logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

He Likes Me Not

He Likes Me Not

Mentspen


Chương 1 UNANG YUGTO

"Gusto kita, Ryan!" Ani ko habang ibinibigay ang Gatorade at isang mansanas.
Alam ko kasi na napagod ito sa kakalaro ng basketball at kitang-kita ko kung paano ito pursigidong maipanalo ang laro. Isa pa, last game na kasi nito bilang manlalaro sa eskwelahang pinag-aaralan namin.
Nasa ikaapat na taon na kasi kami ng sekondarya at meron kaming rules na kapag nasa ikaapat na baitang na kami we should fucos to our studies and we should prepared ourselves for our college life.
"Alin ba sa salitang hindi kita gusto ang hindi mo maintindihan?" Anito sabay tawa ng mga kaibigan nitong nasa likuran. "And one more thing Jayna, please lang nakakasawa ng marinig ang mga salitang iyan.
Napakagat labi ako. Masakit? Oo, masakit sobrang sakit pero hindi pa rin ako susuko na iparamdam at ipakitang gusto ko siya. Mula pagkabata hanggang sa nakatapak kami ng highschool siya na ang laman ng bata kong puso
"Jayna," tawag sa akin ni Troy. Kaklase ko sa TLE. "Pwedeng akin na lang iyan? Sayang naman iyan kung itatapon mo ulit iyan sa basurahan."
Tiningnan ko ito, bumungad ang mukha nitong basang-basa ngunit maaliwalas pa rin. Kahit na sobrang basa na ang buhok nito sa pawis ay mukhang mabango pa rin ito. Gwapo si Troy pero mas gwapo si Ryan.
Ngumiti ako at inabot ito sa kanya na siya namang kinuha nito at ininom ang Gatorade.
"Ito pa oh, mansanas." Sabi ko habang inaabot ang mansanas.
"Iyong gatorade lang ang hinihingi ko. Sayang naman kasi, isa pa hindi ka naman allergic sa prutas, di ba?" Umiling ako. "Good. Samahan mo na lang muna ako dito habang break pa ng laro namin."
Tumango naman ako at umupo sa tabi niya. Sana ganito rin si Ryan, iyong marunong tumanggap ng binibigay ko. Iyong alam na may allergy ako sa gatorade.
Meron kasi akong allergies especially sa mga pagkaing may food color at isa na iyong gatorade or drinks, candy, fruit yugurt, and sausages and burgers.
"Troy, how did you know na allergic ako sa gatorade?" Taka kong tanong dito.
"Ah, iyon? Ako kasi iyong nagdala saiyo sa clinis nung nahimatay ka sa room nung pinagdiskitahan ng fan ni Ryan ang tubig na ininom mo." Anito habang nakatingin sa kisame ng basketball court namin.
"Ikaw iyong nagdala sa akin sa clinic? At paano mo nalaman na iyong tunig ko ay hinaluan nang juice?"
"Kas-"
"Troy Gimenez! Tapus na iyong break!" Ani ng coach nila dahilan upang mapatayo si troy ng wala sa oras.
"Paano, thanks for the Gatorade it brought me an enligthened and its feels like energized my strenght again." Ani sabay kindat sa akin.
Napangiti naman ako dahil sa inasal niyang iyon. First time na may nag-appreciate sa ginawa ko. Nilingon ko si Ryan na tumatawang nakikipag-usap sa kanyang mga kasama. Lalo na sa mga babaeng katabi nito. I know, I don't have a right to feel frustrated pero masakit sa mata eh.
Nag-umpisa na iyong laro at nandito ulit ako sa isang tabi nanonood habang nagche-cheer kay Ryan minsan naman kay Troy. Hanggang sa natapus ang laro at ang nawagi ay ang fourth year.
For further information, hindi iyong sa papabor-pabor dahil hindi iyon tatanggapin ng fourth year. Iyon ang pinaka ayaw namin sa lahat ang kaawaan kami.
"Congratssss!!" Sigaw ko habang sinasalubong si Ryan pero todo iwas nito sa akin. Kaya, umalis na lamang ako saka hinanap si Troy na nasa bench lang at nililigpit ang mga bottled water sa bench nila. "Troy, congrats. Ang galing mo sa three points shot."
Tumawa naman ito saka ginulo ang buhok ko. "Tingin mo. Dahil ba sa three point shot na iyon nakapuntos ba ako sa puso ng babaeng gusto ko?"
Tumingin ako saka ito pinisil sa pisngi. Okay, medyo feeling close ako kay Troy ngayon.
"Of course no, jusko kung ako iyon pasok ka agad sa puso ko." Biro ko dito pero to be honest ang swerte ng babaeng mamahalin ni Troy. Napaka swerte talaga.
Kung pwede lang talaga ibaling ang puso ko kay Troy ginawa ko na. Tumingin ako sa kinaroroonan nila ng mga kaibigan niya na nagtatawanan pa rin. Kung pwede lang talaga makisabay sa tawa nila kaso ayaw sa akin ni Ryan. Ayaw niyang makisama ako sa kanila, lalo na’t ayaw ni Ryan ang presensya ko.
Ryan and I are best buddies , magkasundo kami sa lahat ng bagay. He even protecting me sa mga batang nambubully sa akin. Dahilan kung bakit nagustuhan ko siya at nahulog ang bata kong puso na hindi dapat. But, one day bigla na lang siyang nanlamig at lumayo sa akin. Hindi ko alam ang dahilan at mula noon hindi niya na ako pinapansin. Every time na may sasalihan si Ryan may ibinibigay ako sa kanya to enlightened his spirit and give him some energized drink. Hindi niya tinatanggap ewan ko ba kung ano iyong problema nito.
Napabuntong-hininga ako ng malalim habang inaalala ang mga masasayang memory namin. Kung pwede lang ibalik iyong samahan namin noong bata kami. Sana talaga mangyari iyon.
“Malalim ang iniisip, malalim rin ang hinga. Tell me, ano pwede kong gawin para matulungan kita?” rinig kong sabi ni Troy na hindi ko namalayang nakatingin din pala sa gawi nila Ryan. “Alam mo Jayna, kung mahal mo dapat sinabi mo iyon sa kanya hindi iyong pasulyap-sulyap ka.”
“I tried my best para magustuhan at ibaling iyong paningin niya sa akin Troy. Minsan naisip ko what if sumuko ako? Mamimiss niya ba iyong presensya ko o magiging masaya ba lalo iyong araw niya kung hindi ko siya iniistorbo? Andaming what if ang nasa isip ko.”
“Ang hirap magmahal ano?” umupo ito sa bench saka ito pinagpag para mapaupo ako sa tabi nito. “May masasaktan dahil sa pagiging balewala ng taong mahal niya. Iyong iba naman nasasaktan kasi tinitiis ang sakit maging masaya lang ang taong tinitibok ng puso niya.”
“Ikaw? Nagkagusto ka na ba sa babae?” tanong ko dito.
“Of course, magiging abnormal ako kung hindi pero hindi ko lang siya gusto. Mahal ko iyong babaeng iyon. Mahal ko iyong tungkol sa kanya-lahat ng kilos at desisyon niya.” Tumawa ito ng marahan.
“Ewan ko ba kung bakit ganun iyon. Hindi naman siya katalinuhan pero she captured me. Kulang na lang posasan niya ako eh.”
Tumawa naman ako biro niyang iyon. “Ang swerte ng babaeng mahal mo. Alam mo ba iyon?”
“Kung iyon, iyon ang paniniwala mo. Pero ako yata iyong swerte sa aming dalawa. She made me smile.” Anito
“Buti ka pa pinapangiti niya habang ako heto durog.” Natatawa kong sabi.
“Then, bakit hindi mo subukang lumayo muna? Kasi minsan kailangan rin nating lumayo hindi para kalimutan iyong taong mahal mo kundi para bigyang pahinga ang puso mo."

Bình Luận Sách (319)

  • avatar
    Mel Martinez Zerna

    nice story 😊

    2d

      0
  • avatar
    ト FAIRONIE

    good

    13d

      0
  • avatar
    Khloe Judea Gonzal

    good

    17d

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất