logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

4

Panibagong araw na naman ngayon at loaded kami kahit isang linggo pa lang ang lumipas simula noong nagsimula ang klase. Ugh. Heto ako ngayon, nag-iisa sa library at nagbabasa ng isang novel na ang lalim lalim ng english. Di ko nga alam kung bakit ko to binabasa. "Trash" Basura talaga. Kung sino man ang nagsulat ng nobelang ito , please naman wag niyong pahirapan ang mga nagbabasa. Wala kaming instant dictionary sa utak namin para malaman kung ano ang ibig niyong sabihin.
Patuloy pa rin akong nagbabasa pero natigil ako ng may biglang umupo sa harapan ko. Excuse me, di mo ba nakikita na may nakaupo na sa mesang ito? Duh. Papansin tong taong to. "Hi Teen" Huh? Bakit niya ako kilala? Hindi naman pamilyar ang boses niya ah. Omg. Ito na siguro yung napapanood ko sa Ang Probinsyano na may kikidnap sayo at pagbabayarin ang pamilya mo ng milyon-milyon para mabawi ka. Naku! Wag po, hindi ako kukunin ng papa ko kahit pa ihulog niyo ako sa Ilog Pasig ay hindi niya talaga ako mapapansin na nawawala kaya wala kayong mapapala sa akin. "Who are you?" Tanong ko sa kanya habang patuloy pa rin akong nagbabasa na nakababa ang posisyon ng ulo ko. "Bakit hindi mo subukan tumingin at ng malaman mo" Ugh. Wala akong oras sa mga trip ng taong to. Siguro wala tong magawa sa sarili kaya nang-iinis ng iba. "Pwede ba wag m--" Hindi ko natapos ang sasabihin ko. Siya ba talaga? Siya nga. Hindi ako pwedeng magkamali dahil tandang-tanda ko pa ang mukha niya. "Hi" Nag-smirk siya sa akin at kumindat. Aba matindi! "H-heath? B-bakit ka nandito?" Teka, bakit ako nauutal? Ano ba nangyayari sa akin? "Dahil sayo. Di mo ba natatandaan ang promise ko sayo nung mga bata pa tayo?" Promise? Anong promise? Oh no! Yung!! "You're kidding me right? Ang bata pa natin nun. Di ko na nga maalala ang mga nangyari eh" Shit. This cant be. I cant allow this. Hindi pa nga ako nakakamove-on sa rejection letter pagkatapos may kasunod na naman akong problema?
Si Heath. Si Heath Jonathan Gabriel ay nakababata kong frenemy. Sa ibang lugar kami nakatira dati kaya ko siya nakilala. Makulit ako noong bata pa ako at siya naman ay kabaligtaran. Hindi kami nagkakasundo sa lahat ng bagay maliban lamang sa musika. Naalala ko pa nung lilipat na sana kami ng bahay ni Papa at ng kapatid ko dahil iniwan kami ng Mama ko para sa isang lalaki, naglayas ako at dun ako sa bahay nila nagtago. Magkatabi kaming matulog nung mga oras na yun at dahil hindi ako sanay matulog na may katabi ay sa sahig siya natulog. Ewan ko ba pero bumait siya sa akin nung oras na yun at dahil panay ang iyak ko ay niyakap niya ako at pinatahan. Habang pinapatahan niya ako ay bigla niya akong hinarap at hinalikan sa labi, yun ang first kiss ko. Syempre, nabigla ako at umiyak na naman. May sinabi siya sa akin nung time na yun at tandang- tanda ko pa ang mga salitang binitawan niya. "Kahit umalis kayo dito, hahanapin kita at babalikan kita kapag malaki na tayo. Kung makita man kita ay hindi ako magdadalawang isip na ligawan ka para mapasa-akin ka" At dahil musmos pa lang kami nun ay hindi ko pinansin ang mga sinabi niya pero hindi ko naman akalain na seseryosohin niya talaga ang mga yun. Ano gagawin ko? Isang drug addict/pusher ang manliligaw sa akin. Waah! Mababaliw na ako.
"Di ka ba masaya na nakita mo ulit ako?" Masaya? Ako? "Im ecstatic" Sarcastic kong sagot sa kanya. "Di mo man lang ba ako na-miss?" Tss. "Bakit naman kita mamimiss? For a kid who kissed me way back then, why would I miss you?" Shit. Spilled. Wala na. "Sabi mo hindi mo naaalala? Eh bakit natatandaan mo pa rin ang first kiss natin?" nag-smirk siya sa akin. As if! Ew. I wont fall for yuck. A drug pusher? A killer? A rapist? Matagal na kaming hindi nagkita, marami ng nagbago sa 10 years na dumaan kaya hindi ko na siya kilala. "Hindi na kita kilala. Im not sure if ikaw pa rin ba yung lalaking nagpatahan sa akin nung gabing iyak ako ng iyak" Natahimik siya sa sinabi ko. Bakit? Totoo naman eh. He's a random stranger to me right now. Wala akong alam kahit isa sa kanya maliban sa kumakalat na chismis na drug pusher siya. "Dont worry, mas makikilala mo din ako" sabi niya sa akin at lumabas na siya sa library. Haay salamat naman! Wala ng disturbo sa pagbabasa ko.
Hindi ko na hinintay si Que o kahit si Ali dahil dumiretso na ako sa bahay at pagpasok ko sa loob ay ganun pa din. Same old routine, oh wait. Himala yata at naghanda sila ng hapunan at wow! Nandito ang anghel kong kapatid. "Oh Sab, wala kang gimik ngayon?" Pang-aasar ko sa kanya habang kaharap niya si Papa "Ate, hindi ako gumigimik. Wag mo akong itulad sayo" Woooow! Clap your hands.

Bình Luận Sách (20)

  • avatar
    Ariane Jane Obal Balace

    hahahahahaha thank yu

    14/06

      0
  • avatar

    amazing

    18/05

      0
  • avatar
    Chrizia Mae Sartillo

    😍😍

    30/01

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất