logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Chương 4 Four

"Wow! Ang ganda talaga ni Anna Reyes!"
Buong paghangang sabi ni Chester habang tinitingnan sa laptop ko ang mga kuha kong litrato. Nandito kami ngayon sa loob ng kwarto ko at ginugulo ako ni Chester sa ginagawa kong presentation para sa Lunes.
"Magaling kasi ako kumuha," pagmamalaki kong sagot.
"Gusto ko itong kuha mo sa kanila sa the Ruins. Ongoing ba ang taping dito?" habang tinitingnan nya ang picture nila Lloyd at Ana sa hagdan na mukhang sweet na nag-uusap. Nakasandal si Ana sa pasamano ng hagdan habang si Lloyd ay nakahawak sa pasamano sa kaliwa't kanang bahagi ng bewang ni Ana at nagmukhang ikinulong ni Lloyd si Ana.
"Oo, ang sweet nila dyan," sagot ko.
"Dapat talaga sumunod na lang ako sa iyo," malungkot na sabi ni Chester.
"Mabuti nga at hindi ka sumunod."
"Bakit?"
"Ano sasabihin ko sa boss ko bakit ako may kasama sa oras ng trabaho?"
"Eh 'di bodyguard mo!" nakangiti nitong sabi.
"Wow! Tinalo ko pa yung dalawang superstar!" natatawa kong sabi.
Bahagyang sumeryoso ang mukha ni Chester at saka ako tinitigan, "You are my supernova. So, I must protect you all the time. You are a jewel, Elle," kunot-noong sabi ni Chester habang nakatitig sa akin.
Katahimikan, tila may dumaang anghel. A warm feeling embraced my whole being while our eyes are still glued with each other... but, he has a girlfriend. I reminded my heart that Chester only loves me as his bestfriend. No more, no less.
"In the Palace?" I forced myself to smile.
Kumunot lalo ang noon ni Chester at saka biglang nagliwanag ang mukha nito at tumawa.
Napangiti ako sa hitsura ni Chester. Naalala ko mag-aalasais na ng gabi. Kailangan ko magluto ng hapunan kaya napatayo ako.
"O, saan ka pupunta?"
"Magluluto ng dinner. Saan ka ba kakain?"
"Ano lulutuin mo?" tanong ulit niya habang nakasunod sa akin sa pagbaba sa hagdan.
"Uhmmmmmm... ano ba gusto mong kainin?"
"Puwede bang Seafood Marinara?"
"Check ko kung may hipon sa freezer. Although, ang alam ko namalengke si mommy nung Friday."
Pagdating namin sa kusina, binuksan ko ang refrigerator habang si Chester ay naupo sa isang stool sa countertop table.
"Great! May shrimp and scallops!"
"At saka gusto ko din ng fried chicken," malambing na sabi ni Chester.
Ngumiti ako sa kanya at saka binuksan ang chiller. Kumuha ako ng apat na drumstick.
Inuna kong hinugasan ang chicken drumstick at nilagyan ng asin at paminta. Nagbatil din ako ng itlog at inihalo sa manok. At saka ko ibinalik sa refrigerator para kumagat muna ang lasa.
Sinunod kong hinugasan ang frozen scallops at itinabi sa ref. At saka ko naman nilinis ang shrimp. At ibinalik din sa ref para masigurong hindi mabibilasa ang mga ito.
Nagsalang ako ng tubig para sa linguine habang hinihiwa ko naman ng pino ang bawang at sibuyas.
"Tulungan kita!" Sabay akmang tatayo si Chester.
"Huwag na. Upo ka lang diyan," nginitian ko sya, "naisip ko, matagal na kitang hindi napagluluto."
"Ang busy mo na kasi."
Huminto ako sa ginagawa ko at nilingon siya, "Sorry."
Tumayo ito sa kinauupuan at saka ako niyakap, "it's okay, Elle. Ganyan talaga 'pag bago ka sa work mo. Mahirap mag-adjust."
Niyakap ko sya ng mahigpit. Kapag nalulungkot ako o 'di kaya pagod ako sobra, yakap lang ni Chester ang nakapagpapagaan ng loob ko.
Nagulat kami ni Chester nang marinig namin ang pag-awas ng tubig sa kaldero. Kumukulo na ang tubig para sa pasta. Agad in-off ni Chester ang switch ng burner gamit ang kaliwang kamay habang yakap pa rin ako ng kanyang kanang braso. Humulagpos ako sa pagkakayap sa kanya at kinuha ang linguine sa pantry.
"Ako na magluluto nitong pasta para masimulan mo na yang sauce," sabi ni Chester sabay kuha ng pack ng pasta sa kamay ko.
"Okay," tipid kong sagot at saka ko binuksan ang ref para kuhanin ang ibinabad ko na drumstick. Isinalang ko ang frying pot sa pinakamaliit na burner at hinayaang uminit bago ko nilagyan ng mantika. Sinimulan ko din ang sauce ng pasta.
"Ang dami kong nakain," sabi ni Chester habang hawak ang kanyang tiyan.
"Mabuti nagustuhan mo."
"Kailan ko ba hindi nagustuhan ang luto mo?"
"Sabi ko nga," napangiti na lang ako.
Natahimik ako sandali, iniisip ko kung itatanong ko ba yung kanina ko pa gusto itanong sa kanya.
"May gusto ka itanong ano?" pangunguna ni Chester.
"Ha? Wala."
"Elle, kilala ko yang mga tingin mong yan," seryosong sabi ni Chester at saka ito huminga ng malalim, "She broke up with me."
"Again??" Naiinis kong sabi.
"For the nth time, yes."
Nakita ko ang lungkot sa mga mata ni Chester. May kung anong tumusok sa puso ko.
"Huwag ka na malungkot, mamaya lang tatawagan ka na nun..."
"I think not this time. Almost one week na kaming break."
"Bakit hindi mo suyuin?"
"Elle, mahal ko si Tanya pero hanggang ngayon hindi niya maintindihan ang trabaho ko. Hindi niya maintindihan yung pressure na binibigay sa akin ni Papa," kunot-noong sabi ni Chester, "Kaya wala akong balak na suyuin siya."
"Hindi ka ba niya tinawagan mula noon?"
"Hindi. Siya ang nakipagbreak, eh 'di siya makipag-usap. Lagi ko na lang siyang sinusuyo." Inis na sabi nito, "Ang masakit pa, pinaghihinalaan niya akong nambababae."
"Ohh." Naiiling kong sagot.
Kaya pala ako ang dinala mo sa revolving restaurant at kaya pala nakatambay ka ngayon dito sa akin kahit Sabado.
"Elle, ano iniisip mo?"
"Wala."
"Iniisip mo na kaya ikaw ang dinala ko sa revolving resto dahil break na kami ni Tanya, diba?"
Napalunok ako, nabasa na naman niya ang nasa isip ko, "medyo."
"Hindi noh! Nung sinabi yun sa akin nung may-ari ng restaurant, ikaw agad ang naisip ko, dahil alam kong mahilig ka sa mga ganung lugar," seryosong sabi nito na halatang nainis.
"Wow! Touched ako!" natatawa kong sabi.
"Hay naku, Elle. Umakyat ka na at tapusin mo yung ginagawa mo. Ako na ang magliligpit at maghuhugas nito."
"Sure?"
"Oo. Kasi maaga tayo magsisimba bukas."
"Sige," sagot ko sabay nagmamadali akong umakyat sa hagdan. Masaya ako na magsi-simba kami bukas. Matagal na rin kaming hindi nagsisimba nang magkasama.
Tinapos ko ng gabing yun ang presentation ko para sa Lunes. Inihanda ko din ang dress ko na susuutin bukas. Tulog na si Chester sa kwarto ni Mommy. Nag-usap pala sila ni mommy na dito muna sa bahay matutulog si Chester habang nasa Zambales siya para may kasama ako.
Hindi ako makatulog. Naka-text ko naman si mommy kanina kaya sure akong okay sila. Siguro excited lang talaga ako para bukas. Ilang taon na din kaming hindi nagsisimba nang magkasama ni Chester. Sinubukan ko magbilang 1, 2, 3, 4, 5, 6....... 111..... 201...
Magkahawak- kamay kami ni Chester na pumasok sa paborito naming simbahan, ang Sto. Domingo Church sa Quezon Avenue. Tulad ng dati, umupo kami sa bandang harap. Nakatitig ako sa magandang mukha ng Birheng La Naval nang maramdaman ko na parang may buhok na kumikiliti sa tainga ko.
"Elle, gising na!"
Pagdilat ng mga mata ko nasa kama pa ako pero may kung anong pumapasok sa tainga ko.
"Elle.."
Buhok ko pala ang ginagamit ni Chester pang kiliti sa tainga ko, "Chester naman eh, manggigising ka na lang ganyan pa."
"Kanina pa kasi kita ginigising. Sumunod ka na agad sa akin sa baba kasi lalamig yung niluto kong almusal," pagkasabi nito ay lumabas na ito ng kwarto ko at isinara ang pinto.
Pag-upo ko, napansin ko na may kumot ako. Eh hindi naman ako mahilig magkumot.
Tumayo na ako para maghilamos at magtoothbrush. Nagsuot lang ako ng bra at hindi na nagpalit ng pantulog, hindi naman manipis ang suot kong ternong pajama.
Nagluto si Chester ng Tuna Omelet at garlic rice na pinarisan ng brewed coffee.
"Maligo ka na. Ako na ang magliligpit dito. Tapos uuwi ako sa kabila para maligo at magbihis," bilin ni Chester.
"Ako na maghuhugas, ikaw na ang nagluto eh."
"Mas matagal ka sa akin maligo at magbihis, kaya ako na ang maghuhugas. Sige na akyat na!"
"Opo, kuya!" padabog kong sabi.
"Anong kuya?"
"Mas matanda ka naman talaga sa akin!"
"Maligo na ka na nga!" pikon nitong sabi kaya umakyat na ako bago pa tuluyang masira araw ni Chester.
Kahit noong mga bata kami ayaw ni Chester na tinatawag ko siyang kuya kahit na apat na taon ang agwat niya sa akin. Wala rin siyang maibigay na dahilan sa tuwing tinatanong ko noon, kaya akala ko gusto niya din ako.
Mula noong highschool hanggang college, papalit-palit ng girlfriend si Chester at si Tanya lang ang nagtagal sa kanya kahit pa hindi ko na mabilang sa mga daliri ko sa kamay at paa kung ilang beses siyang hiniwalayan ni Tanya na lagi niyang sinusuyo. Sa loob ng anim na taon nilang relasyon na away-bati, ngayon lang sinabi ni Chester na hindi niya susuyuin si Tanya.
"Elle, hindi ka pa tapos?" tawag ni Chester sa akin mula sa labas ng aking kwarto.
"Tapos na!"
Tumayo ako sa harap ng aking vanity mirror at isinuot ang flat sandals ko. Muli kong sinipat sa harap ng malaking salamin ang hitsura ko. Suot ko ang color mustard kong sleeveless halter neck dress na above the knee na pinarisan ko ng brown na flat sandals at sling bag.
Sinasadya ko na flats lamang ang suot kapag kasama ko si Chester dahil hindi naman siya katangkaran. 5'6" si Chester habang ako ay 5'4" at ang mga heels ko ay three to five inches.
Siniguro ko muna na walang nakasaksak na appliances sa aking kwarto at saka ako bumaba. Naghihintay na si Chester sa living room.
Napangiti ako sa suot niyang damit. Mustard Chino pants, denim polo at puting sneakers. Nakakunot ang noo nito na nagte-text kaya hindi niya napansin ang pagbaba ko sa hagdan.
"Let's go" pagtawag-pansin ko kay Chester na seryosong-seryoso sa pagtetext.
Nakakunot ang noo nito na iniangat ang tingin sa akin. Kitang-kita ko ang pagliwanag ng mukha ni Chester. Nginitian ko siya pero nanatili itong nakatitig sa akin.
"Pangit ba ang suot ko?" pag-aalala kong sabi.
"H-hindi!" tumayo ito mula sa kinauupuan, "tara!"
Pagdating namin sa Sto. Domingo Church ay sakto naman na katatapos ng naunang misa kaya mabilis kaming nakapag-park. Mula parking patungo sa simbahan ay nakaakbay sa akin si Chester, naupo kami sa pinakaharap, tulad ng dati. Pagkatapos ng misa ay hinila ni Chester ang kamay ko at naglakad kami patungo sa tulusan ng mga kandila. Nagsindi siya ng limang kandila na magkakaiba ang kulay at ganun din ang ginawa ko at sabay kaming nagdasal.
Akala ko after ng misa ay uuwi na kami. Pero nagulat ako nang pumarada siya sa harap ng isang flower shop.
"Sandali lang ako," sabi ni Chester at bumaba ito agad. Makaraan ang 10 minutes ay bumalik ito at may dalang isang basket ng Malaysian mums.
Tahimik na nagmaneho si Chester at napansin kong patungo kami ng Marikina.
"Chester, saan tayo pupunta?"
"Kay Daddy," maiksi niyang sagot habang nakatitig sa kalsada.
Lumiko kami sa Memorial Park kung saan nakalibing si Daddy. Ipinarada niya ang sasakyan sa tapat ng puntod nito.
Inilapag ni Chester ang bulaklak sa tabi ng lapida ni Daddy at nagsindi ng kandila. Tumayo siya at inakbayan ako habang tahimik kaming nagdarasal. Ilang minuto kong tinitigan ang lapida ni Daddy.
"Thank you, Chester."
Hinigit ni Chester ang katawan ko palapit sa kanya at mahigpit niya akong niyakap at saka hinalikan sa noo. Mula noong mamatay si Daddy, alam ni Chester na sa tuwing may kakaharapin akong challenges ay gusto kong magsimba at magtulos ng kandila at saka ako didiretso dito kay Daddy para hilingin din na gabayan ako.

Bình Luận Sách (26)

  • avatar
    AsanionMaria

    sobrang ganda

    11d

      0
  • avatar
    スミス シニックス

    gghhhhh

    25/07

      0
  • avatar
    Nica Ramos

    ❤️❤️

    22/07

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất