Sige, ikaw bahala."
Nasa labas na kami kung saan isinagawa ang venue at hinihintay na lamang si Mommy para masundo ako.
"Reine," tawag niya sa akin pero hindi ko siya nilingon kasi hindi ko naman sinabing tawagin niya akong Reine.
"Sia," tawag niyang muli sa akin.
"Yes?"
"Hindi mo ba ako natatan---" Natigilan ako sa sinasabi ko dahil may bumusina sa harapan namin.
"Andyan na pala si Mommy, ano nga pala yung sinasabi mo?"
"Ah, wala, paalam, hanggang sa muli."
Sumakay na ako sa kotse.
"Reine nahulog mo yung---"
May sinabi pa si Jace na hindi ko na rin siguro alam kung totoo bang may sinabi siya kasi hindi na niya natapos dahil pinaandar na ni Mommy yung kotse. Pag-uwi ng bahay ay naghubad lang ako ng gown at kung saan-saan ko na lang pinaglalagay ang mga gamit ko pagkatapos ay natulog na ako. That prom night was incredible.
NAGISING ako sa liwanag ng araw dahil nakabukas ang kurtina. Tumayo ako para sana kuhanin ang phone ko sa bag. Sobra akong napagod kaya kung saan-saan ko na lang nilagay ang mga gamit ko at maging ang gown ko ay nasa sahig pa.
Paniguradong lagot ako kay Mommy kapag nakita niyang ganito kakalat ang kwarto ko kaya't niligpit ko ito bago ko kunin yung phone ko.
Napatigil ako dahil hindi ko mahanap yung cellphone ko maging yung necklace nawawala.
"Alam ko dito ko lang nilagay yon eh," natatarantang sabi ko. Nakarinig ako ng mga katok na siyang nagpabilis sa tibok ng puso ko.
"Come in," sabi ko habang hinahanap pa rin ang phone ko. Hindi pwedeng mawala yon regalo sa akin ni Mommy yo'n eh.
"Sia, bakit ka natataranta? Ano bang hinahanap mo?" tanong sa akin ni Mommy.
"Patay," bulong ko at dahan-dahan ko syang nilingon na animo'y para akong bida sa horror movie.
"Ano po... Kasi ano... Di ko makita yung phone ko... Ahm ano po... Feeling ko nailaglag ko po sa prom kagabi," nangangatog na sabi ko dahil baka pagalitan niya ako.
"Ay ganun ba? Try ko tawagan baka mabait naman yung nakapulot," malumanay na sabi niya. Nagulat at nakahinga ako ng maluwag dahil hindi niya ako pinagalitan.
Niligpit ko na ang hinigaan ko at hinayaan ko lang na si Mommy ang kumausap sa kung sino man yo'n.
"Baby, dadalhin na lang daw niya dito," sabi sa akin ni Mommy.
"Ah sige po."
MAKALIPAS ang ilang oras ay may bumubusina sa tapat ng bahay namin. Lumabas ako ng kwarto para pasalamatan ang kung sino mang nakapulot ng cellphone ko. Habang pababa ay naririnig kong may kausap si Mommy pero hindi enough para maintindihan ko ang pag-uusap nila. Nang medyo makalapit ako sa kanila ay narinig ko na ang pag-uusap nila ng nakapulot ng cellphone ko.
"Tita Zee? Ikaw po ba talaga yan?" Narinig kong tanong niya
Nang makita ko kung sino ang lalaki ay laking gulat ko dahil si Jace iyon. Ang nakasayaw ko sa prom night. Si mommy naman ay nasa state of shock.
"Jace, bakit ka andito?" tanong ko sa kaniya "Saka bakit mo tinawag na Tita Zee ang Mommy ko? Magkakilala kayo, Mommy?" sunod-sunod na tanong ko.
"Ahh a-ano, Ains," nagtaka ako dahil nag stutter si Mommy, ngayon lang siya nag-stutter, pakiramdam ko may tinatago siya sa akin.
"Ano yun, Mommy?"
"Bab---" di pa natatapos si Mommy ay nagsalita si Jace.
"Reine, hindi mo ako naaalala?"
"Naaalala," sumilay ang mga ngiti niya. Si Mommy naman ay nanglaki ang mga mata.
"Talaga? Naaalala mo pa ako?"
"Oo naman, ikaw yung kasayaw ko sa prom night and Sia, wag Reine," sabi ko sa kaniya.
"Hindi yun, hindi mo ba talaga ako naaalala? Tita Zee, ano ba sinasabi nyan ni Reine?" tanong niyang muli.
Nagpalipat-lipat ang tingin ko kay Mommy at Jace.
"Ano bang meron? Pano kayo nagkakilala? Mommy, Jace sagutin niyo ako," nagugulumihanan na ako sa pinagsasabi ni Jeiah.
"Reine, ako 'to, hindi mo ba talaga naaalala?" tanong niyang muli.
"Ikaw nga kasayaw ko kagabi at SIA NGA KASI, HINDI REINE." Di ko na talaga sila maintindihan. Sumasakit na ang ulo ko at ibang klaseng sakit ng ulo ang nararamdaman ko.
"Rj, tama na," pagpapatigil ni Mommy kay Jace na siyang ikinagulat ko.
"Did you just call him RJ? What's happening?" pasigaw na sabi ko dahil sa totoo lang sobrang kirot na ng ulo ko na parang pinipiga yung utak ko. Napahawak ako sa ulo ko kaya't napalapit sa akin si mommy.
"Sia, bakit?" pag-aalalang tanong niya sa akin pero pumiglas lang ako.
"Sumasakit yung ulo ko sa inyo," sabi ko sa kanila habang hawak pa rin ang ulo ko dahil sumasakit talaga, ngayon ko lang naramdaman 'to.
"Reine, ako t---," sabi naman ni Jace.
"AHHHHH," pagsigaw ko dahilan para hindi matuloy ang anomang sasabihin ni Jace. Ibang kirot talaga ang nararamdaman ko para na rin akong kinakapos ng hininga na anomang oras ay maaari ng himatayin.
"H-Ha? A-ano yung s-sabihin mo? S-Saka S-Sia, hindi R-Reine," paputol-putol kong sabi dahil hindi ko na talaga kaya ang sakit ng ulo ko.
"Bakit ka ganiyan, samantalang---" pinutol ni Mommy ang anomang sasabihin niya.
"RJ, tama na muna, iiwan mo na lang phone niya diyan at yung necklace," utos ni Mommy.
"Hindi, Tita Zee, paanong nangyari ang bagay na ito? Paano niya ako naga---"
"AAHHHHHHHHHHHHHH," unti-unti ng pumipikit ang mata ko at nawawalan na ako ng malay ngunit bago tuluyang magsara ang mga mata ko ay tila may narinig pa akong salitang namutawi sa labi ni Mommy.
"I-e-explain ko sayo lahat, dalhin muna natin siya sa hospital dahil--- "
Dahil ano? Bago ko pa yun marinig ay tuluyan nang nagsara ang aking mga mata at tinakasan ng ulirat.

Bình Luận Sách (7)

  • avatar
    Rico Guinto

    oka

    26/07

      0
  • avatar
    Angela Zamora

    this is really amazing story for me

    11/06

      0
  • avatar
    CabingatanHavanna

    good

    26/04

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất