logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Chapter 2:

Tatiana's POV.
"R-RALPH...." malakas ang boses ko sa pagtawag ng pangalan n'ya dahil hindi ako mapakali.
"Oh? Pagod kana?" nang-aasar ang tinig n'ya pero parang may pilit siyang pinapaintindi. Muli itong nag-aattempt na tumakbo.
Kung tatakbo s'ya ay malilito ang sniper.
Hindi na 'ko nagpa-petiks petiks pa, muli akong tumakbo upang habulin s'ya at maalis sa pwestong 'yon.
Buti nalang at nagets ko. Nalito nga ang sniper at halos hindi na tumatama ang red laser kay Ralph. Sobrang kinakabahan ako.
Nagkunwari akong natumba dahil hindi kami matitigil sa paghahabulan kung patuloy ko s'yang hahabulin. Agad naman siyang lumapit sa 'kin at inalalayan akong tumayo.
"Okay ka lang?" tanong nito. Napatingin ako sa kanya at parang hindi ako makahinga sa sobrang takot dahil ang pulang laser ay nasa ulo na n'ya.
Tangina netong sniper na 'to ah, ang galing naman n'ya. Hindi ba s'ya nahihilo ampota.
Wala na 'kong salitang binitawan pa. Itinulak ko si Ralph atsaka tumingin doon sa sniper!
"Hoy tangina mo, sino ka ba?!" halatang nagulat ang sniper dahil sinigawan ko s'ya! Tangina neto. Halatang halata yung laser n'ya, so hindi n'ya alam na kanina ko pa siya nakikita?
Gulat na napatingin sa 'kin si Ralph dahil sa ginawa ko.
"Fuck!" sigaw n'ya atsaka hinawakan ang kamay ko. Nagulat pa 'ko dahil doon pero hinayaan ko nalang. Tumakbo s'ya dahilan upang mapatakbo rin ako. Napansin ko pang may sumusunod sa 'min pero nawala rin 'yon ng makalayo layo kami.
"Tangina. Hiningal ako ro'n" hingal na sabi ko atsaka napaupo sa sahig.
Kakatransfer mo lang, gulo na agad binigay mo sa 'kin shuta ka. Ni hindi nga tayo friends, tanginang 'to.
Napatingin ako kay Ralph na titig na titig sa 'kin.
"Oh?" tanginang nasabi ko dahil talagang hinihingal ako. Ambilis n'ya kaya tumakbo! At dahil kailangan kong makasabay do'n ay sobrang bilis ko na rin.
"Why did you do that? Do you know how dangerous is it?" mahinahon ang boses n'ya pero parang naiinis s'ya na nag-aalala.
"Ah? Alin don?" inosente kong tanong dahil marami naman akong ginawa. Alin ba ro'n?
"Did you just shout on a sniper? Really, Tia?" inis na tanong nito. Nagsalubong naman ang kilay ko dahil do'n.
"Hoy ikaw tangina ka, niligtas na nga kitang hayop ka umaatungal ka pa? E anong gusto mong gawin ko? Hayaan kitang ma-headshot sa harapan ko? Hoy! Baka ako pa ang masisi at kargo pa kita kapag napahamak ka! Ulul!" sigaw ko sakanya. Nakita ko naman siyang napabuntong-hininga.
Ginawa ko 'yon dahil mapapahamak ka. Kung hindi ko gagawin 'yon ay mamamatay ka. Engot naman neto.
Hindi na siya kumibo at gano'n na rin ako. Umupo rin siya sa kalsada kagaya ng ginawa ko.
"I'm sorry for shouting. Thank you for saving me" nakangiting sabi nito kaya naman inirapan ko siya.
"Wala 'kong pake sa 'yo, timang" sabi ko kaya naman natawa s'ya. Maya-maya pa ay may bumusina kaya napatingin kami sa sasakyan.
Istorbo naman 'to. Sarap ng upo ko sa gitna ng kalsada e.
Tumigil ang kotse dahil kung hindi ay masasagasaan kami. Maya-maya pa ay bumaba ang driver.
Drystan?
Si Drystan nga! Hindi ko alam pero bigla nalang akong napatayo at lumapit sakanya.
"Drys!" sabi ko pero nakakapagtakang hindi ito kumikibo at nakatingin lang siya sa 'kin.
Ang blangko niyang tingin ay lumalalim. Pagtapos ay bumuntong-hininga siya at napatingin sa kamay n'ya. Napatingin naman ako doon.
Inangyan.
Nakahawak ako sa kamay n'ya! Wtf!?
Natutuliro kong inalis ang pagkakahawak ng kamay ko sa kamay n'ya.
"S-sorry...hindi ko sadya ha? A-ano kasi... hahaha n-near death experience s'ya..." pahina nang pahina ang pagsasalita ko habang bahagya pang tinuro si Ralph.
"What happened?" blangko ang mukha ni Drystan ng tanungin 'yon.
"S-si Ralph kasi---" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng biglang may humawak sa braso ko. Nang tignan ko iyon ay nakita ko si Ralph.
"It's nothing" hindi ko maintindihan pero ang seryoso masyado ng mukha n'ya. Maybe, wala naman kasing nakakatawa? Tsh! Ang pangit naman siguro tignan kung bigla siyang tumatawa.
"Oh, okay" sagot lang ni Drystan atsaka bumalik sa kotse n'ya. Pagsakay n'ya ay bumusina pa muna ito at umalis na.
"Huy, anong nangyayari sa 'yo?" tanong ko kay Ralph dahil katulad ni Drystan ay blangko rin ang mukha n'ya.
"Wala naman. Hatid na kita sa inyo" napatingin naman ako sa mukha n'ya. Ang weird lang.
Nagpauna s'yang maglakad pabalik sa school. Nakaramdam naman ako ng kaba dahil napakagentleman ng hayop na 'to.
Nagpauna talaga siyang maglakad. Hindi man lang ako inantay ampota. Paano kung ako bigla ang maheadshot dito?
Dahil sa naisip ko ay dali-dali akong tumakbo at tumabi kay Ralph. Napatingin ako sa mukha n'ya at sobrang seryoso n'ya. Nakatingin lang siya sa sahig at parang may iniisip.
"Okay ka lang?" tanong ko sakanya habang sinisilip pa ang mukha n'ya. Hindi s'ya kumibo. Mukhang 'di n'ya 'ko narinig.
Malapit na kami sa school at hindi ko napansin yung tangang bato dahilan para matapilok ako!
Tanginang bato 'to! Napakatanga!
"Aray!" biglang sigaw ko. Doon naman napatingin sa 'kin 'tong hangin kong kasama!
"Oh? Ilang isda nahuli mo?" tatawa tawang tanong niya kaya naman hinubad ko ang sapatos ko at binato siya!
Boom! Nailigtas kita sa sniper pero ako ang manghiheadshot sa 'yo, ulol!
Kita ko kung pa'no siya dumaing dahil sa lakas ng pagkakabato ko pero tawang-tawa parin siya. Pagtapos ay patakbo siyang lumapit sa 'kin at tinulungan akong tumayo.
Inamo ah. Inuna pa tawa amp.
"Oh, sabihin mo sa mama mo nakahuli ka ng tilapia hahaha" nang-aasar na sabi n'ya atsaka ipinasuot sa 'kin ang sapatos ko. Oo, teh, ipinasuot n'ya. Gentleman yarn?
Nang makatayo na 'ko ay pa ika-ika pa 'ko kung maglakad pero kalaunan ay naging ayos din. Patuloy lang kami sa paglalakad hanggang sa makarating din kami sa school.
"Can you wait me here?" sabi nito habang nasa may gate kami kaya naman sinamaan ko siya ng tingin.
"Bakit? Kapag ba sinabi kong hindi ay hindi ka aalis? Pinapairal mo nanaman katimangan mo" sabi ko sakanya at napangiti naman siya.
Umalis na s'ya kaya naman tumunganga ako ro'n nang ilang segundo. Maya-maya ay may bumusina kaya tinignan ko iyon.
"Yo, miss! Wanna ride?" maangas na tanong ng kinginang 'to. Sino pa nga ba? Si Ralph! Nakasakay siya sa kotse ngayon! Tsk!
"Ayoko e" sagot ko habang palapit sa kotse niya at sumakay.
"Hatid na kita sainyo" sabi n'ya kaya naman sarkastiko akong tumawa.
"Malamang. Alangan namang ihatid mo 'ko sa inyo. Bobo" sabi ko at tinawanan lang niya. Bet na bet ata neto na naiinsulto e.
Noong una ay walang kumikibo sa 'min. Pero nang mapatingin ako sa kanya ay may itatanong pala 'ko.
"Anyare pala kanina? Bakit wala na sila sa room?" tanong ko kaya bahagya pa siyang napatingin sa 'kin tapos ay itinutok sa daan ang paningin.
"Ahh... nakatulog ka kasi. Hindi ka na namin ginising dahil mukhang masarap tulog mo. Tinry ka kasi gisingin nong katabi mo--- na kaibigan mo ata pero walang epekto. Kaya ayun, binantayan ka nong Drystan" sabi n'ya kaya napatango tango naman ako. Pero teka...
"Binantayan ako ni Drys? Bakit naman?" nagtataka kong tanong.
"Ewan. Close mo ba 'yon? Kaya nga hindi rin ako tumuloy sa pag-alis at inantay nalang din kita kahit nada labas lang ako. Baka kasi kung anong mangyari sa 'yo" sabi nito at aaminin kong natouch ako sa sinabi n'ya.
"Hindi ko close 'yon. At hindi rin naman kita kaclose ah? Tangina mo, kinareer mo na ah? Pero salamat. Akalain mo 'yon? May itinatago ka palang bait?" pang-aasar ko sakanya kaya naman nginisihan n'ya ako. Muling natahimik ang byahe pero may tanong ako ulit hehehe.
"Nga pala, bakit naman may sniper doon at gusto kang barilin?" nagtataka kong tanong. Naging seryoso ang mukha n'ya dahil doon.
"Huwag mo ng uulitin yung ginawa mo kanina, Tia. Baka ikaw mapag-initan non at mapahamak ka pa. Hindi ko rin alam bakit may gustong bumaril sa 'kin" sabi n'ya. Nakaramdam naman ako ng kaba atsaka napatingin sa may bintana ng kotse niya.
"Sure ka bang hindi kayo close nong Drystan?" ulit niyang tanong kaya naman inis ko siyang hinarap
"Baka po transferee kayo diba? Tangina ka" sabi ko sakanya at ngumiti naman siya.
"Bakit mo nga pala natanong?" muli kong tanong sakanya.
"Hmmm... I just wonder what is he doing there that time?" napatingin naman ako sakanya. Iniiwasan n'ya ang pagiging sarkastiko. Problema nito?
"Ahh, diba kasabay natin siya kanina? Duh! Malamang uuwi palang s'ya non!" masungit kong sagot sakanya at ngumiti naman siya.
"Tama" sagot n'ya pero ang weird lang talaga.
Ralph's POV.
I know that Tatiana thinks that I'm getting weird. Hindi ko lang talaga mapigilan ang sarili ko na hindi mapag-iba iba ang emosyon ko.
I'm happy to see you this close, Tia.
Kapag nakatingin s'ya sa bintana ay tinitignan ko s'ya. Kapag naman haharap sa 'kin ay nagkukunwari akong nagfofocus sa pagmamaneho.
That innocent face of yours.
Napabuntong-hininga ako. Buti nalang at napigilan ko siya kanina sa pagsasabi kay Drystan.
I still wonder, what is he doing there at that time? I know na pare-parehas lang kaming galing sa room.
Pero nauna siyang lumabas.
Kung tutuusin ay sa paglabas namin ay hindi na dapat namin siya abutan. Unless, may ginawa pa siyang iba.
Paglabas palang namin sa gate ay may ramdam na 'kong kakaiba. Nang habulin ako ni Tia ay alam kong may kakaiba talaga dahil sa tingin n'ya.
Nagawa na naming tumakbo ni Tia, umupo sa kalsada. Ilang minuto na rin 'yon. Pagtapos ay susulpot siya na para bang pauwi palang siya?
Nong mga oras na nawala ang sniper ay sumulpot s'ya.
Kakaiba talaga ang pakiramdam ko. I looked at Tia at doon ako nakaramdam ng kaba. Paano kung sakanya may mangyaring masama? Hell no! Ngayon ko nalang ulit siya nakita... gusto ko na siyang mayakap.
Saglit ko pa siyang tinitigan bago tumingin sa daan.
I miss you, Tia.
Nakaramdam naman ako ng lungkot dahil hindi kami parehas ng nararamdaman. Hindi n'ya ako namimiss.
Dahil hindi naman n'ya ako kilala. Hindi n'ya ako matandaan. At hindi n'ya expect na ako 'yon. But I swear, I'll protect you no matter what happens. I won't let someone break you and your heart. I'll do anything for you, even if it will cost my life.
Tatiana's POV.
Nararamdaman ko ang tingin sa 'kin ni Ralph tuwing titingin ako sa bintana pero hinahayaan ko lang s'ya. Ano nanaman? kayang ganap o eksena netong karabaw na 'to?
Maya-maya pa ay malapit na kami sa 'min. Nang makarating kami ay napatingin ako kay Ralph. Saktong pagtingin ko sa mga mata n'ya ay nakabasa ako ng lungkot.
Nalungkot din ako. Weird.
"Ingat ka sa pag-uwi" nakangiting sabi ko sakanya atsaka bumaba. Nang maisarado ko na ang pinto ng kotse n'ya ay inaabangan ko sana siyang umalis bago pumasok. Pero hindi s'ya umalis, bagkus ay lumabas ito ng kotse atsaka lumapit sa 'kin.
Wala s'yang salitang sinabi. Pero nagulat ako ng hawakan n'ya ang magkabila kong pisngi atsaka ako hinalikan sa noo.
W-what was that for?
I want to ask him that pero parang napipi ako. Pumasok na ito sa kotse n'ya atsaka bumusina muna ng tatlong beses bago tuluyang umalis.
I can't move. I can't wave my hand at him.
Napahawak ako sa noo ko. What was that kiss for? Bakit niya 'ko hinalikan sa noo? Something is off! Baliw talaga yung lalaking 'yon!
Tumalikod na ako atsaka nagsimulang maglakad palapit sa pinto. I was about to open the door pero napatigil ako.
Damn!
Agad akong napatingin sa dinaanan ni Ralph at talagang nakaalis na siya! Fuck!
HOW DID HE KNOW WHERE I LIVE?
Napupuno ng tanong ang utak ko! Naaalala ko na hindi ko naman sinabi sakanya kung saan ako nakatira! Hindi rin naman siya nagtanong for directions kaya hindi ko ibinigay.
HOW DID HE KNOW? AND WHO THE HELL ARE YOU, RALPH NACPIL? WHAT THE FUCK DO YOU WANT FROM ME?
Pinakalma ko ang sarili ko dahil doon. I'll save those questions for tomorrow.
Anong kailangan n'ya sa 'kin? At sino ba siya?
TO BE CONTINUED...
_________________________________________
You being here is highly appreciated! Thank you for the support!
Votes and comments are highly appreciated!
Thank you!
-LadyEscritora

Bình Luận Sách (13)

  • avatar
    FerougeFelix Dylan

    Next pls!!!

    30/01

      0
  • avatar
    Thamia Lucinario Iroy

    GANDAA😭

    22/06/2024

      0
  • avatar
    Ronelie Balmori

    nakakarelate🥹

    24/04/2024

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất