logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

02

"No, I'm afraid Dad." I said while looking at the stars. Itinaas ko ang isang kamay at pinikit ang isang mata, na tila ba'y inaabot ang mga bituin.
Narito kami ngayon sa balkonahe ng aming bahay. Ginawa namin ang pinagplanohan namin kanina ni Daddy na magstar gazing. I was happy because we talked about random things, I also told him a lot of chikas. But suddenly he made a topic about being alone.
Mabilis akong napatingin sa kaniya nang bigla siyang magsalita.
"Don't be afraid to be alone, Anak." He caressed my hair while showing me his warm smile. Napabusangot ako.
"But I am, Dad. Ayokong mag-isa. Gusto kong kasama kita lagi." nakasimangot kong saad. It's true. I can't imagine living without my Dad. "Why are you suddenly talk to me about being alone, Daddy?" Kinabahan ako bigla nang may kung anong pumasok na ideya sa isip ko.
"Are you going to leave me too? like my Mom did?" Tanong ko sa kung ano ang naisip. Nanubig ang mata ko habang nakatingin sa kaniya. Natawa siya bigla at agad akong iniyakap.
"Silly, I was just telling you that because you are now growing, Duday. You should learn to be independent kasi not all the time I'm around you 'nak, diba?" hindi ako tumango kahit totoo naman ang sinabi niya.
"Being independent doesn't mean living alone, Anak. Kahit naman independent ka, narito lang naman ako sa tabi mo palagi." dagdag niya.
"No! ayoko nga. I want to depend on you, Daddy! I don't want to be independent." Dabog ko dahilan kung bakit siya natawa.
"Okay then. I don't mind kapag ka dumepende ka sa akin 'nak, ibibigay ko naman sayo lahat ng gusto mo." I chuckled and hugged him.
"You should go to sleep na Duday. It's getting late." Hindi na ako umalma pa dahil inaantok na rin naman na ako. He kissed my foreheads before I stand and walked but still stopped.
"Are not you coming with me Dad?" I asked. Hindi kasi siya sumunod sa akin. Pinakita niya ang hawak na beer saka ngumiti. Tumango naman ako nang maintindihan.
"Goodnight Dad" saad ko bago umalis para pumasok na sa sariling kwarto.
"What do you think? It's really looks like you Adi diba!" I excitedly showed him the paper where I drew him.
Nangunot ang noo niya nang makita ang iginuhit ko. "Stick lang naman 'yan e" He pointed the paper and chuckled.
"Yeah? but kamukha mo pa rin naman." I said. He just nodded like he don't want to debate with me.
Tumabi ako sakanya. Naglalaro siya ng mga laruan na dinala niya papunta rito sa maliit na kubo. He looked at me when I suddenly didn't talk and just stared at nothing.
"What's on your mind Duday?" I looked at him when he suddenly talked. Nakatingin din siya sa akin na para bang hinihintay ang sagot ako.
"Bakasyon lang ba kayo rito?" Tumango siya kaya napabusangot ako.
"Why?"
"Paano kung bumalik na kayo sa totoo niyong tirahan? Are you going to leave me too?" Nalungkot ako bigla sa sariling tanong.
"Hmm. Of course not, babalik din naman kami rito." He said. I smiled at him sweetly and say nothing.
"You keep sighing!" Binitawan niya ang hawak na laruan at agad na humarap sa akin. "Tell me" I rolled my eyes at him but still chuckled at the end.
"I saw my dad with a girl in his room." Nanlaki ang mata niya sa sinabi ko. "Really? ano ang ginawa?" He looked at me with malisya. I slapped his shoulder. "Mali ang iniisip mo!"
"What? you are the one who's being green." Umiling ako. "You still don't know a lot of things because we're still young, but being green was already in your mind." I rolled my eyes at him. Susumbong ko siya kay Lola Ising.
"Narinig ko pinag-usapan nila. The door slightly opened kasi."
"Sa tingin mo tamang makinig sa usapan ng ibang tao without them knowing?" He asked me. Umiling ako nang umiling. "Hindi, I just accidentally heard them kasi." I whisphered. He nodded like he's telling me to continue.
"I think there is something between them." Tumingin ako sa kaniya na parang nagsusumbong. "How can you be so sure?" He asked. I sighed.
"Kasi they talked about moving to another place Adi, tapos they shared I love you to each other pa." my eyes got teary while remembering those scene. "Iiwan ako ni Daddy.." I mumbled. "Sasama siya roon sa babae. Ayoko." I whisphered.
"Wag ka ngang mag-isip ng ganiyan. You're still not sure Duday." He said. "Atsaka, if ever na it's true. Are you not happy because you will have a new mom?"
Umiling ako. "Ayoko, I'm happy with my dad. I don't need a mom." I said and he nodded.
"Duday!" Napalingon kami kay lola nang tawagin niya ako. "Uwi ka na raw! Halika na apo." Tumayo ako saka hinila si Adi. "Sama ka." I whisphered.
Naglakad kami pabalik sa bahay. Adi and I stopped when we saw my dad with woman hugging his waist. Nakangiti ang dalawa sa amin. I can't even smiled at them.
"Hi my step daughter." The woman greeted me with a wide smile. Hindi ko nagustuhan ang pagbati niya kaya tinignan ko siya ng masama dahilan kung bakit natawa siya. Napabusangot ako.
"Kidding! come here, I baked a cake for you!"
Napabuntong hininga ako saka lumingon kay Adi na tahimik lang sa gilid ko. "Uwi ka na" I gave him an apologetic smile. He just nodded like he understand.
I looked at my dad, next to her woman. "Sorry, my stomach hurts, I wanna rest." Saad ko, Diretso akong naglakad at nilagpasan lang sila. My dad called me that's why I stopped and gazed him.
"Are you okay anak?" I sadly smiled and turned my back at them without answering him.
●●●
"Ate!" sinalubong agad ako ni Guido ng yakap nang makita ako. Napangiwi ako dahil sa sakit ng katawan pero hindi ko pinahalata iyon.
Napansin kong namumula ang mata niya na halatang kakagaling lang sa iyak. Mas kinabahan ako lalo.
Hinaplos ko ang buhok niya at pinilit na yumuko para mapantayan siya. "Asan si Lola?" tanong ko. Tinuro niya sa akin ang malapit na pinto kaya maliit ko siyang nginitian.
"Ate anong nangyari sainyo?" tanong ni Guido nang sabay kaming maglakad at napansin niyang paika-ika ako.
Ginulo ko lang ang buhok niya at hindi na sumagot. Binuksan ko ang pinto at bumungad sa akin si Lola na mahimbing na natutulog.
Lumapit ako at agad na sinuri ang kalagayan niya. Napatingin ako sa nurse na kakapasok lang. "Kamusta na si Lola?"
Ngumiti ito sa'kin. "Okay na po siya, Ma'am. Her vital signs are okay. Blood pressure and heart rate are both normal po. She just need more rest at pwede niyo na ring iuwi maya-maya."
"Ano bang nangyari?"
"Nawalan lang po ng malay dahil sa nerbyos. Mabuti nalang at bumalik din po sa dati ang heart rate niya. So she is now fine."
"Thanks" sagot ko.
"How about you Ma'am? mukhang kailangan po kayong gamutin dahil sa mga galos niyo." Tumango ako.
"Sunod ako." maliit na ngumiti sa akin ang nurse bago nagpaalam at lumabas.
Lumapit ako kay Guido, hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya bago nagsalita. "Anong nangyari Guido?" mahinahong tanong ko.
Mapungay ang mata nitong tumingin sa akin. "M-may nakasagi po kasing kotse sa mga paninda ni Lola
k-kanina Ate. Muntik na rin po sana mabangga si Lola pero mabuti po at nakahinto agad."
"Kaso po biglang nawalan ng malay si Lola t-tapos po nagkalat sa kalsada lahat ng mga panindang b-bulaklak niya" Napayuko siya dahil sa biglaang pagbuga ko ng hangin.
"Ilang beses ko na bang sinabi sa inyo na itigil niyo na ang pagtitinda ng bulaklak sa kalsada kasi delikado, at masyado nang matanda si Lola para magtrabaho pa."
"Sorry ate.. Pinilit po kasi ako ni Lola, hindi ko po siya matiis." Napapikit ako dahil sa irita. Huminga ako ng malalim bago dumilat at tumingin sa kaniya.
"Bantayan mo si Lola. Magpapagamot lang ako." Dahan-dahan siyang tumango sa akin.
"Sorry Ate.." bulong niya, tumango ako bago tuluyang lumabas.
Biglang nangunot ang noo ko nang makita ang anak ni Carlos habang naglalakad ako sa hallway. May kasama itong lalaki na halatang ka-edad lang namin.
Pareho silang mabilis na naglalakad habang tumitingin-tingin sa bawat numero sa mga pinto. Tila ba'y nagmamadali at may hinahanap. Paika-ika pa ang anak ni Carlos dahil sa nangyari kanina.
Napahinto ako nang huminto rin sila sa tapat ng pinto ng silid ni lola. Mabilis akong naglakad pabalik at agad silang pinigilang pumasok.
Nagulat silang umatras dahil sa biglaang paglitaw ko sa harap nila. "Anong gagawin niyo?" kunot noong tanong ko.
"We're going to check on someone. Excuse us, Miss." saad ng kasama ng anak ni Carlos.
"Buksan mo na, Wyatt. Don't mind her." irita akong tumingin sa nagsalita.
"Hindi ko kayo binibigyan ng permiso para pumasok sa kwarto ng Lola ko. Makakaalis na kayo." malamig na tugon ko.
Pareho silang nagulat sa sinabi ko. "Lola mo ang nasa kwarto na'to?"
"Kakasabi ko lang?" suminghap sila, nagtaka ako nang sabay silang nagsorry sa harap ko.
"We're really sorry, Miss. I hope she's okay."
"Don't worry miss. The hospital bills is on me, hindi niyo na kailangang gumastos pa." They said with apologetic tone.
Kunot na kunot ang noo ko dahil sa pagtataka. Napahinto ako nang mapagtanto na sila ang may kagagawan kung bakit nandito si Lola ngayon sa hospital!
"So kayo?"
"We're very sorry miss. I'm in a hurry earlier, kaya hindi ko napansin." Tumingin ako sa lalaking tinawag na Wyatt kanina. Siya ang muntik nang makasagasa sa lola ko. Imposible naman kasi ang anak ni Carlos 'yon dahil kaming dalawa ang nagbungguan kanina.
Naisip ko rin bigla na kaya pala ay pareho kaming mabilis ang pagpapaandar kanina ng motor dahil ako ay nagmamadali para kay Lola. At siya naman para sa pinsan niyang humingi siguro ng tulong.
"Do you think paiding the hospital bills is enough?"
"Hindi pa ba?" takang tanong ng anak ni Carlos. Siniko siya ni Wyatt. "Don't speak, Adam." bulong nito pero narinig ko pa rin naman.
Napataas ang kilay ko nang malaman na Adam pala ang pangalan ng anak ni Carlos.
"Iyong mga panindang bulaklak ni Lola?"
"Buraot." bulong ni Adam kaya masama ko siyang tinignan. Pinatahimik siya ulit ni Wyatt.
"Sure. Pasensya na talaga kanina." Kinuha nito ang hawak na basket ni Adam na may mga lamang prutas.
"Here, We wish her to get well soon." Inabutan ako nito ng pera na pambayad din sa bulaklak na sinasabi ko. "I hope it's enough." Tinanggap ko iyon at tumango lang.
"We're going now. Again, pasensya na." Mabilis silang umalis sa harap ko kaya dumiretso na rin ako para pagamutin itong nga galos ko. Umiling ako nang mapagtanto na hanggang dito nakita ko na naman pala ang anak ni Carlos na Adam pala ang pangalan.
"Mas malala pa ang iyong itinamo kaysa sa akin na nawalan lang ng malay, Duday!" pumunta agad ako sa kusina para uminom ng tubig. Kakauwi lang namin mula sa ospital. Madilim na pero lalabas pa ako para bumili ng ulam.
"Hindi ka nag-iingat! sinasabi ko naman kasi saiyo na kung nagpapaandar ka ay tama lang ang pagpapatakbo mo!" Napatingin ako kay Lola na kanina pa panay bulyaw at pagalit sa akin.
"Tignan mo ngayon! may nakasabit na riyan sa balikat mo para suportahan ang iyong braso na may pilay!"
"Hindi mo kailangang ilipat sa akin ang mga sermon Lola, sa ating dalawa ikaw ang matigas ang ulo." Napahinto siya.
"Sinabihan na kitang ihinto mo na ang kakabenta mo niyang mga bulaklak kasi delikado. Hindi ka nakinig, ayan tuloy inatake ka ng nerbyos mo." napabusangot siya nang bigla kong baliktarin ang nangyari. Bumingisngis si Guido kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"Ikaw din. Sinabayan mo pa ang pagiging pala-suway ni Lola." Pareho na silang nakasimangot ngayon. Umiling-iling ako dahil bigla nila akong tinalikuran at sabay na lumabas. Naiwan tuloy akong mag-isa rito sa kusina.
"Bibili lang muna ako ng ulam. Guido, ayusin mo na ang mesa." Lumabas agad ako ng kusina. Nakita ko naman si Butchi, ang alaga kong pusa na natutulog sa sala. Mabilis akong lumapit sa kaniya at nakipagharutan muna bago lumabas.
"Limang kanin ho Manang Pina. Tatlong pritong isda at sinabawang karne."
"Sandali lang Iha, ibabalot ko muna." Tumango ako at napatingala habang naghihintay. Walang bituin, kalahati lang din ang buwan na unti-unti nang tinatabunan ng makulimlim na ulap. Mapait akong ngumiti nang biglang may naalala.
"Heto na iha!" Napalingon agad ako kay Manang Pina nang magsalita ito. Nilahad ko agad ang bayad bago kinuha ang biniling ulam at nagpaalam.
Naglakad ako pabalik sa bahay at agad na inilatag lahat ng binili nang makapasok sa kusina. Sabay-sabay kaming kumain habang walang tigil kakakwento si Guido tungkol sa klase niya.
"Mabuti naman kung ganoon. Wag kang papatol sa mga umaaway saiyo Guido apo, Magagalit saiyo ang Ate mo Duday." saad ni Lola habang kumakain.
"Pero si Ate ho ang nagsabi sa akin na kapag daw ho sinuntok ako, suntukin ko rin daw dapat pabalik." sagot ni Guido.
"Ikaw na bata ka!" Napaatras ako nang bigla akong ambahan ni Lola ng kutsarang hawak niya.
"Nagsisilaglag iyong mga kanin galing sa kutsara Lola." sita ko.
"Lagi mo nalang binabaliktad ang sitwasyon Duday!" Hindi ko siya pinansin at tahimik nalang na kumain.
"Ako na ang maghuhugas, matulog na kayong dalawa Lola." sambit ko nang matapos kaming kumain.
"Ako na Ate, sa ating tatlo ako lang ang walang dinaramdam ngayon." biglang sambit ni Guido. Tumango nalang ako at hindi na umalma.
Dumiretso ako sa kwarto para gumawa ng mga assignments at essays. Alas otso ng matapos ako kaya mabilis na akong humilata para nagpahinga.
"Upo ka! ang aga mo ngayon. Gagawan muna kita ng agahan, Anak." Nagising ako nang marinig ako boses ni Lola mula sa kusina. Magiliw iyon at halatang masaya ang gising niya.
Ang aga naman ni Guido gumising at nagpapagawa na ng agahan. Napatingin ako sa orasan kung saan nakasabit lamang sa harapan ko. Alas-sais pa lang naman ng umaga. Bumangon ako habang kinukusot ang mata at nagsuot ng tsinelas na pambahay bago naglakad palabas ng kwarto.
Nagtaka ako nang hindi ko naman nakita si Guido sa sala. Pumasok ako sa kwarto niya at na andoon pa siya. Mahimbing na natutulog.
Mabilis na nangunot ang noo ko dahil sa pagtataka kung sino ang taong kausap ni Lola kanina.
"Apo! halika rito mag-almusal ka na!" ngiting ngiti ako nitong niyaya nang masilip ako mula sa sala. Sumunod ako sa kaniya at mabilis na pumasok sa kusina.
Tinignan ko ang mga nakahain sa mesa at masyadong marami iyon para sa aming tatlo. "Hindi po natin mauubos ang pagkain dahil sa dami ng iniluto niyo, Lola." saad ko, ngumiti lang ito ng malawak bago pinagpatuloy ang pagluluto.
"Saan ka pupunta, Apo?" tanong niya nang makitang paalis ako.
"CR ho."
"May tao pa sa cr." nangunot ang noo ko sa sinabi niya. Tatlo lang kami rito sa bahay at tulog pa si Guido.
"Sino--" napahinto ako at sabay kaming napalingon ni Lola sa Cr nang bumukas ang pinto roon. Awtomatikong nablangko ang mukha ko nang makita kung sino ang iniluwa ng pintuan mula sa palikuran.
"Goodmorning, Duday" Ngumiti siya sa akin pero blangko lamang akong tumitig sa kaniya. Hindi ko siya gustong makita. Sa kabila ng lahat, matagal na akong tumigil humiling na makita siya.
Philip La Silva.
________
ಥ_ಥ

Bình Luận Sách (53)

  • avatar
    EdisanRodime t

    thank po

    05/07

      0
  • avatar
    CoronelAkisha

    may part 2 po? hindi pa tapos story eh huhu, hindi pa nalalaman ni Amanda na si Adam at si Adi ay iisa. ☹️

    13/06

      0
  • avatar
    RanayBlesie

    good

    30/03

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất