logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Chapter 4

Chapter 4: Ang Pagtakas
"Lypse!? You came! Akala namin hindi kana makakahabol!" Masayang litanya ni Desiree habang nagtatatalon kasama ang dalawa.
Abot langit naman ang ngiti nina Kate at Thalia habang niyayakap ako. Akala talaga nila hindi na ako makakasama.
Hindi ko rin inaakalang maaabutan ko sila. Gamit ang bisekleta ko, inisip ko nang baka wala na akong madatnan la pagdating ko rito.
"Wait, mabuti nalang at naireserve namin yung na seat natin! We really prayed na makapunta ka!" Hiyawan pa nila.
Napailing na ako at mabilis na hinablot ang scarf na suot ni Desiree dahil biglang humangin ng malakas dahilan para matangay ay dress na suot ko.
"What the hell, Lypse! Totoo ba 'to? First time kong makita kang nakadress!" Humagalpak sa tawa si Kate.
Tsk, wala lang akong choice.
"Whoah, whoah... You're so beautiful..." Tatawa-tawang dagdag pa ni Thalia.
Inirapan ko na lang sila at itinaas ang gitnang daliri ko. Masyado silang masaya. Nakakatakot baka may mangyaring hindi kaaya-aya mamaya.
Nagpatuloy lang kami sa pagkwekwentuhan habang naghihintay pa kami ng ibang mga darating.
Walang ibang sinasabi ang tatlo kong kasama kundi ang puro excited, excited excited, excited. Masayang-masaya talaga silang nakadalo ako.
Hindi sila naawat sa kakadaldal hanggang sa makarinig na kami ng mic mula sa pintuan ng bus na sasakyan namin.
"ANNOUNCEMENT TO ALL! PLEASE VACATE YOUR SEATS DAHIL PAGKATAPOS NG ILANG MINUTO AY MAAARI NA TAYONG BUMYAHE. PLEASE COOPERATE! PARATING NA SI PRESIDENT!"
Sa boses pa lamang ay alam ko na agad kung sino yung nagsalita. Si Zoren.
Napatingin kami sa bandang likuran nang makitang naghihiyawan ang mga lalaki roon. Nagkatinginan kami ni Kate at sabay na napangiti.
Nakita namin si Vic, ang ex ni Thalia. Inaasar ito na magtabi raw sila.
Kaya pala kaagad na tumaas ang kilay nitong si Thalia. Nagbago ang mahiyain niyang ekspresyon at napalitan ng pag-ngiwi habang nakatingin doon sa may likuran.
"Oh, nandito pala ex mo Thalia, tawagin ko ba?" Pang-asar ko sakaniya pero inirapan niya na lang din ako.
Nagulat naman ako nang biglang tumakbo si Desiree patungo sa grupo ng mga kalalakihan malapit sa puno. Kaniya-kaniyang pang grupo ang mga tap dahil hindi pa naman kami pinapapasok sa bus.
Pinuntahan ni Desiree si Jacob. Yung long time boyfriend niya. Hanga rin ako sa magjowa na yan. Ang tibay.
"Lypse. Nakakainggit sila 'no. How about us naman..." ungot sa akin ni Kate na ngayon ay nakanguso nang nakasulyap kina Desiree na nakikipaglandian na kay Jacob.
"Wala ka nang pag-asa, masyado kang dominant." Natawa naman ako sa sariling nasabi at dahil mas lalong humaba ang nguso ni Kate.
Nanatili pa kami ng kaunti sa ganoong eksena hanggang sa mag umpisa nang mag-siakyatan yung mga ka batch namin. Kaya agad na kaming umayos at naghanda para sumunod sa kanila.
"Lypse! Katabi ko nga pala si Jacob. Don't worry, nasa likuran niyo lang kami," paalam ni Desiree at tumango naman ako.
Pinauna ko na sina Kate at Thalia na umakyat sa bus at nagpahuli na lang ako. Kesa naman makipagsiksikan pa.
Tinanaw ko ang bike ko na isinasakay na rin ng operator ng bus doon sa ilalim ng bus dahil sinadya ko talagang dalhin iyon.
"Lypse, sakay na."
Napatingin ako sa aking likuran nang marinig at makita si Zoren doon. Aminado akong bumagay sakaniya ang suot niyang hoodie at jeans ngayon. Ano pa nga bang masasabi ko e habulin yan. Ewan ko lang kung bakit siya nagpapakatanga sa akin.
Marami namang naghahabol sakaniya na mas mayaman at mas maganda kumpara sa babaeng katulad.
"Mauna kana," wika ko sabay talikod na sa kaniya.
"Pero--"
"Zoren, sasakay rin ako. ‘Wag kang mag-alala hindi ako maiiwan dito." Paliwanag ko na habang nakatalikod pa rin sa kausap.
"O-Okay..."
Narinig ko ang paghakbang niya pabalik sa loob ng bus pero hindi na ako humarap pa.
Hanggang sa makakita ako ng liwanag mula sa paparating na sasakyan. Wait, pamilyar ang sasakyan na yan...
"WHOOOO! ANDYAN NA SI PRESIDENT!" Narinig kong
sigawan nila mula sa loob ng bus kaya napatingin ako sa bintana.
Nakita kong isa-isa pala silang nakadungaw roon habang nakatanaw sa sasakyan ni Veros...
"Lypse!" Kinikilig na sigaw ni Kate habang patalon na sumakay sa likod ko. Peste ang bigat niya.
"Aray! ‘Wag ka ngang pumasan! Ang bigat-bigat." Asik ko pero nginitian niya lang ako.
"Nakikita mo ba kung sino yung paparating?" Nanunuksong wika niya.
Tss. Alam ko na agad ang ibig sabihin niya.
"Manahimik ka, Kate--"
"Oh come on, Lypse! Alam kong kinikilig ka!" Tangina. Nilakasan pa talaga boses niya!
"Tss." Inirapan ko siya at ipinagsawalang bahala na ito dahil sa kakulitan niya.
Naghihiyawan pa rin ang lahat habang hinihintay si President na makalapit sa bus namin.
Hindi ko alam kung bakit bigla na lamang kumabog ng mabilis yung puso ko habang naglalakad na siya papalapit sa amin.
Kitang-kita ko ang bawat paggalaw ng buhok niya. Napakakinis ng balat at namumula rin ang mga labi niya. Nakadagdag pa sa kakisigan niya yung malawak niyang ngiti habang diretsong nakatingin sa amin. Oh no.
"Easy, Lypse. Baka matunaw si President--"
"Manahimik ka nga, Kate!" Naiinis na wika ko.
"BWAHAHAHAHA!" At tinawanan niya na lang ulit ako.
Oo, inaamin kong nagkaroon ako ng issue noon kay President. Pero kaming apat lang ang nakakaalam niyon. Nalaman kong nagkagusto pala siya sa akin, hinayaan ko siyang manligaw pero hindi rin nagtagal nang sabihin ko sa kaniyang tumigil na. Natatakot din ako dahil anak siya ng supervisor namin at may natitipuhan na siyang babae para sa anak niya. Matagal ko na rin namang kinalimutan kung ano man ang nangyari noon, wala na sa akin 'yon ngayon. Past is past.
"Ano, Tara na?"
Tsk! Yung boses niya!
"YEESSSSSSSS! WHOOOOOO!" Hiyawan naman ng batch.
Agad akong tumalikod nang dumaan siya sa harap ko at hindi pinahalatang naiilang ako. Hindi ko alam kung bakit. Pero sigurado akong hindi iyon dahil sa gusto ko siya. Siguro, pagkahiya lang.
Nagsiayusan na ang mga kasama namin at inaya na rin ako ni Kate na sumakay na. Aalis na raw kami.
Pero bago ako makasakay ay may kakaiba akong napansin mula sa kakahuyan.
"Sandali lang..." sabi ko kay Kate.
"Oh sige. Sakay kana ah? Hintayin na kita roon," paalam niya at sumang-ayon naman ako kaagad.
Pinakatitigan kong mabuti ang nasa kakahuyan dahil parang may kung anong gumagalaw roon.
Kalsada ang pagitan namin kung kaya't medyo malayo ang kinalalagyan niya pero kitang kita ko ang mga sanga na tila unti unting gumagalaw at pumuporma na parang isang...
"T-Tao..." mahinang bulong ko, "M-May tao..."
Kinusot ko ang aking mata ngunit hindi pa rin ito nawawala. Mukhang hindi ako namamalikmata.
“Lumapit ka...”
B-Bumulong siya!
"H-Hindi kita kilala... S-Sino ka?"
Napaatras ako hanggang sa namalayan ko na lamang ang sarili kong diretsong nakatitig sa punong iyon na tila nahihipnotismo ang aking kaluluwa at pag-iisil, maging ang katawan ko ay hindi na makagalaw at maging ang pag-iwas ay hindi ko magawa.
Nakikita kong gumagalaw siya...
Bumubulong siya sa akin...
"A-Anong sinasabi m-mo?"
"H-Hindi! H-Hindi kita k-kilala."
"P-Paano?"
Anong nangyayari? Hindi ko marinig ang sinasabi niya pero paanong sumasagot ako?
Ang mga sanga na nakapalibot sa kaniya ay tila nagsisilbing kaniyang mga galamay na unti-unting pumapasok sa aking isipan.
"H-Hindi ako sasama sayo..."

Bình Luận Sách (75)

  • avatar
    MontallanaRizza

    😘😘😘

    8d

      0
  • avatar
    John Mark Pino

    jjxjfjfjferjjrjfjfnxndndjjdjfjjfjfjdjfnncncjdjej me and mama not sure if you need anything please 🥺🥺🥺🥺🥺🥺🥺🥺🥺🥺🥺 djdhd

    19/07

      0
  • avatar
    PhoebeTheylove

    I have a tip bc it also gave me lol

    11/07

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất