logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

CHAPTER 2

Nagulat si Alex nang pagmulat niya ng mata ay puting paligid ang bumungad sa kanya. Napabalikwas siya ng bangon. Ngunit agad na nasapo ang ulo niya. Napansin din niya ang brace ng kanyang leeg. "Sh*t!" naibulas niya ng maalalang naaksidente siya.
Sinong nagdala sa akin sa hospital kung ganoon?
"At last you're awake...Ano bang nangyari Alexandria?" ani Rio sa anak.
"It's an accident mom..." sagot niyang hindi tumingin sa mga mata nito.
"I know, but Alex...look at you...Buti nalang may nakakita sa iyo...my God! Ano bang ginagawa mo sa sarili mo? And where's Sager? Hindi ba't siya ang kasama mo kahapon?"
"Mom...please...kung sesermonan mo lang ako...mabuti pang hindi niyo nalang ako pinuntahan..."
"What? Are you listening to your self Alexandria?"
"Mom...."
"Okay...okay...I'm just worried about you...alam mo bang your dad took a flight back here dahil sa nangyari?"
"Ang OA niyo naman kasi siguro..."
"I'm not overacting, I sent him your pictures...."
"Mom! Ano ba naman iyan. You took pictures of me when I'm sleeping?"
"I can't help it"
"Kaya sinend niyo kay dad? Malamang uuwi talaga iyon...look at me. I'm having this brace and may benda ako sa ulo...sino ba namang hindi uuwi kapag nakita ako sa ganitong sitwasyon..."
"Alex mommy mo ako ha!"
"I know..."
Napabuga siya ng hangin. Kung bakit kasi naspoiled ni Xander ang anak. Ayan tuloy, pati sa kanya sumasagot.
"Mom sorry...it's just that sana hindi niyo nalang sinend kay daddy ang pictures ko...for sure magwoworry iyon..."
"I love you Alex, and alam mo naman kung gaano ka kahalaga sa amin ng dad mo. Ikaw lang ang meron kami..."
"Mom...magdadrama ka naman eh..."
"It's not drama..."
"Okay...so kailan ako pwedeng lumabas?"
"You need to stay here for 2 more days..."
"What? No! Paano ang kompanya? Mom...no please...ilabas niyo na ako rito..."
"Makinig ka, you need rest and sa ayaw at sa gusto mo magstay ka pa rito. By the way, alam mo ba kung sino ang sumagip sa iyo?"
"Sumagip? Ano ako nalunod?"
"Alexandria!!!"
"Okay, I have no idea kung sino ang tumulong sa akin..."
"He's a doctor in slum area. Kapag makalabas ka rito, pay some respect of gratitude sa tao...nakalimutan kong kunin ang name niya..."
"Why not donate to them nalang...ako pa talaga ang pupunta roon?"
"Oo Alex...and please stop being stubborn this time..."
Naiinis na ibinaling niya sa iba ang tingin. Parang sumakit tuloy ang leeg niya.
"I have to go Alex, for now ako muna ang hahawak sa kompanya...just don't make things worst okay...pagaling ka"
"Hindi ba pwedeng sa house nalang ako mom?"
"No, huwag matigas ang ulo Alex... susunduin ko rin ang dad mo mamaya sa airport so please behave..."
Umikot lang ang mata niya.
Rio kiss her forehead goodbye.
"I love you Alex"
"Love you too mom..."
Iyon lang at tuluyan na itong umalis.
Samantala hindi naman maintindihan ni Seb kung bakit nasa hospital siya ngayon. May dala pa siyang fruits and bouquet of flowers.
"Seb?" tawag ni Vince sa kaibigan.
"Oh hi" tila nahihiyang bati niya rito.
"May dinadalaw ka?"
"Uhm...yeah gusto ko lang sanang kumustahin yung pasyente kagabi...is she alright?"
Nangiti naman ang kaibigang doctor.
"Hey don't get me wrong...I'm just concerned"
"I know..." nakangiting sagot nito ngunit nakatingin sa bouquet na dala niya.
"Vince..."
"Sorry, ngayon ko lang kasi nakitang binalikan mo ang pasyente with bouquet..."
"Nakita ko lang kanina nang madaan ako sa flower shop..." paliwanag niya. And he hate it. Bakit ba napakadefensive niya kay Vince?
"Okay...nandoon ang mom niya kanina...I don't know kung nakauwi. So I have to go, magra-rounds pa ako" ani Vince at tinapunan siya ng makahulugang ngiti.
Napailing naman siya.
What is he doing here anyway? Yung totoo Seb, what's with those flowers?
Marahang katok ang kanyang ginawa bago sumilip sa kwarto ng babaeng naaksidente kagabi. She's sleeping.
Bahagyang nangiti ang binata ng mas matagal na mapagmasdan ang mukha nito. She's really beautiful at kahit wala siyang make up at may ilang galos ang braso't pisngi nito ay alam niyang makinis ang mga balat nito. Tulog nga ba ito o nagtutulog-tulugan lang?
Napailing siya. Really Seb? Kailan ka pa nagkainteres sa ganyang bagay? Ano ba kasing ginagawa mo sa hospital na ito? You're supposed to be in your clinic now pero heto ka at pinagmamasdan ang babaeng ito? Weird.
Inilapag niya ang dalang basket ng prutas at ang bouquet sa side table nito.
Maya pa'y sinulyapan niyang muli ang babaeng nakahiga sa kama.
Nagulat pa siya ng magvibrate ang phone niya.
Agad niya itong sinagot at saka lumabas sa kwartong iyon.
Unti-unti namang iminulat ni Alex ang mga mata. She's not sleeping. Akala niya kasi kanina nurse o doctor ang dumating kaya nagtulog-tulugan siya. And who's that stranger? Bakit may dala itong fruits and flowers para sa kanya? Imposible namang nagkamali lang ito ng kwartong pinuntahan.
In fairness, para siyang si Machete though nakapoloshirt itong grey at nakatuck-in sa kanyang blue jeans. Halatang alaga sa gym. Ang ganda ng katawan eh. Natawa siya sa naisip. Nakadamit ito pero kung ilarawan ng utak niya ay animo'y nakahubad ang lalaking dumalaw sa kanya.
Sino nga ba ang estrangherong ito?
Halos paliparin ni Seb ang kanyang sasakyan patungo sa kanyang clinic. Maraming tao ang nakapila sa labas nito. Kung bakit kasi inuna niyang bumili ng prutas at dumaan sa flower shop kanina at dalawin ang babaeng hindi nagpatulog sa kanya buong gabi.
"Doc Seb, pasensya na po kung tinawagan namin kayo. Marami na po kasing pasyente eh"
"It's okay, pasensya na rin po. May dinaanan lang ako" sagot naman niya.
Nagsimula ang kanyang duty ng araw na iyon. Pansamantala nakalimutan niya ang babaeng iyon na pumukaw sa buong pagkatao niya.
"Doc Seb, pahinga po muna kayo. Ako na mag-aasikaso nito" ani Ynez, isang nurse na siyang kasa-kasama niya sa duty. Dalaga ito at maganda rin naman. Lagi nga silang tinutukso ng mga tagaroon. Palibhasa ay alam nilang iisa ang nature ng kanilang trabaho.
"Thanks Ynez, pasensya na medyo sumakit ang ulo ko eh" and he knows why. Wala siyang masyadong tulog. Ipinikit niya ang mga mata upang makapagpahinga. Mukhang made-drain siya kapag hindi siya nagpahinga.
Matamang pinagmasdan ni Ynez ang binatang lihim niyang tinatangi. Ngunit mukhang mas mahal nito ang trabaho kaya impossible na mapansin siya nito.
Marami pang pasyente ang dumating ng hapong iyon. Karaniwang sakit ng ulo at tiyan ang iniinda nila.
"Sa tingin ko po kailangang maipaabot sa punong barangay ang inyong mga hinaing. Mukhang galing sa maruming tubig ang dahilan ng sakit ng ulo at tiyan ng karamihan sa inyo" ani Doc Seb.
"Doc Seb, walang makikinig sa aming hinaing. Kita mo naman, hindi tulad dito sa inyo malinis ang tubig sa gripo. Kami? Saan ba kami kukuha ng tubig na maiinom kapag naubos na ang laman ng mga container? Alas 2 ng madaling araw hanggang alas 4 lang pwedeng mag-igib...tapos malakas pa ihi ko..." anang isang residente na nagpacheck up din sa kanya.
Napabuntong hininga ang binata. Ano bang magagawa niya para sa kanila bukod sa manggamot ng libre?
"Magkano po ba ang pagpapatubig?" bigla niyang naitanong.
"Naku Doc Seb, hindi niyo na sagutin iyan. Hayaan niyo pong ang kapitan ng barangay ang umasikaso nito. Nakakahiya na po sa inyo. Lagi nalang butas bulsa niyo sa amin" anang isa pang residente.
"Gusto ko lang po matugunan ang kakulangan niyo sa patubig"
"Doc Seb, mukhang tama naman sila. Hayaan na muna nating umaksyon ang barangay. Kung wala talaga, eh di gumawa tayo ng aksyon. Tutulong po ako sa gastos" ani Ynez.
"Kuuu talaga namang bagay na bagay ang dalawa" ani Mang Berto.
"Oo nga...silang dalawa lang ang magkakaintindihan..." si Mang Estong.
Nauwi sa kantiyawan ang pag-uusap tungkol sa patubig.
Ngumiti lang si Seb. Sanay na siya sa ganitong asaran tungkol sa kanila ni Ynez. Pero sa totoo lang, wala siyang ibang maramdaman dito kundi pagtingin ng isang nakatatandang kapatid.
Nang makauwi sa apartment ay lalong sumama ang pakiramdam ni Seb. Parang lalagnatin siya kaya naman uminom siya ng gamot pagkatapos maghapunan.
Paakyat na sana siya ng kwarto ng tumunog ang kanyang cellphone.
"Oh Vince napatawag ka?"
"She's asking for your address"
"Who?"
"Ms.Alex"
"Who's Ms.Alex?"
"Hay naku Sebastian, remember yung babaeng dinala mo kagabi sa hospital?"
"Oh yeah, what about her"
"She's asking for your address"
"Why?"
"Pipikutin ka yata..."
"Hey be serious, bakit daw?"
"I don't know, but I give your address diyan sa Recto..."
"What? Alam mo namang magulo sa lugar na ito..."
"Why you sound so concerned?"
"Of course, paano kung may mangyari sa kanya?"
"Wait, nahihiwagaan na ako sa iyo ha. Kung hindi ko lang alam na wala kang time sa mga babae dahil sa trabaho natin... iisipin kong inlove ka..."
"Heto na naman ang magaling kong kaibigan...Ikaw na ang maraming babaeng naikama..."
"Not like you...virgin!"
"Hey hindi na maganda iyan...anyway is that all?"
"Opo...uy... mukhang dadalawin ka ni Ms.Alex...humanda ka..."
"Why should I?"
"Mukha siyang tiger kanina...gusto na niyang umuwi kahit di pa pwede...and believe it or not...tumakas siya after makuha ang address mo sa log book"
"What????"
"Bye for now Seb....pero alam mo natutuwa ako..."
"Loko ka talaga..."
After Vince call ay naupo siya sa sofa. Why does she needs to have his address?
Alex, ang cute ng name niya parang panlalaki.
Napailing siya. He find it overwhelming nang malamang inalam talaga nito ang address niya. Pero bakit nga ba?
ALEX' POV
Ang sakit pa rin ng leeg niya, pero bearable na. Tumakas siya sa hospital dahil hindi niya matake ang amoy noon at wala siyang balak magstay ng matagal sa ganoong klaseng lugar.
Inamoy niya ang mga bulaklak na binigay sa kanya ni Mr.Stranger. Ang kanyang knight in shining armor. Hahaha natawa siya sa huling naisip. So talagang binigyan niya ng pangalan ang estrangherong iyon. May asawa na kaya ito? Oh God, mukhang magkakasala pa yata siya. Kung talagang may asawa na nga ito.
Napailing siya sa isiping iyon. Muli niyang tiningnan ang maliit na papel na pinagsulatan niya ng address nito.
Sulat kahig manok kasi ang pirma nito kaya di niya mawari kung ano ang name. Alkish Tañez ba o Al Sebañez. Anyway pupuntahan niya ito sa susunod na araw. Sa ngayon, kailangan niyang ipahinga ang kanyang katawan at isip. Tiyak na mapapagalitan siya ng daddy niya kapag nalamang wala siya sa hospital.
Dalawang araw ang mabilis na lumipas. Heto siya at patungo sa isang barangay kung saan itinuro ng mga tambay ang lalaking estranghero. Doc Seb ang tawag ng mga tagarito sa lalaking iyon.
"Doc Seb may naghahanap po sa inyo" ani Aling Helen sa binata.
Tumayo lang ang binata at nagulat ng makita ang babaeng ilang gabi na ring gumugulo sa isipan niya.
"Hello, I don't know if you remember me but I'm here to say thank you" ani Alex.
"You're welcome, Seb" aniya at nakipagkamay dito.
Tila pareho silang nakuryente ng sandaling magdaiti ang kanilang palad.

Bình Luận Sách (66)

  • avatar
    MochimJung

    Read this story. Highly recommended 😍

    15/04/2022

      1
  • avatar
    Inday Divinagracia

    good story,,,,

    12/03

      0
  • avatar
    Catermavijay

    love it

    28/02

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất