logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Chapter 6

(Collaboration Chapter)
Elyon Yoo
Hindi pa man ito tuluyang nakakalapit sa amin, may sumalo na ng atake ng kalaban. Isang lalaking biglang sumulpot sa aming harapan, may hawak itong espada pero ang ikinagulat ko. Nagliliyab ito, hindi nga lang apoy kundi itim na enerhiya?
Pagkasalo nito ng dark strips ay tumilapon ito sa kaliwang bahagi ng bintana. Sumabog ito sa labas pero abot ang pagyanig nito hanggang sa bahay kaya napahawak kaming lahat sa mga hiligi upang masuportahan ang aming balanse.
"Oh my God ang lakas nu'n! Kung tinamaan tayo, this is the end of us," sabi ni Ate Po.
"Oo, kung matiyambahan kayo." Biglang sumulpot si Master Hagiza at napatingin sa akin. "Bata, magtago ka muna."
Saan siya nanggaling?
At teka...
Pinapatago niya ako? Tama ba narinig ko?
Tumingin ito sa mga babae. "Kayo rin."
Seryoso ang mukha ni Master Hagiza. Minsan ko nang nakita at naramdaman ang matinding enerhiya nito.
Wala na akong nagawa kundi ang sundin siya. Akala ko susunod ang mga babaeng kasama ko pero hindi sila kumilos.
"Pasensya na po pero hindi namin kayo susundin. Laban namin ito ng mga blade flamers. Kung magtatago kami habang buhay na kaming tatakas sa kadiliman!" Paliwanag ng isa na hindi ko na matandaan ang pangalan.
Napatingin si Master Hagiza sa kanya. Nagkatitigan silang dalawa subalit walang may gustong magbaba ng tingin.
"Ilayo mo na si Elyon, Hagiza. Mahalaga ang kaligtasan niya."
Ilang segundo ang lumipas pero si Master Hagiza na rin ang umiwas at nagtungo sa direksyon ko. "Sumunod ka sa akin, bata."
Sumulyap muna ako sa mga taong maiiwan namin pero mukhang sa kalaban na sila nakatuon. Agad kaming nagtungo sa pinakasekretong lugar kung saan kami unang nagsasanay.
"Master..." Napahinto si Master Hagiza. "Ano na bang nangyayari ngayon? Bakit po tayo kailangan pang magtago?" Alam kong malalakas sila, pero sa tingin ko kaya rin naman ni Master Hagiza na makipagsabayan sa kanila. Gusto ko rin makita kung paano makipagsabayan si Master Hagiza sa mga ganoong klaseng nilalang. Pinagmasdan niya ang mga sandata na maayos na nakalagay sa dingding. "Bakit hindi tayo lumab---"
"Maganda pa rin ang isang ito..." Hindi ko na natapos ang pagsasalita ko dahil sa pag-iiba ng usapan ni Master Hagiza. May kinuha pala siyang isang espada, hinugot niya mula sa lalagyanan nito ang blade. Medyo nangilo pa ako sa tunog nito. "Ang espadang ito ay galing pa mismong Europa. Marami nang kamay ang humawak nito at libong tao rin ang kinuhanan nito ng buhay pero sa pagdaan ng panahon, nanatili pa rin ang kalidad nito."
"Ano pong konek ng espada sa mga tinatanong ko kanina?" Napapakamot na lang ako sa ulo ko.
Parang biglang natisod si Master Hagiza sa tanong ko kahit na patag naman ang sahig. Naglinis din ito ng lalamunan na parang may matinding nakabara dito. "Ehem..." Nang makabawi ay agad rin itong nagsalita, "Bata, hindi pa ito ang tamang panahon para sumabak ka. Hayaan na natin ang mga dayo ang tumapos sa mga kalaban---nila."
"Papaano po kung matalo sila?"
"Saka tayo gagawa ng hakbang." Ibinalik niya sa lalagyanan ang blade at inihagis niya sa akin ang sandata.
Sinalo ko ito. "Anong gagawin ko po rito?"
"Pukpok mo sa sarili mo," napangiwi ako sa sinabi niya. Nag-uumpisa na naman kasi siya sa mga pangpa-good-vibes niyang linya. "Natural gagamitin mo iyan sakaling malaman ng kalaban na naandito tayo, pero ingatan mo 'yan dahil isa iyan sa mga pinakamatanda kong sandata."
Galing.
Wala akong masabi sa kanya.
"Ay baboy ka!" Nagulat ako sa pagsulpot ng baboy ramo sa gilid ko. Kalmado itong naglakad kay Master Hagiza habang kumikembot pa ang pwet niya.
"Oh, Jumbo, nandito ka lang pala."
"Hik-hik," sumagot naman ang baboy na akala mo naiintindihan niya si Master Hagiza.
Pinagmasdan ko ang espadang hawak ko at biglang sumagi sa akin si Carlisle. Nakita kong may hawak itong espadang kahoy. Sa itsura niya mukhang hindi iyon pang display lang para magmukha siyang cool. Sigurado akong may kinalaman iyon sa paghahanda niya para sa paligsahan.
Napailing ako dahil sa iniisip ko.
Bakit ko ba iniisip ang taong iyon? May mas mahalaga akong dapat isipin ngayon. Iyon ay ang buhay ko.
(Boommm)
Nagulat ako sa matinding pagsabog na hindi ko malaman kung saan? Sinabayan pa ito ng paglindol kaya medyo na out-of-balance ako.
Aabot pa kaya ako sa paligsahan at labanan? Sana maging okay na ang lahat.
***********
"Humihingi ako nang paumanhin sa gulong naidulot namin sa lugar niyo. Hayaan niyong hindi na namin gagambalin ang inyong pananahimik."
Pananahimik?
Hindi naman kami mga multo na ginambala nila eh. Dahil sa sinabi ng lalaking kasama ni Vincent parang gusto kong matawa, pinigilan ko lang kasi baka makotongan ako ni Master Hagiza, at mapahiya sa harap ng mga bisita namin.
Haggang ngayon hindi ko pa rin kilala ang iba sa kanila at sapalagay ko hindi naman na importanteng makilala ko sila.
Hindi ko alam kung paanong natapos ang gulo at kung paano natalo ang mga kalaban?
Pero dahil malapit lang sa Castle ang labanan kaya nalaman agad ng Dunstan Clan ang nangyari. Dinig din hanggang Village ang kaguluhan kaya agad pinasara ang Winter Town at pinalikas ang mga tao. Hindi ko alam kung paano pinaliwanag ng Dunstan Clan sa mga tao ang nangyari subalit hindi naitala sa dyaryo, social media at t.v ang nangyaring kaguluhan sa gubat. Mabuti na lamang at mayaman ang mga taong ito, kaya bilang kabayaran sa kaguluhan ay tinulungan nila ang Dunstan na ayusin at itago sa publiko ang nangyari. Wala rin namang nasugatang sibilyan kaya ligtas pa rin sa reputasyon ang Winter Town.
"Naiintindihan ko. Sana'y hindi kayo magsawang bumisita kahit bakasyon man lang. Bukas ang aking bahay para sa inyo." Napatingin ako kay Master Hagiza. Anong nangyari sa kanya? Bakit parang ang bait niya ngayon? Nakita ko naman na gumalaw ang mga mata niya at patagilid niya akong tiningnan. "Ehem..." Muli na naman niyang nilinis ang lalamunan niya.
Gets ko na 'paggano'n, ibigsabihin, sabayan ko lang ang pagpapanggap niya.
"Sige po. Pasensya na po ulit. Sa susunod po kakatok na kami," sabi ni Ate Jho.
Kakatok? Nagjo-joke ba si Ate Jho?
Hindi ko kasi alam ang nangyari noong wala akong malay. Ay hayaan ko na nga.
"Ang gaslaw mo kasi kaya kung ano na lang naiisip mo. Out of the world pa minsan. Puro ka talaga kalokohan." Paninita kay Ate Jho nang lalaki. Sa itsura nila mukha rin silang mag-couple o siguro magjowa? Ewan.
"Siyanga pala, Elyon, tama ako hindi ba?" Tumango na lang ako bilang sagot kay Ate Po. "Hindi ka man lang namin nakilala ng lubusan. Sana magtagumpay ka sa tadhana mo. Huwag kang susuko ah. Pareho lang tayong may tadhanang nakaatang sa ating mga palad. Goodluck." Ngumiti ito ng makahulugan sa akin.
Yumuko ako. "Salamat po."
"Sana lang sa susunod na kapalarang tatahakin natin, sumunod na kayo. Hindi iyong puro kayo kalokohan at katigasan ng ulo, lalo ka na." Baling ni Vincent kay Ate Po.
Tsk... Kumpirmadong kasing sungit ng isang 'to si Carlisle. Sana lang hindi ko na siya makita habambuhay. Tama na 'yung kasungitan ni Carlisle, ayoko nang madagdagan ng isa pa.
"Sus, nag-aalala ka rin naman sa kanya, Ares ah!" sabi ni Kyzhen. Kung ganoon tama ako. Iisang tao lang si Vincent at Ares. "Alam mo ba, Po, pinaghahanap ka ni Ares noong nawala ka. Sobrang nag-aalala siya sa iyo." Sa tono nang pananalita nito mukhang inaasar niya ang masungit na si Vincent.
Kung titingnan mukha naman pa lang okay kausap si Kyzhen, pero bakit kapag magkaharap kami kahit noon pa para siyang nahihiya?
"Will you shut up?!" Isang masamang tingin ang pinukaw ni Vincent kay Kyzhen. "Huwag kang magpapaniwala sa kanya! Ano ba kasi ang ginagawa mo rito at hindi ka pa umaalis, Kyzhen? Bumalik ka na sa lungga mo."
"Magmamasid pa ako, saka kayo ang umalis na. Istorbo kayo!"
"I'll kick your ass!"
"I'll make you into ashes!"
Hindi ako makapaniwala na ang mga taong kaharap ko ay mga adult na pero kung umasta parang mga teens lang. Gusto ko nang hawakan ang noo ko dahil sa pagkabigo.
Kailan ba sila aalis at nang matahimik na ang buhay ko?
Tuwang-tuwa naman ang mga kasama nito sa asaran nang dalawa.
"Nakahanap ng panibagong kaasaran si Ares." Panunudyo ng isa pa nilang kasama na nakalimutan ko na naman ang pangalan.
"Tama na iyan," pinigilan na sila ni Master Hagiza. Nilalabasan na rin pala ito ng ugat sa noo. "Humayo na kayo at mag-ingat." Pagtataboy nito sa kanila.
Tumalikod na ang mga ito at nagpaalam na sa amin.
Nang tuluyan silang makalayo ay nagsalita na ako, "Master, hindi ko akalain na totoo ang nasa Greek Mythology. Hindi ako makapaniwalang may ganoong klaseng mga nilalang sa mundo." Habang nasa ibaba kami kanina ay naikwento na rin ni Master Hagiza sa akin ang pinagmulan ng mga estranghero.
"Nakita mo naman kung paano sila makipaglaban at kung paano ka ginamot ng mga iyon. Sa mundong ito marami pa tayong hindi alam kaya mag-iingat ka kay Kyzhen. Mukhang mananatili siya rito."
Alam ko na 'yon, nandito sa Winter Town sina Frigelle at Rune kaya hindi siya aalis. Mukha naman mabait si Kyzhen pero tama rin si Master Hagiza.
********
"Young Lady, gising na --- po." Rumihistro sa mukha ni Grace ang pagtataka nang makita niya akong gising na. Normal na kasi sa routine namin na gigisingin niya ako. "Magandang umaga po. Ang aga niyong nagising," bati niya.
"Good morning." Ngumiti ako habang pinapakawalan si Sora mula sa kulungan niya at pinalipad ito sa labas. Agad kong binitbit ang bagpack ko at lumabas na sa kwarto ko. 
Pagbaba ko nakita kong nag-aabang si Jane sa hagdan.
"Good morning, Young Lady." Tumingin ito sa wrist watch niya at halata sa mukha niya ang pagtataka.
"I know maaga ako." Hindi ko na inantay ang sasabihin ni Jane. "Kumain na tayo." Yaya ko sa kanya. Nauna na akong nagtungo sa kusina at inantay na lamang ang tatlo.
Matapos mag-agahan ay agad na akong nagpaalam sa kanila. "Young lady 'yung bike mo?" tanong ni Jane. Maaga akong gumising dahil ayokong dalhin ang bike ko. Natatamad na naman akong magpedal, lalo pa at madulas ang lupa gawa nang makapal na yelo.
"Madulas, Jane!" sigaw ko dahil malayo na ako sa bahay. Kumaway na lamang siya sa akin.
Pagpasok ko ng Village nakasalubong ko si Rune. Medyo nagulat pa ako dahil alam niya kung saan ako susulpot. Parang hindi siya nagtaka kung bakit galing ako sa labas ng Village. "Hi, Ely. Good morning," bati nito sa akin.
"G-good Morning," alangan kong bati. Magiliw naman siyang naglakad habang nakatingin sa unahan namin.
Napahinto ako sa paglalakad dahil biglang sumagi sa isip ko si Kyzhen. Alam kaya ni Rune ang totoong identity ng boyfriend niya? "Rune..." tawag ko, agad naman siyang lumingon sa akin kaya mabilis akong naglakad palapit sa kanya. "Hindi ba mahilig kang magbasa ng Greek Mythology?"
Napahinto naman siya sa paglalakad, kaya muli akong huminto. Tumingin siya sa akin. "Oo bakit? Gusto mo ring magbasa?"
Ibubuka ko palang sana ang bibig ko pero biglang sumulpot si Alexander. "Mga babes! Mabuti naman at naabutan pa namin kayo."
Siyempre, kung sumulpot si Alexander, asahan mong susulpot pa 'yung tatlo.
"Ohayou (Morning)," bati ni Akihiro nang makalapit ito sa amin.
"Good morning, Ladies," bati rin ni Reggie.
"Annyonghaseyo, Noona Rune and Noona Elyon," bati ng bunsong si Francis.
"Good Morning," Nagsabay kami ng pagbati ni Rune sa kanila. Naglakad na rin kami papasok ng Academy.
Siguro mamaya ko na lang tatanungin si Rune ng tungkol kay Kyzhen.
Nang makapasok ng Academy ay naghiwalay na kami agad. Maliban kay Rune na nagtungo rin sa locker area upang ilagay ang gamit nito sa pagpipinta.
"Totoo ba ang balita na papasok na raw si Phoebe?" Dumaan sa likuran namin 'yung mga kaklase ko.
"Are you sure? Do you think she's okay now?"
"Ely..." tawag sa akin ni Rune kaya napatingin naman ako sa kanya. "Ang tinutukoy ba nila, 'yung kaklase mong partner ni Dexter na nakita natin sa comfort room na may hiwa ang pulso?"
Tumango lang ako at hindi na umimik. "Mauna na ako," paalam ko sa kanya.
Pagdating ko sa classroom namin kapansin-pansin ang pag-iiba ng ambiance ng paligid. Tiningnan ko ang puwesto ni Phoebe pero parang hindi na siya ang dating Phoebe na kilala ko. Pinagtitinginan siya ng mga kaklase ko dahil tila lumalayo na ito sa karamihan.
Napatingin ako kay Dexter pero umiling lamang ito. Mukhang nakuha niya ang ibig sabihin ng pagtingin ko sa kanya.
"Phoebe, my friend. Are you sure okay ka na?" tanong ng isa naming kaklase. "We are super worried about you, what happened to you? Why you----"
"Can you please stop asking? I’ve already told that to others, haven’t I? Just mind your own business stupid brat. I’m tired of answering the same questions over and over again."
Nanlaki ang mata nang mga kaklase ko sa inasta ni Phoebe kaya nagkaroon ng bulungan sa classroom.
"Miss Yoo, why are you still there? Sit in your chair and my class will begin." Napatingin ako kay Sir Ilagan. Nakaharang pa pala ako sa pintuan kaya agad akong nagtungo sa upuan ko.

Bình Luận Sách (35)

  • avatar
    Traceycyp Fontanilla Gandeza

    just let us know we have to do that 😉 to do that to me 🥺 that to me and then I got that one is the one 😁 that to you 😄 to me and I

    27/07

      0
  • avatar
    Jorey Bandejas

    5uh

    07/06

      0
  • avatar
    Kylie Torres

    ang ganda

    02/05

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất