logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Sexy Smile

Sexy Smile

niczsan


Prologue

“Alam mo kung ganyan na lang palagi, Danica, mabuti pang huwag ka na lang mag-aral, tingnan mo yang grades mo, pababa ng pababa! Ano bang nangyayari sa'yo, huh?” sermon ni Mama sa akin habang kumakain kami ng hapunan.
“Ma, mahirap po talaga ang inaaral namin kaya nagkaganyan yung grades ko” depensa ko naman.
Nagsisinungaling na lang ako sa kanila para hindi na lumala yung mga ganitong usapan.
“Anong mahirap? Highschool ka pa lang, Danica! Ang dali-dali lang ng mga inaaral diyan!” parang may bukol na bumara sa lalamunan ko dahil sa narinig.
Kung alam niyo lang...
Tumahimik na lang ako, ayoko ng nagkakasagutan kami ni Mama, she's always like that to me, pero sa mga kapatid ko ay hindi.
Pressured ako pagdating sa pag-aaral dahil sa ang taas ng expectation sa akin ng mga magulang ko. Nakikita lang ako ng mga kaklase ko na palaging tumatawa sa room, pa-chill chill lang pero pagdating sa bahay ay talagang nagpupuyat ako at nagsusunog ng kilay pagdating sa pag-aaral.
Alam kong kahit na anong gawin ko ay disappointment pa rin naman ang tingin  sa'kin ng mga magulang ko, hindi lang nila ako nakikitang nahihirapan, pero deep inside, I'm weak...gusto kong nang sumuko pero patuloy pa rin akong lumalaban.
“Ayusin mo iyan, Danica, kung hindi ay hindi na talaga kita pag-aaralin!” nangilid ang luha sa aking mata sa huling tinuran niya, I can't imagine that she's telling me this things right now, in front of my siblings and in front of the food!
Tumango ako at pilit na lang nilulunok ang kinakain ko, kanina pa ako walang gana. Sinabayan ko na lang silang matapos at ako din naman ang taga-hugas ng plato, mga kapatid kong walang ambag kundi ganda at gwapo lang.
Tahimik akong naghugas ng plato. Pagkatapos noon ay umakyat na ako sa kwarto upang gawin ang lahat ng assignments ko.
Habang nagsasagot ay iniisip ko na lang, paano kung hindi ako anak nila Mama? Magiging masaya ba sila?
Paano kung katulad ako ng iba kong kaklase? Yung pa-chill chill lang sa klase at sa bahay? Yung hindi pini-pressure ng mga magulang nila pagdating sa pag-aaral? Gusto ko nang ganu'n, pero iba ang binigay na pamilya sa'kin ni Lord.
I must be thankful kasi nakakapag-aral ako at nakakakain ng tatlong beses sa isang araw, pero hindi na ako healthy dahil sa pagpupuyat para lang mag-review upang tumaas ang grado ko. I'm also not mentally stable, sinabi ko na ito noon sa pamilya ko, but they said na arte ko lang naman daw iyon, which is not. I've been suicidal, pero dahil mahal ko sila, heto pa rin ako, patuloy na lumalaban kahit na ayaw ko na.
I cried in front of the fucking papers! Tangina kahit mababa at mataas ang grades ko hindi pa rin naman mababago yung tingin nila sa'kin, e. Minsan iniisip ko nalang na ampon ako, yung mga kapatid ko kahit na bumaba yung grades hindi sila nagagalit, in fact, they buy their comfort food para hindi na sila umiyak, pero ako sermon ang nakukuha ko? Imbes na sila ang magpagaan ng loob ko, sila pa yung nagbibigay ng sama ng loob sa akin!
Muntik pa akong mahulog sa inuupuan ko ng mag-ring ang cellphone ko. Nagmo-moment ako rito, e! Gulat ako ng makita ang pangalan ni Eisha sa screen at agad ko namang pinunasan ang luha ko saka ko inayos ang sarili ko bago ko sagutin ang tawag niya.
“Dan!” bati niya at napangiti naman ako.
“Eish, napatawag ka?” medyo paos ang boses ko kaya hindi niya mahahalata na umiiyak ako.
“Anong sabi ni Tita at Tito sa grades mo? I'm sure they're proud of you, ikaw kaya top 1!” masiglang sabi niya at napanguso ako.
Buti pa siya, na-appreciate niya yung effort ko. Akala niya lang proud sila, pero ang totoo, disappointed ang kinalabasan.
“Okay naman, tuwang-tuwa nga sila, e” pagsisinungaling ko.
“Nice! McDo tayo bukas, ah? Libre kita!” aya niya at nanlaki ang mata kong
Siya? Manlilibre?
First ko siyang narinig na manlilibre siya ng walang pilit, nitong mga nakaraan kasi ay lagi siyang pinipilit nila Kristine na ilibre sila at wala naman siyang nagagawa.
“Sure ka?” nag-aalangan kong tanong at tumawa siya.
“Oo naman, g ka ba?” natatawang tanong niya at napangiti ako.
“Oo, tayong dalawa lang ba?” tanong ko pabalik.
“Gusto mo pa ng kasama?” tanong niya ulit at nag-isip ako ng ilang segundo.
“H'wag na, tayong dalawa na lang, nakakahiya naman kung ililibre mo din sila kung sasama pa” sagot ko at lalo siyang natawa.
Anong nakakatawa dun?
“Ano ka ba, okay lang. Gusto mo bang isama mga kaibigan mo?” nanlaki ang mata ko sa alok niya.
Gaano ba kayaman ang bruha na ito at kung makapanlibre ay wagas!
“H'wag na! Tayong dalawa na lang” sagot ko.
“Okay, see you tomorrow. Sunduin kita sa inyo, okay?” kinabahan naman ako ng sabihin niya iyon.
“Huwag na, kita na lang tayo sa mismong McDo” sabi ko at tumawa pa nga siya.
“Tangeks, ipapaalam kita, baka pagalitan ka, e” natigilan naman ako sa sinabi niya, she's willing to get my parent's permission?
Ang iba kong kaibigan ay takot na humarap kay Mama at Papa tapos siya pormal na ipapaalam ako?
“Oh, okay? See you tomorrow” sagot ko.
“Good night, Danica! I'll sleep na” paalam niya at binabaan na ako.
Nag-isip ako ng magandang dahilan para makasama ako sa kanya bukas, baka kasi hindi ako payagan ni Mama. Kung ipapaalam naman ako ni Eisha ay hindi rin kami sigurado doon, knowing Mama, mas mahabang litanya pa ang bibitawan no'n kaysa sa oras na mako-consume namin sa labas.
Bumuntong hininga ako at tumitig ng matagal sa kisame hanggang sa makatulungan ko na iyon.

Bình Luận Sách (197)

  • avatar
    CuranCianna

    Maganda sya basahin lalo na kung sa teenagers since relatable Naman. Madaming nakaka di paniwala na nangyare lalo na Yung last part. I'll recommend this to my friends, sure ako maiiyak din Yung mga Yan. nice story, I love it!! Magsulat ka pa Ng more stories, aabangan ko yan!!

    01/07/2022

      0
  • avatar
    Jahziel Salvador

    super beautiful movie

    18d

      0
  • avatar
    Juliana7

    very good.

    18d

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất