logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Kabanata 5

Apologize
Katulad nga ng sinabi ko, hindi ako masyadong nakatulog kagabi. Binagabag nang mga salita niya ang buong sistema ko kaya ang resulta ay madaling araw na akong nakatulog.
Pilit kong sinasabi sa sarili na isa lamang iyong pag-aalala dahil sya ang Boss ko. Nagmamalasakit lamang dahil isa niya lang akong empleyado. Normal naman 'yon 'di ba?
Pero sa bawat pagpikit ko at pag-alaala nang bawat salita ay parang nagbibigay nang ibang kahulugan na sa tingin ko naman ay napakaimposible.
Nang gabing rin iyon ko lang nakita kung paano magalit ang mabait at palangiti naming Boss.
Hindi ko rin mawari kung bakit ganoon niya ako bigyang pansin. Maging ang sarili ay tila nahipnotismo dahil ni hindi ako nagdalawang-isip na titigan siya nang ganun.
Nakailang buntong-hininga ako habang tinitingnan ang sariling repleksyon sa salamin. May bahid pa ng pasa ang pisngi ko pero hindi na iyon katulad nang kagabi. Nilagyan kasi ito ni Aizen nang ointment kaya hindi na masyadong masakit. Nilagyan ko na lang nang liquid foundation bilang pantakip ang pisngi na bigay rin ni Aizen.
Pagkatapos nang kailangan kong gawin ay sinarado ko na ang locker at lumabas nang Dressing Room. Hindi naman ako isang part-time tulad nila pero nakaramdam ako nang kaba.
'Yung kaba na hindi ko alam kung anong gagawin kapag nakita ko na si Boss Raff. Pagkapunta ko sa Diner ay bumungad sa akin ang iilang costumer na sa tingin ko ay naghihintay bago pa tumungo sa kani-kanilang pupuntahan.
Nasa counter si Dan na agad bumati sa'kin.
"Hi! Good morning, Lys!"
Katulad pa rin ito nang unang kita ko dito. Hyper at masayahin.
Gumanti ako nang ngiti. "Good morning..."
Napansin kong sarado pa ang office ni Boss. Wala pa ba siya dito? Nilibot ko ang tingin sa paligid pero wala nga siya.
"Wala pa si Boss?" Tanong ko kay Dan na naglilinis nang mga tasa.
Nag-angat ito nang tingin. "Wala pa eh. He usually coming here on time, well depends If he have an important meeting, you know?"
Napatango na lang ako. Napatingin ako sa oras sa wallclock ng Café. Usually, sa ganitong oras nga ay nandito na siya. Baka nga busy.
Mabuti naman...
Dahil sa hindi ko malaman na dahilan ay hindi ko kayang kaharapin siya. Gusto ko mang magpasalamat pero sa tuwing naiisip ko ay lalo lang akong inuunahan ng kaba.
"How's your face? Is it now okay?" Pasimpleng mahinang tanong ni Aizen. Kahahatid niya lang Coffee latte sa dalawang costumer sa Table 3.
Pagkatapos nang 30 minuto kanina nakapasok si Aizen, sumunod naman sina Rin at Eron na pumasok nang halos wala pang 2 minuto. Kahit ngayong lumipas na ang 3 oras ay wala pa rito si Boss.
Tumango ako. "Nilagyan ko na lang nang bigay mong foundation para hindi halata."
Napatango na lang siya at nagsabing mamaya kami mag-uusap. Sumang-ayon ako sa sinabi niya at kapwa na namin ginawa ang mga trabaho namin.
Kagaya nang dating gawi, habang lumilipas ang oras ay dumarami ang costumer. Binabalik-balikan siguro nila ang kape dito na talaga namang masarap at hindi nakakasawa.
Minsan pa ngang may nagpropose dito nitong ika-apat na araw ko pa lang. Unang pagkakataon ko nun na makakita nang ganun.
Naalala kong si Boss Raff ang kumuha nang litrato ng magkasintahan bilang remembrance raw. Nakwento rin nina Eron at Dan na merong pagkakataong ganun dahil na rin siguro sa ganda ng Café. Bukod sa masarap na kape, maganda naman talaga ang interior nito.
Katatapos ko pa lang ihatid ang order sa Table 1 at nilagay ang tray sa counter. Nagulat na lang akong may naghain nang isang tasa nang Mocha Coffee sa harapan ko.
Si Rin pala.
Si Rin?!
Bago pa ako makapagpasalamat ay umalis na ito at muling pumasok sa Kitchen.
Pumunta naman sa kinaroroonan ko si Aizen na katatapos lang ring maghatid nang order na ngayon ay nanlalaki ang matang nakatingin sa akin.
Base sa reaksyon nang mukha niya nakita niya siguro. Pasimple pa si Aizen na tumingin sa Kitchen at ibinalik ang tingin sa akin.
"Ano yan?" Sabay nguso niya sa kapeng nasa counter. "Apologize or thank you?"
Nagkibit-balikat ako. "Siguro..?"
Hindi ko alam kung anong ibig iparating ni Rin dahil hindi ito klase nang tao na agad na mababasa. Hindi ko alam kung ano'ng iniisip nito pero napangiti na lang ako. Simpleng kilos lang iyon pero sapat na.
Kinuha ko ang kape na nasa harapan ko. Inamoy ko muna ang mabangong aroma saka humigop nang kaunti. Nangingiti akong iniinom ang kape. Talagang masarap.
Siguro depende iyon sa nagtitimpla. Dumedepende ang timpla base sa emosyong inilalabas.
Nakangiti ring tiningnan ako ni Aizen. "It think it's both." Komento niya.
Lumipas muli ang ilang oras at lunch na. Akmang pupunta na kami nang Dressing Room ni Aizen nang pigilan kami ni Dan at ipinatawag rin sina Rin at Eron habang may kausap siya sa telepono.
"---Yes. Okay... " ngumisi ito na parang siyang-siya sa kausap. Sino ba ang kausap niya? "Sure ka ba diyan, Boss?" Oh.. si Boss pala. "---inaatake ka na naman siguro, no?"
Ha? May sakit ba siya? Pero sa nakikita kong pangngisi ni Dan ay mukhang hindi.
Narinig ko pa ang sabi nito bago niya ibinaba ang telepono. "Okay, Boss sabi mo 'yan ah?"
Parang ang laki nang naipanalo ni Dan sa laki nang ngiti nitong ipinakita nang harapin kami.
"So? What's Boss have said?" Agad na tanong ni Eron.
"Sabi niya i-close muna natin ang Café until tomorrow. Bukas makalawa ulit tayo mag-oopen." Plain lang nitong sabi.
Huh? Bakit?
Mukhang ako lang ang nagulat sa amin dahil sa nakikita ko ay parang hindi na iyon bago sa kanila.
Nagtaas ako nang kamay. "Ahh... pwede maliwanagan?"
Lahat sila ay tumingin sa akin. Mabuti na lang ay wala nang costumers.
Mahinang natawa si Eron. " I forgot to mention. May ganitong pagkakataon na ganito si Boss. Maybe, his way of giving us a rest?"
"Ah... " wala akong masabi.
"But, he just doing this if he's sick or he have a business travel..." puna naman ni Dan.
Wala naman kaming imik na tatlo. May ideya na kami pero mukha namang hindi iyon ang dahilan.
"Don't worry, like the usual may suweldo pa rin naman tayong makukuha."
"Is he sick?" Tanong ni Rin na ngayon ay nagsalita na.
Umiling naman si Dan. "No,  he just said that we just have to closed the Café..." tumaas ang kilay nito na parang may naalaala. "Oh! He also said that he got a fight last night, other than that, nothing."
"He got a fight? You mean, punching someone?" Gagad na sambit ni Eron na parang hindi makapaniwala.
Samantalang ako, hindi ko alam kung ano pa'ng mukha ang maihaharap ko kapag nalaman nila.
"Dunno... you know how crazy our Boss is. He always kidding." Ani Dan na para sa kanya ay biro lang nang aming Boss.
May sinuntok naman talaga kasi siya!
Nagkibit-balikat na lang si Eron.
Hindi rin nagsalita sina Aizen at Rin pero kita ko sa mga mata nila ang pagkabalisa na tinatakpan lang nila ng seryosong ekspresyon.
"Guys, you sure?" Ani Aizen. Nakabihis na rin kami at ngayon ay palabas na ng Café.
"Yeah! Ladies first!" Anang ni Dan. "Shoo!" Pagpapaalis pa sa amin na para kaming mga tuta.
Naiiling na natatawa ako habang inirapan naman ni Aizen ito.
"See you when I see you!" Pahabol pang birong sabi ni Eron.
Hindi katulad ni Dan na masyadong hyper, medyo seryoso si Eron. Bibihira lang ito magbiro katulad ngayon.
Hindi na pinansin ni Aizen ang dalawa at sabay hinala na ako palabas. Sumulyap naman ako sa Kitchen bago ako tuluyang hatakin palayo ni Aizen. Hindi ba talaga sasabay sa amin si Rin?
Habang sina Dan at Eron ay nagprisintang sila na ang bahala sa Café. Si Rin ay nagpaiwan muna dahil dadalhin nalang raw nito ang iilang cupcakes na natira. Baka raw masira dahil bukas pa nang makalawa pa kami muling magbubukas.
Gaya nang ginagawa ay naglakad kami para makauwi. Tipid na rin sa pamasahe tutal ay hindi pa naman kami nagugutom dahil nag-snack rin kanina.
"Hey! Wait!"
Hindi pa naman kami nalalayo sa Café, narinig namin na pawang may tumatawag sa amin. Napatigil kami at napatingin kami ni Aizen sa isat-isa. Pamilyar ang boses.
"Is it Rin?" Tanong ni Aizen. At bilang sagot ay lumingon kami at nakita namin na tumatakbo si Rin papalapit sa amin.
May dala-dala itong dalawang paper bags. Hinihingal itong tumigil sa harapan namin. Kapagkuwan ay tumayo na ito nang tuwid at tiningnan ako.
Inilahad nito sa harapan ko ang isang paper bag na dala niya. Nakita ko kung paano mag-alangan si Rin.
"I'm sorry... for being hostile to you." Napakurap ako sa sinabi ni Rin. Hindi ko inaasahan ito. "I hope you accept my apology? And thank you for saving me back there. I mean it."
Hindi naman ako katulad nang ibang babae na mag-didibdib nang sama nang loob dahil lamang sa simpleng tingin.
Eksasperada akong umiling sa kanya. "Huwag, hindi naman kailangan. Wala naman iyon sa akin."
Lumamlam ang mukha nito. At sa unang pagkakataon nakita ko ang ngiti ni Rin kahit tipid lang iyon.
"Thank you. Really." Bumaling naman siya kay Aizen na kanina pa walang imik at nakikinig lang. "You too. Thanks." Sabay bigay nito sa huling dalang paper bag.
Huminga nang malalim si Aizen. Akala ko ay hindi niya papansinin si Rin pero napangiti ako nang bigla niyang inakbayan ito.
"Nice! Apology accepted." Natawa ako sa sinabi ni Aizen. Dapat ako ang magsasabi nun. "And you're welcome, we're comrades right? Syempre alangan namang pabayaan ka namin 'dun."
Napatango naman ako. "Kahit sino gagawin iyon."
Nahihiyang ngumiti si Rin at napailing. "You're still as hyper as Dan, Aikihira Zenny." Komento nito kay Aizen.
Kaagad na nalukot ang mukha niya. "Ugh! Please, don't call me in my full name... "
Lahat kami natawa. Napatingin kaming tatlo.
"I guess, you have still on your plate? Our apartment, shall we?" Anyaya ni Aizen. "Hindi namin mauubos lahat nang cake mo."
Lumabi naman si Rin at nagkibit-balikat. "I think I have time... why not?"
Malaki ang ngiti namin ni Aizen sa sinabi ni Rin. Kapagkuwan ay kumapit ako sa braso niya kahit pa nagulat si Rin sa ginawa ko ay hindi naman ito umangal.
Kapwa kami nangingiting naglakad pauwi nang apartment kasama si Rin.

Bình Luận Sách (178)

  • avatar
    InesRhian

    thank you for your help me

    21h

      0
  • avatar
    Angelica Beo

    180.00

    12d

      0
  • avatar
    Arochajamila Farrahmae

    Maganda ang story

    19d

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất