logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

ANG MAPANLINLANG NA KAGUBATAN

KABANATA 7:
NAGPATULOY sa paglalakad. Sobra silang namamangha sa kagandahan ng lugar na kanilang kinatutungtungan.
"Guys, ano 'yon? Kalsada?" pagtuturo ni Jerry sa loob ng kagubatan.
"Oo nga, pero ba't may kalsada rito?" napatanong din si Marjon.
Lumapit ang lalaki at pinagmasdan din iyon. Bumabalik sa kanya ang mga alaala noong mga araw na nasa gitna siya ng kapahamakan at ang kalsadang ito ang naging palatandaan niya para makalabas.
"Dito ako hinabol ng daan-daang mga hindi maipaliwanag na halimaw. Sa kalsada ring 'yan ko nasaksihan kung paano ubusin ang aking mga kasamahan. Sobrang nakakatakot ang kanilang mga anyo at-" hindi naituloy ang sasabihin dahil naalala rin nito ang sakit na dinanas. Ilang sandali pa'y muling sumakit ang kanyang ulo.
Nagkatinginan ang magkakaibigan at nag-umpisa na namang makaramdam ng kaunting takot. Lumapit si Mrs. Cassandra dito.
"Naiintindihan namin ang mga pinagdaanan mo. Kaya nga tayo narito upang muli mong makaharap ang mga sinasabi nilang halimaw sa Isla nang makaganti ka sa kanila," matapang na sabi ng guro.
Tumango ang lalaki at ipinagpatuloy ang paglalakad. Nagtungo sila sa kalsada at nilakad iyon ng diretso. Sa pagpapatuloy ay napansin ni Kristine na tila kanina pa walang kibo ang nobyong si Kris.
"May problema ba?" tanong ng dalaga.
"Wala naman, may naalala lang ako kanina," tugon nito na ang mga binanggit ng dalaga habang natutulog ang kanyang iniisip.
"Okay," sambit ni Kristine.
Patuloy sila sa paglalakbay. Ang iba sa kanila ay nakakaramdam na ng pagod.
"Hanggang saan ba tayo Sir?" tanong ni Andrei.
"May isang lugar pa akong hinahanap kung saan tayo magtatayo ng mga tent. Malayo 'yon sa mga nilalang na nakita ko rati," tugon nito.
Wala silang magawa kundi ang magpatuloy. Sa kabilang banda, nakadaong na ang yate nila Stephanie.
"Wow! Sobrang ganda pala talaga rito!" pagkamangha ng dalaga.
"Yup, ang sarap ng sariwang hangin. Napakalayo ng itsura nito sa syudad," pagsang-ayon naman ni Loraine.
"Natural, isla 'to kaya mas masarap sa mata ang mga tanawin dito," bigkas ni Jhyrica.
Bumaba na sila papunta sa gilid ng baybayin. Nagtakbuhan sila na parang mga bata at ang iba'y humihiga pa sa buhanginan at dinadama ang kalinisan nito.
"Parang ayaw ko ng umuwi, sarap manirahan dito!" sigaw ng dalaga.
Pinagmamasdan lamang sila ng lalaking nagdala sa kanila rito.
"Huwag kayong masyadong maging masaya. Ang ganda ng Islang ito ay kabaligtaran sa naging nakaraan at mga nangyari," malalim na sabi nito.
Nagkatinginan ang tatlo pero agad namang nagtawanan dahil hindi nila alam at naintindihan ang ibig sahinin ng mga sinabi nito.
"Kuya Winston, huwag n'yo naman po kaming takutin. Alam niyo po ba, sumunod talaga kami rito kasi nandito 'yung matalik kong kaibigan na si Kristine. 'Yung mga nauna sa amin. Nasaan nga pala ang yate nila?" pagsisinungaling at patanong nitong sabi.
Inilibot nila ang mga mata at sa hindi kalayuan ay napagmasdan nila ang isang yate na marahil ang sinakyan ng grupo ni Mrs. Cassandra.
"Tara, punta tayo roon," anyaya ni Loraine.
"Kuya?" tanong ni Stephanie sa lalaki.
Tumango ito at naglakad na ang tatlo. Tinitigang mabuti ng lalaki ang kagubatang nasa harapan. Alam niya na sa likod nito ay maraming surpresang naghihintay at mga bagay na gugulat sa mga baguhang kasama niya at ng kanyang kapatid na si Sir Jude. May dahilan ito kung bakit nagbalik dito at may nais na makita at mapaghigantihan. Ngumiti siya ng napakasama at sa ilang sandali ay sumunod na rin sa tatlong dalagang kasama.
"Magagamit ko kayo, Magagamit," bulong nito sa sarili.
HUMINTO naman sa paglalakad ang grupo ni Mrs. Cassandra dahil nasa lugar na sila ng tinutukoy ni Sir Jude.
"Dito po ba tayo magtatayo ng tent?" tanong ni Jonelyn.
"Oo, kailangang malapit lang tayo sa kalsadang 'yan." Turo nito sa harapan.
Nakapuwesto kasi sila sa medyo magubat na lugar pero malawak ang ilang bahagi na walang puno.
"Ba't dito pa po? Doon na lang kaya tayo sa kalsada? Para hindi mahirap maghanap kung maghihiwa-hiwalay tayo," suhestyon ni Mariane.
"Sang-ayon sana ako kaso naaalala ko ang mga bagay at dahilan kung bakit hindi tayo maaaring magtayo ng tent diyan. Ang payo ko lang ay walang hihiwalay at dapat ay may kasama ka kung aalis," paalala ni Sir Jude.
Napatingin si Kris sa kanyang kanan at wala na sa tabi niya ang dalaga.
"Kristine?" paghahanap nito pero talagang wala ang dalaga. "Si Kristine, nawawala!" pasigaw nito at talagang nagulat ang lahat.
"Huh? Kristine?" napatingin din ang iba sa buong paligid subalit wala talagang Kristine ang nagpakita.
"Kakasabi ko lang." Napakamot sa ulo ang lalaki.
"Kristine, Kristine! Nasaan ka na?" sigaw ni Kris at nilakad ang magubat na daanan.
Sinundan siya ng mga kasamahan dahil ayaw nilang humiwalay sa isa't isa. Tingin dito, tingin doon subalit hindi pa rin mahanap ang dalaga. Labis na ang kabang nararamdaman ni Kris at ng kanyang mga kasamahan lalong-lalo na si Mrs. Cassandra.
"Hindi ba siya naiwan kanina?" tanong ng guro.
"Hindi, kausap ko lang 'yon hanggang sa tumigil tayo," hinihingal na ang binata dahil sa kabang nararamdaman.
"Maghati tayo sa dalawang grupo para mapabilis ang paghahanap!" sigaw ni Gemini.
"Sang-ayon ako," tugon ng binata.
Si Gemini kasama sina Jerry, Marjon, Sir Jude at Mrs. Cassandra. Si Kris naman kasama sina Andrei, Mariane at Jonelyn. Sa kanan ang isang grupo, sa kabila naman ang isa.
"Sige Bro, magkita na lang tayo sa lugar na una nating hinintuan," bigkas ni Gemini.
Tumango naman si Kris at binilisan nila ang paglalakad at paghahanap.
"Kristine!" narinig nila Stepahanie ang mga tinig sa loob ng kagubatang nasa harap nila.
Tumigil ang mga ito at pinakinggan pa ang mga sumisigaw.
"Kristine, nasaan ka na?" ulit ng mga tinig.
Napangiti si Stepahanie dahil batid niya ngayon ang nangyayari.
"Sino si Kristine?" tanong ng lalaki.
"Iyong sinasabi kong matalik kong kaibigan. Mukha yatang nawawala siya." Lumakad ng bahagya ang dalaga.
"Saan ka pupunta?" tanong ni Jhyrica dito.
"Papasok tayo sa gubat na 'yan. Dapat ay mauna tayong makakita kay Kristine," tugon ni Stephanie.
Nagtataka tuloy si Winston sa ikinikilos ng Stephanie dahil parang hindi naman kaibigan ang turing nito sa sinasabing Kristine.
"Ayaw ko, baka may mga tigers diyan," bigkas ni Loraine.
"Tanga! Paano makakaabot ang mga tigre dito? Mag-isip ka nga!" tawang sabi ni Jhyrica.
"Tumigil nga kayo sa kakaisip ng mga ganyan. Let's go, tutuloy tayo." Tuluyang lumakad si Stephanie at sinundan iyon ng dalawa.
Nakakapasok na sila sa loob ng kagubatan at saka lamang napansin ng dalaga na hindi sumunod ang lalaki sa kanila.
"Nasaan si Kuya Winston?" tanong nito.
"Ewan namin, baka nagpa-iwan," tugon ni Jhyrica na panay ang tingin sa paligid na nakakatakot sa paningin.
Napakagat-labi si Stephanie at pinabayaan na lamang ito. Nagpatuloy sila pero nakakaramadam na ng kaba ang dalawa nitong kasama.
"Baka maligaw tayo," takot na sabi ni Loraine.
Hindi iyon pinansin ni Stephanie. Sabay-sabay silang napatingin ng may kumaluskos sa likod ng isang napakalaking puno.
"Wait," sambit ng dalaga. "Parang may nagtatago sa puno," mahina nitong sabi.
Dahan-dahang lumalapit si Stephanie doon upang tingnan kung ano ang nasa likod ng puno.
"Bes, huwag ka ng tumuloy diyan at baka kung anong mabangis na hayop 'yan," takot na sabi rin ni Jhyrica.
Ibinaba ni Stephanie ang bag na dala at may hinala siyang may nagtatago talaga sa likod ng puno. Umulit pa ang pagkaluskos at habang tumatagal ay lumalakas iyon. Sa nagtataasang mga damo ay marahan siyang sumilip.
-----
A/N: Relax lang po tayo and let's continue sa susunod na mga mangyayari.

Bình Luận Sách (86)

  • avatar
    Kael Selidio

    maganda

    20/06

      0
  • avatar
    Neil Portillo Regero Jr.

    nice

    27/04

      0
  • avatar
    AlvarezPrecy

    Nice story thank you❤❤❤

    20/04

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất