logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Kabanata 2

"Paano kapag may sumuway? Anong mangyayari? "
Napitigil si Mommy sa paglalakad kaya napatigil 'rin ako. She eyed me seriously.
"Stop thinking about it, Rein. Malapit na tayo sa sentro kaya huwag kang lumayo sa akin. " aniya. Wala akong ibang nagawa kundi ang tumango at sumunod sa kanya.
"May sayawang mangyayari mamaya hindi ba? " Napatingin ako sa babaeng nakamaskara na nasa kaliwa ko. Akala ko ako ang tinatanung niya pero iyong lalaking may suot na flower crown pala.
"Yes. It's weird though, last year they didn't included that part. Hindi ko alam kung bakit binalik na nila ngayon, "
"Well, maybe, they finally realized that this is a great opportunity for the lovers out there, like us. "
"I guess so, "
Dahil sa pakikinig ako sa kanila, huli ko nang mapagtanto na wala na si Mommy sa tabi ko. I saw her, but she's too far from me, and maybe she didn't noticed that I was no longer beside her. Marami na 'ring tao kaya nahihirapan akong hagilapin siya. Fear suddenly consumed me.
"My! " I yelled but it seems like she didn't hear me. Sinubukan kong tumakbo ngunit dahil sa dami ng tao, hindi ko nagawa. Nanlamig ako nang tuluyan na siyang nawala sa paningin ko.
"Kallista, "
Then, out of nowhere, I heard his voice once again. Tumigil ako sa paglalakad at napatingin sa paligid. Muntikan na akong mabungo ng isang lalaki dahil nakaharang ako sa daan. Hindi ako mapakali sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko. What's happening? Why am I feeling this way?
"Kallista, "
Who are you? Why are you doing this? I am not Kallista! Tumigil ka na. Pagod na ako. Wala na akong naiintindihan sa lahat ng mga nangyayari. Bakit parang pinagkakaisahan niyo lang akong lahat? Until now, I still can't remember a thing and I'm scared that maybe my memories won't ever come back. And I'm starting to doubt everyone. What if they lied to me? What if they made me believe those things to deceive me?
Talaga bang naaksidente ako?
Am I really Rein?
Sino si Kallista at anong koneksyon niya sa akin?
Sino ang lalaking naririnig ko sa isipan ko?
Ano ba talaga ang totoo?
Am I...... Kallista?
Natigil ako sa pag-iisip nang may biglang tumulak sa akin. Sa sobrang lakas nito, nawalan ako ng balanse. My eyes widened. Hindi ko inanasan ang galaw na iyon, dahil sa dami ng tao hindi ko nakita ang tumulak sa akin. Inaasahan kong madadapa ako o kaya'y matatapakan ng ibang tao, ngunit isang kamay ang biglang humigit sa akin.
"Easy, " he whispered. Sobrang lapit namin sa isa't-isa, ang kamay niya ay nasa bewang ko at mariing nakahawak. I can hear his heart beating rapidly and loudly, same as mine. We were staring at each other for too long. Ayokong bumitaw sa kanya, hindi ko alam kung ano ang dahilan.
Nakasuot siya ng maskara kaya hindi ko makita ang mukha niya. Tanging ang mga mata niya ang nakikita ko na sobrang pamilyar sa akin. I think I saw it before but I don't know where.
"You're safe now, Rein. " his voice was low yet so familiar. Everything about him is familiar, his eyes, his touch, the way he called me, his embrace. I don't know him, he's a complete stranger to me yet why am I feeling this way?
"W-Who are you? "
Ako ang unang kumalas sa titigan naming dalawa. Mabilis ko siyang itinulak upang makalayo sa kanya. People were staring at us but he didn't care at all. His eyes remained staring at me. Inayos ko ang gusot sa damit ko at nakita kong bumaba ang tingin niya roon. My face reddened.
Dahil nasa gitna kami ng daan, iniwan ko siya doon at pumunta sa gilid ngunit sinundan niya ako. Hindi niya ako nilulubayan ng tingin.
"Rein, " he called me. Hinarap ko siya at kinunutan ng noo. He knows my name, how come? Nagkakilala na ba kami dati? There's a possibility since I lose my memories and I can't remember. Kung ganun, nakalabas na ako sa bayan na 'to noon? O kaya ay nagkakilala kami noong nakaraang annual thanksgiving? Maraming posibilidad pero bakit pakiramdam ko wala sa dalawang nabanggit ko. Or am I just being paranoid?
"P-Paano mo ako nakilala? " Hindi ako makatingin sa kanya ng diretso dahil naaalala ko ang pagtitig niya sa akin kanina.
"I heard from your Mom. I didn't mean to eavesdrop though. Talagang malapit lang kayo sa akin kanina, kaya.. " he trailed off. His eyes didn't left me. Sinusundan niya ang bawat kilos ko. Now, I'm starting to get uncomfortable. Naco-conscious 'rin ako sa bawat galaw ko dahil panay ang tingin niya sa akin.
"Oh, " I gasped. Mali pala iyong iniisip ko. Ngayon lang kami nagkita, bakit ba kasi inisip ko iyon kanina? Well, he's familiar that's why! My eyes widened when I realized something. Hindi pa pala ako nakapagpasalamat sa kanya.
"Thank you for saving me earlier. " There. I finally said it.
He looks shocked when I told him that. Nang makabawi, nag-iwas siya ng tingin. Ako naman ngayon ang nakatitig sa kanya. What's with his reaction? Ngayon lang ba may nagpasalamat sa kanya?
"Kahit sa pangalawang pagkakataon, gagawin ko pa 'rin 'yun. " namamaos niyang sinabi. Mahina lang 'yun ngunit narinig ko. Parang ayaw niya pa ngang marinig ko iyon. Ngunit malapit kami sa isa't-isa kaya maririnig ko talaga.
"What do you mean? H-Have we met before? "
Tumingin ulit siya sa akin. Umiling siya at mas lalong lumapit sa akin. Napaatras ako.
"Don't mind me. May naalala lang ako. "
"Okay. If you say so. "
Tumalikod ako at handa na sanang iwan siya doon ngunit agad niya akong hinigit. Natigilan ako sa ginawa niya. I wasn't able to process his sudden move.
Why do I feel like we've met already? Bakit sobrang pamilyar niya sa akin?
"I'm still new to this place. Wala 'rin akong kakilala. Pwede mo ba akong samahan? "

Bình Luận Sách (77)

  • avatar
    PermejoJoshua

    hsjdjjdjfj

    03/08

      0
  • avatar
    Rayyan A Manalocon

    ganda

    03/08

      0
  • avatar
    SandiaRizLea

    super ganda

    25/07

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất