logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Chapter 5

“Para kang pinagsakluban ng langit at lupa, Danica Talde!” si Alwin na kadarating lang.
Di ko siya pinansin at nagmasid na lang ako sa paligid, madami pa rin ang tao na nasa quadrangle at katabi naming bench, may nakatambay pa sa railings sa may gym, madami pa rin ang kumakain sa canteen, may mga papasok na galing sa lobby.
“Danica!” napalingon ako doon sa tumawag sa'kin. Ngumiti si Primo at may dalang mga papel kaya napabuntonghininga ako. “Ito na 'yong mga papel mo, pinapabigay ni Ma'am Elena.” abot n'ya sa'kin nang makalapit siya samin.
“Thanks.” tamad na sabi ko at kinuha agad iyong mga papel saka inayos bago ko nilagay sa folder na nasa bag ko.
“Di pa kayo uuwi?” tanong n'ya.
Bumaling ako kina Alwin na nakatingin na pala sa'kin.
“Ikaw ba, Dan?” tanong ni Alwin.
Ngumuso ako dahil hindi ko alam kung anong isasagot ko, ayoko pang umuwi...Pero baka gusto na nila? Ako na lang ba ang hinihintay nila?
“Kayo ba?” tanong ko pabalik.
“Ikaw lang naman ang hinihintay namin, e.” sagot ni Marianne kaya naman napalunok ako.
“Sige, una na kayo, baka mapagalitan pa kayo nina Tita.” nahihiyang sabi ko at nanlaki ang mga mata nilang tatlo.
Si Primo naman ay nakangisi sa hindi ko malamang kadahilanan.
“Sure ka?” nag-aalalang tanong ni Tine sa'kin.
Tumango ako. “Oo, sige na. Uuwi din ako maya-maya.” malumanay na sagot ko at sabay-sabay naman silang nagtayuan.
“Una na kami, Dan! Ingat ka, okay?” paalam ni Alwin at tinalikuran na nila ako.
Ngumiti ako at saka tumango kahit naglalakad na sila palayo ng garden, si Primo naman ay tumabi sa'kin.
“Ano bang nangyari sa'yo? Ang tahimik mo ngayon, di ko keri, mare. Feeling ko tuloy magugunaw na ang mundo.” aniya at tumawa pa.
Di ako makatawa sa biro n'ya, iniisip ko pa rin iyong sinabi ni Tine, kung sana ay madali lang iyong gawin, di sana ay ginawa ko na noon pa.
“Huwag mo ng isipin iyong mga bagay na hindi naman dapat iniisip, ma-i-stress ka lang, mare. Alam mo kung ako sa'yo, isipin mo iyong mga bagay na makakapagpasaya sa'yo, h'wag mong isipin na bawal iyon, you should enjoy things, you know? I mean, alam ko naman na strict yung parents mo, pero you can enjoy things na hindi sila sinusuway, Dan.” mahabang litanya n'ya, napatingin ako sa kanya ngunit sa stage siya nakatingin kung saan naglalaro ang mga grade 3 students yata iyon.
“Kung hindi ka mag-e-enjoy ngayon, baka magsisi ka once na mag-college ka na, iba kasi kapag highschool at college, Dan. Mas magiging busy ka, mas lalo kang ma-i-stress. Ngayon hangga't hindi pa nagiging hectic ang schedule mo, why don't you try to explore?” napatingin na siya sa'kin ngayon na nakataas ang kilay.
Huminga ako ng malalim at napaiwas sa kanya ng tingin.
“I don't know what to do, Primo. Hindi ko alam kung paano ko gagawin iyong mga gusto ko nang hindi nasusuway ang mga parents ko.” tugon ko.
Ngumiwi siya sa'kin at napalingon doon sa tumawag sa kanya. Isang senior high student na babae. Lumapit pa nga ito samin.
“Primo!” tawag niya ulit at nakita ko kung paano lumukot ang mukha ni Primo. “Can I have your number?” tanong ng babae na halatang nahihiya at saka umiwas ng tingin.
Tumaas ang isang kilay ni Primo. “Bakit? Wala ka bang sariling sim?” masungit n'yang sagot na kinagulat ko.
What the heck?
Nanlaki ang mata ng babae at saka pumula ang kanyang mga pisngi na parang mga kamatis ngayon. Napakamot siya sa kanyang kilay.
“Ah kasi ano–
“Kung ibibigay ko sa'yo ang number ko–bakit ko naman iyon gagawin? Ang mahal kaya ng sim card ngayon.” putol n'ya sa sasabihin ng babae.
Pilit kong pinipigilan ang pagtawa ng malakas, I didn't know that Primo is so masungit when it comes to the other girls.
“Sorry–
“Bakit ka naman nag-so-sorry? Wala ka namang ginawang mali, tsaka di po tayo close, Ate, para tawagin n'yo po akong Primo, okay?” putol na naman n'ya sa sasabihin ng babae.
Napailing na lang ako sa kanya at biglang tumunog ang phone ko na nasa bag kaya naman naagaw ko ang atensyon nilang dalawa.
Kinuha ko ang phone ko saka tiningnan kung sino itong tumatawag. Napasinghap ako nang makita na ang kapatid ni Eisha ang tumatawag. Napatingin ako kina Primo na mukhang nakikiusyoso kung sinong tumatawag kaya kinancel ko iyon.
Kumunot ang noo niya at agad din siyang napabaling muli sa kausap.
“Sige, sorry sa abala, Primo.” nahihiyang paalam nu'ng babae saka agad na tinalikuran si Primo at naglakad na paalis.
Hinampas ko naman sa braso niya si Primo at agad naman napadaing sa lakas niyon.
“Ang harsh mo naman kay Ate.” sermon ko sa kanya.
Nagtataka niya akong tiningnan. “Gago ka ba? Malamang sasabihin ko iyon dahil iyon naman ang totoo, ang mahal-mahal kaya ng sim card ngayon, tsaka ang hirap mag-memorize ng cellphone number kapag nagpapaload.” paliwanag niya.
Napaawang ang labi ko sa sinabi n'ya. Akala ko kanina ay nagbibiro lang siya, hindi n'ya yata nakuha ang gustong sabihin nu'ng babae. Tinaasan niya ako ng kilay at biglang lumiwanag ang kanyang mukha.
“Sino pala iyong tumatawag sa'yo?” tanong n'ya na nakataas pa rin ang kilay.
Napakurap-kurap ako dahil di talaga n'ya tinatanggal ang tingin n'ya sa'kin. Na-i-intimidate tuloy ako sa kanya. Seryosong seryoso talaga ang mukha n'ya, parang hindi talaga siya mabibiro.
“Ah, wala iyon.” pagsisinungaling ko ngunit pinandilatan n'ya ako.
“Naglilihim ka na, Danica Mae Talde, ah!” akusa n'ya na kinangiwi ko.
Madami talaga akong lihim, Primo, ano naman sa'yo? Gustong-gusto ko nang sakmalin ang isang to para manahimik na!
“Wala nga, hindi iyon importante.” sabi ko para manahimik na siya.
Inirapan n'ya ako at kinuha na n'ya ang kanyang bag na nakapatong sa mesa. Tumayo na siya at nilahad n'ya ang kanyang kamay sa'kin na ipinagtaka ko.
“Tara, McDo tayo, libre kita.” aya niya na kinabigla ako. “Don't worry, next time ako naman ang ililibre mo.” dagdag n'ya saka ngumisi.
Tumango ako at saka tinanggap ang kamay niyang nakalahad sa'kin. Sabay kaming lumabas ng campus at nakasabay pa namin ang ibang estudyante na nag-ka-cutting.
“Grabe, imbes na mag-aral silang mabuti, puro kalokohan ang inaatupag nila, hindi ba nila naiisip iyong pagod ng mga magulang nila para lang makapag-aral sila?” disappointed na sabi ni Primo nang makalayo na samin iyong squad ng mga lalaking nagbubulakbol.
Nagkibit-balikat ako dahil ayoko naman silang i-judge, I think they have their reasons naman kung ba't nila ginagawa iyon, I feel guilty tuloy kanina na jinudge ko iyong mga scores nu'ng kabilang section.
“Alam mo, Dan, hindi talaga ako sanay na tahimik ka, miss ko yang pagbubunganga mo.” aniya nang makarating kami sa paradahan  ng tricycle para sumakay.
“Saan kayo?” tanong ng driver.
“Sa may McDo po sa California.” sagot naman ni Primo at pinauna pa akong pumasok sa tricycle saka siya sumunod. “Hoy, magsalita ka naman, baka sabihin ng tao ay baliw na ako at kumakausap ako ng kahoy.” aniya sa'kin at agad kong inirapan.
“Manahimik ka, Primo, nag-iisip–
“Hep-hep! Tigilan mo nga iyang pag-iisip ng sobra-sobra, baka matuluyan ka nang mabaliw n'yan, dapat puro happy thoughts lang iniisip mo, hindi stress, okay?” nabitin na naman sa hangin ang sasabihin ko dahil sa mga litanya niya.
Hobby ba talaga n'yang hindi patapusin ang kausap n'ya?
“Daldal mo.” iritadong sabi ko at natawa siya.
“Ako ang kasama mo ngayon, Danica, deal with me.” natatawa pa ring sabi niya.
Ngumiwi ako at tumingin na lang sa daan, agad kaming nakarating sa California at bumaba na, si Primo ang nagbayad, nagbibigay ako ng bayad ay hinarang niya ako at sinenyasan na gumilid dahil madaming sasakyan.
“Tara na.” aya niya saka na kami naglakad patungo sa McDo.
Pagkapasok namin ay agad kaming pumunta sa counter. Sabi ko ay siya na ang bahala kung anong kakainin since libre n'ya naman. Pinahanap na n'ya na ako ng pwesto at sinabihan ko siyang sa second floor kami.
Sa may pinakadulo ang bakante at napagtanto ko na doon mismo kami nakapwesto nina Eisha nu'ng nilibre n'ya din ako, napangiti ako sa hindi ko malamang dahilan.
Na-upo ako sa may tabi ng pader, ilang minuto kong hinintay si Primo, nakangiti ito habang papalapit sa'kin. Nilapag n'ya ang pagkain at tinabi ang tray sa may kabilang table.
“Kain na, Dan. Baka sakaling ngumiti at dumaldal ka naman.” aniya saka ngumiti bago kumain.
Tumango ako saka ngumiti saka dumako ang tingin ko sa pagkain, he bought me a sundae which is my favorite, napatingin ako sa kanya na kumakain na at hindi man lang nag-abalang tumingin sa'kin, siguro ay gutom siya.
Kumain na ako ng chicken fillet na binili n'ya, because of hunger, agad ko itong naubos, natawa pa siya sa'kin at hindi ko alam kung bakit.
“Ang dugyot mo namang kumain, Danica.” natatawang aniya saka lumapit sa'kin at dinampot ang tissue saka n'ya pinunasan ang gilid ng labi ko.
Napakurap-kurap ako sa ginawa n'ya, agad naman siyang lumayo at saka ako nginitian, ngumiti naman ako pabalik at maingat na kumain.
Nauna siyang natapos sa'kin at tamad n'ya akong tinitingnan hanggang sa maubos ko na din iyong sundae.
“Pahinga muna tayo, nakakatamad pang umuwi.” wala yata sa sariling sabi niya.
“Hanggang two lang ako, Primo.” sabi ko at napatingin siya sa'kin.
“Same, hatid kita.”
“No need, magdi-jeep naman ako.” salungat ko sa kanya at agad na kumunot ang noo niya.
“Ihahatid na kita.” final na sabi n'ya at wala akong nagawa.
Nag-vibrate ang phone ko na nakapatong sa mesa at nakitang may tumatawag doon, kumunot ang noo ko nang makitang si Eisren na naman iyon. Bakit kaya ito tumatawag?
Sinagot ko at tumingin ako kay Primo na nagtataka namang nakatingin sa'kin.
“Hello?” sagot ko at narinig ko ang pagbuntong hininga ng nasa kabilang linya.
“Hey, Danica, are you busy?” tanong niya at umiling naman ako na akala mo nakikita n'ya.
“Hindi naman po, bakit?” tanong ko pabalik at mahina siyang natawa.
Nakagat ko ang labi ko sa hindi ko malamang kadahilanan.
“Are you with my sister?” he asked.
Nanlaki ang mata ko nang maalala iyong favor na hinihingi n'ya.
“Ahm, hindi po kami magkasama ngayon, baka umuwi na sa iyo, ask your kasambahay na lang po.” malamig na sagot ko.
“Right. Sorry, I thought you were together.” tunog disappointed na sabi n'ya.
Hindi na ako nagsalita at binabaan ko na siya. Tumingin ako kay Primo na mukhang nag-aantay ng chismis.
“Sino 'yon?” tingnan mo nga talaga, 'di pa ako hintayin na magsasabi, magtatanong talaga amp!
“Kuya ni Eisha, tinatanong kung magkasama ba daw kami ni Eish.” sagot ko.
Tinaasan niya ako ng kilay. “Close kayo?” nagtatakang tanong n'ya at agad akong umiling.
“Hindi.”
“Ba't may number ka n'ya? Or bakit may mo siya?” patuloy siya sa pagtatanong at nagpasya na akong tumayo at sumunod naman siya.
Kinukulit n'ya ako tungkol kay Eisren! Hanggang sa jeep ay patuloy pa din ang pagtatanong, kung ano-ano na ang sinasabi n'ya, mas advance pa kaysa sa naiisip ko.
“Manahimik ka, Primo.” inis na sabi ko at natawa siya.
“Mare, ang dali lang naman ng tanong ko, ba't may number mo siya?” natatawang tanong n'ya at bibigwasan ko na sana kaso ay huminto ang jeep at may sumakay.
In my surprise, it's Eisren, Fynlae and two other guys! Is it just coincidence? Agad akong nagtago sa gilid ni Primo, medyo matangkad naman siya kaya di ako mahahalata na nasa tabi niya.
Kabado ako dahil hindi pa sila lahat nakakaupo, nanlaki ang mata ko ng makitang may bakanteng upuan pa sa tapat ko! It's the last seat! Lalo ko pang siniksik ang sarili ko kay Primo na pinagtataka niya. Bumaling siya sa mga pasahero, I think alam na n'ya kung bakit ako nagtatago.
“Nandito ba kapatid mo?” bulong niya sa tainga ko at niyakap niya ako para di talagang makita. Umiling ako at nakitang kumunot ang kanyang noo. Nilibot na ulit ang tingin sa mga pasahero pero hindi niya tinanggal ang pagkakayakap sa'kin.
“Nagbayad ka na ba?” tanong ko at nanlaki ang mata n'ya.
“Shit! Oo nga pala, pakuha naman ng pera sa bulsa ko.” aniya at agad kong inabot ang bulsa n'ya sa polo at kinuha ang fifty pesos doon.
Kinuha n'ya iyon at inabot sa driver since kami naman ang nasa tabi nito.
“Eisren, hindi mo ma-contact bebe mo?” bigla akong kinabahan nang marinig ko si Fynlae na nagsalita.
Narinig ko ang pagtawa ng dalawa pa nilang kasama, gusto kong makita ang reaksyon ni Eisren pero nahihiya ako. Ito namang si Primo, kinareer talaga ang pagtatago sa'kin!
“I think she's having fun with other boy.” biglang nagtayuan ang mga balahibo ko sa batok nang marinig ko ang sagot ni Eisren.
Napataas ang kilay ni Primo at inayos n'ya na ang sarili nang makitang malapit na kami sa kanto na bababaan namin.

Bình Luận Sách (197)

  • avatar
    CuranCianna

    Maganda sya basahin lalo na kung sa teenagers since relatable Naman. Madaming nakaka di paniwala na nangyare lalo na Yung last part. I'll recommend this to my friends, sure ako maiiyak din Yung mga Yan. nice story, I love it!! Magsulat ka pa Ng more stories, aabangan ko yan!!

    01/07/2022

      0
  • avatar
    Jahziel Salvador

    super beautiful movie

    17d

      0
  • avatar
    Juliana7

    very good.

    18d

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất