logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Kabanata 3

Hindi agad ako nakasagot sa tanong niya. I wanted to tour him around but I can't still remember and I need to find my Mom. Siguro, hinahanap na ako 'nun at nag-aalala na dahil hindi ko alam ang pasikot-sikot sa lugar na'to. Pero ayoko 'rin siyang iwan mag-isa dito. Kakasabi lang niya na wala siyang kakilala at ngayon lang siya nakarating dito.
"Kung may pupuntahan ka pa, ayos lang. I won't force you. " he said and I suddenly feel guilty. Tinulungan niya ako kanina kay bakit hindi ko siya sasamahan? Alam ko naman kung saan naka park ang sasakyan namin kaya pupuntahan ko na lang 'yun mamaya.
"W-Wala naman akong pupuntahan kaya sasamahan na lang kita. Though, I'm not familiar with this place. Wala kasi akong maalala. " I told him. Kung sasamahan ko man siya, hindi ko 'rin alam kung saan ko siya dadalhin. Sa sentro na lang siguro dahil karamihan sa mga tao doon ang punta.
"Wala kang maalala? "
"An accident happened and I was one of the casualties. "
It's weird telling this to him. We do not know each other but here I am teling him my story. Wala naman sigurong masama kung sasabihin ko 'to sa kanya diba?
"I'm sorry to hear that. "
"It's okay. Alaala lang naman ang nawala sa akin. Babalik 'din 'yun kalaunan. "
Maybe, I was lucky enough to survived from that accident. Ngunit hindi ko pa 'rin maiwasang malungkot dahil lahat ng mga magagandang alaala na meron ako, hindi ko alam kung maibabalik pa ba.
Pareho kaming nagkatitigan. Nakita ako ang kalungkutan at pangungulila sa mga mata niya. He avoided my gaze. Bumuntong hininga ako at tiningnan ang mga taong dumadaan. Lahat sila nakasuot ng maskara at masayang naglalakad kasama ang mga taong mahahalaga sa kanila.
Is it normal to be happy and sad at the same time? Bakit hindi ko magawang maging masaya?
"Kallista. " Tuluyan ng bumigat ang nararamdaman ko. Hearing his voice, hearing him calling me and whispering this familiar name, somewhat hurts.
Sa kabilang daan, may namataan akong lalaking nakatayo at nakamaskara. He was staring silently at me. Siya ba ang tumatawag sa akin?
"Hahanapin kita. "
Tumalikod siya at naglakad papalayo. Isa lang ang nasa isip ko ng mga oras na iyon, ang tumakbo at sundan siya. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko habang hinahabol ang lalaking iyon.
"Kallista. "
"Rein! "
Dalawa silang tumatawag sa akin, magkaibang pangalan at magkaibang epekto sa akin. The guy who helped me earlier followed me. Tumatakbo siya at hinahabol ako. Habang tumatakbo naman ako at hinahabol ang lalaking hindi ko kilala. We were running and almost breathless. Pareho kaming tumatakbo at pilit hinahabol ang mga bagay na walang kasiguraduhan.
Saglit akong natigilan. Ngayon ko lang napansin na nakarating kami sa isang makitid na daan. Wala na doon ang lalaking nakita ko kanina. Namalikmata lang ba ako? Am I hallucinating the whole time? Hindi ko na alam. Naguguluhan na ako.
"Rein, are you okay? "
I remained silent. Nanatili lang tingin ko sa harapan. Ano bang nangyayari sayo Rein? You are not Kallista. Hindi ikaw ang tinatawag ng lalaking iyon. Get a hold of yourself, please..
"I'm sorry. Nagkamali lang pala ako. Let's go back. "
I tried to smile at him. Bakit ba kasi bigla-bigla ka na lang tumatakbo Rein! Nababaliw na yata ako.
The guy in front of me handed his hands. Napatingin ako doon. Ano namang gagawin ko sa kamay niya? Nag-angat muli ako ng tingin sa kanya. He chuckled. Anong nakakatawa? May nakakatawa ba?
Siya na mismo ang kumuha sa kamay ko. Nagulat ako sa paraan ng paghawak niya. It was nostalgic. Talaga bang hindi kami nagkakilala ng lalaking 'to noon? O baka niloloko at pinapaniwala ko na naman ang sarili ko. Hindi niya ako binitawan hanggang sa makalabas kami sa makitid na daan na 'yun.
"What's your name? Hindi ko pa pala naitatanong sa'yo. Kilala mo na ako tapos hindi ko alam anong pangalan mo. "
"It doesn't matter. "
"Huh? "
"Wala. Mamaya ko na lang sasabihin sayo. "
Hindi ko na lang siya pinilit dahil wala talaga siyang balak sabihin sa akin ang pangalan niya. He's weird. Kinuha ko ang kamay ko mula sa kanya. Kaya ko namang maglakad ng hindi hinahawakan ang kamay ko. He may look harmless at all but I don't trust anyone. Wala na akong pinagkakatiwalaan maliban sa sarili ko.
"Bakit ka tumakbo, kung ganun? " he asked curiously.
Bakit nga ba ako tumakbo? Hindi ko alam anong dahilan. Dahil pakiramdam ko ang lalaking iyon ang tumatawag sa akin kaya tumakbo ako at hinabol siya.
"Nothing. "
Mukhang hindi siya kumbinsido sa sinabi ko pero nanahimik na lang siya. Nanatili lang ang tingin niya sa akin. Tuluyan na akong humarap sa kanya. This time, I handed my right hand to him. Nagulat siya sa ginawa ko. Ganyan 'rin ang reaksyon ko kanina.
"Wala naman akong alam na pwede nating puntahan maliban sa sentro, kaya doon na lang tayo. Narinig kong may sayawan mamaya, "
His eyes remained at my hand. Nagdadalawang isip yata kung tatanggapin ba niya. Tinggap ko nga ang kamay niya kanina kaya bakit ngayon ayaw niyang tanggapin ang kamay ko? Ibaba ko na sana ngunit kaagad niya itong kinuha. Ngumiti ako at hinigit siya. Sumabay kami sa mga taong naglalakad patungong sentro. Sobrang rami nila kaya mariin ang hawak ko sa kamay niya. I still don't know his name and I don't know what to call him. Bakit ba kasi ayaw niyang sabihin?
Tahimik lang siyang nakasunod sa akin at ganun 'din ako. Wala naman akong sasabihin pa sa kanya.
"Mahilig kang sumayaw? " after a minute of silence, he finally spoke. Binalingan ko siya ng tingin.
"Siguro noon, hindi ko alam. "
"Kahit nawalan ka ng alaala, ang bagay na ginagawa mo noon, maalala pa 'rin ng puso mo. Someone said to me that before. "
Mga bagay na gusto kong gawin? Hindi ko nga alam ano ang mga 'yun.

Bình Luận Sách (77)

  • avatar
    PermejoJoshua

    hsjdjjdjfj

    03/08

      0
  • avatar
    Rayyan A Manalocon

    ganda

    03/08

      0
  • avatar
    SandiaRizLea

    super ganda

    25/07

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất