logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Chương 6 VI

Chapter Six:
It had been a little over a week nang matapos na ang acquaintance party. Surprisingly nag enjoy naman ako kahit sobrang tahimik ng kasama ko buong gabi. Dahil makapal din ang mukha ko at na trauma na umuwi mag-isa, nagpasabay ako kay Jeremiah nung pauwi na rin siya. Wala naman problema sakin na hindi niya dala yung motor niya kasi coding ang licence plate at magcocommute lang kami pauwi. Siempre hindi naman naalis ang mga tinginan ng mga taong kasama na nasa jeep nung mga oras na 'yun. Both nag overtime sila mama at papa sa trabaho nila, at hindi ko nadala ang cellphone ko dahil wala rin naman akong dalang bag so I practically had to beg on my knees to make him go and commute with me.
Masyadong mahal taxi.
Siguro na rin dahil sa mga suot namin at hindi pa ako masyadong nahaggard kasi hindi rin ako masyadong gumalaw. Ang ginawa lang namin nung event ay nag-usap, ako lang talaga, at kumain ng kahit anong makita namin dun. Hindi siya mahirap pakisamahan pero nawoworry din ako kung ano ang maisip niya tungkol sakin kasi ang daldal ko talagang tao pero dun lang sa taong kumportable kong kasama.
Nahiya muli ako sa kanya dahil hinatid niya ako hanggang samin. Nang sabihin niya na malapit lang naman yung bahay niya para maka sigurado lang at mapakali ako pero ako 'tong hindi na namataan ano pang hiya sa katawan at hiningi ang number niya. Hindi ako kaagad nanghihingi ng number nang may number pero ito lang ang magagawa ko kung gusto ko isuguro kung makakauwi siya ng safe and in one piece or anything. It's not like magiging textmates kami or something. Sobrang bad ko kaya sa pag reply kasi minsan hindi ko napapansin at minsan ayoko talagang pansinin, there was really nothing in between.
At ngayon, kung seswertehin nga naman ako sa tadhana sa kanya dahil kung sino raw ang nakuhang partner noon ay siyang magiging kapartner din sa auditions ng unang theatre play na gagawin namin.
Let me elaborate the story more na sinulat ng mga scriptwriters ang director mismo; tungkol ito sa isang babae may kakaibang kakayahan bilang tao at gagamitin niya ito para sa ikakabuti ng kanyang paligid pero nang nahulog ang loob niya sa isang lalakeng walang asal, walang modo at lalo na't hindi alam ang salitang 'kabutihan' ay bumaligtad ang mundo niya. Bali tanga yung babae at uto-uto pero madali lang akong makarelate lalo na ganun ang pinagdaanan ko. Ewan ko na lang kay Jeremiah kung susubukan niya na kasama ako o ako lang mag-isa but nevertheless I'm enthusiastic kasi first time kong mag-audition sa ganitong kalaking role.
Nang matapos na ang lesson ng teacher namin at lumalabas na ang mga kaklae ko para mag lunch, humarap ako kay Jeremiah para tanungin siya tungkol dito.
"Sasali ka ba?" ang tanong ko sa kanya habang nakatingin ako sa kanya na nag-aayos ng gamit niya sa bag. "Sa theatre? Mago-audition ka?"
Huminga siya nang malalim at tiningnan ako na tila ba may mga kustilyo siyang hinahagis sa diresyon ko. Nasanay na ako sa mga tingin niya dahil kahit saan at kahit kailan, hindi ko siya tinitigilan na patuloy lang pangungulit sa kanya. Kabisado ko na nga siguro anong klaseng mga tingin yung binibigay niya kahit kanino; ngayon ay inis lang talaga.
"No." ang tanging sagot lang niya.
I was getting used to his one word replies pero nag-iba bigla yung mood ko, yung pagka excite ko agad bumaligtad. Nahawa sa pinapakita niya sakin. Pero even though he was acting like this, I still forced a smile upon my lips.
"Sige na! Wala akong kasama mag-audition eh. Saka diba sabi nila yung kapartner nun yung kasama?" I pouted at him. Alam ko ang pagpapa cute ko ay walang magagawang epekto sa kanya but at least I'm actually trying to convince him kahit nagmumukha akong timang sa harap niya.
He shook his head slowly, nothing came out of his mouth. As expected.
"Hahayaan mo na stage crew ka lang? Yung hindi ka makaka perform sa harap ng maraming tao?" I still tried to pursuade him a little more pero mali ata ang nasabi ko kasi natandaan ko na hindi nga pala siya pala salitang tao and he sticks to his short answers.
Naisip ko na rin na bagay sa kanya yung role kahit papaano dahil nakuha niya agad yung ekspresyon ng lalaking bida; hindi marunong ngumiti at lagi na lang hulog na hulog yung mga pisngi na para bang wala nang isisimangot pa yung mga labi niya. Choice pa rin naman niya yung mag-audition, pero kasi nahihiya lang talaga ako pumunta nang mag-isa.
"Yes." sagot niya sakin.
Sumali nga siya ng Literary Art Club slash Theatre Club but he lacks words. Malakas siguro siya sa pag-sulat. Kita pa lang sa appearance niya na nagsusulat siya ng mga nobela, mga poems na nakaka depress o mismong mga kanta na pala na siya rin kumakanta mismo. I know I'm already judging but he's such a mystery to me and I want to find out everything about him from head to toe, his brain and to his heart.
"Pag nagbago yung isip mo, text mo na lang ako ah!" ang sabi ko na lang kaysa pilitin pa siya bago tumayo para kunin ang mga gamit at para kumain na rin.
Nagugutom na ako.
Paalis na sana ako, na nasa pinto na, nang marinig ko ulit ang boses niya.
"Ano makukuha ko rito?" tanong niya.
Tumingin ako sa kanya nang nagtataka kasi naghahanap siya ng benefit sa pag iistage play.
"Siguro exposure," humarap mula ako sa kanya. "Tapos diba hindi ka naman ganun nagsasalita, baka makalabas ka na ng comfort zone mo. Makapag open up ka na sa mga tao."
Tumango siya. "At naiisip mo 'yan?"
"Oo naman! Ganyan din kasi ako dati. Walang mapiga sakin yung mga kaklase ko pero nung nag try ako mag Theatre Club, lumabas na yung kapal ng mukha ko kaya ito, ang daldal-daldal ko na."
Tumingin lang siya sakin nang ilang segundo but it felt like forever at ang awkward para sakin. Naiilang ako kasi ang gwapo niya tapos yung mga niya nakatitig lang sakin.
"Sabi mo." ang huli niyang salita bago na rin siya tumayo at umalis ng kwarto na naunahan pa ako.
Hinabol ko siya as I keep up with his pace. Ang haba kasi ng biyas niya kaya ang lalaki ng hakbang tapos ako ng lilit lang. Yung takbo ko ata jogging lang sa kanya.
"Sabay na tayo kumain." ang sabi ko nang makasunod na rin ako sa bilis niyang maglakad.
"No."
"I don't take 'no' for an answer!" ang sabi ko pa na binalot ang mga braso sa braso niya. Hindi naman siya pumiglas kaya I took this as a good sign.
Kaunting hawak lang nga sa kanya ng ibang tao, o kahit dampi lang, ang bilis niya mag-react o di kaya umiiwas kapag siya. I feel kind of honoured na hinahayaan lang niya ako na ganito ang hawak sa kanya kahit alam kong labag na sa kalooban niya. And I know na mas lalo siyang maiilang kapag maraming tao sa paligid at nakita nila na ganito na kami kaagad ka-close kaya dinala ko siya dun sa karenderia sa labas ng school, halos sa tabi lang, at nag-order na rin para sa kanya.
Kinaiinisan ko sa kanya na araw-araw na lang siyang tinapay kaya ako na yung nag mabuting loob na pakainin siya ng kanin. Baka lalo pa siyang pumayat kapag pinagpatulog niya yung ganung routine sa pag consume niya ng pagkain.
"Meron akong-"
"Shh... ayokong marining." inilagay ko ang isang daliri sa labi niya. "Kakain ka ng kainin at uubusin mo 'yun, okay?"
Magsasalita sana siya pero kapag bumuka yang bibig niya, ipapasok ko talaga yung daliri ko sa loob. Kadiri na kung kadiri, weird na kung weird, ganito lang talaga ako. Just to make sure he shuts up.
Dumating na rin ang mga inorder ko at inilagay ni manang sa lamesa namin na may kasamang tubig niya. Yung tingin nga lang niya nakatuon kay Jeremiah.
"Ang gwapo mo naman bata ka," she complimented. Mukhang nasa edad na rin siya para maging lola ko pero kakaiba yung ngiti niya na napatawa naman ako. "Nobya ka ba niya?"
Tumanggi ako. "Hindi po nanay, kaibigan lang po." ang paalam ko dito.
Tumango ito at lumaki ang ngiti. Wala ring suot na pustiso si manang pero ang cute niya tingnan lalo na sinusubukan pang humarot sa kasama ko.
"Kain ka na palagi dito para palagi mo rin ako makikita." may panguso-nguso pang nalalaman ang matandang kausap.
Nakita kong namumula na yung mukha ni Jeremiah sa nangyayari at naisip ko na dito na lang muna yung biruan baka hindi na kayanin nitong kaibigan ko sa sobrang pagkaflustered niya.
"Sisiguraduhin ko po, manang. Salamat po sa pagkain." I said politely so she could leave us two alone again.
"Okay, hija. Siguraduhin mo lang." ang pagbanta nito saakin at umalis na siya para mag-asikaso ng iba pa niyang mga customers na nandun.
"Lakas mo pala sa matatanda eh." asar ko pa sa kanya. "Heartthrob ng mga senior citizens."
"Shut up."
"Yiee~ tingnan mo kaya 'yang mukha mo, namumula." tinuro ko lang ang magkabila niyang pisngi. "Kinikilig ka noh?"
"We are not going back here."

Bình Luận Sách (31)

  • avatar
    Lao Basilio Shirley

    nice story

    8d

      0
  • avatar
    Nurfaisa Maulana

    💘💘💘

    28d

      0
  • avatar
    EdisanRodime t

    salamat po

    05/07

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất