logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Chapter 3

Chapter 3
"A-anong ginagawa mo rito?"
Hindi pa ba siya umuuwi? May dala pa siyang bag at nakaputing shirt pa rin.
Nilahad niya ang kanyang kamay kaya bumaba ang tingin ko roon. Ang kulay puti kong panyo na may burda ng bulaklak ay nakapatong sa kanyang malaking palad.
"Nalaglag mo kanina sa labas ng tricycle pagkababa mo. Sinundan kita para... ibalik sa 'yo ito." He licked his lips and his eyes turned darker than the midnight when he looked at me.
Kinuha ko agad iyon sa kanya. "Salamat. Puwede namang... uh, teka. Kanina ka pa ba rito?"
Bahagya siyang ngumiti kaya natulala ako. Salamat sa ilaw na nasa itaas ng pintuan ng apartment ko. Namangha lang ako na nandito siya sa tinitirahan ko, nakangiti at kinakausap ako!
Napakamot siya sa kanyang batok. "Kanina ko pa sana gustong kumatok. Kaya lang ay nahihiya ako. Akala ko ay busy ka o natutulog na."
Bahagyang naningkit ang mata ko sa kanya. Mahigit kahalating oras na siyang nandito kung ganoon? Nakakahiya naman sa kanya. Hindi ba puwedeng sa school niya na lang sana ipinaabot?
Well, as if nga naman kilala niya ako at alam kung saan ako matatagpuan. But... he's thoughtful for that!
"Uhm... thank you," nasabi ko na lang.
Ngumisi siya at lumayo nang bahagya sa akin. Nagpamulsa siya at umiwas ng tingin.
"Mauna na ako. Mukhang aalis ka pa yata."
"Ha? Uhm... oo nga... I mean..." I laughed awkwardly. "Ingat sa daan."
Kinagat niya ang kanyang ibabang labi at bahagyang humalakhak.
"Diyan lang naman ako nakatira. Ikaw ang mag-ingat. Gabi na at marami pang tambay sa labas."
"Oo nga, e..."
Natutop ko ang bibig at agad nag-init ang pisngi dahil sa sinabi. Lumingon agad siya sa akin at umawang ang labi.
Ano ba 'yong sinabi ko? Kaloka! Dapat hindi na ako nagsalita, e. Baka mamaya ay ma-misinterpret niya!
Yumuko ako at pinaglaruan ang susi sa kamay. Narinig ko ang marahang tawa niya kaya mas lalong kumabog ang dibdib ko.
"Saan ka ba pupunta? Ihahatid na kita. Baka matsambahan ka sa labas."
Nag-angat agad ako ng tingin sa kanya. "Huwag na! Sa school lang din ako. Isang tricycle lang naman saka nakakahiya."
Nagdikit ang makapal niyang kilay. "School? Anong gagawin mo roon?"
"Ah! Nagtatrabaho kasi ako sa Coffee Break, iyong malapit sa school natin."
Natulala siya na para bang nag-iisip. Tiningnan ko lang siya at balak na sanang magpaalam para makaalis na rin. This is supposed to be awkward. Hindi nga namin kilala ang isa't isa pero kung mag-usap kami ay parang matagal na kaming magkakilala.
"Hatid na kita," he offered again after a moment of silence.
Ngumuso ako. Is he not going to ask my name? O siya ang magpapakilala? Though ang alam ko ay Vernon nga ang pangalan niya sabi ni Fera na ayon naman sa source niyang si Loke.
"Uhm... I hope you won't mind but... what's your name?" tanong ko pa rin.
He blinked twice. "Vernon... Jairo." Ngumiti siya. "Tawagin mo na lang akong Jairo."
Oh! Napaisip ako saglit sa sinabi niya. Vernon nga ang pangalan niya pero may kasunod pa. At akala ko ba ay Von ang palayaw niya? O baka ang mga close niya lang ang tumatawag sa kanya no'n? Hindi kami close kaya ang second name ang gusto niyang itawag ko sa kanya?
I shrugged off my thoughts and smiled at him. Hindi naman pala siya ganoon ka-rude at mean. Mukhang mabait naman siya kaya...
"Kyomi," pakilala ko sabay lahad ng kamay. "Kyo na lang."
Tinitigan niya lang iyon. Balak ko na sanang bawiin ang kamay sa pagkapahiya pero tinanggap niya pa rin. Ang laki at ang tigas ng kamay niya, ah? Mukhang maraming ginagawa.
Bumagsak ang balikat ko nang mabilis niya ring binawi ang kamay na para bang napapaso. Nagpamulsa siya at ngumiti ulit sa akin.
"Tara na? Baka mahuli ka sa pupuntahan mo."
Doon ako tuluyang natauhan. Halos magmura ako sa isip habang sinusundan siya papunta sa terminal ng tricycle. Nakatingin lang ako sa likod niya dahil nauuna siya sa akin habang nakapamulsa.
Ayos lang kaya talaga sa kanyang ihatid ako? Hindi naman kami friends para gawin niya pa ito. Nakakahiya pa na pinaghintay ko pala siya sa labas ng apartment ko nang hindi nalalaman.
Tumigil siya sa paglalakad kaya nabunggo ako sa matigas niyang likod. Agad kong hinawakan ang ilong na tumama sa kanya. Lumingon siya sa akin.
"Ayos ka lang?" marahan niyang tanong.
"Ha? Este... oo." Napakamot ako sa batok. "Heto na ang tricycle. Sige... dito ka na lang. Sayang sa pamasahe kung hanggang school ay ihahatid mo pa ako."
He nodded. "Ingat."
Dalawa pa lang kaming pasahero sa sinakyan ko ay umalis na kami. Wala na kasi masyadong lumalabas kapag gabi rito. Mali-late lang ako lalo kung maghihintay ako. Ayan tuloy, tig-bente kami ng binayad noong kasama ko pagkababa namin.
Tinakbo ko na ang daan patungo sa Coffee Break. Tumunog ang wind chime pagpasok ko. Ngumiti ako nang malanghap ang amoy ng kape sa loob. May iilang customer pa rin at mamayang bandang alas dies ay siguradong darami pa iyon. Kabisado ko na kung anong oras dumarami ang tao rito.
"Good evening!" bati ko sa dalawang staff na pang-graveyard shift na naroon.
"Hay salamat, Kyo! Buti naman at dumating ka rin. Ilagay mo na ang gamit mo sa loob tapos pakitulungan naman si Anjo sa paglinis ng mga table," sabi ni Rachel, ang nasa cashier ngayon.
"Si Manager Gus?"
"Nasa opisina niya. Puntahan mo na lang para ipaalam na nandito ka na."
Kumunot ang noo ko nang mapansing silang dalawa nga lang. Sino ang gumagawa ng kape kung ganoon? Ang alam ko ay si Anjo ang barista. Siguro dahil wala pang customer ulit ay siya na muna ang naglilinis.
Nilagay ko ang gamit sa locker namin bago ko sinuot ang cap. Itinali ko rin ang kulay brown na apron sa aking baywang tapos lumabas na para pumunta sa office ni Manager Gus.
"Good evening po, Manager!" bati ko pagpasok sa kanyang opisina.
Nakakunot ang noo niya habang nakaupo sa kanyang swivel chair at may binabasa na paniguradong dokumento. Nag-angat siya ng tingin sa akin noong lumapit ako sa harap ng kanyang table.
"Oh, Kyomi. Mabuti at dumating ka na. Pasensiya na at ikaw pa ang tinawagan ko. Huwag kang mag-alala at counted naman ito as overtime kaya mas malaki ang makukuha mo ngayon."
"Wala pong problema, Manager." I smiled. "Puwede po bang malaman kung bakit wala iyong dalawa?"
"Sinugod sa ospital ang nanay ni Peter. Si Joana naman ay may trangkaso."
Tumango ako. Sana ay maging ayos na ang dalawa. Baka mahirapan din si Manager maghanap ng ipapalit sa kanila kung matagal silang mawawala.
"Sige po. Tulong na po ako sa labas."
Tumango siya kaya lumabas na ako. May dalawang customer na ang nasa table at may isang nakapila sa kahera. Kinuha ko ang ilang gamit panglinis na naiwanan ni Anjo malapit sa pader na gawa sa salamin dahil malamang ay umaasikaso na iyon ng order.
"Good evening, Sir! Welcome to Coffee Break." I smiled widely when a customer went inside.
Hindi niya ako pinansin kaya nagpunas na lang ako ng mesa. Inayos ko rin ang mga upuan at iyong mga nagulong center table.
Alas nuebe nang kumulo ang tiyan ko sa gutom. May break kasi kami kaninang alas singko sa school kaya ngayon lang din nagutom. Nagpunas ako saglit ng pawis sa noo gamit ang panyo ko. Ito 'yong panyo na ibinalik ni Jairo.
Napangiti ako at itinago na lang ang panyo ulit sa bulsa ng pantalon. Napasandal ako saglit sa mesa at napaisip. Jairo... bakit parang narinig ko na ang pangalan na iyon? O baka katunog lang. Kairo yata iyong alam ko.
"Kyomi! Nag-dinner ka na raw ba, tanong ni Manager Gus." Kumunot ang noo sa akin ni Anjo.
Napatalon ako kaya naalog ang mesa. Nakakagulat naman ito!
"Ah, hindi pa nga, e. Kayo ba?" tanong ko pabalik.
Naningkit ang mata niya sa akin. "Kumain na kami bago pumasok."
"Ah..."
"Kumain ka na raw muna. May in-order siyang pagkain para sa 'yo." Kumunot lalo ang noo niya habang sinasabi iyon.
Kumunot din tuloy ang noo ko. Bakit ba ganito siya makatitig? May dumi kaya ako sa mukha?
"Talaga? Sige, bibilisan ko na lang."
"Namumula ka," puna niya bigla.
"Huh? 'Di ah!" depensa ko kaya agad siyang tumawa at umiling.
"Hay naku, Kyo. Kumain ka na nga at baka lutang ka na riyan. Kinikilig ka pa yata, e."
"Hin—" alma ko sana nang bumukas ang pinto sa shop.
Umayos kaagad kami ng tindig at bumati sa kapapasok lang na customer. Napawi ang ngiti ko nang makitang si Jairo ang pumasok. Nakaitim na shirt at tokong. Nilibot niya ang kanyang paningin sa loob hanggang sa magtama ang mata namin.
Ngumiti siya at dumiretso sa counter.
"Sige na, Kyo. Kumain ka na sa loob." Halos itulak pa ako ni Anjo nang sabihin iyon.
Sabay kaming naglakad patungo sa may counter. Lumingon ako kay Jairo at nakitang ngumingisi na siya kay Rachel. Bahagya akong ngumuso bago pumasok sa staff room.
"Let's eat, Kyomi!"
Napahawak ako sa dibdib nang maabutan si Manager Gus na nasa loob at nakaupo sa tapat ng pabilog na mesa. Nakangiti siya na kita ang mapuputing ngipin.
"Uhm... sana ay nauna na po kayo. Nakakahiya naman po." I looked away and removed my cap.
"No, it's fine. Kararating lang ng in-order ko. Hindi ko alam kung kumain ka na kanina pero nagpabili na rin ako ng sa iyo."
Ah, talaga. Ayaw ko sanang mag-isip nang hindi maganda kaya lang, gusto ko sanang sabihin na sana pati sina Rachel at Anjo ay binilhan niya na rin. I mean, hindi ba mukhang may favoritism kung ako lang? Or he just knew that the others already ate their dinner?
Manager Gus is very kind and humble. Hindi rin siya gaanong istrikto at mahigpit sa kanyang mga staffs kaya gustong-gusto namin siya. Palagi ring nakangiti kapag kausap ang mga tao. Kapag seryoso naman siya ay mas lalo akong humahanga sa kanya.
Aaminin ko, naging crush ko siya noong una akong makapasok dito. Malinis tingnan ang kanyang buhok at talagang guwapo. He's nine years older than me, though. Kaya habang tumatagal ay nawala iyon at sa ibang tao ko naituon ang atensyon ko.
Habang kumakain ay nagtatanong siya tungkol sa school ko. Nakaligtaan ko tuloy na may pinauwing quiz sa amin ang isang subject dahil naubos ang time namin sa activity na ginawa.
Uminit ang pisngi ko nang wala sa oras akong napadighay. Tinakpan ko agad ang bibig nang tumawa siya.
"Excuse me po. Hehe."
"Mabuti naman at nabusog ka. Anyway, magpahinga ka na lang muna saglit bago magtrabaho. Punta na ako sa opisina at may inaasikaso pa ako." Tumayo siya at umambang aalis na.
Nagpasalamat ako sa pagkain bago siya lumabas. Inayos ko ang tali ng buhok ko at ipinasok sa butas ng cap. Lumabas na rin ako ng staff room para tumulong sa iba.
"Kyomi, pakidala na nga nito sa table 2," ani Rachel sabay abot sa akin ng tray na may order ng kapeng Americano.
"Uh... sige."
Hinanap ko ang may numerong iyon habang naglalakad. Nang makita ko ang table ng customer ay kamuntik ko nang mabitiwan ang dala. Nandito pa rin siya?
Nang mapansin sigurong palapit ako ay lumingon siya sa akin at agad ngumiti. I noticed that there's a small plate and fork on his table. Mukhang kumain na siya ng kung anong pastry o dessert at ngayon lang um-order ng kape.
"Hi," he greeted.
Nilapag ko ang order niya at ngumiti.
"Enjoy your coffee, sir," sabi ko at bahagyang yumuko.
Aalis na sana ako nang magsalita ulit siya. Tiningnan ko ang counter at nakitang sumisilip dito si Rachel. Napasulyap siya sa akin saglit kaya mabilis siyang umiwas ng tingin at inabala ang sarili.
"Anong oras ang out mo?" usisa ni Jairo.
"Alas dose ang tapos ng shift mamaya."
Tumango siya. "Alas dose ka uuwi?"
"Siguro po, sir."
Bahagya siyang tumawa at nagpangalumbaba sa mesa, nakatingala sa akin.
"Ang tagal mong lumabas kanina roon, ah? Hinihintay pa naman kita," aniya sabay nguso sa direksyon ng staff room.
Napatuwid ako ng tayo at sumeryoso ang mukha. Bakit niya ako hinihintay?
"Kumain lang ako. Excuse me po." Yumuko ako bago tinalikuran na siya.
Sumapit ang alas dies at dumami na nga ang customer. Palagay ko'y mga nagtatrabaho sila ng panggabi hanggang madaling araw at ito ang tambayan nila. Minsan ay tumutulong na si Anjo o kaya'y Rachel lalo na kapag lilinisan ang mesa para sa panibagong customer.
Nagpunas ako ng pawis gamit ang likod ng palad at nilingon ang table ni Jairo. Kanina pa siya roon, ah? Dalawang tasa na ang nasa mesa niya at mukhang naglalaro na lang sa kanyang phone. Anong oras niya kaya balak umuwi?
Kinuha ko ang order sa isang table na may tatlong babae. Naghahagikgikan sila at napapatingin sa isang banda. Nang sinundan ko iyon ng tingin, mukhang si Jairo ang pinag-uusapan nila.
Mukhang totoo ang sinabi ni Fera na sikat siya sa mga mas matatandang babae, ah?
Pagkabigay ng order sa table na iyon ay pinigilan ako ng isang babae na umalis.
"Miss, do you have a pen? May I borrow it?" she asked.
Nagtataka man, pinahiram ko pa rin ng ballpen. Nagsulat siya sa tissue at inabot sa akin pareho iyon. Tiningnan ko iyon at mukhang digits niya ang nakasulat at sa tabi ay ang kanyang pangalan.
"Puwede bang pakibigay roon sa lalaking nakatali ang buhok? Thank you!"
Hindi ako tumanggi pero hindi rin ako pumayag. Basta inabot na lang kasi sa akin at mukhang hinihintay akong pumunta sa kabilang table. Sa huli, nilapitan ko si Jairo. Naglalaro nga siya sa phone ng ML nang masilip ko.
Pinadulas ko sa mesa ang tissue. Kagat ang ibabang labi, tumingala siya sa akin.
"Tapos ka na?" Tumuwid ang kanyang likod/
Umirap ako at nilapit lalo ang tissue sa harapan niya. "Pinabibigay galing sa kabilang table."
Kinuha niya iyon at nilingon din ang table kung saan ako nakatingin.
Humalakhak siya. "Puwedeng pakisabi na hindi ako puwede ngayon?"
Nag-init ang magkabilang tainga ko. Kinagat ko ang aking dila at humalukipkip.
"App ba ako? Messenger? Ikaw magsabi kung gusto mo. Nagtatrabaho ako rito."
Wala pang alas dose nang i-close na ang shop. Mabuti naman at umalis na rin si Jairo dahil sa totoo lang, nakailang balik yata ako sa table niya dahil laging may nagpapasuyo sa akin na iabot ang tissue na may number nila.
Ano bang meron at bentang-benta ang lalaking iyon? Umismid ako sa naisip.
Nagpaalam na ako sa manager namin at sa ibang staff bago lumabas ng shop. Humikab ako at nag-unat bago tiningnan ang relo. Tinanggal ko na ang tali sa buhok dahil nilalamig na ang leeg at batok.
"Sa wakas... uuwi na rin tayo."
Nanlalaki ang mga matang nilingon ko ang nagsalita. Naglakad siya palapit sa akin habang nakapamulsa at seryoso ang mukha. Wala nang isang metro ang layo niya sa akin kaya inangat ko ang aking baba para matapatan ang mga titig niya.
"Bakit nandito ka pa?"
Ilang saglit bago siya ngumiti sa akin at hinawakan ang ulo ko.
"Hinintay kita para may kasabay ka pauwi."

Bình Luận Sách (85)

  • avatar
    a******8@gmail.com

    ang ganda ng story mo te s blurb palang madadala kana good job

    19/07/2022

      0
  • avatar
    Carin Sarino

    nice story

    06/06

      0
  • avatar
    Gerlie Mandia

    ganda

    01/08/2023

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất