logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Chapter 5

Dorothy's Pov
"Sorry, hindi ko naman kasi talaga sinadya —," malalim akong huminga at pinagluran ang lace ng suot-suot kong id.
"Sinadya ko talang pumuslit sa lupain n'yo, pero wala naman talaga akong planong masama gusto ko lang pumunta dito gaya ng lagi kong ginagawa at panuorin ang paglubog ng araw," muli kong pagpapaliwanag kahit wala pa naman siyang tinatanong.
Pakiramdam ko kasi kailangan kong depensahan kaagad ang sarili ko at baka isipin n'ya na masama ako at may planong nakawan sila o kung ano pa man.
"Palagi?" Tanong niyang ikinalaki ng mata ko at halos gusto ko na lang ilibing ang sarili ko sa pinong buhangin na kinatatayuan namin pareho.
Nahihiyang tumango ako, ni hind ko man lang magawang tingnan pa s'ya.
"Simula thirteen years old ako, madalas ay pumupuslit ako dito para mapanuod ang sunset 'yon lang naman tapos uuwi na rin ako," the silenced between us stretched, yon na rin ang naging hudyat ko para maglakas loob na titigan s'ya.
Katulad kanina seryoso pa rin ang kaniyang ekspresyon.
"Nagtitrespass ka dito ng ganoon katagal? Paano kung ang mga tauhan namin ang nakahuli sa 'yo? Baka napahamak ka na. Don't you know that what you did is a sin?" May bahid ng iritasyon na tanong n'ya.
"A-alam ko pero kasi," I heaved a sigh and tore my eyes off the sand and stare at him for a moment.
"Sorry, hindi ko na uulitin,"  I mumbled.
It feels like a bunch of wild animals got freed in my stomach and now they are catching the butterly that used to fly freely in there as Constantine hold my wrist and carefully pulled me towards the seashore.
The sun is about to set.
Nang hindi ko na matagalan ang pakiramdam na parang ikababaliw ko ay ako na mismo ang gumawa ng paraan para bitawan n'ya ang pala-pulsuhan ko sa pamamagitan nang paghatak dion nang marating namin ang dalampasigan.
Nang magkaroon na ng sapat na espasyo sa pagitan namin ay tsaka pa lamang ako nakahinga nang maluwag ngunit ang paru-paru sa sikmura ko ay naroon pa rin.
"You adore the setting of the sun that much and  you don't mind committing a mistake just so  you'll be able to see it every single time?" Tanong n'ya dahilan para mapasulyap ako sa kaniya.
Ang mga mata n'ya ay nakapako pa rin sa papalubog na araw.
"Siguro, hindi ba ganoon naman ang mga tao? Minsan makagagawa talaga tayo ng kasalanan masilayan lang saglit 'yong mga bagay na gustong-gusto o mahal na mahal natin," I paused for a moment and smile as I stare back at the sun.
Lumulubog na ito at para bang kinakain na s'ya ng tubig dagat.
"I just love the sunset so much, ito lang kasi ang nag-iisang bagay na alam kong masayang masilayan ang katapusan," dagdag ko pa nang tuluyan ng mawala ang haring araw.
"Uuwi ka na ngayon?" Tanong n'ya sa mas kalmadong tono.
Hindi ako nakasagot at tumango lamang. Nabablanko pa rin ang utak ko sa t'wing nakatingin ako sa kaniya at kinakausap n'ya 'ko.
"Oo, baka hinahanap na rin ako ni Lola at Mama," I mumbled.
Ang kamay n'ya ay muli niyang iniligay sa bulsa ng short na suot nito, mannerism n'ya ata ang bagay na 'yon.
"Sige, s-salamat," nakangiting usal ko at maglalakad na sana pabalik sa bakod na inakyat ko kanina para makapasok dito nang bigla n'ya na naman akong pigilan nang magsalita s'ya.
"Unbelievable, naka-uniform ka at nakapalda,Dorothy. Tapos aakyat ka ulit sa mataas na bakod na 'yan?" Hindi makapaniwalang tanong n'ya sa 'kin na parang napaka-impossible nang ginagawa kong 'yon.
"O-oo? Dito naman kasi ako dumaan kanina," may pag-aalinlangang sagot ko sa kaniya.
Bago pa man ako makagawa ng isang hakbang ay hila-hila n'ya na ulit ang pala-pulsuhan ko palapit sa malaki at kulay cream na mansyon nila.
"A-ano bang gagawin mo?" Takot at kinakabahang tanong ko ng akala ko ay papasok kami sa mansyon mabuti na lang at lumiko s'ya kung saan nadaanan namin ang malaking hardin nila kung saan saglit kong nasulyapan si Aeious, ang dalawa pang lalaki at ang iilang babaeng kasama nila.
"It'll be safer if you'll use the gate instead, marami ring tricycle na dumadaan dito. Malayo ba ang bahay n'yo?" Seryosong tanong n'ya nang makalabas na kami sa gate nilang  itim na may detalye ng gintong pintura
"Kalahating oras na lakaran mula d-dito," nag-aalangang sagot ko habang hindi mapakali at palinga-linga sa paligid.
Kinakabahan ako na baka kung ano ang sabihin ng tao na makita kaming magkasama.
Sigurado akong hindi maganda para sa kaniya na makitang kasama ang katulad ko.
"Nilalakad mo lang?" Gulat na tanong n'yang maagap at nakangiti kong tinanguan.
He sighed frustratedly.
Sandali lang hindi n'ya ba nagustuhan ang sinabi ko?
May mali ba don?
"Gabi na, ihahatid na lang kita," suhestyon n'ya na maagap ko namang tinutulan.
Sakto rin at dumaan ang isang tricycle na maagap kong pinara. "H'wag na ayos na 'ko dito. Salamat Stan," anas ko bago tuluyang umandar ang tricyle.
"Keanna! Keanna, alam mo ba nakabalik na raw si Stan dito sa Santa Catalina," nakangiti at kinikilig na pag-iimporma ni Patricia kinabukasan pagkapasok na pagkapasok n'ya pa lamang sa classroom na siyang naging numero unong usapin ng mga babae sa classroom maging sa buong paaralan.
Natigil ako sa pagrereview nang maramdaman ko ang mahinang pagsiko sa 'kin ni Val.
"Hindi mo ba narinig? Your knight in shining hoodie is back," anas n'ya at pinagdiinan talaga ang salitang knight in shinning hoodie, sa kaniya ko lang kasi naikwento ang naging pagtulong sa 'kin dati ni Stan.
Saglit kong inilapag ang reviewer na hawak-hawak ko at pinasadahan s'ya ng tingin.
"Alam ko, nakita ko na s'ya kahapon," maikling sagot ko at hindi na nagbigay pa ng ibang detalye kahit na pinipilit n'ya ko sa maghapon hanggang sa matapos na lamang ang aming klase.
Nang mag-uwian ay mas pinili ko na lang na maglakad bukod kasi sa wala na 'kong pera ay nagbabaka sakali rin akong baka masulyapan ko ulit si Stan  sa mansyon ng mga Montefiore.
Kahit na mahigit kalahating oras na ata akong naglalakad bitbit ang backpack sa 'king likuran na may kabigitan rin ay hindi pa rin mawala-wala ang mga ngiti sa 'king labi lalo na nang malapit na ako sa mansyon nila.
Mas lalong lumapad ang ngiti sa labi ko nang matyempuhan kong nakabukas ang malaki nilang gate dahil sa pagpasok ng kulay itim na kotse, mula sa isang sulok ay tumigil ako para sana tumingin sa loob at hindi ako nagkamali nakita kong nakatayo at nakangiti si Stan malapit sa gate habang hinihintay na lumabas ang kung sino man mula sa kakapasok lang na itim na kotse.
Ang mga ngiting 'yon ay nawala nang makita ko ang magandang babae na bumaba mula roon at mabilis na umamba ng yakap sa kaniya.
Binuhat n'ya pa 'to ng bahagya at kitang-kita ko sa mga mata n'ya kung gaano s'ya kasaya ngayon.
Ang nakita kong 'yon ay naging sapat na para umalis ako at magpatuloy sa paglalakad ng may mabigat na pakiramdam, nasasaktan ako at naiinis.
Hindi ko alam basta ayoko 'yong nakita ko kanina at paulit-ulit ko 'yong naalala sa isipan ko hanggang sa makarating na 'ko sa bahay.
Katulad ni Ate Harlene ay maputi rin 'yong babae, sobrang ganda n'ya at ang ganda-ganda rin ng bihis n'ya.
Baka s'ya 'yong bagong nobya ni Stan.
Ganoon siguro 'yong gusto n'ya 'yong mapuputi, magaling mag-ayos ng sarili at galing rin sa mayamang pamilya katulad n'ya, samantalang ako mukhang morenang patatas na nagkaroon ng buhay.
"Dorothy, sasama ka mangisda sa 'min nila Mang Ambo bukas? Wala namang pasok bukas di 'ba dahil sabado?" Bungad ni Henry ng makita ko s'ya sa tindahan ni Aling Rosing na umiinom ng softdrinks.
"Ayoko, hindi ako sasama mangingitim ako lalo don!" Halos pasigaw na sinabi ko na ikinagulat n'ya naman.
"Oh ba't ka galit? Nagtatanong lang naman ako atsaka ano na namang problema mo? Maganda ka naman kahit morena ka," aniya nang mahabol ako mula sa mabilis kong paglalakad.
"Gusto kong maging maputi, Henry," wala sa sariling sambit ko nang tumigil ako sa paglalakad para harapin s'ya na s'ya namang ikinatawa n'ya.
Dorothy, you really should get a grip of yourself. Asa ka naman, kahit na pumuti ka hindi ka pa rin magugustuhan ni Stan.
Kasalanan na pangarapin mo ang katulad n'ya, sa isip-isip ko na lalong nakadagdag sa sama ng aking loob.
Ang pangarapin ko na maging akin si Stan  ay halos maitutulad na rin sa pangarap ni Lucifer na matalo ang Diyos, masama 'yon at hindi nakakabuti kaya naman kailangan ko nang itigil 'to, bukod sa wala namang patutunguhan 'to ay masasaktan lang ako.

Bình Luận Sách (50)

  • avatar
    Edjimar Paguntalan

    HahahahahaHHhHhaHhHHHahahahahahhahahahahahahahahahahahahahahahahhahahahahahaabhahahahahahahahahahahahahahahahahahahhahahahahahahaahahahahahahhahahahahahahahahahahahahahahahahhahahahahahahahahahhahahaha

    29d

      0
  • avatar
    Mary Buen Castle

    great story!

    16/07

      0
  • avatar
    Sean Symon Mendoza

    so butiful

    11/07

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất