logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Beloved Disaster

Beloved Disaster

Yjoycery


Chapter 1: Oxygen the Pipi

“Wind, bumaba ka na para sa almusal mo!”
Kalalabas lang ni Wind mula sa banyo nang tawagin siya ni Yaya Pising. Mabilis siyang nagbihis. Pagkatapos maisuot ang uniform ng Domingo University, agad siyang humarap sa salamin para ayusin ang tsokolate niyang buhok na medyo kulot. Hindi siya mahilig gumamit ng wax. Naiirita siya roon kaya kontento na lang siya sa suklay. Sinuot niya ang malaking salamin sa mga mata pero napatigil siya nang makita ang kabuuan niya sa harap ng salamin.
Wind sighs. He doesn't have a thin nor fat body. He has features that are just appropriate at the age of eighteen. At first sight, no one can tell that he has a condition that causes him to be aloof from everyone.
Akma lang sa katawan ni Wind ang polong puting panloob at dark green na coat na may logo ng school nila sa kaliwang bahagi ng dibdib. Inayos niya ang green necktie nang makitang tabingi iyon. Nang bumaba ang tingin niya sa dark green na slacks, napangiti siya. Hapit dapat iyon sa mga lalaki pero gusto niyang maluwag dahil nahihirapan siyang kumilos. Sadyang pinasadya niya iyon sa mananahi. Pinagtawanan iyon ng mga kaklase niya pero ayos lang sa kaniya iyon.
“Wind, kumain ka na ng iyong umagahan. Ako ay nagluto para sa iyo,” nakangiting paanyaya ng Yaya Pising niya simula pagkabata.
As he hears his yaya, that’s the time he uses his medium of communication for eleven years. He has psychogenic mutism so he forces himself to learn sign language. The good thing is his family also took lessons to learn his way of communicating.
Sinenyasan ni Wind ang matanda. “Where’s Mommy?”
“Naku, maagang umalis. Alam mo naman ang mommy mo kapag inaya ng mga amiga niya ay hindi makatanggi,” she informed.
“Yaya, I have to go. I’m late. I have no time to eat. I’m sorry,” balisang senyas niya sa matandang babae.
Tumango si Yaya Pising. “Ganoon ba? Kumain ka sa school ninyo, ha?”
Napangiti si Wind. "Thank you.”
Kinuha ni Wind ang bisikleta at mabilis na pinaandar iyon. Kung tutuusin, may driver sila at maraming sasakyan ngunit hiniling niya sa ama niyang gusto niya na lamang magbisikleta para excercise na rin tuwing umaga. Agad siyang nakapunta sa parking lot ng campus at iniwan ang bisikleta niya sabay lock.
Lakad-takbo siya sa pagtahak sa kahabaan ng hallway. Papunta na siya sa room niya nang mabunggo niya ang grupo ng mga lalaki.
Nangatog ang mga binti niya nang mapagtantong ang mga bully ang nakabangga niya.
‘If this is a kind of nightmare, please wake me up!’
“Well, how unlucky I am? Oxygen the pipi just blocked my f*cking way.” Diniinan pa talaga nito ang bansag sa kaniya ng mga estudyante sa campus.
He accepts the Oxygen, but not the pipi. He is still hoping. As he remembers, he was able to speak when he was seven years old. His condition had not been since birth so he wishes that someday, he can speak again.
But hope was so cruel to him. He waited for eleven years but nothing changed. He forced himself to speak but he couldn’t. He didn’t remember the first seven years of his life except of the thought that he could speak so he concluded that his forgotten memories had something to do with his condition.
He just ignored them and was about to leave but suddenly, Brandon, the leader of bullies, blocked his foot causing him to fall on the floor. They laughed even at the others who saw the embarrassing incident.
Hindi magawa ni Wind ang manlaban dala na rin ng kaba at takot sa mga nang-aapi sa kaniya. Gusto ng mga magulang niyang home schooling siya pero gusto niyang maranasang pumasok sa school. Alam niyang kakaiba siya kaya ayaw niyang maramdaman pa iyon. Dahan-dahan siyang tumayo at napayuko na lang.
“Akala ko pipi ka lang. Lampa ka rin pala!” hirit pa ni Brandon sa kaniya
“What did you do this time, Brandon?!” sigaw ng isang babae.
Kinagat ni Wind ang pang-ibabang labi. Si Samara lang naman ang sumigaw. Ito ang babaeng matagal niya nang gusto. Maliit lang na babae ito pero maganda at makinis ang maputing balat. Medyo singkit ang mga mata, matangos ang ilong at manipis ang mga labi. Mabait pa kaya ito ang depenisyon niya ng perpektong babae.
“Samara? Hinahanap mo ba ako? Baby, I missed you.” Akmang yayakap si Brandon kay Samara ngunit umiwas ang dalaga rito.
“What’s this, Brandon? Stop meddling at Wind’s life. Wala siyang ginagawang masama sa iyo,” kalmadong sabi ni Samara kay Brandon.
“I didn’t do anything, Sam. Hindi ko na kasalanan kung lampa siya.” Tumawa ang dalawa nitong kasama.
“Unang araw ng pasukan, Brandon for Pete's sake!”
Tinaas ni Brandon ang mga kamay nitong animo'y sumuko. “Okay, okay. Just calm down, Sam. Masyadong big deal sa’yo ’to.” Matalim ang tingin na umalis si Brandon sa harap nila.
Tumingin si Sam kay Wind. “Are you okay?”
He felt the butterflies in his stomach. Wind felt that kind of feeling again. Samara was one of a kind for him.
Agad niyang kinuha ang small notebook niya at ballpen na laging nakalagay sa bulsa niya. Karamihan sa mga nakasasalamuha niya ay hindi maintindihan ang sign language kaya sinusulat niya na lang..
Pinakita niya ang nakasulat sa notebook. I’m okay. Thank you.
“Well, good to know that,” ngiting anito.
Gumuhit na lang din ang ngiti sa kaniyang mukha. Gandang-ganda talaga siya sa dalaga. Wala lang siyang lakas para umaming gusto niya ito. Hindi niya namalayang natulala na siya sa babae.
(FLASHBACK)
Araw-araw impyerno ang buhay ni Wind dahil sa pagtrato ng mga schoolmate niya sa kaniya. Naroong lalaitin siya, bubuhusan ng kung ano-ano at ipapahiya. Walang palya iyon araw-araw. Himala na lang kung naging tahimik ang pagpasok niya sa eskuwelahan.
Tinapos niya na agad ang pagkain niya at naglakad ng nakuyuko nang hindi niya napansing may nabunggo siyang babaeng may dalang tray ng pagkain at natapon iyon sa dalaga. Dahil sa kaba niya, hindi niya magawang tingnan kung sino ito at agad na inabot ang panyo mula sa mga nanginginig niyang mga kamay.
“What the heck?! Oxygen the pipi! I can’t believe this! You ruin my uniform!” galit nitong sigaw sa kaniya.
Nanginig siya sa dahil sa yumakap na kaba. Ayaw niya ng pakiramdam na iyon. Alam niyang kakambal iyon ng takot.
“Ano? Hindi ka man lang magsasalita diyan? Hey, speak! Oo nga pala! Bakit pa ako magtataka? You can’t answer me. Sabihin mo nga, dada!” Malakas na tumawa ang mga naroon sa cafeteria.
Napapikit na lang siya nang buhusan siya nito ng strawberry shake.
“Stupid,” iritang sabi nito at naglakad palayo.
Hindi napigilan ni Wind ang namuong luha sa mga mata kaya agad niyang nilisan ang cafeteria. Napakaduwag niya. Napakaiyakin niya. Sobrang sensitibo siya.
Tahimik siyang umiyak sa may likod ng building ng chem lab. Minsan ay napanghinaan siya ng loob dahil sa mga naranasan niya sa loob ng campus. Gusto niya lang maramdamang normal siya. Nagpumilit siyang pumasok sa eskuwelahan para sa damdaming iyon pero hindi niya makamit. Hindi niya na napigilan ang paghikbi dahil sa bigat ng kalooban.
Ilang sandali pa ay narinig niya ang yapak ng taong lumapit sa kaniya. Mabilis niyang pinahid ang mga luha. Bumaha ang gulat sa kaniyang mukha nang makita si Samara Montenegro. Ang dalaga lang naman ang campus crush. Mas ikinabigla niya pa ay ang pag-abot nito sa kaniya ng panyo.
“Here, take this.”
(END OF FLASHBACK)
“ANYWAYS, wala ka bang klase? Anong oras na? I think you should go now that you’re late.”
Nawala ang atensiyon niya sa pagkamangha at pagkatulala sa dalaga. Aligaga niyang pinulot ang mga librong nahulog kanina sa sahig at tarantang nagpaalam sa dalaga. Mamaya niya na lang ilalagay sa locker ang ibang books niya.
Katatapos lang ng klase ni Wind sa three subjects at late siya sa first subject. Late na late! Pinagawa tuloy siya ni Miss De Chavez ng essay with minimum of one thousand words about sa kahit na anong may kinalaman sa Philippine History.
‘Nadagdagan tuloy ang gawain ko!’
MAGANANG kinain ni Wind ang clubhouse sandwich sabay inom ng fresh apple juice sa loob ng cafeteria. Gutom na siya at wala siyang pakialam kung tampulan siya ng tukso sa lugar na iyon. Kahit saang sulok naman siya magpunta, wala rin siyang ligtas. Minsan ay hiniling niya na lang na sana bingi rin siya para hindi niya na marinig ang mga taong nakapaligid sa kaniya.
Nasa kalagitnaan siya ng paglantak sa pagkain nang biglang umupo sa bakante pang upuan sa harap niya ang isang babae. Umawang ang bibig niya. Iyon ang pangalawang beses na may lumapit sa kaniya sa school bukod kay Samara.
Prente lang kung kumain ang dalaga at walang pakialam sa paligid. Napagmasdan niya tuloy ang mukha nito. Maganda at morena ang balat. Isang tingin pa lang ay alam niyang malambot iyon. Tinanggal kasi nito ang coat at tanging ang puting short sleeves polo at ang loose na necktie ang suot pang-itaas. Hindi niya mawari kung mahaba ang buhok ng dalaga dahil naka-bun iyon pataas.
Dumako ang paningin niya sa mukha nito. Ang ganda ng linya ng mga kilay nitong parang iginuhit. Medyo maliit ang mga mata nito at hindi mahaba ang mga pilikmata pero may kung ano sa mga iyong hindi nakasasawang tingnan. Bumaba ang tingin niya sa ilong nitong tama lang ang tangos. Nang nagawi ang paningin niya sa mga labi nito, napalunok siya. Hindi gaanong makapal at hindi gaanong manipis ang mga labi nito pero maganda ang pagkahulma.
“Stop staring. That’s rude, you know…” Bigla na lang itong nagsalita habang kumakain.
Bumaba ang tingin niya sa pagkain niya. Umusbong ang hiya sa dibdib niya. Ni minsan ay hindi siya naglakas-loob na titigan nang malapitan ang isang babae. Kay Samara naman, kontento na lang siya sa pagtanaw sa malayo at puro pictures nito ang gallery niya. Mukhang stalker pero ganoon siya magkagusto.
“I’m sorry. I’m too guilty and embarrassed about what I did to you. You know, I sat here in front of you without your permission.” Ngumisi ito kaya umangat ang mga pisngi ng dalaga.
Wind gasped. He couldn’t believe it. The woman in front of her said sorry but her words were manipulative.
“Don’t you dare to talk. I don’t care,” dagdag pa nito.
‘What’s wrong with her?’
He really couldn’t believe that girl. First, he did not know her. Second, considering that his condition was not normal, no one wants to talk to him except Sam and his family. And third, that girl has no manners when talking to him and is like a gangster who is always challenging a fight.
Ilang sandali pa ay dumating si Agatha. Tumigil siya sa pagkain at yumuko. Ayaw niyang mapahiya na naman dahil sa babae.
“Wind, you’re eating. Oh, I forgot. You’re just mute but you can chew and swallow,” she said sarcastically
“Who’s this cheap girl?”
Tumunghay siya sa babaeng nasa harap niya. Wala itong pakialam. Tuloy lang ito sa pagkain nito.
“Who are you? Did you know that this Oxygen the pipi is a loser?” natatawang tanong ni Agatha sa dalaga.
Patuloy pa rin kumain ang babae at parang walang pakialam sa paligid. Kalmado lang ito habang umawang na naman ang bibig niya. Sana kaya niya rin iyon. Sana kaya niya rin maging kalmado kapag may nanglalait sa kaniya.
“I’m full,” she said. She was about to leave when Agatha suddenly grabbed her uniform around her chest.
“Bastos ka! Are you a deaf?!” Tumingin si Agatha kay Wind at malakas na tumawa. “A deaf and a mute, great combination!”
Gusto niyang ipagtanggol ang babae pero masyado siyang kinain ng kaduwagan niya. Kahit lalaki siya, wala siyang magawa dahil mahina siya.
After a while, that girl laughed softly but sarcastically. He saw her strong personality. She felt her braveness and he adored her for that.
Tinanggal nito ang pagkahawak ni Agatha sa damit nito at pinagpagan iyon. “Asking my name doesn’t mean that you can hurt me.”
“I can hurt the whole you, Bitch!” banta ni Agatha.
Napasinghap ang ilang estudyante sa cafeteria nang malakas na sampalin ng babae si Agatha.
“How dare you to slap me?!” Sasampalin din sana ni Agatha ang dalaga pero mabilis itong napaupo sa sahig. Malakas ang naging tulak ng babae kaya walang nagawa si Agatha.
Kinuha ng dalaga ang baso ng apple juice niya at binuhos sa kaaway nito. “Are you kidding me? You can just hurt me and that’s okay with me but I can destroy you that you cannot do to me.”
Ilang sandali pa ay bigla na lang siyang hinila ng dalaga palabas ng cafeteria. Wind couldn’t deny that he admired the girl earlier but he didn’t know why he let her pulled him.
Tumigil ang dalaga sa room niya at umawang ang bibig niya nang pumasok rin ito. Pinilit siya nitong umupo sa pinakadulong upuan. Ito naman ay umupo sa katabing upuan. Wala pang teacher kaya walang hiyang inilapit nito ang upuan sa kaniya. Wala itong pakialam kung pinagtitinginan na ito ng iba nilang kaklase.
Ngumiti ang dalaga sa kaniya kaya. “I’m Tabitha. I’m Serene Tabitha Valencia.”

Bình Luận Sách (7)

  • avatar
    Daishel Sadiwa

    😙🥰🥰😭😭

    06/05

      0
  • avatar
    runrun

    beautiful days a story

    06/04

      0
  • avatar
    PositarMary chastine

    try kotong basahin hehe:)

    18/04/2022

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất