logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Chapter 3

*-*-*-*-*-*-*-*
(iii)
-------------------
Mapeh namin ngayon at hindi ko alam kung anong isasagot kay ma'am kung sakaling may itanong man siya dahil una, hindi ko yata makakasundo ang kahanginan ng lalaking iyon at pangalawa, nakakainis siya at halatang wala sa bokabularyo niya ang pag-aaral.
"Kumusta? Nagka-usap na ba kayo kahapon?"
Agad na bungad sa 'kin ni ma'am. Tipid na ngumiti lang ako at sinabi ang totoo. Na hindi ako sinipot ng lalaking iyon. Gusto ko sanang magreklamo pero wala naman akong karapatan para gawin 'yon kaya tinikom ko na lang ang bibig.
"Vacant niya ngayon, gusto mo bang magpa-excuse sa subject ko at turuan na lang siya? Sigurado naman akong mabilis kang makakahabol sa lesson eh."
Napaisip ako. Hindi pa ako nakakasagot nang may kumatok sa pinto at nag-excuse si ma'am para tignan kung ano 'yon.
Tinawag niya ako kaya tumayo ako at pumunta sa gilid niya. Nadoon yung Ace na tamad na tamad na naman. Nakangiti. Ewan ko ba pero naaasar ako sa ngiti niyang 'yon.
Sinabi ni ma'am na gamitin ko na lang ang oras ng ICL namin para i-tutor siya. Tumango na lang ako at agad na inayos ang gamit.
"So, saan tayo?"
Tanong nito habang nakasunod siya sa may likuran ko. Hindi ako lumingon at hindi ko rin siya sinagot.
"Pipe ka ba?"
Kumunot ang noo ko at huminga nang malalim. Hindi ko pa rin siya nililingon at hinayaan na lang itong bumulong ng kung ano.
Tumigil ako sa Math Garden at naupo sa isang bench na nandoon. Gawa ito sa kahoy ng mangga at sa harap ay isang mesa na ganoon din. May garden kasi ang bawat major subject at dito ko napiling pumwesto.
"Hindi mo ba ako pauupuin?"
Tanong nito habang nakatingin sa bag na nasa tabi ko. Nakangiti niyang binuhat ang bag ko at nilagay iyon sa mesa. Nakatingin lang ako sa kaniya nang umupo ito sa tabi ko. May sapat na distansya pa rin naman pero sinamaan ko siya ng tingin.
Hindi niya ako pinansin at ipinatong pa ang paa sa mesa, bagay na ikinainis ko lalo.
"Bakit?"
Takang tanong nito. Siguro ay napansin niyang masama ang titig na ipinupukol ko sa kaniya. Tinignan ko ang paa niyang nasa mesa saka siya pinagtaasan ng kilay.
"Umalis ka riyan."
Mariing sabi ko. Natawa siya saka tumayo. Akala ko ay wala siyang balak umalis pero lumipat pa rin siya sa harap ko. Ibinalik ko ang mga gamit na inalis niya sa tabi ko at inilabas ang papel kung saan nakasulat ang mga dapat sanang ituturo ko sa kaniya kahapon.
Inilatag ko sa harap niya ang papel at ballpen. Tinignan niya 'yon at saka ako tinawanan. Hindi ko tuloy alam kung mukha ba akong clown sa paningin niya o ano.
Asar na kinuha ko ulit ang papel at nag-explain sa kaniya kung ano yung nasa papel.
"Familiar ka naman siguro sa quadratic formula? First, dapat memorize mo ang formula--"
Binulugan ko ang nakasulat na formula sa papel. Pinaliwanag sa kaniya ang pasunod sunod na steps para ma-solve ang problem na binigay ko sa pamamagitan ng quadratic formula.
"Naiintindihan mo ba?"
"Ha?"
Takang tanong nito kaya napakunot ako ng noo at tinaasan siya ng kilay. Dalawang beses ko pang pinaliwanag at isang tumataginting na 'Ha' ang isinagot niya.
"Nakuha mo ba yung sinabi ko? Nakinig ka ba?"
"Hindi eh. Sorry may iniisip ako."
Tinignan ko siya nang hindi makapaniwala. Okay, gusto ko ang pagiging honest at straight forward niya pero nakakainis pa rin.
Gusto ko siyang sigawan. Yung totoo? Hindi ba makapaghihintay ang iniisip niya? Gaano ka-importante? Kung hindi siya interesadong makinig ay maiintindihan ko naman kung patitigilin niya ako sa pagsasalita. Madali naman akong kausap.
Hindi ko ugaling makiusyoso pero sa sobrang pagkainis ay tinanong ko kung ano ang iniisip niya.
"Anong iniisip mo?"
"Kung ano yung menu sa canteen ngayon. Nagugutom na ako eh."
Huminga ako nang malalim saka mariing pumikit. Pagdilat ko ay nakangiti siyang nakatitig sa'kin.
"Okay. Kung gusto mo, pwede kang pumunta sa canteen para tingnan."
Mahinahong sabi ko. Kahit iba naman yung gusto kong sabihin at gusto ko siyang sigawan sa mga oras na 'to.
"Sure?"
Paninigurado nito habang nakatingin sa 'kin. Hindi ako sumagot at kinuha ko na lang ang notebook saka nagsulat.
"Okay, mabilis lang ako."
Umirap ulit ako hanggang sa makaalis siya. Inis na tumingin ako sa relo ko. Mahigit 30 minutes na ang iginugol ko sa pagpapaliwanag ng isang simple at napakadaling formula para malaman na hindi siya nakikinig at ngayon, ayon siya. Nagugutom.
Naghintay ako ng halos ilang minuto bago ko siya nakitang naglalakad papunta sa pwesto ko. May hawak siyang coke in can at isang sandwich. Pasipol sipol pa siya kaya lalo akong naiinis at naiirita.
Naupo siya sa tapat ko at kumain habang ako ay nanatiling nagsusulat ng mga problem sa notebook. Pagtunghay ko ay nakatingin siya sa 'kin.
"Gusto mo?"
Alok nito habang nakataas pa ang sandwich na kinakain niya. Gusto kong sabihin na 'nag-alok ka pa kung para sa 'yo lang naman 'yang binili mo' pero inirapan ko na lang ito at hindi na pinansin pa.
"Ganiyan ba kahaba ang pasensya mo?"
Curious na tanong niya. Hindi ko siya pinansin at inirapan lang ulit.
"Ano ba 'yang sinusulat mo at hindi ka pa rin tapos?"
Akmang sisilipin niya sana ang notebook ko pero agad ko itong iniiwas at tinignan siya nang masama.
"Relax. Hindi ko aagawin okay?"
Natatawang sabi nito habang nakataas pa ang dalawang kamay bilang pagsuko.
Akala ko ay tatahimik na siya at kakain na lang pero nagsalita ulit ito matapos ubusin ang kinakain niya.
"Ilang taon ka na ba?"
Tinapunan ko lang siya ng saglit na tingin at hindi siya sinagot.
"Hindi mo talaga ako sasagutin? Hindi ka naman pipe eh. Nagsasalita ka naman."
Humawak pa ito sa baba niya at waring saglit na nag-isip.
"Ah. Nahihiya ka ba sa 'kin?"
Nag-angat ako ng tingin at pinagtaasan siya ng kilay. Sumingkit ang dalawa nitong mata, tanda ng pagtawa niya.
"Eh ako? Kilala mo ba ako?"
Halos dama ko ulit ang hangin. Pakiramdam ko ay may malaking electric fan sa harap ko.
"Magku-kuwento na lang ako."
Sambit niya, bagay na ikinairap ko.
Sa totoo lang. Hindi naman kasali sa pagtuturo ko sa kaniya ang story telling. Pero pinabayaan ko na lang siya sa kung anong gusto niyang ikuwento. Bibig niya naman 'yon at may kalayaan siyang magsalita at tumigil sa pagsasalita kailan niya man gustuhin.
"Teka, alam mo ba ang pangalan ko?"
Tanong niya. Hindi ako nag-angat ng tingin sa kaniya. Kunwari ay wala akong naririnig. Kunwari ay wala akong nakikitang tao sa harap ko.
"Ace Vergara ang pangalan ko. Alam ko namang interesado ka rin sa 'kin."
Sa sinabi niyang 'yon ay nag-angat ako ng tingin para tingnan siya nang masama. Natawa ito.
"Finally, tumingin ka rin sa 'kin. Ano? Naga-gwapuhan ka na ba sa'kin?"
Umirap ulit ako at akmang ililigpit na sana ang mga gamit nang bigla ulit siyang magsalita.
"Teka, aalis ka na? Hindi pa tapos yung vacant ko ah?"
Tumayo siya at kinuha ang papel na hawak ko. Kinuha niya rin ang ballpen ko bago umupo ulit.
Nakataas lang ang kilay ko habang tinitingnan pa rin siya nang masama.
"Bakit? Ipaliwanag mo nga ulit."
Utos nito. Napabuntong hininga na lang ako at naupo ulit. Mula sa umpisa ay inulit ko ang mga sinabi kanina. Walang naiba. Nakahalumbaba siyang nakatingin sa 'kin habang nakangiti. Hindi ko na lang siya pinansin at nagpatuloy na lang sa ginagawa.
"Nakuha mo na ba?"
Napakamot ito sa ulo niya bago ako tiningnan nang nakangiti.
"Ano nga ulit yung sinabi mo?"
Bumalot ang matinding katahimikan sa pagitan namin. Automatic na uminit ang ulo ko sa sinabi niya. Ayoko na. Inuubos niya ang pasensya ko.
Tumayo ako at iniligpit na ang mga gamit. Padabog kong pinaglalagay sa bag ang mga papel na nagamit ko. Tawang tawa siya habang nakikita akong nagdadabog dahil sa inis.
Walang lingon na naglakad ako paalis doon. Pakiramdam ko ay sasabog ako dahil sa sobrang pagkairita, pagka-asar at pagkayamot. Nakakainis!
"Wait!"
Pahabol pa nito habang rinig na rinig ko ang malakas niyang tawa. Animo ay nagwagi siya at tuwang tuwa.
"Sandali--"
"Ano?"
Pagputol ko sa sasabihin niya nang hawakan niya ako sa balikat. Umatras siya nang bahagya bago itinaas ang dalawang kamay.
"Chill. Okay, sorry na. 'Wag ka nang magalit."
"Wag mo 'kong kakausapin."
Seryoso at mahinang sambit ko. Tinalikuran ko na siya at hindi na nilingon pa. Nagtuloy-tuloy lang ako sa paglalakad at sa halip na dumiretso sa classroom ay pumunta ako sa faculty room at tinungo ang table ni Ma'am Aydalla.
"Ma'am, ayoko na pong maging tutor ng Ace na 'yon."
Diretsang sabi ko. Nagtatakang tinignan ako ni ma'am.
"Bakit? May ginawa ba siya sa'yo?"
"Wala po. Magiging busy lang po kasi ako."
Mabilis na sagot ko.
"Pero hija-"
Huminto siya sa pagsasalita saka ako tinimgnan. Hinilot nito ang sentido niya saka umiling-iling.
"Sakit talaga sa ulo ang batang 'yon."
Bulong pa nito. Hindi na lang ako umimik pa at nanatiling nakayuko lang.
"Okay, sige. Salamat na lang hija."
Disappointed. Kahit hindi niya sabihin ay alam kong ganoon ang nararamdaman niya sa biglaang pag-ayaw ko sa request nito.
"Sorry po."
"No. Its okay. Sige na, late ka na sa sunod niyong subject."
Ngumiti siya matapos sabihin 'yon. Kaya wala akong ibang nagawa kundi ang lumabas doon at bumalik sa classroom namin.

Bình Luận Sách (19)

  • avatar
    Ayiesha Abalde

    love it

    24/07

      0
  • avatar
    BatoMark

    nice

    09/07

      0
  • avatar
    RonquilloJessa

    good

    04/07

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất