logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Chapter 2

Chapter 2
"Thank you, Sir. Have a nice day!" Ngumiti ako sa customer pagkaabot sa kanya ng in-order na kape at tinapay.
Tiningnan ko ang oras sa aking itim na relo. Malapit nang mag-alas onse at doon na matatapos ang shift ko rito sa coffee shop kung saan ako nagpa-part time job. Tatlong shift sa isang araw at pang-umaga ako, kasama sa nagbubukas ng shop.
It wasn't really hard, though. Bago ako mag-Grade 11, panggabi ang shift ko at halos ma-drain na dahil galing school. Ngayon, panghapon naman ako sa school kaya pang-umaga sa trabaho. Usually, six to eight o'clock maraming customer. Kapag ganitong oras na malapit na akong matapos ay medyo chill na lang kaya hindi na masyadong hassle kapag pumasok sa school.
"Kyomi, ako na riyan sa counter. Magpalit ka na at mag-lunch bago pumasok sa school," anang katrabaho ko na si Luhan.
Ngumiti ako at tinanggal ang suot na cap. "Thank you, Luhan! You're the best!" Nag-finger heart ako at kumindat.
"Sige na." Tumawa siya at tinalikuran na ako.
Mas matanda sa akin si Luhan ng limang taon. Tatlong taon na siyang nagtatrabaho rito habang ako ay mahigit isang taon pa lang. Usually, hindi tumatanggap ang coffee shop ng walang experience at hindi pa legal.
I was the first exemption, though. Tito ni Fera ang may-ari ng coffee shop na ito kaya natanggap ako. Talagang pinag-aralan ko ang gagawin at pinagbutihan ang pagtatrabaho para lang makatagal dito at para na rin walang masabi ang iba. Sa ganoong paraan, nakaiipon ako ng pera pambayad sa renta ng apartment na tinutuluyan ko at para sa araw-araw na pangangailangan.
Pumasok ako sa staff room at lumapit sa may locker. Kinuha ko roon ang gamit ko sa school pati ang uniform. Mabuti na lang talaga at sa labas lang ng school namin mismo itong coffee shop kaya less hassle.
Lumingon ako sa pintuan nang bumukas iyon.
"Oh, Kyomi, papasok ka na?" tanong ni Manager Gus.
"Sir, yes, sir!" I saluted and chuckled.
Tumango siya. "Wala pa ba si Klint? Silang dalawa ni Rome ang pumunta sa main branch, 'di ba?"
"Opo. Uh, wala pa po sila."
"Ang dalawang iyon talaga. Siguro ay nag-bike pa ang mga 'yon. Sinabi ko nang mag-commute na lang sila at sa expense naman ibabawas ang pamasahe." Bumuntong hininga siya.
"Okay lang po 'yon, Manager Gus. Exercise na rin."
"Exercise? Mula Rizal hanggang Manila?"
Pagak akong natawa at napakamot na lang sa ulo. Hindi ko naman alam kung anong trip ng dalawang iyon at nagba-bike lagi kapag inuutusan sa labas.
Nang makapagpalit na ako ng uniform ay sinuot ko na rin ang aking ID. Nagpaalam na ako kay Manager Gus at sa ibang staff na naroon bago binuksan ang pinto.
"Welcome to..." nabitin sa ere ang pagbati ko sa taong pumasok sa loob.
Para akong hangin na nilagpasan hanggang sa narinig ko ang tunog ng wind chime na nakasabit sa itaas ng pintuan. Kumurap-kurap ako bago napasilip muli sa loob. Nakasuot ang lalaking iyon ng uniform sa school namin.
"That guy surely is rude," I muttered to myself.
Huminga ako nang malalim at ngumiti na lang. Hindi naman maiiwasan ang mga ganoong tao kaya hayaan na lang. Sabi ni Manager Gus, kapag sinimangutan kami ng isang customer, ngitian lang namin.
Pero kapag naasar na sa ngiti namin, siyempre ay magseseryoso na. Baka kasi mamaya ay itapon na lang bigla sa amin ang kape na binili tapos hindi pa bayaran.
"Kyomi!" sigaw ng kung sino.
Lumingon ako sa paligid at hinanap ang tumawag sa akin. Kumaway ako nang makita si Fera na naglalakad palapit sa akin. Nakasabit sa kanyang kaliwang balikat ang itim na bag at umaalingasaw agad ang matamis niyang amoy nang makalapit sa akin.
Tiningnan ko ang ilang tao na napatingin sa kanya. Sumigaw ba naman nang ganoon kalakas sa labas ng school, e.
Her brow arched. "Katapos lang ng duty?"
"Yup! Kaaalis ko lang din. Kakain muna ako ng lunch sa Chevon. Ikaw?"
"Siyempre, sasamahan kita! Wala pa sina Orange at iba pa, e."
"Alas onse pa lang. Alam mo naman ang mga 'yon." I shrugged my shoulders.
"Oo nga. Tara, may chika ulit ako sa 'yo."
Dumiretso agad kami sa Chevon. Um-order ako ng rice meal habang siya ay tanging softdrinks lang. Inilingan ko siya bago kami umupo sa pang-apatang mesa.
"Kumain ka na ba ng kanin? Softdrinks ka nang softdrinks."
"Woy! Kumain na ako bago umalis ng bahay."
"Oh? Ano na ang chika mo sa buhay?"
Binuhos ko na agad ang sabaw ng nilagang baka sa plato na may kanin. Tumingin ako sa kanya saglit nang magsimula siyang magsalita.
"Remember the guy we encountered two days ago? Here sa Chevon?"
Oh. Iyong guy na long hair at hindi napansin ang existence ko. I only nodded my head.
"Kilala pala siya ni Loke! Sabi ni Loke, taga-HUMSS daw siya. Anyway, his name is Vernon. Pero tawag daw sa kanya ay Von. Loke also told me that Von's actually popular with girls older than him."
Pakihanap nga ang paki ko.
"Tapos?" I urged her to continue nevertheless.
Ngumiti siya at halos magpuso ang mga mata. "Tapos... he asked for my number!"
"Nino? Ni Loke?"
"What?" She chuckled. "Si Von, siyempre! Ba't hihingin ni Loke ang number ko, e, meron naman na kami no'n sa isa't isa!"
"Bakit naman hiningi ng crush mo ang number mo?"
"Ihh! Crush ko ba 'yon?"
"Luh. Parang timang, Fera!" Umirap ako at tinawanan siya.
Uminom ako sa tubig na binili at huminga nang malalim. Maraming crush si Fera na taga-ibang track o strand. At sa tuwing magkakaroon siya ng bagong crush, lagi niyang bukambibig iyon.
Tumawa si Fera habang namumula. Sumipsip siya sa straw ng iniinom at nagpangalumbaba saka bumuntong hininga. Kinuha niya ang phone mula sa bulsa ng bag at may pinindot doon.
"He texted me earlier. Nag-good morning lang naman kaya binati ko rin. Nilagyan ko pa ng smiley emoticon. Tapos after no'n, 'di na ulit siya nag-text," malungkot niyang sinabi.
She showed me the screen of her phone. Palihim akong ngumisi at baka lalo siyang sumimangot. Plain 'good morning' ang galing kay Vernon. Pero grabe 'yong smiley ni Fera. Letter D! Masyadong obvious.
"Huwag mong i-text ulit hangga't hindi pa nagte-text. Hayaan mong siya ang gumawa ng unang hakbang. Kung may gusto nga siya sa 'yo, hindi matatapos ang araw na 'to nang hindi siya ulit nagte-text."
"Paano kung may gusto nga siya sa akin at hindi nag-text dahil hindi naman siya clingy? Ay naku!"
Lah? Natawa ako sa pinagsasabi niya. Talagang iniisip niya na agad na may gusto ang Vernon na 'yon sa kanya?
"Maghanap ka na ng ibang crush kung ganoon," I suggested.
Tumahimik siya at tila nag-isip. Natapos na akong kumain kaya kinuha ko na ang bag ko.
"Tara..." Natigilan ako nang makitang humaba ang kanyang nguso.
"Kapag hindi siya nag-text talaga... remove na siya sa list of crushes ko."
Humalakhak ako at kinuha ang kamay niya para hilahin siya patayo. I really can't believe this girl! Ilang araw pa lang ang nakalipas pero kung umasta ay daig pa ang may boyfriend na nanlalamig sa girlfriend.
But... that's a relief for me. Silently, I prayed that that Vernon guy won't text her. Kapag sinabi kasi ni Fera, gagawin niya.
Alas siete natapos ang lahat ng klase namin. Pagkaalis pa lang ng huling teacher namin ay tumayo na ang mga kaibigan ko at nagkumpulan sa likod. Laging ganoon ang mga 'yan, e. Ang dami munang chika bago umuwi.
Nanatili naman akong nakaupo sa tabi ni Fera. Nag-unat ako ng braso at humikab bago sumilip sa phone niya.
"Nag-text na?" Pinigilan kong ngumisi.
Umiling siya, dismayado.
"Remove mo na!"
"Okay." Tapos ay nakita kong ni-delete niya agad ang number ni Vernon.
Wow, that's what you call speed.
Tumayo na kaming dalawa at pumunta sa nakakumpol naming kaibigan. Pinag-uusapan na naman nila kung saan mag-iinom bukas pagtapos ng school. Nagsisigawan pa sila kahit magkakalapit lang naman.
"Ano, Kyomi? Sama ka na! Doon tayo sa condo ni Orange," anyaya ni Risca.
Ngumisi ako. "Tingnan ko—"
"Sus! Minsan na nga lang sumama, e. Bilis na. Libre na ni Loke ang Alfonso."
"Hoy! Wala akong sinabi, ah!" alma agad ni Loke.
Nilingon ko si Fera sa tabi ko. "Ikaw, Fera? Sama ka ba?"
"Yes, sir. Minsan lang din ako sumama, e." Nagkibit siya ng balikat.
"Okay. Sama na rin ako," sabi ko sa kanila.
Naghiyawan sila bago kami umalis sa loob ng room. Kami na nga lang ang natira at mukhang hinihintay na lang kami ng tagalinis doon na umalis sa loob. Nahihiya akong ngumiti sa kanya bago kami umalis. Ang ingay ng mga kaibigan ko.
"Kyo-chan... you want?" inalok ako ni Hazel ng dala niyang marshmallow.
Kumuha ako roon at kinain agad. I patted her head. She smiled cutely and blushed. Humalakhak ako.
"Thanks, bebe Haze!"
Lumobo ang kanyang pisngi at tinakbuhan ako. Nakakunot-noo ko siyang sinundan ng tingin. Tumabi siya kay Risca na nakikipag-usap kay Orange.
"Ris-chan! Kyo-chan ate my marshmallow!"
Oh. Hindi ko alam kung nagsusumbong ba siya sa way ng pagkakasabi niya no'n. Tumawa sa tabi ko si Fera.
"Ang cute talaga ni Hazel! Kaso... hmp! Hindi ako inalok ng marshmallow, ah? Daya!"
"Huwag mo nang agawan ang bata, Feracious."
Ngumiwi siya at ikinawit na lang ang braso sa akin. Noong nasa labas na kami ay may ilan pang nag-usap saglit bago kami naghiwa-hiwalay nang tuluyan.
Hindi ganoon kalayo ang apartment na tinutuluyan ko. Isang sakay lang ng tricycle at ilang minuto lang ay naroon na ako. Pinupuno nga lang ang tricycle bago kami umalis kung ayaw magbayad ng trenta pesos.
"Bonifacio po." Inabot ko ang otso pesos sa driver.
"Oh, isa na lang! Aalis na!" sigaw ng driver.
Umusog pa ako sa gilid para makaupo ang lalaking pumasok. Halos sumiksik pa ako dahil ang laki niyang tao. Napatingin ako sa kanyang braso ng iabot niya ang bayad. Nilingon ko siya at nakita iyong lalaking may mahabang buhok.
Vernon, if I recall. Nakatali ang kanyang buhok at nakasuot na lang ng puting shirt. Tanggal na ang kanyang polo.
"Saan 'to?"
"Lopez," sagot niya.
Tumikhim ako at umiwas ng tingin. Mauuna akong bumaba sa kanya. Saglit siyang sumulyap sa akin pero agad ding tumingin sa labas.
Snob, ha!
Malakas ang pintig ng puso ko habang palapit kami sa street kung saan ako nakatira. Mag-e-excuse ba ako? Siyempre! Lalabas kaya muna siya para makalabas din ako o baka naman dadaan ako sa harapan niya?
I groaned inside my head. Iniisip ko pa lang ang gagawin nang tumunog ang pamilyar na ring tone ko. Napalingon ang katabi ko sa akin kaya agad kong hinanap ang phone sa bag.
Kainis. Sino ba 'tong tumatawag? Pagtingin ko sa screen, na-accept ko agad ang tawag.
"Hello, Manager Gus."
Napansin kong nanatili ang tingin sa akin ng katabi ko. Kumunot ang noo ko at iniwasan ang tingin niyang nakapapaso.
"Kyomi, tapos na ba ang klase ninyo? Nakauwi ka na?"
"Po? Opo. Pauwi pa lang po ako. Bakit?"
"Libre ka ba ngayong gabi? Dalawa ang wala sa graveyard shift. Pasensiya na at ikaw pa ang inabala ko."
"Uhm..." Napakamot ako sa tungki ng ilong ko. "Okay po. Uuwi lang muna ako para magpalit tapos diretso na po ako ng coffee shop."
"Thank God, you're free. Sige, hintayin na lang kita rito sa shop."
Pinatay niya na ang tawag. Pagtingin ko sa labas, lumagpas na ako sa street namin. Mabilis kong kinalabit ang driver sa braso.
"Manong, para po! Lagpas na ako!"
Nakakainis naman. Nagsabi naman ako na sa Bonifacio lang ako, e. Kainis talaga.
"Lopez?"
Tumigil ang tricycle sa gilid ng kalsada. Lumabas na ang katabi ko kaya sumunod kaagad ako. Sinukbit ko na sa balikat ang strap ng dalang bag at halos takbuhin na ang daan pabalik sa street namin.
"Susie!" tawag ko sa alagang aso pagbukas sa pinto ng apartment.
Narinig ko ang tahol niya at agad siyang tumakbo palapit sa akin. Tumawa ako at ipinatong ang bag sa sofa bago siya binuhat.
"I missed you, too!" Ginulo ko ang buhok niya pagtapos niya akong dilaan sa pisngi.
Pinuntahan ko ang lagayan niya ng pagkain at tubig. Wala nang laman iyon kaya nilagyan ko ulit. Binaba ko na siya sa sahig at nagsimula na akong magtanggal ng uniporme.
"Aalis ako saglit, Susie. Maiwan muna kita ulit, ha? May trabaho si Mommy!" Humagikgik ako at hinimas ang kanyang ulo.
Tumahol siya ulit at hindi na ako pinansin dahil busy na sa pagkain. Pumasok na ako sa kwarto ko at agad naghanap ng extra uniform namin sa Coffee Break, ang pangalan ng coffee shop.
Naligo muna ako ulit dahil kanina pang umaga ang huli kong ligo at baka nangangamoy na ako. Nakatanggap naman ako ng text mula kay Manager Gus at tinatanong kung anong oras ako makakarating doon.
Tumahol si Susie mula sa labas ng kwarto ko kaya lumabas na agad ako. Halos matisod pa ako dahil sinusuot ko pa ang pants namin.
"Susie!" Napatakip ako sa ilong nang makitang dumumi ang alaga ko sa lagayan niya ng tubig.
Nanahimik siya sa isang tabi at pumikit na. Nagpamaywang ako at tiningnan siya nang masama.
"Hindi ba't sinabi ko na huwag kang tatae sa tubigan mo?" saway ko sa kanya.
Kumawag lang ang kanyang buntot.
"Susie!" tawag ko.
Dumilat siya at tumakbo agad papasok sa kwarto ko dahil nakabukas ang pinto roon. Umiling na lang ako at nilagay sa banyo ang tubigan niya. Mamaya ko na nga lang lilinisan at kailangan ko na talagang umalis.
Kinuha ko na ang maliit kong bag na nakasabit sa may likod ng pintuan. Ni-check ko muna iyon kung naroon na ang susi, phone at wallet ko. Nang makitang naroon naman ang importanteng gamit ay saka ko binuksan ang pinto.
"Ay, Lord!" Napahawak ako sa dibdib nang namataang may nakatayo sa harap mismo ng pintuan.
Namilog ang mata at bibig ko nang makilala kung sino ang nasa harapan ko.
"Uh... sorry. Nagulat ba kita?" the long haired guy asked
What the heck is he doing here?

Bình Luận Sách (85)

  • avatar
    a******8@gmail.com

    ang ganda ng story mo te s blurb palang madadala kana good job

    19/07/2022

      0
  • avatar
    Carin Sarino

    nice story

    06/06

      0
  • avatar
    Gerlie Mandia

    ganda

    01/08/2023

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất