logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Kabanata 6

Invitation
Mainit man ang sinag ng araw hindi pa rin nababawasan ang naghaharing sagisag at hindi mapapalitan ang trono nito sa asul na langit na siya nitong kaharian.
Kung ang unang pagtapak ko pa lang dito sa Maynila ay desperada akong naghahanap nang trabaho ngayon ay hindi na. Kung noo'y halos mapagod ako at tumaktak ang pawis dahil sa tindi nang araw, ngayon ay masigla akong mag-isang namamasyal sa mga pasyalan dito sa siyudad.
Kung hindi lang dahil sa kanya ay siguradong wala ako ngayon sa ngayong estado ko.
Day off namin ngayon kaya heto, nagliliwaliw. Natatanggap rin namin ang sweldo kada araw. Hindi ko kasama ngayon si Aizen dahil siya ang duty ngayon sa Hospital. Kaya kahit ako lang mag-isa ay kahit papaano masaya naman ang mamasyal.
Malaki ang ngiting narating ko ang isang 'di kalayuang parke. Sa magagandang puno ng Akasya, Narra ay hindi maitatanggi ang tibay nito. Dahil kahit dumaan man ang bagyo ay hindi niyon masisira ang matibay na gawa ng kalikasan.
Sana ganoon rin katibay ang isang tao. Maparelasyon man o hindi.
Napako naman ang aking tingin sa isang naghihilerang tiyangge o pamilihan. Agad akong naglakad- takbo patungo roon at nakita ang iba't-ibang binebenta na mula sa school supplies, mini-hardware hanggang sa mga laruang pambata. May mga binebenta rin namang mga ukay-ukay at mga nakamanequin na aabot hanggang 100 o lampas pa.
May nakuha naman ang aking tingin sa mga keychain. Napangiti ako nang may disenyo nang tasa nang Kape na gawa sa kahoy.
Nangingiting hinawakan ko ito at pinagmasdan nang maigi.
"Ay, Miss ganda, bili ka na. May free engraving din kami." Sabi sa akin nang babae na sa tingin ko ay nasa edad 25 pataas.
Napailing na lang ako. "Naku, nambola pa po kayo..." ibinalik ko rin ang tingin sa keychain na hawak ko. "Free engraved?"
"Oo, Miss. Ibigay mo lang ang  initials tapos kami na ang bahala." May ngiti nitong sabi.
Nagdadalawang-isip ako kung bibilhin ko ba o hindi. Baka mag-isip nang iba ang  pagbibigyan ko.
May panghihinayang na ibinalik ko ang keychain sa lagayan nito.
"Sa susunod na lang po..."
****
"Hayyy..."
Ilang buntong-hininga na ba ang nagawa ko kanina pa? Muli kong tiningnan ang hawak ko at bumuntong-hininga ulit habang nakaupo sa lilim nang puno ng Narra.
Sa huli hindi ako nakatiis ay binili ko rin ang keychain. Nagpalagay pa ako nang initials niya.
"Aghhh.... " nasabunot ko na lang ang sariling buhok. "Bakit ko ba kasi binili 'to?"
Malamang, naalala mo siya nung nakita mo ang Keychain.
Bulong nang isip ko.
Hindi, gusto ko lang naman na mag-thank you...
Rason ko.
May paghanga ka na kasi sa kanya...
Hindi nga eh!
"Hindi ko nga sya crush!"
Agad akong pinamulahan at tumalikod dahil nagulat sa akin ang magkasintahan na dumaan sa harap ko.
Ano ba'ng nangyayari sa akin? Tsk. Nababaliw na yata ako. Ultimo, simpleng pagbili ko lang nang keychain nagugulo na ang utak ko.
"Ate... wag ka nang indenial. Baka mas mabaliw ka kapag itinatanggi mo." Napalingon ako sa babaeng kasama ang boyfriend niya na dumaan lang sa harapan ko.
"H-Ha?"
Napailing na lang ang babae. "Masarap sa feeling ang magkaroon nang paghanga sa isang tao." Nilingon niya ang lalaking kasama niya saka kinikilig na nagsalita nang, " di ba, babe?"
Kiming ngumiti na lang ako. Para akong naumay sa katamisan nila. Agad akong tumayo at nagpaalam na lang sa kanila. Baka may marinig pa akong mas tatamis pa sa asukal.
Alas Cinco na pala ng hapon. Pauwi na ako ngayon. Tumingala ako at pinagmasdan ang kulay kahel na langit. Malapit na ring lumubog ang araw.
Napailing-iling na lang ako sa kahihiyan ko kanina. Natawa na lang ako nang marahan sa advice ng babae kanina sa akin.
Habang naglalakad ay tumama ang aking paningin sa kinatatayuan ng Cafe. Sa hindi ko alam na kadahilanan ay dinala ako ng aking mga paa sa kinaroroonan nito.
Sabagay, pauwi rin naman ako. Hindi naman siguro masamang tingnan muna ang trabahong tumulong sa akin.
Ganun pa rin naman, mahihiwagaan ka talaga sa kakaibang pangalan at disenyo ng Café na ito. Hanggang sa napunta ang tingin ko sa window binds.
Teka? May tao ba dito?
Baka si Dan o Eron lang? Sila kasi ang minsan na bumibisita rito kapag may inuutos si Boss.
Lumapit ako sa bandang bintana nang Café. Inilapit ko pa ang mukha ko baka sakaling may marinig ako.
Pero hindi pa man ako nakakatagal ay bigla nang umangat ang window binds at bumulaga sa mismong harapan ko si Boss Raff na kita sa reaksyon nitong nagulat rin.
Marahil ay kung walang harang lang sa pagitan namin ay siguradong maririnig niya ang mabilis na tibok nang puso ko.
****
"Here."
Sabay lapag niya nang isang tasa nang Cappuccino sa harapan ko. Parang katulad lang nung una ko siyang nakilala.
"Salamat." Pinakatitigan ko muna ang crema nito.
Kanina ko pa pinipigilan ang pagtibok nang puso ko. Sandali ko siyang tiningnan at ibinalik ang tingin sa kape.  Nakasuot ulit siya nang formal attire pero tanging white long-sleeve na ang dalawang manggas ay nakatupi hanggang siko at black slacks ang suot niya. Nasa sandalan nang inuupuan niya ang coat.
Galing kaya siya sa trabaho niya?
"I'm not expecting this..." Usal niya. Habang sumisimsim nang Kapeng barako.
Doon ako napaangat nang tingin. Pero iniwas ko rin ang sariling matang tumama sa mga mata niya.
"Ha?"
Sandali siyang ngumiti at inilapag niya ang kape sa lamesa saka tumingin sa akin.
"You." Tumigil siya sandali bago muling nagpatuloy. "What's bring you here? It's your day-off."
Tipid akong ngumiti. "Namasyal lang. Pauwi na sana ako, eh. Napadaan lang..."
Sabi ko saka sumimsim ng Cappuccino. Napatango-tango naman siya saka muling nagtanong.
"Alone?"
Tumango ako habang sumisimsim muli nang kape.
"You're not with Aizen?" Tanong ulit niya. Medyo kumunot naman ang noo niya.
Umiling ako. "Hindi, eh... May Duty pa kasi siya." Tugon ko.
"I see..." Napatango na lang siya habang tinitingnan ang kapeng hawak niya.
Sandaling katahimikan ang namayani sa amin. Pakiramdam ko ang seryoso nang pagitan namin. Hindi ko mabasa ang mukha niya. Kung nababagot na siya o ano, nang may natandaan naman ako.
"Umm! Oo nga pala? Paano mo nagagawa 'to?"
Nag-angat siya nang tingin at  naguluhan yata siya sa sinabi ko kaya tinuro ko ang kapeng itinimpla niya.
"Paano mo nagagawang masarap ang kapeng tinitimpla mo?" Excited kong tanong. "Ilang coffee beans ba ang kailangan? Anong tantsa nang crema ang dapat ilagay?" Sunod-sunod ko pang sabi.
Malaki ang ngiti kong hinarap siya. Parehong nakataas ang kilay ko habang naghihintay nang sagot niya. Maging ang dalawang kamay ay parehong nakapalumbaba.
Gusto ko talagang itanong sa kanya ang mga 'yun. Kaya nga lang ay busy naman kami dito sa Café kaya walang oras.
Sa halip na sagot ang narinig ay ang pagtawa niya ang pumalit. Nakakatawa ba 'yung sinabi ko? Sumimangot naman ako sa reaksyon niya.
Hindi pa rin tumitigil ang pagtawa niya nang makita ang mukha kong nakasimangot.
"Sige, kahit hindi mo na lang sagutin. Pinagtatawanan mo ko, eh.." nakanguso kong sabi.
Nangingiti pa rin siyang ibinalik ang tingin sa akin.
"Sorry..." pigil pa rin niya ang pagtawa. "Its just that---your expression amused me."
Huh? Bakit? Anong ekspresyon ba ang nakita niya? Excited lang naman akong malaman.
Tumikhim na lang ako. Nakakahiya naman. Baka nagmukha akong desperada kanina kaya ganoon na lang ang reaksyon niya.
"Fine," kagaya nang dating gawi. Ayan na naman ang ngiti niya. "Well, it's not about how much coffee beans or cream you should put in. It's about on how you feel, or depends on reflections of one's emotions who making that coffee."
Hindi naman ako nakapagsalita. Parang tagos sa puso ang mga salitang sinabi niya. 'Yung mararamdaman mo kung ano ang nararamdaman niya.
"Iyon rin ba ang dahilan kaya ka nagpatayo nang Café?"
Kahit na isa na siyang kilalang businessman?
Sumipil ang magaang ngiti niya na parang inaalala ang mga ginawa niya mapatayo lang ang Café na 'to. At kahit hindi man niya sabihin ay alam kong iyon nga ang sagot.
Magsasalita pa sana ako nang may tumawag sa kanyang cellphone. Kapwa kami hindi maka-imik.
"Ahm..."
"Sagutin mo na baka kailangan." Sabi ko. Nakita kong nag-aalangan siya bago sinagot ang tawag.
"Sorry, business matters." Paumanhin niya.
"Okay lang, go..." marahan akong tumango.
Tipid siyang ngumiti bago magsalita sa kabilang linya. "Excuse me---Hello?"
Saka siya tumayo at pumasok sa office niya kausap ang kung sino man na tumawag sa kanya. Naiwan niya rin ang kape niya.
Naiwan akong inuubos ang Cappuccino. Habang naghihintay na makabalik si Boss ay nagtingin-tingin ako sa buong paligid nang Café. Nakababa ang window binds at ang board na nilalagay sa labas kapag may pasok ay nandito rin. Hinawi ko ang window binds at nakita kong gabi na pala sa labas.
Napatingin ako sa wall clock nang Café. Lampas alas Sais na pala. Ibinalik ko ang tingin sa Cappuccino na ngayon ay kaunti na lang kaya inubos ko na rin.
Ilang minuto pa ang lumipas. Kanina pa naubos ang iniinom ko ay hindi pa siya tapos.
"Umuwi na lang kaya ako?" Umiling rin ako sa naisip.
Kawalang respeto naman 'yon kapag ginawa ko. Kaya kahit medyo nababagot ay naghintay ako. Napatingin na lang ako sa kape niya na ngayon ay malamig na.
Bumuntong-hininga naman ako hanggang sa marinig ko ang pagbukas nang pinto sa kaniyang opisina at lumabas siya mula roon.
Agad siyang naglakad sa kinaroroonan ko kaya agad rin akong tumayo. Nagmamadali yata siya.
"Sorry, have I waited you for so long?" Nag-aalalang sambit niya.
"Okay lang... Hindi naman gaano." Sabi ko na lang.
Kinuha niya ang kape niyang malamig na saka agarang iniinom iyon.
"I'll be back..."
Wala sa sariling napatango ako. Matapos ay kinuha niya ang dalawang tasa saka pumasok sa kitchen. Naririnig ko pa ang lagaslas nang tubig sa gripo.
Ilang sandali ay lumabas na siya sa Kitchen saka muling lumapit sa akin. Kinuha niya ang coat sa sandalan nang inupuan niya kanina.
"Uuwi ka na ba ngayon?" Biglang tanong niya.
"H-Ha?" Nabibingi na ba ako?
"One of my relatives win a prize, but have so many on his plates so he gave me his prize---a two coupons instead," May hinugot siya mula sa kanyang bulsa. Dalawang ticket iyon sa Star City. "And tonight is the deadline of effection of these." Paliwanag niya.
Hindi pa man ako nakakapunta roon pero base sa mga commercial sa TV at kwento ni Aizen ay maganda raw talaga doon sa Star City.
"At?"
Hindi ko pa rin alam kung bakit sinasabi niya ito. Ngunit sa sunod niyang sinabi ay nablangko ang utak ko.
"I want to invite you."

Bình Luận Sách (178)

  • avatar
    InesRhian

    thank you for your help me

    21h

      0
  • avatar
    Angelica Beo

    180.00

    12d

      0
  • avatar
    Arochajamila Farrahmae

    Maganda ang story

    19d

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất